Isang kakaibang panaginip ang babangungot kay Graciela bunga nang mga nasaksihan niyang karahasan sa Sta. Lucia. Isang di malamang anino ang sumusunod sa kanya na may dalang tiyak na kamatayan. “Buhat sakay nang isang barko galing Maynila kay mararating ni Graciela ang lupang kapanganakan ng kanyang ina ang Isla del Fuego( modern day Siquijor) sa kanyang paghahanap sa kanyang lahi, ang mga mangagaway (Filipino equivalent to sorcerer/sorceress)” Malilibot sa kabanatang ito ang pagtatag ng pondasyon sa setting nang buong kuwento upang maukit ito sa imahinasyon ng mga mambabasa.“Dahil sa kasalatan ay mangangamba si Graciela para sa kanyang sarili. Sa hindi sadyang pagkakataon ay gagawa siya ng isang maliit na kamaliang siyang magiging dahilan upang makilala niya si Sergio Castillo, ang binatang magpapaibig sa kanya sa kuwento.” Sa pahina ding ito ay makikilala niya ang isang misteryosong babae, ang unang manggagaway na makikila niya sa Isla del Fuego. Makikilala sa pahinang ito ang is
Babalik sina Sergio, Graciela at Samuel sa Casa Flordeliza. “Dali-dali namang ginamot ni Sergio ang mga natamong sugat ni Graciela.” Habang ginagamot ay mararamdaman nina Sergio at Graciela ang kakaibang tibok sa kanilang puso na may dalang pagbatid ang namumuong pagtitinginan nila sa isat isa o marahil iyon anila ay dala lamang ito ng mga kakaibang kaganapan sa gabing iyon. Nang makita ni Graciela na hinimlay ni Samuel ang bangkay ni Martina ay agad niya itong pinuntahan. “Dahil si Martina lamang ang susi para buksan ang kaalaman tungkol sa Thanatos, inutusan niyang gaposin ito bago ginamitan ni Graciela ng kanyang kakayahan para buhaying muli si Martina.” Nagawa niya itong buhayin na laking pagkataka at pagkatakot ni Martina. Napag-alaman din na gaya ni Gidiana ay wala na itong kapangyarihang taglay dahil nalipat na ito kay Samuel matapos gamitin nito ang Kal-Akani na may kakayahang nakawin ang gaway ng sinuman. “Hindi naging madali ang pagimbestiga nila ngunit nagsalita rin si Ma
Magsisimula ang istorya sa pagbabalik ni Julian Guevarra, isang Pilipinong ilustrados mula Madrid. Mamumulat siya sa karahasan, diskriminasyon at pang-aapi ng mga Espanyol sa kapwa niyang mga Pilipino. Sisiklab ang kanyang pagnanais na kalabanin ang pamahalaan mulang mapagbintangan ang kanyang tiyuhin at bitayin ito. Malalambat siya sa isang lihim na pangkat na may nilulutong rebelyon. Malalaman niya na ang kanyang mga magulang ay pinaslang sa utos ng pamahalaan. Malalaman niya na hindi ang mga politikong Espanyol ang tunay na kalaban, kundi ang isang makapangyarihang nilalang na nababalot ng misteryo, salamangka at kababalaghan.Dahil rito ay mapapaslang siya, ngunit mabubuhay uli siya bilang isang bampira mulang kainin niya ang kapiraso ng puso ng kanyang maestro na si Calisto na siyang kauna-unahang bampira sa kasaysayan. Sa kanyang pagbalik ay maghihiganti siya at gagawin niya ang lahat lahat upang alamin at puksain ang sinuman itong nilalang na nagpapagalaw sa pangyayari sa Iloca
Nadarama agad ni Julian Guevarra ang paglusong ng matinding sakit sa kanyang ulo, pagkagising niya, tanghaling-tapat. Sa tindi ng sakit ay napahawak siya't hinilot sa dalawang kamay ang mga gilid ng noo para mawala man lang kahit kunti ang kanyang iniinda. Alam naman niya kung ano ang nagdulot nito sa kanya kung kaya ganun na lamang katindi ang pagsakit ng kanyang ulo. Ito ay dahil sa mga nakakalunong na alak na kanyang ininom kagabi habang siya ay nagluluksa.Buong araw nagkulong sa cuarto kahapon si Julian. Hindi siya lumabas at pumunta sa Plaza Polistico kung saan ibinitay sa harap ng maraming tao ang kanyang tiyuhing si Don Condrado. Mas pinili niya ang maglugmok sa cuarto upang makapag-isa kaysa sa makita ang naging magimbal na kamatayan ng kanyang nag-iisang tiyuhin. Hindi niya tanggap ang nangyari kay Don Condrado. Kailanman ay di niya ito matatanggap sa tanang buhay niya dahil para sa kanya, hindi makatarungan ang pagbitay kay Don Condrado. Kaya nga kagabi, nang dumating sa M
Marahil ay lubos nabighani ang Amang Bathala sa kagandahang hatid ng buwang sumisibol sa makarimlang kalangitan kaya naging mahinahon ang buong Look ng Nawaan. Ang mga malalakas at rumaragasang mga alon na karaniwang makikita sa yaong look ay tila nakakapanibago ang kalumanayan, kahit pa man sa ritmo ng mga along ito'y bumabayo sa paligid ang malakas na hanging amihang hatid ay nakakahindik na lamig na animo'y malalambot na mga kamay kung humahaplos sa sinumang balat na makakaramdam. Batid tunay at nangilabot si Anok sa 'di pangkaraniwang bungad na ito ng look. Kung kaya, habang sumasagwan siya sa sinasakyang bangka ay hindi mapigilang umusbong sa isipan niya ang magtaka kung bakit ganoon kabanayad ang asal ng napuntahang anyong-tubig na siyang taliwas sa mga naririnig niyang mga nakakagimbal na mga kuwento mula sa mga taong nakapaglayag na sa bahaging iyon. "Mukhang pinagpala tayo ni Amang Bathala ngayon mga kasama," imik ng isa mga kasama ni Anok habang nakaupo sa may giliran ng ba
Para bang nalimutan na ni Andracio kung anong oras na't napansin na lamang niya sa bintana ng opisina na gumagabi na pala. Buong araw siyang naging abala sa pag-asikaso sa mga nakabinbing gawain sa La Guevarra at dahil na rin ito sa may tinutumbok silang kinauukulang bilang ng mga panibagong cigarillos na kinakailangang gamain para ipadala kaagad sa mga karatig bayan ng Sangrevida na nahinto ng ilang mga araw buhat mangyari ang 'di inaasahang pagkawala ni Don Condrado Guevarra. At dahil wala ang mga may-ari ay hinalilihan muna ni Andracio ang pamamalakad sa buong pagawaan kaya naman ay buong araw siyang naroon at nalibang sa dami ng mga gagawin gaya nang paglantaw sa kalakaran sa pagawaan, pagtatak ng mga selyo't pagpirma sa ilang mga mahahalagang papeles--- mga bagay na karaniwang ginagawa upang masiguradong walang palya ang mga ipapadala nilang cigarillos na siyang tanyag sa ibat ibang mga pamilihan.Sa pag alis ng encargador, ang katahimikan ng buong paligid ang kaagad bumalot kay
Wala na yatang mas sasariwa pa sa hanging bumabagwis sa loob ng makapal na kagubatan ng San Nicolas. Malinis at malamig ito na nagdudulot ng paggaan sa pakiramdaman tuwing madadama sa hubong balat ang binabayo nitong lamig kasabay ang nakakapaglumong buwan. Katahimikan ang siyang naghahari sa buong paligid, na talagang nakakabingi pakinggan. Nakakabuhay naman sa kalooban ang tingnan ang mga namumuhay ditong iba't-ibang uri ng mga mabeberdeng halaman at matataas na punongkahoy na tila ba nagpapaalala sa kasiyahang mayroon ang bawat buhay sa mundo. Sa liblib na bahagi ng kagubatan na ito ay para bang napapunta ka sa isang kakaiba ngunit napakagandang lugar, ang isang lugar na talagang malayong malayo kung maihahambing sa magulong pook gaya nang sa gitnang bayan.Ang animnapu't dalawang taong gulang na padre ay tubong Barrio Umag at may amang tornatras o dugong Kastilang pinaghalo sa Instik, at may inang tubong Pilipino na tagabaryo Umag. Dahil anak ng isang maykayang tornatras, nakapag-
Dumungaw naman ang isang kargador ng barko. Binuhat niya ang aking dalang sisidlan na kaybigat dahil sa mga damit na aking dinala. Sumunod naman ako sa kargador. Bumaba kami sa barko na dinaanan ang hagdanang yari sa makapal na tabla. Palakad-lakad akong naglibot sa buong halamanan.Pagkaraang makababa, bingyan ko siya ng kwalta bilang abuloy sa kanyang pagbubuhat sa aking sisidlan. Nagpasalamat naman siya agad ng buong tuwa, at bumalik sa loob ng barko.“ Sabihin mo iyan sa pinsan mo, hija. Makilala mo siya pagrating natin sa bayan. Halos magkasing edad lang kayo na kinatitiyak kong magkakaintindihan kayong dalawa,” wika ng aking tiyuhin sa akin na may sabay isang tawa.Natuwa naman ako sa sinabi ni Tiyo Graciano. Natuwa akong minasdan ang kargador na nabibigatan sa aking dalang malaking sisidlan na siyang kanyang binubuhat.Patuloy pa rin siyang nagkuwento tungkol sa iba pa niyang mga anak. Nagkuwento rin siya tungkol sa kabataan nila ng aking ina. Ito ang naging aliw namin sa paglal