Share

Chapter 9

9: Gates of hell.

-

Weekend passed by in a blur, another boring class for today and it seems that I became more famous. And to be honest, that’s not a good thing dahil sumisikat ako sa sunod sunod na gulong napapasukan ko. No wonder kung bakit may ilang umiiwas na sa akin kapag makakasalubong ko. Ugh!

Mabuti na lang at naging maayos ang unang dalawang subject ko kaya ito at kasama ko si Akira kumain. Medyo nasasanay na ako sa kanya, kahit anong taboy ko ay gusto pa rin niya akong maging kaibigan.

“Hmm, close ba kayo ni Zero?” Ngumisi ako sa tanong niyang iyon, pero hindi ko siya nasagot dahil sa biglaang pagsulpot ni Alex at Jester. Sabay pa silang naupo sila sa magkabilang gilid ko.

“What?” Tanong ko.

“Wala, masama ba makiupo?” Tanong ni Jester sabay kuha sa saging na nasa tray ko.

“Kapal nito! Sige lamutakin mo lahat ‘yan, tutal mukha ka namang unggoy.” Hindi niya ako pinansin at tinawanan lang kami ni Akira. Bakit ba kasi nandito silang dalawa?

“May iniwan pala ‘yong dad mo sa office ni dad. Kunin mo mamaya.” Ani Alex habang inikot-ikot niya ‘yong phone niya. Tumayo ako at saka inubos ang iniinom kong juice kanina.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Akira. Hindi ko siya sinagot at naglakad na palabas ng cafeteria habang nakasunod si Alex at Jester. Geez! Sinabihan ko na sila na ‘wag bubuntot sa akin but what the hell?

“I forgot, hindi ka na pala pwedeng pumasok d’yan, ako na lang kukuha no’ng iniwan ng dad mo.” Sabi ni Alex nang makarating kami sa tapat ng keen’s lab.

“Bakit hindi naa ko pwedeng pumasok?”

“You’re intrepid remember? Once na magkaroon ka na n’yan, ‘di ka na allowed dito.” Sabi niya sabay hawak sa palapulsuhan ko kung nasaan iyong tattoo ko. Tumango na lang ako at naiwan na kaming dalawa ni Jester dito sa may labas.

“Akala ko ba masyado kang gwapo para maging bodyguard ko lang. Eh, bakit nakasunod ka sa ‘kin ngayon?” Tanong ko para naman hindi maging awkward ang paligid.

“I just want to make sure na safe ka. Pinagkatiwala ka sa ‘min kaya sa ayaw ko’t hindi, kailangan kitang bantayan lalo pa’t mas lalo lang nalagay sa delikado ‘yang buhay mo.” Sumandal siya sa may pader at binulsa ang mga kamay niya. Panandalian akong hindi nagsalita at tumabi sa kanya habang nakasandal din.

“Did you really said that?” Tanong ko at nilingon niya ako.

“Iyong mga lalake sa party... Those guys are gangsters, at hindi lang basta gangsters. Involve sa mafia ang isa roon.” Sabi niya. Okay, did I heard him right? Mafia? Mahal ko pa buhay ko at sapat na iyong mga sindikatong banta sa buhay ko pero mafia? Ibang usapan na ‘yon. Geez Erin, anong gulo ‘tong pinasukan mo?

“So wether you like it or not, babantayan kita.” Dagdag pa niya. He’s not in his usual self kaya naman hinawakan ko ang noo niya to check kung may sakit ba siya or what.

“Wala ka namang sakit pero anong nangyari sa ‘yo?” Tanong ko at bigla na lang niyang tinabig ang kamay ko.

“I’m not doing this for you, I’m doing this for dad. Ang pagprotekta na lang daw sa ‘yo ang nakikita niyang paraan para makabayad sa kasalanang ginawa niya sa mommy mo noon.” Seryosong sabi niya sabay ngisi. Hindi na rin ako nakapagsalita pa dahil biglang dumating si Alex na may dalang maliit na box. Inabot niya iyon sa akin at agad ko namang kinuha.

“Babalik na ako sa klase.” Walang emosyong paalam ko at saka tumakbo pabalik sa classroom. Wala pa naman iyong iba kong kaklase kaya tinignan ko kung ano ang laman ng box na ‘yon. Necklace na may angel wings sword cross na pendant. Kusa na lang akong napangiti at saka iyon dali-daling isinuot.

Dismissal at naglalakad na ako sa hallway nang may biglang bumangga sa akin, more of talagang sinadya dahil ang lawak ng daan.

“Tumingin ka nga sa dinaraanan mo.” Sabi noong babaeng nagmamaganda, it’s her again. Noong sabado pa ‘tong babaeng ito, ano ba talagang problema niya sa akin? Konti na lang bibingo na siya. Pasalamat siya at wala pa rin ako sa mood ngayon kaya naman hindi ko siya binigyang pansin at nag mpatuloy sa paglakad.

“Don’t you ever turn your back when I’m talking!” Naramdaman kong may ibinato siya sa akin kaya naman huminto ako sa paglalakad. I clenched my fist and let out a deep sigh, she really wants to mess with me, huh?

Yumuko ako para hubarin ang sapatos ko, matapos noon ay ibinato ko iyon sa kanya. Huh, beat that sucker!

“Aw!” Sigaw niya at bigla na lang siyang tumumba. Eh, late reaction naman itong babaeng ‘to. Tch, magpapatuloy na sana ako sa paglakad pero nakita ko si Zero. Tahimik na naglalakad habang nakatingin sa cellphone niya.

“Ang sama talaga ng ugali mo, ano bang ginagawa ko sa ‘yong masama?!” Sigaw ng babae kaya napalingon ako sa kanya. Oh here she is again with her fake drama!

Nagmadali akong pumunta sa kanya para kunin ang sapatos ko pero bago ko pa makuha ay may nakapulot na.

“Akin na.” Pilit kong inagaw ang sapatos ko kay Zero pero masyado siyang matangkad. Tumalon talon na ako lahat lahat pero hindi ko pa rin makuha. Ugh, nagmumukha na akong tanga rito, nanunuod na rin ang ilang nakatambay sa hallway.

“Zero ano baㅡ” Hindi ko na naituloy ang pag msasalita nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. I can feel his fucking breath!

“Binalaan na kita.” Aniya at nanlaki na lang ang mata ko nang ihagis niya ang sapatos ko palabas ng building. Napanganga na lamang ako at narinig na nagtawanan ang mga estudyanteng kanina pa nanunuod sa eksena rito.

Tinignan ko si Zero ng masama dahil sa ginawa niyang iyon pero agad ding bumaling ang tingin ko sa hawak niyang cellphone. Agad ko iyong kinuha at pinilit niyang agawin pero tinatabig ko ang kamay niya.

“Omg! Ini-stalk mo ‘yong f******k ni Xian?” Sigaw ko para marinig ng lahat.

“Look everyone! Zero’s gay!” Sigaw ko. Halatang nainis siya sa sinabi ko kaya inangat ko ang cellphone niya.

“Look! Ito ba ‘yong lalaking gusto niyo? Lalaki rin ang gustㅡano ba ibaba mo ko!” Sigaw ko nang buhatin niya ako na parang sako ng patatas. Hinampas hampas ko ang likod niya ngunit hindi man lang siya natitibag hanggang sa narinig kong nagbukas siya ng isang pinto. Inilapag niya ako roon at bigla na lang isinara ang pinto.

“Inuubos mo talaga pasensya ko.” Sabi niya mula sa labas ng pintuan.

“Zero ano ba! Ilabas mo ako rito! Zero, please ilabas mo ako rito!” Sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan pero parang wala na siya roon kaya naman napaupo na lamang ako at nagtakip ng ulo. Natatakot ako, ayoko sa ganitong lugar, hindi ako makahinga ng maayos.

Xian’s POV

Anong oras na ngunit hindi pa rin dumarating si Zero, may usapan kaming magta-try out kami sa basketball pero hanggang ngayon ay wala pa siya kaya naman minabuti ko nang umakyat sa classroom niya.

Buti nga sa Erin na ‘yon.”

Napaka-angas kasi, eh.”

True, pero alam naman nating hindi siya ‘yong unang nang away, eh.”

Hindi ko alam kung anong meron sa bulungan ng mga estudyante rito sa hallway pero nag-aalala ako dahil narinig ko ang pangalan ni Erin. Napasok na naman ba siya sa gulo?

“Xian.” Tawag ni Zero nang mag kasalubong kami, and for some weird reasons. Pinagtitinginan kaming dalawa ni Zero, ang iba pa sa kanila ay ngumingiti. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at binalik ang atensyon sa kaibigan.

“Si Erin? Nakita mo?” Tanong ko ngunit hindi siya sumagot kaya naman tinignan ko siya hanggang sa bumuntong hininga siya at magsalita.

“Tinuruan ko ng leksyon, kinulong ko sa janitor’s room.”

“Dude, seryoso ka? Alam mong may claustrophobia si Erin, ba’t mo ginawa ‘yon?” Tanong ko at saka siya nilagpasan, nagmadali akong pumunta sa janitor’s room at tinanggal ang bakal na nakaharang doon. Pagbukas na pagbukas ko ay si Erin agad ang bumungad sa akin, umiiyak siya at nagmamadaling tumakbo pero hindi ko na nahabol dahil sa biglaang pagtawag sa akin ni Tyler.

Erin’s POV

Tila nagbalik sa alaala ko ang mga bagay na kinatatakutan ko noong bata pa ako. Lahat iyon bumalik sa akin, pilit kong iniiwasan na maalala iyon ngunit kusang nagfa-flashback sa isip ko kung paano akong kinulong sa cabinet ng taong kumidnapped sa akin noon.

/Flashback/

Second day ko ngayon sa elementary school bilang grade 1. Sa totoo lang ayokong pumasok kasi boring ang teacher namin kaya nagpaalam ako ng may I go out, akala niya ay sa cr ako pupunta pero ang totoo ay kakainin ko lang ang marshmallow na baon ko. Bawal kasi kumain sa loob ng classroom, eh.

Habang naglalakad ako ay may lalaking humarang sa daan ko. Akala ko kukunin niya ang pagkain ko kaya naman tinago ko iyon sa bulsa ko pero bigla niyang tinakpan ang ilong ko ng panyo at nagdilim ang paningin ko.

Pagkagising ko buhat-buhat na niya ako, eh ano namang laban ko sa kanya, bata lang ako. Naglikot likot ako habang nasa balikat niya pero nilagay niya ko sa sofa, may pinapakabisado siya sa aking number pero hindi ako nagsasalita. Nagalit siya sa akin kaya ikinulong niya ako sa isang cabinet. Hindi raw niya ako palalabasin hangga’t hindi ako sumusunod sa kanya.

Iyak ako nang iyak dahil sa takot, bukod sa madilim, ang sikip pa kaya pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga at mamamatay pero nabigyan ako ng pag-asa nang bigla akong kunin ni dad, nag-uusap pa sila ni mommy at bigla na lang tinakpan ni dad ang mata ko. Halos maiyak ulit ako dahil sa malakas na putok na narinig ko. Sabi ni dad patay na raw ang kumidnapped sa akin kaya ‘wag na raw akong umiyak.

/End/

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pakiramdam ko ay nawala ako sa sarili ko. Para akong baliw dahil tumatakbo ako habang isa lang ang suot na sapatos, pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Nahagip pa ng paningin ko si Zero pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas ako ng building at makapasok sa isang pamilyar na gate.

Tila huminto ang buong paligid ko nang mapagtanto na nasa loob ako ng gates of hell. The atmosphere here is no joke! I feel so uneasy. Balak ko na sanang humakbang palabas dahil pinaalalahanan ako ni Xian na delikado sa lugar na ito pero mukhang huli na ang lahat. M

“Look what we have here.” Sabi ng pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ang grupong nakaaway namin noon sa party. Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko at humarap sa kanila ng maayos.

“Oh, hi.” Nakakainsultong bati ko sa kanila pero mukhang hindi nila iyon nagustuhan kaya naman pinalibutan nila ako.

“Mukhang umiyak ka, ah? Well, mas lalo kang iiyak sa gagawin namin sa ‘yo. It’s payback time..” Dahan dahang lumapit sa akin ang pinaka-leader nila. Sinubukan niya akong hawakan pero tinabig ko ang kamay niya pero nginisian niya lang ako. I know it’s not a good idea, I still have a back pain at maling galaw lang, baka hindi na ako makalaban.

“Don’t you ever lay a finger on her.” Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Si Zero, nandito silang lima, nabigyan ako ng pag-asa but too late dahil nahatak na ako ng pinaka-leader nila. Tinawag ako ni Xian at hindi man lang ako nakapalag dahil may dalawa pang lalake ang humawak sa akin palayo sa lugar na iyon. Unti unti kaming pumapasok sa maala gubat na lugar dito sa gates of hell habang nakikita ko kung paano makipaglaban sila Jester.

Nang makalayo kami ay sinikmura ako ng pinaka-leader kaya naman nakaramdam ako ng pagkahina. Sinamantala nila iyon para itali ako sa puno, binigyan niya pa ako ng isang suntok sa mukha at naramdaman na lang ang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko. I don’t have the strength to fight back! Ugh, what to do? Pinanuod ko ang mga nasa harap ko at kinagat ang labi ko.

I kick the other guy with full force but it’s not enough dahil mabilis akong nasuntok ng isa pang lalaking nagdala sakin dito. Fuck!

“Stop messing around you fucking asshole! Pakawalan mo ako rito!” Sigaw ko sabay dura dahil sa dugong nalalasahan ko. Nginisian niya ako and all of a sudden, he grabbed the hair on the nape of my neck and pulled it back so he was eye to eye with me.

Sinamaan ko siya ng tingin pero agad ding nabaling ang tingin ko sa taong nakatayo sa hindi kalayuan. Bakas na bakas sa mukha nya ang pagkagalit at walang alinlangang sumugod sa direksyon ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status