Share

Chapter 8

8: Hello bitches!

-

“Hindi ba tayo mapapagalitan? 10:00 p.m na and guys may curfew, remember? Saka hindi ba pwedeng sa kwarto na lang namin siya mag-stay? Alam mo naman si Zero, galit siya kay Erin.” Boses ni Tyler.

“Dude, are you out of your mind? Nakalimutan mo na bang roommate mo ang pinsan mong si Xander?.. Eh sa amin na lang.” Boses ni Alex, ano bang pinagtatalunan ng mga ‘to?

“Hell no, ayoko ng may panget sa kwarto. Curfew na and anytime soon dadating na ang panot na nag-iikot dito sa boy’s dorm kaya bumalik na tayo sa kanya kanya nating kwarto. Sila na bahala d’yan.” Panandaliang tumahimik at nakarinig na lang ako nang pagsara ng pinto kaya naman dahan-dahan ko nang minulat ang mga mata ko. Wait, parang pamilyar ang lugar na ‘to, ah?

“Erin, finally. You’re awake. Okay ka lang? I mean may masakit ba sa ‘yo?” Nag-aalalang tanong ni Xian. Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at tumingin sa paligid kung saan nahagip ko si Zero na nakasandal sa balkonahe at nakatingin ng masama sa akin. What the hell? Anong nangyari? Bakit nandito na naman ako sa kwarto na ‘to?

“What happened?” Tanong ko.

“You passed out, bakit kasi nakisali ka pa sa gulo kanina?” Tanong niya at bigla na lang pumasok sa isip ko ang nangyari sa party.

/Flashback/

Halos lahat ng atensyon ay nasa amin. Suntok dito suntok doon, ni isa ay walang naglakas loob na umawat kahit na iyong mga gwardyang nakaabang.

Napatumba na namin ang ilang 4th year na lalake pero hindi ko inaasahan na may susulpot pa para makisali rin. Sinugod ako ng isa at hindi ako agad nakaiwas pero naramdaman kong may humawak sa baywang ko para ilayo sa lalaking iyon. Mabilis niya ring nasuntok ang lalake bago ako tinignan.

“Mamaya ka na magpasalamat.” Ani Jester, kinindatan niya pa ako at saka sumugod sa iba. Habang ako, parang napako sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita kong gulo. Nakatumba na ang iilang upuan at lamesa pero patuloy pa rin sa pagtugtog ang this is what you came for’  ni Rihanna.

Pasugod na sana ulit ako ngunit naramdaman ko na lang na may matigas na bagay ang tumama sa likuran ko na naging dahilan para magdilim ang buong paligid ko.

/End/

“Bida bida kasi, kaya ayan napapala. Kami pa iistorbohin mo rito.” Sabi ni Zero mula sa balkonahe. Hindi na ako sumagot dahil hinawakan ni Xian ang balikat ko.

“Don’t mind him, naisip ko na rito ka na dalhin since walang magbabantay sa ‘yo... Kakatapos lang din ng party at curfew na. It will be better kung dito ka na magpaumagaㅡ” Biglang huminto sa pagsasalita si Xian nang tumayo si Zero. Then we began hearing footsteps in the front rooms kaya tumahimik kami.

Sumenyas si Zero na itago ako ni Xian, wrong move naman kung si Xian ang ihaharap doon sa nag-iikot tuwing curfew. He’s probity at maling sagot lang niya, I’m sure tatlo kaming mapaparuhasan. Patayo na sana ako but damn! Ang sakit ng likuran ko.

“Hindi mo kaya?” Tanong ni Xian at sabay sabay kaming lumingon sa pinto nang may biglang kumatok. Wala na ring nagawa si Xian kung hindi ang buhatin ako na parang bagong kasal at dalhin sa cr para roon magtago.

“What?” Rinig kong boses ni Zero mula sa labas.

“Where’s your roommate?” Boses ng matandang lalake. Tinignan ako ni Xian as he mouthed the word ‘wait lang’ tumango ako at saka niya ako marahang ibinaba.

“I’m here.” Sabi niya paglabas niya ng banyo. Maya maya lang ay binalikan niya ako at saka binuhat ulit pabalik sa kama kung saan ako nakapwesto kanina.

“That’s a relief. Mag-shower lang ako. You can use my bed, tabi na lang kami ni Zero sa kama niya. Pahinga ka na.” Nakangiting sabi ni Xian at saka pumasok sa banyo kaya naman kami na lang ni Zero ang magkasama rito.

He’s sitting in front of me when all of a sudden, bigla siyang tumayo at naupo sa tabi ko.

“Tumalikod ka sa ‘kin.” Walang emosyong utos nito at bago ko pa man maibuka ang bibig ko para magreklamo ay inangat na niya ang damit ko sa likuran. As in, what the hell?

“Perverㅡ”

“Does it hurt?” Bigla niyang hinawakan ang likuran ko at bahagya akong napapikit dahil sa sakit. Ibinaba niya ang damit ko at saka naglakad papunta sa pintuan.

“Saan ka pupunta? Bawal ng lumabas ‘di ba?” Tanong ko bago niya pa maikot ang doorknob. Hindi niya ako nilingon at hindi na rin ako umasa na sasagutin niya ang tanong ko kaya umiwas na ako ng tingin pero...

“Kukuha ako ng yelo para sa likod mo.” Sagot niya at saka tuluyang lumabas. Nanatili lang akong nakatingin sa pinto. What the! Sinapian ba siya? He’s being nice and that’s creeping me out.

Ilang minuto pa ang lumipas, it’s been what? 10 minutes at halos sabay lang natapos maligo si Xian sa pagbalik ni Zero. Saan ba siya kumuha ng yelo?

“Oh lumabas ka pa? Ano ‘yang dala mo?” Tanong ni Xian habang nagpupunas ng buhok. My God, nakakalimutan niya yata na nandito ako. Lumabas siyang half naked, like seriously? His lower body is wrapped with a white towel showing his damn six pack abs.

“Dude, alam kong hindi siya mukhang babae pero bumalik ka sa banyo at magbihis bago ka lumabas.” Sabi ni Zero nang ilapag niya ang dala-dala niyang plastic sa lamesang nasa pagitan ng kama. Tinignan ako ni Xian at saka nag-sorry, tumango lang ako ng tipid at bumalik na siya sa banyo dala-dala ang damit na kinuha niya.

“Nagb-blush ka.” Nakangising komento ni Zero nang maupo siya sa harapan ko. Sinamaan ko siya ng tingin, akala niya siguro ah palalagpasin ko ang sinabi niya na hindi ako mukhang babae. Kumuha ako ng unan at saka iyon ibinato sa kanya. He look so pissed pero hindi siya gumanti, kinuha na lang niya ang plastic at nilabas ang icepack na mukhang sa infirmary pa yata galing.

“Oh, idampi dampi mo sa likuran mo.” Inabot niya iyon sa akin at saka nahiga sa kama niya. Nakakunot lang ang noo ko sa kanya. Is he okay? May sakit ba siya?

Paglabas ni Xian ay agad siyang lumapit sa akin, inalalayan niya akong humiga at saka ako kinumutan. Kinuha rin niya sa akin iyong ice pack at saka marahang dinampi dampi sa likuran ko habang nakatagilid ako.

Kinabukasan, maaga pa lang ay ginising na ako ni Xian. 5:00 a.m pa lang at palihim na kaming lumabas ng boy’s dorm habang mahimbing na natutulog si Zero. Luckily, wala pang gising ng ganitong oras since saturday ngayon.

Payapa akong nakabalik sa kwarto, tulog din si Akira kaya naman nahiga na ako sa kama ko at natulog ulit.

Paggising ko si Akira agad ang bumungad sa akin. Literal, dahil pagdilat ng mga mata ko ay mukha niya ang una kong nakita.

“My god! Akira!” Reklamo ko nang bumangon ako.

“Saan ka natulog last night? Mabuti na lang at binuksan ko ang shower kagabe, napaniwala ko ‘yong nag-iikot na nasa cr ka.” Sabi niya at ngumiti lang ako ng pilit. Did she really do that? Should I thank her? Naah!

“It’s none of your business.” Sabi ko at saka pumasok ng banyo. Ugh! I want to be nice but my mouth doesn’t want to cooperate. What the hell.

Hours had passed. Medyo tahimik sa campus since saturday nga ngayon at walang klase, pero kahit gano’n ay may mga estudyante pa ring makikita sa paligid. Some of them ay nasa ilalim ng puno at nagbabasa ng libro, ang iilan ay tumatakbo sa field, more of parang nagpa-praktis.

And then there’s me, standing like a potato. It’s so boring, kaya nga ako lumabas ng dorm para makalanghap ng sariwang hangin but damnㅡwrong move.

“Hey bitch! You’re the new girl, right? The one who flirts with Zero and the one who ruined the party last night?” Sabi ng babaeng hindi naman kagandahan at may kasamang alipores sa magkabilang gilid.

“Oh, hello bitches.” Iyan lang ang lumabas sa bibig ko, ewan ko ba. Wala ako sa mood makipag-away, give me a damn break already!

“How dare you?! Ikaw ‘yon ‘di ba?” Tinulak niya ang kaliwang balikat ko kaya naman bahagya akong napaatras. Ano bang ipinaglalaban nito?

“Hey girl, stop messing with me. You don’t know what I’m capable ofㅡ”

“I don't care. Your surname doesn’t scare me at all, bitch.” In-emphasize niya talaga ang salitang bitch. Namumuro na siya, wala ako sa mood pero inuubos nito ang pasensya ko at talagang idinamay niya pa ang apelyido ko? Nilapitan ko siya pero bigla siyang umatras kasama noong dalawang babae sa gilid niya and for some strange reason bigla siyang yumuko.

“Don't hurt me, please!” kumunot na lang ang noo ko dahil sa sinabi niya. Baliw ba sya orㅡ

“Erin!” Naramdaman ko na lang ang sakit ng paghila niya sa braso ko, dahilan para tignan ko siya ng masama at saka tabigin ang kamay niya.

“Zero. She’s trying to hurt me, nakikipagkaibigan lang naman ako peroㅡ”

“THE HELL?!” Sigaw ko kaya naman nakuha ko ang atensyon ng ibang nasa paligid na malapit sa amin. Ang kapal ng mukha ng babaeng ‘to para gumawa ng kwento.

“Umalis na kayo.” Walang emosyong sabi ni Zero at nagsisunuran naman ang tatlong babae na iyon. Tinignan pa ako ng nasa gitna at saka nginisian. She really want to mess with me, huh?

“Mag-usap nga tayo.” Ani Zero nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at hatakin papunta sa gilid ng main building. Marahas niya akong binitawan at sinamaan ko siya ng tingin.

“What the hell is your problem?!”

“Listen, bawas bawasan mo ‘yang paghahanap mo ng gulo. Hindi ka pa nagtatagal dito at ‘wag mong hintayin na may mga taong maghalungkat sa buhay mo, sa totoong ikaw.” Sabi niya at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

“What do you mean?”

“You’re aberrant, right? Kung gusto mong magtagal dito, stop being a bitch.” Sabi nya at iniwan na niya akong nakatunganga rito. Bitch? Ako pa talaga ang bitch? The nerve!

I can’t believe na gano’n ang tingin niya sa akin, I know we’re not in good terms pero to hear that word coming from his mouth? Bakit parang mas nakakainsulto? I really hate him, wait for me Zero. I’ll show you the true definition of bitch!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status