Share

Chapter 5

Chapter 5: Protectors.

-

Fuck. Ang sakit ng buong katawan ko. Pag bangon na pag bangon ko si Akira agad yung bumungad sakin, sabagay kami lang naman ang nandito sa kwarto.

"Erin, sorry for what happened yesterday. Dapat inexplain ko sa leader ng Intrepid na hindi ikaw ang nag umpisa ng gulo" nakayukong sabi ni Akira.

"It's okay. Sanay na ko" bored na sabi ko at saka dumiretso sa banyo para maligo.

Ganun naman kasi ang panahon ngayon, husga nalang ng husga. Some people are quick to judge as if they know the whole story or what's really going on. Kung ano man yung nakita o nalaman nila ayun na yung paniniwalaan nila. And that's what you called stupid. Kaya ako? Kung ano man ang isipin nila sakin? I don't care. I'm not going to please them para lang maniwala sakin.

Hours had passed. News really spread fast around here. Everyone seems so afraid to block my way kaya naman kusa silang tumatabi sa daan. Pero wait, ako ba talaga ang dahilan ng pag tabi nila? Huminto ako sa kalagitnaan ng hallway at saka lumingon.

Oh great, just great! Why do i need to see his face? At ganito pa talaga kaaga.

Zero with his blank face, nakabulsa ang mga kamay at cool na cool na nag lalakad habang nakaunbotton yung uniform at nakapanloob ng puting tshirt na may nakasulat na 'HATE'

"Oh my god, ang hot talaga ni Zero"

"Ughh"

"How to be his girlfriend?"

Nairita ako sa bulungan, pinag papantasyahan nila 'tong baluga na 'to? Tss, mga walang taste. Nag patuloy ako sa pag lalakad pero..

"Babe" tawag ni Zero and it giving me goosebumps when he wrapped his arm around my shoulder. What the hell?! What is he up to?

"Did you just call me babe? Yuck!" Tinanggal ko yung kamay nya at saka pinagpag yung uniform ko. Inangat naman nya yung dalawang kamay na parang sumusuko. Tinignan nya ko ng makahulugan at saka nag patuloy sa pag lalakad. Tch, baliw.

Eyes were on me again. Everyone around me are whispering and gossiping. It really pissed me off.

Nang makapasok na ko sa classroom agad akong naupo sa dulo. Maayos at tahimik naman ang naging araw ko. Finally. Simula ng pumasok ako sa academy na 'to parang hindi na na natahimik yung buhay ko.

•••

Kinabukasan, Naisip kong puntahan muna si tito Axel bago mag punta sa klase pero pag dating ko sa keen's lab, si Alex ang bumungad sakin. Nginitian nya ako at saka nilapitan.

"Ba't ka nandito? Wala si dad, may kailangan ka ba?" Tanong nya at umiling lang ako.

"Hatid mo ko sa english room, hindi ko alam kung saan yun" sabi ko at bigla syang ngumiti ng wagas.

"Tara, doon din yung klase ko ngayon. Finally. Makikita mo narin yung iba" sabi nya habang nag lalakad palabas, sumunod nalang ako hanggang sa makarating kami sa isang building na malapit sa main.

"Nasa fifth floor yung english room, mas mabilis kung mag eelevator tayo"

"Ayoko, mas gusto kong mag hagdan" sabi ko at saka nag umpisang mag lakad paakyat. Narinig ko syang sumunod at nag patuloy lang ako hanggang sa makarating na kami ng 5th floor.

Rinig na rinig ko yung pag hinga nya at nagawa nya pa kong hawakan sa balikat.

"Grabe, hindi ka ba napagod?" Tanong nya sakin. Walang wala 'to sa mga ginawa ko noon sa combat school na pinapasukan ko sa America. Nag patuloy sa pag lakad hanggang sa makapasok na kami sa english room. Walang prof but this class is so interesting. I can see Xian, Tyler and Jester. Agad akong hinila ni Alex papunta sa tatlo. Mukang nabigla rin sila.

"Ba't kasama mo yan?" Iritang tanong ni Jester.

"Mag kakilala na kayo?" Tanong ni Alex.

"Sino ba yang pakialamera na yaㅡ" Hindi naituloy ni Jester yung itatanong nya ng bumulong si Tyler sakanya, ngumisi nalang ako at saka naupo sa may bandang dulo malapit sa bintana.

"No, Erin. Don't sit there" sabi ni Xian at bago pa ako makapagsalita bumukas na ng marahas yung pinto at pumasok si Zero. Sakin sya agad nakatingin, tinaasan ko lang sya ng kilay ng huminto sya sa harapan ko.

"Move. Upuan ko yan" cold na sabi nya kaya naman tinignan ko yung lamesa. Sa gilid at ilalim.

"Sorry, but i don't see your name here" sabi ko pa at saka kinuha yung pentelpen nung babae sa galid ko. Lakas loob kong isinulat yung pangalan ko sa lamesa.

"Now what? It's my property. I have my name on it. Shoo" iwinasiwas ko pa yung kamay ko but he slammed his hand onto the table. Agad nag panic sila Xian kaya naman tumayo sila at saka lumapit kay Zero.

"Sinusubukan mo ba talaga yung pasensya ko?" Galit na wika ni Zero. Hindi ko sya sinagot at kinagat kagat lang yung kuko ko. Wala eh, trip ko syang asarin. Akala nya siguro nakalimutan ko na yung kababuyang ginawa nya kahapon.

"What's going on? Take your seats" sabi ng babaeng pumasok which i believe na prof namin ngayong subject. Wala ng nagawa si Zero kundi maupo sa ibang upuan. 1 point for Erin. Tinignan ako ng prof at saka ako sinabihang tumayo.

"Mind introducing yourself?" Ugh, why again?

"Erin Cross. Intrepid" agad akong naupo at tila sakin nakatingin ang lahat.

"So you're the new badass of this school" sabi ng prof. Muka naman syang dalaga, i guess na sa early 30's palang sya.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Well narinig ko lang naman 'yon sa ibang estudyante. By the way. You can go back to your dorm, walang klase" sabi nya at basta nalang sya lumabas. What the fuck?! Gumising ako ng maaga para sa wala?! Badtrip.

Nanatili akong nakaupo habang yung iba ay nag sialisan na maliban kay Xian, Tyler and Alex. Nag kumpulan sila dito sakin.

"What?" Tanong ko sakanila. Hindi kumibo yung dalawa maliban kay Xian.

"Tinawagan ako ni dad yesterday, he told me that we need to protect you" sabi nya.

"Sinabihan din ako ni dad" sabay na sabi ni Tyler at Alex. Tinignan ko lang silang tatlo habang nakakunot ang noo ko.

"We need to guard and protect you" dagdag pa ni Tyler.

"Guys, i don't need bodyguards. I am my own security" akma sana akong tatayo pero hinila ako ni Xian pabalik.

"Wag na matigas ulo Erin, alam mo yung sitwasyon mo diba? Nasa Pilipinas ka na ngayon at sa tingin mo ba hindi alam ng Red organization yun?" Tanong ni Xian.

"Sooner or later, kikilos sila" pag singit ni Alex.

Sa totoo lang, i don't really know kung sino yung Red organization na yun. Basta naikwento sakin nila dad na isa 'yong syndicate who's after me. If i still remember, dahil 'yon sa code na ibinigay sakin ng taong kumidnapped sakin noon. Code na tanging ako lang ang nakakaalam.

Lumipas pa ang oras, kami nalang ni Xian ang mag kasama. Sakanya naman kasi talaga ako pinakamalapit nung mga bata pa kami. He's friendly unlike Zero na parang ipinag lihi sa sama ng loob.

"Let me show you around so you'll know where things are" sabi ni Xian, yeah. He insisted to show me around the campus, gaya ng sinabi ko noon para kasing isang malaking city 'tong academy. May makikita kang convenience, food stalls, at meron ding boutique. Cool right?

"Ang weird no? 11 years na ang lumipas pero naaalala parin natin yung mga bagay bagay. Namiss talaga kita" sabi ni Xian ng akbayan nya ako. Ngumiti lang ako at inumpisahan na nyang ituro ang ilang bagay na dapat kong malaman.

Itinuro nya sakin kung nasaan yung gym, infirmary, faculty, function hall at yung gate's of hell.

"No one dares to go inside that gate, it's dangerous. May sabi sabi na may ilang tao na raw ang namatay sa loob nyan, meron naman nag sasabi na dyan nakatambay ang ilang deadly gangsters, more of involve sa mafia. Hindi narin kasi sakop ng school's management yan, kaya wala silang control sa loob" kwento ni Xian. But damn, nacucurious ako, i hate that feeling. Curiosity kills right?

Mas lalo lang akong nag kakainteres pumasok sa loob. Gate's of hell. Creepy but cool, wait for me. Soon, makikita ko rin kung anong meron sa loob ng gate ng yan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status