Share

Chapter 3

3: First day trouble.

-

“Hoy, sino ka ba? Bagong salta ka lang dito, ah.” Ani ng lalaking nasa bandang likuran ko. Mahigpit namang nakakapit sa braso ko si Akira na akala mo’y mag-bestfriend na kami.

“Erin, ‘wag mo na silang patulan. Mga insolent ang mga ‘yan. Gangsters from different schools, dito sila tinapon dahil dito lang sila tinatanggap, mga sophomore na ‘yan.” Bulong ni Akira at tanging pagngisi na lamang ang nagawa ko. I mean, gangster? They look garbage to me though.

Nilapitan ako ng lalaking binato ko at nakipagtitigan pa sa akin. He tried to choke me but due to my quick reflexes, mabilis kong natabig ang kamay niya bago pa man niya mahawakan ang leeg ko.

“Layo.” Utos ko kay Akira nang buong pwersa kong tinanggal ang kamay niyang kanina pa nakapulupot sa braso ko.

“Eriㅡ” Hindi na naituloy pa ni Akira ang mga sasabihin niya dahil nagsimula na akong sumugod. Inuna ko ang lalaking nagtangkang sumakal sa akin kanina, inapakan ko ang paa nito atsaka siya sinikmuraan. Napayuko siya dahil sa ginawa kong iyon. I was about to give my final blow, tutuhurin ko sana ang mukha niya since nakayuko ito ngunit may dalawang lalake ang humawak sa magkabilang braso ko.

“Ang lakas ng loob mo.” Madiing saad ng lalaking nasa kaliwa ko.

“Come on, Xander. Teach her a lesson.” Dagdag pa nito and the next thing I knew? Nasuntok na ako ng Xander na iyon sa may bandang pisngi. I can taste the blood in the corner of my lips. Sinamaan ko siya ng tingin at nag abang sa muli niyang pagsuntok ngunit naramdaman kong bumitaw ang dalawang lalaking nakahawak sa braso ko. Tila napako naman ang paa ng Xander na iyon mula sa kinatatayuan niya.

Nag umpisa na ring mag ingay ang mga babae, more of kinikilig kaya naman lumingon na ako sa likuran ko.

“Tyler! Ano na naman ba?” Reklamo noong Xander and for some reason, bigla na lang akong nilapitan noong Tyler atsaka nginitian. Woah, I thought he’s a girl.

“Erin, nasaktan ka ba? Pag pasensyahan mo na ‘yong pinsan ko.”Aniya at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Did I heard it right? Tinawag niya ako sa pangalan ko? Eh ngayon ko pa lang naman siya nakita. Am I that popular? Lol.

“Hindi mo na ako naaalala? Tyler Sandoval, anak ni Matthew, gangmate ni Tito Thunder, ng daddy mo.” Sabi nito and so I close my eyes trying to remember my childhood days.

“Yeah, I kind of remember pero paano mo nalamang ako ‘to? It’s been years.”

“Hmm, It may sound weird or creepy pero ini-stalk ko kasi ‘yong f******k mo.” Aniya at napangiwi na lang ako. Seriously?

“Xander, stop this nonsense or elseㅡ” Hindi naituloy ni Tyler ang sasabihin niya nang bigla kaming palibutan ng iba pang kasama noong Xander. Kusa naman nang tumabi ang ibang estudyante habang si Akira ay nakita ko na lang na tumakbo papalayo. Saan naman pupunta ‘yon? Don’t tell me, tatawag siya ng guard para pigilan ang away na mangyayari? Ugh.

“Erin, stay behind my back.” Sabi ni Tyler and I was like. Are you kidding me?!

“Hindi ako bata, I can protect myself.” Sabi ko atsaka binigyan ng isang mabilis na suntok ang lalaking a-approach sana sa likuran ko.

Ito na naman iyong akward silence, tinignan ko si Tyler. Puno ng pag aalala ang tingin niya sa akin kaya tinignan ko ang sinuntok ko. Teka, parang hindi naman siya kasama ng mga gangster na ‘to ah? Crap!

Oh my god! Sinuntok niya si Zero.”

She’s dead.”

“Omg, Erin. What did you do?” Tanong ni Akira nang tumakbo siya papunta sa akin. Agad namang nilapitan ni Tyler iyong lalaking nasuntok ko and the weird thing is, nag sialisan na iyong mga gangster. What did just happened?

“Zero. Okay ka lang? Hindi niya sinasadya. Bakit ba kasi nandito ka? Akala niya tuloy kasama ka nila Xander.” Paliwanag ni Tyler at nanatili lamang akong tahimik.

Zero, I remember that weird name. And if I’m not mistaken, siya iyong batang lagi kong nakakaaway noon. Iyong batang dahilan kung bakit ako nagkasugat sa may bandang baba. Dito rin siya nag aaral? O sadyang napagplanuhan na talaga ng mga parents namin na ipasok na naman kami sa iisang eskwelahan gaya ng ginawa nila noong elementary kami?

Pinagpag niya ang kamay niya atsaka ako tinignan. Suddenly, he grabbed my wrist and pulled me closer to him.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” He sounded very angry kaya tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako nagsalita hanggang sa awatin na siya ni Tyler.

“Zero, hindi nga sinasadya ni Erin.” Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa akin no’ng Zero. Tinignan niya akong mabuti at kusa na niyang binitawan ang palapulsuhan ko. Tinignan niya ulit ako, but this time ay makahulugan na. Bigla na lang din siyang umalis habang si Tyler naman ay mabilis na sumunod sa kanya.

Nagsialisan na rin ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin at kami na lang ni Akira ang natira rito. Nagkibit ako ng balikat bago pinulot ang sapatos ko atsaka iyon isinuot.

“I ask for his help, but it make things worse. Nako, paano ba ‘to. I’m sure hindi ka niya titigilan.” Nag aalalang sabi ni Akira habang naglalakad na kami papasok sa main building, kanina pa kami late and I know mapag-iinitan ako ng prof. Like duh, first day trouble? First day late?! Well great.

“Zero Villaruel, intrepid din siya kagaya mo. He’s just a first year pero siya na ‘yong top 1 sa buong intrepid. He’s easily get annoyed with girls, mag-ingat ka sa kanya dahil baka ikaw na ang maging next target niya. I mean, ikaw na iyong sunod na mapaalis dito sa academy dahil sa kanya.”

Patuloy sa pagkwento si Akira pero hindi ko binibigyang pansin. Pagpasok namin sa classroom ay napahinto sa pagsasalita iyong prof. Tinignan niya kami ng masama pero agad din niyang sinabihan si Akira na maupo habang ako ay nanatili lang na nakatayo rito sa harapan.

“Transferee? Tapos late? Hindi ba sinabi sa ‘yo ng mga magulang mo na mahalaga ang oras? At mukhang napaaway ka pa.” Sabi nito but I just stared at him blankly. Asa naman na bibigyan ko siya ng ‘sorry face’. Pinunasan ko na lang ang sugat ko sa may bandang labi at saka bumuntong hininga.

“Introduce yourself. Make it quick. ” Dagdag pa niya.

“Erin Cross.” Bored na sabi ko at saka tinignan ng masama iyong prof. He’s mouth wide open like I said something wrong, what’s with the reaction?

“C-Cross? Take your seat.” Tila bumait siya at nagsalubong na lang ang kilay ko. Naupo na ako sa bandang dulo habang si Akira ay nasa bandang gitna.

Mabilis lumipas ang oras, breaktime. Mukhang kaklase ko si Akira every monday, kaya ito at sinabayan niya ako sa pagkain. Para siyang buntot, kanina pa siyang umaga nakasunod sa akin tapos kapag na-involve ako sa gulo, dadagdag pa siya. Ugh!

“Hey, we’re not friends okay? We’re just roommates, nothing else.” Paalala ko habang kumakain kami. Bakit ba kasi nandito rin siya? Baka akalain ng mga tao ay magkaibigan kami.

“Friday na ‘yong acquaintance party. Pupunta ka ba? Exclusive lang ‘yon for first years.” Sabi niya, hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko.

“You know what, Akira. It’s not good to make friends with me, hindi mo magugustuhan. Lapitin ako ng gulo at masama ang ugali koㅡ”

“I don’t care. A true friend accepts the real you. I want to be your friend and I mean it.” Aniya at hindi na ako kumibo hanggang sa may pares ng sapatos ang huminto sa pwesto namin. Binaba ko ang burger na hawak ko at saka tumingala para makita kung sino ang taong ‘yon. Bakas sa mukha ng ibang estudyante ang pagkabahala.

“What?” Tanong ko kay Xander who’s giving me a death glare right now.

“Pwesto namin ‘to. Move your ass and leave like a good dog.” Maawtoridad na sabi nito.

“Tara na Erin.” Aya ni Akira nang hawakan niya ang tray niya at akma na sanang tatayo.

“No, stay.” Utos ko at agad naman niya ‘yong sinunod. Pero hindi ko nagustuhan ang sunod na nangyari. Gasps were all heard aroud the cafeteria nang ipagtatapon ni Xander ang mga kinakain namin. Seriously, what’s his deal?

“I said move!” Sigaw niya and in just one snapped, my fist connected to his face and he fell on the ground. Kanina pa siya! Ano bang problema ng walangyang ‘to? Inuubos niya ang pasensya ko.

“Erin.” Bakas sa boses ni Akira ang pagkatakot nang lapitan niya ako kaya itinago ko siya sa likuran ko. Mabilis namang nakatayo si Xander na nanlilisik ang mga mata.

“I’m so sick of you since this morning and you really have the nerve. I’ve already had enough of your bitch face.” Galit na wika ni Xander. Sinubukan akong pigilan ni Akira but she failed. No one can stop me now.

“If I were you, tatawag na ako ng ambulance. I’m not sure kung kakayanin ng nurse sa infirmary na gamutin ka pagtapos ng gagawin ko sa ‘yo.” Banta ko at hindi ko na pinatagal pa. He really mess with the wrong person.

Nauna siyang sumugod sa akin, mabilis ko namang nakuha iyong tray na gamit gamit ni Akira kanina. Inilapag ko iyon sa sahig at saktong paghakbang ni Xander ay natapakan niya ‘yon which cause him to fall on the ground for the second time. Gasps and chuckle were heard everywhere.

Ni isa naman sa mga kasama niya ay walang balak mangialam kaya nanatili na lang sila sa gilid at nanuod.

Hinila ko ang buhok niya at saka nginudngod sa mga nasayang na pagkain. Now, he’s too embarassed to stand up kaya naman sinubukan ko siyang turuan pa ng leksyon, I was about to kick him pero may mga gwardyang pumasok at isang school staff, I don’t know kung prof ba siya or what.

“Ms. Cross! In my office, now!” Maawtoridad na utos nito sa akin. Tumingin ako sa paligid. All eyes were on me. Fine.

Tinigilan ko na si Xander at saka padabog na sumunod sa lalaking ‘yon. Great, just great!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status