Share

Chapter 4.1

Mula sa kaharap niyang laptop ay mataman niyang pinanood ang napakaamong mukha ng dalagang si Amber.  Kitang-kita niya ang pagsilay ng pilit na ngiti sa labi nito habang kausap niya sina Warlo at Dindi. Kapansin-pansin rin ang pamumugto ng singkit nitong mga mata. Balita rin niya ay hindi nito ginalaw ang kanyang agahan.

Masakit iyon sa loob niya, ang isiping galing ang babae sa pag-iyak ay parang nadudurog ang puso niya. Ang isiping nahihirapan ito ay parang ikamamatay niya.

"Amber." Anas niya habang masuyong nakatitig sa mukha ng dalagang nasa screen ng laptop.

Tila may sariling isip ang kanyang kamay na umangat at kusang humaplos sa screen ng laptop. Itinapat na iyon sa mismong tapat ng pisngi ng dalaga.

"My beloved Amber, I'm so sorry."  Masuyo niya itong tinitigan na para bang kaharap niya mismo. Kitang-kita rin ang pagsisisi sa kanyang mga mata.

"I'm really sorry."

Naramdaman niya ang pamimigat ng dibdib at ang paghapdi ng kanyang mga mata.

Hindi niya iyon sinasadya. Natangay lamang siya ng labis na paninibugho at labis na pagmamahal. Labis-labis siyang nagsisisi na nasaktan niya ito. Kung pwede lang sanang ibalik ang oras ay kanina pa niya ginawa.

Natigil siya sa paghaplos sa screen nang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niyang dinampot iyon nang makita niyang ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan ang tumatawag.

"What's the news?"

["Master, tinakasan ni Lady Amber si Warlo Guzman."]

Hindi niya napigilan ang pag-usbong ng kanyang ngisi sa narinig. Tila isa iyong napakagandang balita.

"Tulungan niyo siyang makatakas."

["Master?] Tila naman hindi makapaniwala ang kanyang tauhan.

"You heard me."

["Itutuloy pa ba namin ang pagkidnap sa kanya, Master?"]

"No need. Let her live with freedom but make sure to look after my woman. Make sure she's always safe."

["Masusunod, master."]

"One more thing, huwag na huwag niyong hahayaan na mahanap siya ni Indigo."

["Opo, master."]

Nang matapos ang tawag ay napunta ang tingin niya  sa dingding kung saan nakasabit ang malaking portrait ng dalaga. Kuhang-kuha ng pintor ang detalye ng mukha nito. Sa larawan na iyon ay matamis ang ngiti ng dalaga at nagniningning ang mga mata nito.

Anang sarili, darating ang araw na kusa siyang ngingitian ng matamis ng babae. 

Balang araw ay magiging kanya ito. Pangako niya sa sarili, by hook or by crook, aangkinin niya ng buo si Amber Velez.

Muli niyang titigan ang mukha nitong nasa portrait. 

"You're mine, MINE ALONE."

Samantala...

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Amber. 

Muli niyang nilingon ang pinto ng hospital. 

"Please Lord, huwag sanang makahalata agad si Dindi na sobrang tagal ko na sa CR." Mahinang usal niya.

Hindi  pa naman niya alam kung paano siya makakalayo sa lugar dahil wala naman siyang kahit ni singkong duling.

"Miss, sa'yo ba 'to?" Napalingon siya sa nagsalita. Bumungad sa kanya ang lalaking may hawak na kulay pink na panyo.  Halos magkasingtangkad lang sila ng lalaki. Nasuot ito ng itim na T-shirt na tinernuhan niya ng rugged jeans. Moreno ang balat nito. Top not ang istilo ng gupit nito na tila may highlight na pula. Oval shape ang mukha nito. Kapansin-pansin ang kanang kilay nito na may maliit na pilat sa dulo. Upturned ang mata nitong hindi biniyayaan ng mahabang pilik  mata. Sakto lang ang tangos ng ilong nito. Medyo malawak naman ang bibig nitong tila anumang oras ay nakahandang ngumiti.

"Ma'am Amber!" Napalingon siya sa pinagmulan ng sigaw.

Lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya nang makitang si Dindi iyon. Kasama nito si Warlo at ang dalawa niyang body guard.

Dala ng pagkataranta ay hinila niya ang lalaking may  hawak na panyo

Tila nagulat ang lalaki ngunit sa huli nagpatangay na rin ito.

"Tinakasan niyo ba 'yon, miss?"

"Mamaya na ang chicka, pwede ba?"

Napakamot naman ng ulo ang lalaki sa tinuran nito. 

"Ma'am! Tumigil na kayo, please." Narinig pa niyang sigaw ni Dindi.

Nilingon niya ito at kitang-kita niyang hinahabol sila ng mga ito.

"Dalian mo kasi! Ang kupad mo!" 

Napakamot na lang sa ulo ang lalaking basta na lang niyang tinangay.

"May alam akong pwedeng pagtaguan, miss."

"Hindi na. Pupunta ako sa bestfriend ko. Tutulungan ako no'n."

Pumara ang lalaki ng taxi at pinauna siyang sumakay. Narinig pa niya ang ilang ulit na pagtawag sa kanya ni Dindi kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na pumasok sa loob bg sasakyan. 

"Matutunton ka nila kung pupunta ka sa mga kakilala mo." 

Napaisip si Amber, may punto nga ang lalaki. Sa yaman ni Dark Indigo ay siguradong napaimbestigahan na siya nito. Siguradong alam na nito kung sino ang mga taong malapit sa kanya.

"Doon ka na lang sa amin magtago, miss.  Safe ka doon. May alam akong bahay na pwede mong upahan."

"Pero wala naman akong pera." 

"Sakto, miss! May alam akong trabaho para sa'yo." Nakangiti ito at nagniningning ang mga mata.

"Sa ngayon, pautangin muna kita. Pero may interes, ha?"

Muli niyang sinipat ng tingin ang lalaki. Medyo may bad boy look ito pero sa ngiti nito ay mukha namang wala itong masamang balak.

"Magkano ang interes?"

"Para sa'yo Miss, two hundred na lang 'yong isang libo."

"Takte! Ba't ang mahal? May lahi ka bang bumbay?"

"Mura na kaya 'yon. Three months to pay naman eh."

Umiling-iling si Amber.

"Ganito, take it or leave it, fifty pesos sa isang libo, six months to pay."

Napakamot naman ng ulo ang lalaki.

"Ano ba 'yan? Ang tindi mo tumawad Miss." 

"Ano na? Papautangin mo ba ako?"

Napabuntong-hininga na lamang ang estranhero. 

"Sige na nga. Nahiya naman ako sayo Miss"

Sumilay ang ngiti ng dalaga.

"Huwag mo na akong tawaging miss. Amber na lang."

"Doon na lang sa miss, mas komportable ako doon."

Nagkibit-balikat na lang si Amber.

"Ikaw, anong pangalan mo?"

"Tadeo Miguero, Miss. You can call me Tado for short."

"Tado." Sumilay ang pilyang ngiti sa labi ng dalaga. "Bagay sa'yo."

"Tado short for tarantado." Anang isip ng dalaga. 

Pinaseryoso ni Amber ang kanyang mukha. Pinandilatan rin niya ang lalaki.

"Ikaw Tado hah, hindi mo naman siguro ako ginogoyo, noh?" 

Kumuyom siya ng kamao at ipinakita ito sa kanya.

"Ngayon  pa lang sanasabi ko na sa'yo, may background ako ng taekwondo. FYI lang, black belter ako."

Napabungisngis naman ang lalaki, tila hindi naniniwala.

"Seryoso ako. Hindi lang 'yan, strong ako. Magaling akong manghampas ng dos por dos."

Hindi naman nawala ang ngiti ng lalaki.

"Huwag kang mag-alala, Miss. May sinasanto akong batas. Mukha lang akong criminal. Pero count on me! Pwede akong maging superhero mo." 

"Knight in shining armor lang ang peg? Hoy ikaw, kung may balak kang pormahan ako, uunahan na kita, taken na ang kagandahan  ko."

Natawa naman ng malakas si Tado sa sinabi nito.

Hinampas siya si Amber sa braso.

"Hindi ako nagpapatawa!"

Pinigil naman ni Tado ang kanyang tawa.

"Oo na. Noted. Taken na ang kagandahan mo."

Muli itong humagalpak ng tawa.

Anang sarili ng babae, hindi pang-jowa material ang lalaki ngunit papasa namang kaibigan ito. Pwedeng-pwede ito sa tropa nila kahit mukhang mas may edad ito kaysa sa kanya.

Ngunit ang tanong, dapat ba siyang magtiwala sa estrangherong nasa kanyang harapan?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Drusilla Dru
naku naluko na talaga bakit si Ashton pa kawawa Naman si dark
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status