Share

Chapter 3

Sinungaling na. Ghoster pa.

Iyan ang tingin ni Amber kay Dark Indigo. 

Matapos kasi ang dinner nila ay hindi na niya muling nakita ang binata.

Ang balita niya kay Warlo Guzman ay nagpunta ang lalaki sa Europe dahil sa negosyo. 

Gaya ng sabi ng lalaki, kinabukasan ng dinner nila ay may dumating na mga damit na gawa pa mismo ng mga designers. Sa dami ay pwede na siyang magtayo ng clothing store. Marami ring footwear na pawang flat shoes at flat sandals. 

May inatasan ring personal maid para sa kanya ang lalaki. Kahit papaano naman ay hindi siya nabagot dahil naging kasundo naman niya si Dindi.

Araw-araw din ay may natatanggap siyang bouquet ng bulaklak at kung anu-anong regalo mula sa binata. 

Ngunit hindi naging sapat iyon para hindi magalit si Amber.  Hindi kasi tumupad ang lalaki sa pangako nitong papasok pa rin siya sa unibersidad na pinapasukan niya. 

Mayroong dumating na tatlong tutor pero sa sobrang inis niya kay Dark Indigo ay hindi niya hinarap ang kahit sino sa kanila kahit araw-araw na nagpupunta ang mga ito sa loob ng isang linggong nakalipas.

Sa loob ng mga araw na iyon, ilang series din ng medical test ang isinagawa sa kanya.  Hindi na lang siya nag-usisa pa dahil bago pa siya makapagtanong ay sinasabi na agad ni Warlo na kailangan daw nila ang medical result niya para sa artificial insemination. Iyon ay ang proseso kung saan mag-i-implant sila ng sperm sa matris niya

Hindi lang niya maintindihan kung bakit paulit-ulit na lang silang pumupunta sa ob-gyne.

Hinayaan na lamang ni Amber iyon dahil kahit papaano ay nakakalabas siya ng mansiyon ng mga Villacorda.

Pagkatapos kasi ng check up niya ay tiyak na makukulong na naman siya sa loob ng kanyang kwarto.

"Ma'am dumating  na po si Young Master Indigo." Imporma sa kanya ni Dindi. 

Napairap siya nang marinig ang pangalan ng lalaki. Hindi pa rin nawawala ang galit niya rito.

"Gusto ka raw niyang makita ma'am. Inutusan po niya akong sunduin kita." Nasa mukha ng babae ang kilig.

"Sabihin mo sa kanya, kung gusto niya akong makita, pumunta siya dito." Hindi naitago ni Amber ang pagsimangot.

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya sa lalaki.

Bagot na bagot na siya sa loob ng mansiyon. Hindi naman niya magawang tawagan ang mga kaibigan niya dahil hindi naman niya kabisado ang mga numero ng mga ito.

"Pero ma'am, kapag hindi ka po sumama, baka po pag-initan ako ni Young Master."

Napabutong-hininga na lamang si Amber.

"Sige na nga. Pupuntahan ko na siya."

"Salamat, ma'am. Da best ka talaga." Bumungisngis ito dahilan para mapangiti na rin siya. 

Hindi na siya nagbihis, nakasuot siya ng bestidang kulay asul na may disenyong kulay puting bulaklak ng hasmin. Sleeveless iyon at may built in bra. Hanggang tuhod naman ang haba. 

Habang binabagtas nila ang pasilyo palabas ay hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano karami ang nakatira sa mansiyon. 

Sa loob kasi ng isang linggong nakalipas ay tanging si Dindi at Warlo pa lamang  ang nakikita niya. Hindi rin naman siya nakakalabas dahil maging pagkain niya ay dinadala ni Dindi sa kanyang kwarto.

Simula rin nang mabangga niya si Ashton Villacorda ay hindi na rin niya ito nakita pa.

"Ang boring ng hangin dito." Ugong ng isip niya.

Napakatahimik kasi ng lugar na para bang malaking kasalanan ang gumawa ng ingay. 

Nang makalabas sila ng mansiyon ay hindi naiwasang mamangha ni Amber sa nakikita. 

Magtatakip-silim na at nakaguhit sa kalangitan  ang kulay kahel na unting nilalamon ng gabi na lalong nagpaganda sa paligid. Tila lalo nitong pinaganda ang garden na may tanim na iba't-ibang uri ng mga bulaklak.

"Tara na ma'am. Doon pa po tayo sa kubo na 'yon." Inginuso nito ang direksyong pupuntahan nila.

"Pwede bang dito muna ako saglit?" 

Hindi maalis ang ningning ng mga mata niya dahil sa pagkamangha.

"Pero ma'am---"

"Please."  Pinagdaop niya ang kanyang mga palad at binigyan ng nagsusumamong tingin si Dindi.

Napabuntong-hininga na lamang si Dindi. 

"Sige po ma'am. Babalik na po ako sa loob. Pero pagkatapos po ninyo dito, punta na po kayo agad sa kubo, hah?"

"Oo. Promise yan."

Nakangiting binaybay ng dalaga ang hardin. Hitik sa bulaklak ang mga Bougainvilla bonsai. May mga daisies rin. Mayroong kulay pula  pink, yellow, puti at orange. Mayroon ding dahlia, rose at iba't-ibang klase ng halamang namumulaklak.

Halatang naaalagaan ng husto ang hardin dahil maayos ang pagkaka-landscape nito. Wala ring makitang kahit isang ligaw na damo.

"Ang ganda dito." Mamamanghang bulalas niya.

Nagniningning ang mga mata ng dalaga na nilibot ang garden.

Nang madako ang tingin niya sa yellow hibiscus na hitik sa bulaklak ay hindi niya napigilan ang sariling lapitan iyon.

Mabilis na lumapat ang kamay niya sa bulaklak. 

Pakiramdam niya ay nasa paraiso siya.

Anang sarili, isa lang naman ang kukunin niya at hindi naman siguro ikakagalit ng may-ari.

Labis na natuwa ang puso niya nang mapitas niya ang isang bulaklak. Matamis ang ngiti niyang inipit iyon sa likod ng kanyang tainga.

Nang maramdaman niya ang malamig na haplos ng hangin ay saka niya naalalang may naghihintay sa kanya sa kubo sa dulo ng Hardin.

Binagtas niya ang distansya.

Nang marating niya ang pinakadulong kubo ay hindi niya naiwasang mapakunot-noo. Tila wala namang bakas na may tao sa loob. 

Bukod kasi sa tahimik ay wala pang kailaw-ilaw roon.

Gayunpaman ay lumapit pa rin siya doon. Ngunit bago pa niya maitulak ang pinto nito ay may panyong tumakip na sa bunganga niya.

Pinilit niyang nagpumiglas ngunit sadyang malakas ang taong nasa likod niya. 

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang pagtutok ng karayom sa kanyang leeg.

Gusto niyang sumigaw nang makita niya ang heringilya ngunit hindi na niya iyon nagawa dahil bukod sa natatapakan ng panyo ang bibig niya ay nakaramdam na rin siya ng panghihina.

Maya-maya lang ay naramdaman niyang binuhat siya ng matipunong bisig. Ilang sandali siyang buhat-buhat nito sa kanyang balikat na parang sako ng palay. Di nagtagal ay naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama.

Nanghihina lamang siya pero alam niyang may malay tao siya.

Alam rin niyang hindi siya nananaginip nang maramdaman niya ang pagdampi ng halik sa kanyang labi. Namalayan niyang lumalim iyon hanggang sa dumausdos iyon sa kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib.

Naramdaman rin niya ang pag-alis ng lalaki sa kanyang suot na damit. Gising siya ng mga sandaling iyon pero wala siyang lakas na magsalita para tumutol. 

Nang muling lumapat ang mainit na halik sa kanyang katawan ay tila uminit ang kanyang pakiramdam. Tila nagliliyab ang pakiramdam niya nang magsimulang haplusin nito ang kanyang katawan. Hindi niya ikakailang magustuhan niya init na hatid nito sa kanya. Tila nakakalasing iyon sa pakiramdam at wala na siyang nagawa kundi magpaubaya  na lang.

Nang maramdaman niya ang pagpasok ng matigas na bagay sa kanyang ari ay hindi niya napigilan ang sariling mapaluha. 

Rinig niya ang pag-ungol ng lalaki. Tila wala itong pakialam kung nasasaktan siya. 

Napaluha na lamang siya.

Ang mga sumunod na pag-ulos ng kanyang kaniig ay walang kasing sakit. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay napalitan ang kirot ng kaiga-igayang pakiramdam.

"Ohhhh, Amber!" Bumilis ang ulos nito hanggang sa naramdaman niya ang ligayang noon lamang niya nadama. 

Ngunit hindi roon natapos ang lalaki. Matapos manatili ito sa kanyang ibabaw ng ilang sandali ay muli itong bumayo. Tila puno muli ito ng kasabikan. Mabilis at madiin ang galaw nito kaya lalo siyang napaiyak. Dama-dama niya ang hapdi at kirot hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng dilim. 

*****

Nagising si Amber mula sa mahinang tapik sa kanyang braso.

Nang magmulat siya ng mata ay bumungad sa kanya si Dindi.

"Good morning ma'am. Pasensya na po kayo pero kailangan ko kayong gisingin. May appointment po kasi kayo sa Doctor ma'am."

Pagod na pagod ang pakiramdam niya at gusto pa sana niyang matulog.

"Hindi po tayo pwedeng ma-late sa appointment niyo ma'am."

Kumurap-kurap ang dalaga at pinilit ginising ang kanyang diwa.

Noon niya napansin na nasa loob na siya ng kwartong kanyang tinutuluyan.

Bumaba ang tingin siya sarili. Natatakpan ng kumot ang kanyang katawan hanggang dibdib pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin na suot pa rin niya ang damit niya kahapon.

Hindi na ito nakapagpalit ng paborito niyang pajama na hello kitty. 

Ang huli niyang naalala ay nagpunta siya sa garden para sa dinner nila ni Dark Indigo. 

"Sino pong nagdala sa'kin dito?" 

Hindi niya maalala kung nakauwi ba siya o hindi. Anang  sarili, marahil sa sobrang pagod niya ay hindi na niya namalayan ang pag-uwi niya kagabi.

"Si Master po."

Tumango-tango siya kahit sa totoo ay wala siyang matandaan.

Natanong rin niya ang sarili kung ano nga bang ginawa niya kagabi.

"Ano pong gusto niyo ma'am? Kakain ka ba o maliligo muna?"

"Maliligo na muna." 

Pakiramdam niya ay wala pa siya sa mood kumain lalo na at inaantok pa siya.

"Sige ma'am. Punta na po kayo sa banyo. Ikukuha ko po kayo ng makakain para pagkatapos niyo pong maligo, mag-agahan ka na po."

"Sige."

Nang makalabas ng pinto ang katulong ay bumangon na rin sa kama ang dalaga.

Ngunit agad siyang napangiwi nang maramdaman niya ang pangingirot ng kanyang kaselanan.

At para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang bumalik sa alaala niya ang nangyari.

Tila nag-fast forward sa isip niya ang nangyari, mula sa pagtakip ng panyo sa kanyang bibig, pagturok sa kanya ng heringgilya at ang paglapat ng katawan niya sa kama.

Natigagal siya. Bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Kumawala ang hikbi sa kanyang bibig. 

Bumalik sa alaala niya ang paghalik sa kanya at ang marahas na pag-angkin sa kanya. Parang sirang plakang nagpaulit-ulit na nag-play iyon sa utak niya.

Anang sarili, wala na ang pinaka-iingatan niya.

Nanginginig ang katawan niyang tumayo at tinungo ang banyo.

Mas pinili niyang doon na lamang niya ibuhos ang damdamin at baka maabutan siya ni Dindi sa gano'ng sitwasyon.

Kahit suot-suot pa niya ang kanyang bestida ay tumapat na siya sa ilalim ng shower.

Noon niya pinakawalan ang malakas na hikbi.

"Paano niya nagawa sa'kin 'to?" Ugong ng kanyang isipan.

Tila muling nag-replay sa utak niya ang ginawa ng lalaki sa kanya.

Nanghihina siyang naupo sa sahig. Lumuluha niyang niyakap ang kanyang tuhod.

Umuugong sa isip niya nangyari.

"Dark Indigo raped me."

Lumipas ang halos isang oras na ginugol ni Amber sa pag-iyak sa loob ng banyo. Kung hindi pa kumatok si Dindi sa pintuan ay hindi niya maiisipang lumabas. 

Nang makalabas siya ng banyo ay kakaagad siyang nagbihis. Kung ano ang naghablot niya ay iyon na ang agad niyang sinuot. Isang kulay gray na bestidang may maikling manggas na hanggang tuhod ang haba ang naisuot niya. 

Tila nawalan siya ng ganang kumain kaya naman, ipinabalik na lamang niya ang pagkain.

Makailang beses pa siyang tinanong ni Dindi kung ano gusto niyang kainin. Ilang ulit din nagtanong ang katulong kung ayos lang siya. 

Narinig niya iyon. Hindi lang niya matandaan kung nasagot ba niya iyon ng tama. Pakiramdam kasi niya ay lumilipad ang kanyang isipan. 

Parang wala siya sa sarili niyang katawan.

Namalayan na lamang niyang nasa labas na siya ng masiyon nang magsimula silang bumyahe patungo sa regular check up nito sa OB-gyne. 

Pansamantala niyang winaksi ang nararamdamang poot at binuo sa isip niya ang kanyang plano.

Iyon ay ang tumakas.

Sisiguraduhin niyang hindi matatapos ang araw ay malaya na siya sa kamay ni Dark Indigo Villacorda.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status