Share

Chapter 1

1: Monstrous Academy

-

Habang malakas na naghihiyawan at nagpapalakpakan ang mga manunuod sa katatapos lang na woman’s basketball game, ito ako at kinakaladkad ng mga security guard ng sarili kong paaralan palabas ng gymnasium.

This is so unfair! I’m the ace of winning team at kung hindi dahil sa akin ay hindi mananalo ang school na ito. Pagtapos nila akong i-recruit sa team, ganito lang ang gagawin nila sa akin? The audacity!

“My God! Let go of me!” Pilit akong nagpumiglas sa mahigpit nilang paghawak sa mga braso ko ngunit itinulak nila ako palabas ng makarating kami sa main door. I gave them my deadliest glare, hindi ba sila tinuruan maging gentleman?!

“Ma’am Erin, it’s not right to punch the captain of losing team.” Magalang na sabi ng isang gwardya kaya kusang tumaas ang kaliwang kilay ko. Pasalamat siya at kaya kong magtimpi, dahil kung hindiㅡsasabihan ko ito ng N-word.

“Did you know what exactly happened inside the locker room?” Nagtitimping galit na tanong ko ngunit ni isa sa kanila ay walang sumagot. “See? You don’t even know the whole story, and yetㅡyou have the guts to drag me outside?”

“Sorry Ms. Cross, but the dean wants to see you at his office right now.” Sabi ng isa pang gwardya at napabuntong hininga na lamang ako nang muli nila akong hawakan.

“Listen, you’re getting on my last nerve, so when I say let go. LET GO!” Sigaw ko at kusa na silang bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

Inis ko silang inirapan at nang makarating sa tapat ng dean’s office ay agad nagbigay galang ang dalawang gwardya sa akin pero tinaasan ko lamang sila ng kilay bago padabog na pumasok sa loob.

“Ms. Cross, I’m really disappointed, you’re the best player here in Athlos butㅡ”

“I’m not the who started the fight, that bitch punched me first. I just defended myself!” I tried explaining my side of story but he just gave me a questioning look as if I’m lying.

“But it’s not right to hurt your co-student.” I rolled my eyes at his remark. I’ve had enough of their bullshits, ako na lang lagi ang lumalabas na masama. I’m sick of defending myself over and over.

“Wala.akong.pakialam. Ikwento mo ‘yan sa buhok mong panot.” Bastos na kung bastos pero punong-puno na talaga ako. They always put the blame on me like, they always saw me as the bad kid when in fact, I am the victim.

Hindi na ako nag-abalang maghintay pa sa mga sasabihin ng Dean kaya lumabas na ako ng office, but to my surpriseㅡsinalubong ako ng parents ko and they’re smiling at me, weird.

“Congrats for winning the game and congrats for the nth time na na-kick-out ka.” Nakangiting sabi ni Dad at napairap na lamang ako. Paano niya nasabi na na-kick-out ako?

“We heard what you said inside. Wrong move, anak. Nakakaintindi ng Filipino language ang dean.” Natatawang wika ni Mommy. Seriously? How come na hindi ko alam ang tungkol doon?

“Let’s go?” Aya ni Dad at tumango na lang ako ng tipid. Sanay naman na ako kaya wala nalang ito sa akin.

“Sigurado ka ba? Do you think she’s ready?” Boses ni Mom. Halata sa boses niya ang pag-aalala kaya nanatili akong nakapikit para pakinggan ang usapan nila ni Dad.

“She’s already 17, hindi na rin maganda kung mag-stay pa siya sa ordinaryong eskwelahan.” Boses ni Dad, hindi ko na rin napigilan ang sarili kaya bumangon na ako. Mukhang napansin naman nila iyon dahil agad akong nilapitan ni Mommy at naupo sa tabi ko.

“Nakatulog ka ba ng maayos?” She tucked a strand of hair behind my ear as I nod.

“Tungkol saan ang pinag-uusapan niyo?” Tila nabigla si Mommy sa tanong kong iyon. Agad niyang tinignan si Dad na parang nagsasabi na wag siyang magsasalita but too late, dahil lumapit na rin si Dad sa akin at naupo sa kabilang side.

“We’re sending you back to the Philippines tomorrow, at sa Monstrous Academy ka na magpapatuloy ng college. That’s a boarding school Erin, you will stay there until you graduate.”

Awtomatiko akong napatayo dahil sa sinabing iyon ni Dad. This can’t be happening. Nanaginip ba ako? Am I hearing him right?

“Why? At bakit ako lang ang uuwi sa Pilipinas? You knew that my life is in danger.”

“We know and we believe in you. Malalagpasan mo lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo, it’s time for you to stand on your own.” Ani Mommy at napahawak na lang ako sa ulo ko.

“Butㅡ”

“No buts Erin, just do what I say. This is for your own good, our own good.” Dad said as he gave me a peck on my forehead. Tinignan ko si Mommy and she just gave me an assuring smile. Okay! I’m giving up, there’s no way I can win against them.

Hindi ko alam kung anong plano nila pero alam kong ‘pag sinabi nilang makakabuti iyon, I’m sure they mean it, pero bakit pababalikin nila ako sa Pilipinas all of a sudden? At doon pa sa school na iyon ako magpapatuloy ng college?

Although alam ko na roon sila nag-aral, hindi ko pa rin ma-gets kung paano makakabuti ang pagpasok ko roon?

Monstrous Academy is known for being a dangerous slash weird school. Hindi naman sa natatakot akong pumasok doon. Excited pa nga ako dahil alam kong kapag napaaway ako sa loobㅡhindi ako ma-kikick-out basta-basta. Siguro na-realize lang nila Dad na sa school na iyon talaga ako nababagay.

You know, a bad ass like me? The only daughter of legendary gangsters? No wonder. Napatunayan ko na yata sa kanila na may pinagmanahan talaga ako.

Kinabukasan, mas pinili kong wag nang magpahatid kila Mommy and to be honest, I’m disappointed. I don’t want leave them behind.

Napapairap akong pumasok ng airport and today, I just wore my favorite white ripped jeans and black crop top for my flight. Hindi ko alam pero kumportable talaga ako sa ganitong suot, ang presko kasi sa katawan.

After a long long hour. Ito na ang araw kung saan magbabago ang buhay ko. Kung ano man ang nag-aabang sa akin sa loob ng Monstrous Academy, I’m sure that’s not going to be easy. Wala akong masiyadong alam sa eskwelahan na ito dahil hindi naman madalas magkwento sila Dad.

“Welcome to Monstrous Academy Ms. Cross.” Bati ng magandang babae na nakatayo sa gate, tinaasan ko lang ito ng kilay, hindi ko kasi ma-gets kung bakit dito ko kailangan dumiretso after ng flight. Hindi man lang ako pinag-stay sa hotel kahit isang araw. Pinaparusahan yata talaga nila ako.

“I will guide you to your room, don’t worry. Sinabihan na kami ni Mr. Cross na pagpahingahin ka muna ngayong araw, kaya you can rest pagdating sa room mo.” Malumanay na sabi ng babae habang naglalakad kami. Hindi ako nagsalita at sinundan ko lang siya kung saan man niya ako balak dalhin.

Hindi ko rin mapigilang mamangha sa paligid. Sobrang laki ng Academy na ito, para siyang buong city dahil may nakikita akong iba’t ibang establishments. It’s far from the creepy school description. More of, it looks like a paradise but of course it’s just the appearance because the buildings were truly created with high class architecture. I mean, talaga namang napaka-modern. Hindi mo aakalaing may masamang past itong school.

Nang makapasok kami sa girl’s dormitory ay napahinto ang iilang estudyante nang mahagip ako ng paningin nila. Kumunot ang noo ko dahil doon, I really hate the attention they’re giving. It’s creeping me out.

“What are you looking at?” Pagtataray ko sa kanila ngunit yumuko lang ang mga ito at saka nagmadaling umalis sa kinatatayuan nila.

“Nasa third floor ang magiging kwarto mo, so we will use the elevator.” Sabi ng babae nang huminto kami sa tapat ng elevator.

“Just tell me my the room number, I can handle myself.” Bored na sabi ko bago pa nito mapindot ang button.

“No, you can’t.” Sabi niya at saka nagsimulang umakyat ng hagdan, sinundan ko na lang siya hanggang sa huminto kami sa kwarto na may nakalagay na 318.

Kumatok siya roon at may babaeng nagbukas nito. She got this green hair and bangs falling into her forehead, she’s also skinny at hindi niya iyon matatago kahit pa nakasuot ito ng coat.

“She’s Akira Ohara, she will be your roommateㅡMs. Ohara, please tell her all the things she needs to know.” Bilin ng babae at iniwan na ako nito kaya dire-diretso na akong pumasok sa loob ng kwarto at inilapag ang mga dala kong gamit.

T

his school is really unbelievable, muntik ko ng akalain na nasa hotel room ako. Hindi na i-kwento sa akin ni Mom na ganito ang kwarto sa girls dorm, or maybe malaki na talaga ang ipinagbago since decades na rin ang akalipas no’ng mag-aral sila rito.

The room has two full size bed, flatscreen TV, aircondition, walk in closet that good for 2, 1 mini table between the beds and it has two lampshade and comfort room of course.

Sobrang yaman siguro ng may a*i nitong school. Nagpatuloy ako sa paglakad at pumunta sa kama na malapit sa balkonahe. I’m sure kasi na ito ang magiging kama ko since malinis at mukhang hindi pa nagagamit.

“Do you want me to help you with your things?” Tanong ni Akira.

“No, I can manage.” Tipid kong sagot at saka nagpunta sa balkonahe. Mula rito ay tanaw na tanaw ang malawak na field ng school, tanaw in dito ang isa pang building sa hindi kalayua.

“Anong building ‘yon?” Tanong ko ng tabihan ako ni Akira rito.

“Ah, boy’s dorm ‘yan. By the way, what kind of student are you? I’m amiable.” Nilingon ko siya at tinignan mula ulo hanggang paa.

“I don’t know.” I shrugged.

“Ah, hindi ka pa siguro na-test. I’ll tell you na lang... The students here are divided into five kinds. I know it’s weird but if you don’t fit in any kind, hindi ka makakapasok dito..”

“..I also heard na hindi lang ikaw ang transferee ngayong week. Madalas kasing may mga hindi nagtatagal dito kaya umaalis sila, pero ang nakakatuwa ay ‘yung kapag may umaalis, may mga bagong dumadating..”

“Ano nga palang pangalan mo?” Nakangiting tanong niya. She seems so friendly, and I hate it.

“Erin Cross.” Bored na sagot ko and for some reason, her jaw literally dropped. Like seriously? Anong nakakabigla sa pangalan ko at gano’n na lang ang naging reaksyon niya? Nagsalubong pa ang kilay ko nang mas lumapit ito sa akin, she even tried to touch me pero tinabig ko ang kamay niya.

“S-sorry, na-amaze lang ako. I’m an avid fan of your parents. Hindi lang ako makapaniwala na roommate ko ang anak nila.” Nakayukong sabi nito at hindi na ako kumibo, ang weird niya. Pumasok na lang ulit ako sa kwarto at saka inayos ang mga gamit ko.

“I forgot to ask, ano ‘yung amiable?” Ayoko talagang itanong iyon, but fuck! Na-curious ako bigla. Wala naman kasing nabanggit sa akin sila Mom tungkol sa mga kinds na iyon.

“Amiable is good-natured and easy to get along with, kami ‘yung mga estudyanteng friendly so, sana hindi mo isipin na feeling close ako.” Sabi nito at hindi na ulit ako nagsalita pa. I’m curious to know more about this schoolㅡbut I got these feelings na hindi magiging madali ang pag-stay ko rito.

I feel like my new life had already gotten off to a bad start.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status