Share

Chapter 5.2

Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Mula nang magsimula ang biyahe ay hindi na siya kinibo ni Amber. Ni hindi rin siya nito tinapunan ng tingin. 

Nang makaidlip ang bata habang nasa biyahe ay pumikit rin ang babae. Ngunit ramdam naman niyang gising ito. Ilang beses niyang sinubukang kausapin si Amber pero hindi naman siya nito pinapansin.

Nang makarating sila sa mansiyon ng mga Villacorda ay saka lamang nagmulat ng mata ang dalaga.

Nang buksan ng tauhan niya ang Van ay kaagad na bumaba ang babae habang karga nito ang bata. Ni hindi man lang siya nilingon nito.

Kahit papaano ay nabawasan ang mabigat na dinadamdam ni Amber nang salubungin sila ni Dindi. Makikita ang labis na galak sa katulong dahil sa malawak na ngiti nito.

"Ito na ba ang bagong young master?Tulungan na kita, ma'am." Hindi na umalma si Amber nang kunin sa kanya ni Dindi  ang bata. Sa totoo lang ay kanina pa siya nangangalay.

"Tara na sa kwarto niyo ma'am." Kaagad siyang sumunod sa katulong nang humakbang ito. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay naramdaman na niya ang pagyakap sa kanya ni Dark Indigo.

"Bitiwan mo ako!" Marahas niyang tinanggal ang kamay ng lalaki ngunit mas lalo namang humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya.

"Ano ba!"

Napalingon na rin sa kanila si Dindi ngunit nang makitang tila mayroon silang  problema ay muli itong nagbawi ng tingin. Nagpatuloy ito sa paglalakad na para bang walang nakita.

"Mag-usap tayo, Amber." Nanatili namang mahinahon ang tinig ni Dark Indigo kahit pinaghahampas siya ng babae sa kamay.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Indigo!"  Niluwagan ng lalaki ang pagkakayapos sa kanya at saka iniharap ang babae sa kanya.

"Bakit mo ba ako trinatrato ng ganito? Ano bang kasalanan  ko sa'yo?" Puno ng lungkot ang mga mata nito. Ngunit tila naman tumaas ang presyon ni Amber dahil sa narinig.

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo four years ago? Hindi pa ba sapat 'yon para magalit ako sa'yo?" Namumula ang mata nito dahil sa pagpipigil sa sariling umiyak.

Sandali namang natigilan ang lalaki. Tila ba inalala nito ang nagawa.

"Hindi kita naiintindihan. Ano bang problema, Amber?"

Lalong kumulo ang dugo ng dalaga dahil sa tanong nito. Nakuyom niya ang kanyang palad. Hindi siya makapaniwalang nagagawa pa nitong umaktong inosente.

"Ano bang ayaw mo sa'kin? I can provide all your needs. I can give you  a luxurious life."

Lalo lang nadagdagan ang galit ng babae dahil sa narinig. Naiinis siya sa ideyang tila binibili ni Indigo ang pagkatao niya.

"Pakasalan mong mag-isa ang sarili mo, Indigo!" Hindi nito itinago ang galit. Wala na siyang pakialam kahit may makarinig pa sa sigaw niya.

"Kahit pa gawin mo akong reyna, hindi pa rin kita pakakasalan!" 

Nakita niya ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata ng lalaki.

"Bakit? Anong ayaw mo sa'kin?" Kita-kita sa mata nito ang namumuong luha. "Sabihin mo sa'kin kung saan ako nagkamali."

"Wow! Indigo! Hindi mo alam kung anong nagawa mo? Wow! Bilib naman  ako sa'yo! Ano ka may amnesia?" Sarkastikong turan niya. 

"Ang alam ko naman, ayos tayo noong huli tayong magkita. Sabihin mo kasi sa'kin.  Dahil ba hindi ko napagbigyan ang gusto mong pumasok ng school? Iyon ba? Dahil ba pakiramdam mo ay kinukulong kita? Kung 'yon ang dahilan, I'm sorry." 

"Akala mo ba gano'n ako kababaw? I hate you, Indigo! I despise you!" Itinulak niya ito at saka humakbang patungo sa direksyong tinungo ng katulong.

Nang tumalikod ang dalaga ay noon na umagos ang masaganang luha sa kanyang pisngi.

Namumuhi siya ideya na hindi man lang nakonsensya ang lalaki sa ginawa niya noon.

"Ma'am?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng katulong nang pumasok siya sa silid na umiiyak.

"Pwede mo ba akong iwan muna, Dindi? Gusto ko munang mapag-isa." Pinunas niya ang kanyang luha at lumapit sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang kanyang anak.

"Sige po ma'am." Muli pa siyang nilingon ng katulong bago niya ito tuluyang iwan.

Nang makaalis ang katulong ay saka lamang napansin ni Amber ang pagbabago sa silid na dati niyang inukopa. Napalitan ng mas malaki ang kama. May nadagdag din na display cabinet na punong-puno ng staff toys. Napalitan na rin ang wall clock. At may nadagdag sa dingding. Walang iba kundi ang kanyang picture. Bahagyang naka-side view siya roon at may munting ngiti sa labi. Nakasuot siya roon ng kulay peach na bestida. Kung tama ang tanda niya ay minsan niyang isinuot iyon sa kanyang medical check up. 

Napangiti siya ng mapait. Nalunod siya sa sari-saring isipin at mga tanong. Aniya, mararanasan niya kaya ang lahat ng ito kung hindi  niya pinili noon ang dare. Kung pinili niya ang truth, marahil ay hindi nag-krus ang landas nila ni Dark Indigo. Siguradong tapos na sana siya ngayon sa pag-aaral. 

Nakaramdam siya ng pagsisisi.

Ngunit nang madako ang tingin niya sa cute na cute na batang natutulog ay mabilis na nagbago ang kanyang nadarama.

Aniya, kung hindi sila nagtagpo ni Indigo, marahil ay wala rin si Hyde.

Tila kusang umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ng kanyang anak.

"Sobra akong nasaktan at nagalit sa nangyari, anak. Pero nang makita kita, lahat ng sakit at hinanakit, isinantabi ko. Hindi na rin masamang dinanas ko iyon, ang kapalit naman ay ikaw." Inilapit niya ang mukha sa anak at ginawaran ng magaang halik ang noo nito. "I love you, baby."

Nasa gano'n siyang ayos nang marinig niya ang katok sa pinto. 

Tumayo siya mula sa kama at tinungo iyon. Nang buksan niya iyon ay bumungad sa kanya ang isang babaeng layered short hair ang istilo ng buhok na nakukulayan ng burgundy red. Hugis puso ang mukha nito, hugis almond ang mata, sakto lang ang tangos ng ilong at makipot ang labi niyang pulang-pula dahil sa lipstick. Hindi maikakailang maganda pa rin ito kahit halatang may edad na. 

"Mama?" Umusbong ang munting ngiti sa labi ni Amber.

Ngunit ang ligayang kanyang nadama ay kaagad ring naglaho nang dumapo ang malakas na sampal sa pisngi nito.

"Amber!" Mabilis naman siyang dinaluhan ni Indigo. "Pardon ma'am, but you don't have the right to hurt---"

"Manahimik ka lalaki! Huwag kang makialam dito! " Dinuro pa siya ng Ginang.

"Ma?"

Muling bumalik ang matalim na tingin niya sa dalaga.

"Nagpabuntis ka nang walang asawa? Alam mo bang napakalaking kahihiyaan ang ibinigay mo sa'min ng papa mo?"

"I'm sorry, ma." Sinubukan niyang hawakan ang ginang ngunit pinalis nito ang kanyang kamay.

"Noon pa kita gustong kalbuhin!" Kitang-kita ang paglabas ng litid sa leeg ng Ginang. Kumilos ito at akmang sasabunutan siya nito ngunit mabilis namang humarang si Indigo.

"Umalis ka diyan, lalaki" Mariing turan ng ginang. 

"I'm so sorry, ma'am but I will not let you hurt her." 

"Sorry, ma. Patawarin niyo po ako." 

Ngunit tila hindi natinag ang Ginang. 

 "Pasalamat ka at sampal lang ang napala mo ngayon. Ilang beses akong nagpabalik-balik dito pero ngayon lang nila ako pinagbigyang makapasok. Ilang taon kong kinimkim ang galit ko sa'yo! Sinayang mo ang sakripisyo namin ng papa mo sa'yo!" 

Kumawala siya kay Dark Indigo at humakbang palapit sa kanyang ina.

"Magpapaliwanag ako, ma."

"Hindi!" Umiling-iling ito. "Ayokong marinig ang paliwanag mo!"

"Ma." Hindi na naiwasan ni Amber ang lalong mapaluha. 

"Mamamatay ako ng maaga sa'yo! Sinong nakadisgrasya sa'yo ha?" Bumaling ito kay Dark Indigo na nakahawak pa rin sa balikat niya. "Ito ba? Ito ba ang bumuntis sa'yo? Ano? Matapos magpakasarap, hindi ka magawang iharap sa altar?"

"Pananagutan ko po ang anak niyo, ma'am. I'm sorry if it took me so long." Mahinahon at pormal ang tono ng lalaki kahit halos magwala na ang kaharap.

"Huwag mong akong daanin sa pa-ingles ingles mo! Tandaan mo 'to, panagutan mo anak ko kundi makikita mo ang hinahanap mo! Baka mahampas kita ng dos por dos, lalaki! Basag 'yang itlog mo!"

Sumunod itong bumaling kay Amber at saka dinuro.

"At ikaw naman babae, huwag mo na rin tangkain magpakita sa pamilya natin! Wala akong anak na disgrasyada!"

Lalo namang naiyak si Amber. 

"Tandaan mo 'yan, Amber!" Muli pa nitong banta bago humakbang paalis.

"Mama."  Pinilit niya itong habulin.

"I'm sorry. Let me pay the damages I've done."

Hindi siya pinansin ng babae ngunit napatigil ito sa sunod niyang tinuran.

"Let's get married, now."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status