Share

Kabanata 3

“What?! You mean you hooked-up with Colton Mijares?! The heir of Mijares empire?” Ito ang gulat na gulat na tanong ni Sam ngayon habang nandito kami sa bar.

Ngayon lang ulit ako nakipagkita sa kanila ni Icel at ‘yon ang unang naikuwento ko sa kanila. Ang katangahan ko dahil sa pagsunod sa sinabi ni Sam na rebound sex.

“Are you okay, Tash?” tanong naman ni Icel.

Tumango lang ako bilang pagsagot. Okay na naman talaga ako sa ngayon. Hindi ko lang alam kung paano pa pakikiharapan si Colton matapos ang sinabi niya sa akin nang ipatawag niya ako sa opisina niya.

“I am okay. As if naman may magagawa pa ako. Nangyari na ang mga nangyari at hind ko na maibabalik pa ang nakaraan kaya mas mabuti pa na mag-move on na lamang.” pagpapaliwanag ko pa.

Parehas naman ako na tiningnan ng dalawang kaibigan ko. Marahil alam nila na sinasabi ko lamang na okay ako pero ang totoo ay hindi.

“So how was it, Tash? Performer ba? Grabe ang suwerte mo, si Colton Mijares! Dax ba?” Nanlaki ang mga mata ko sa walang preno na pananalita ni Samantha. What the hell?!

“Your face says it all, Tash, so come on spill the tea.” Tuloy-tuloy na pag-interoga pa ni Icel habang ako ay pinamumulahanan na ng mukha at wala ni isang salita ang makalabas sa bibig ko sa sobrang pagkagulat.

“What now? Tama ba si Sam?!"

“OMG! Your silence says it all. OMG, Tash! That man is really one heck of an alpha male! So how was it?” Sagot naman na tili ni Samantha na lalo na nakapagpamula sa mga pisngi ko.

Minsan hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ang dalawang ito. Ibang-iba sila sa pagkatao ko pero laking pasasalamat ko na naging kaibigan ko sila dahil sila na ang itinuturing ko na pamilya sa ngayon.

“Puwede ba, hinaan ninyo nga ‘yan mga boses ninyo. Parang gusto ninyo na malaman ng lahat ng narito ang nangyari.” Simangot na sabi ko pa na nagpatawa na naman sa kanila.

“Sige na magkuwento ka, from the start and we want complete details.”

Hindi agad ako sumagot kay Icel. Kailangan ba talaga na ikuwento ko pa ang lahat ng ‘yon? At paano ba nila nakilala si Colton Mijares? Ako nga na nagtatrabaho sa kumpanya nito ay hindi ko alam kung ano ang itsura niya tapos sila kilala nila.

“We’re waiting, Atasha Andres!” Kahit kailan talaga napaka-atat nito ni Sam basta tsismis.

At minsan napapaisip din ako, mas tsismosa pa talaga ang mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap. Kahit mayaman itong dalawang ito kung umasta ay parang mga hindi sosyalera.  Sabagay kaya ko nga sila nakasundo dahil wala silang kaere-ere sa katawan kahit na mga tagapagmana sila.

“Okay fine, pero paano ninyo muna nakilala si Colton? Kami nga sa opisina ay hindi alam ang itsura niya dahil wala man lang siya na litrato at hindi namin nakikita, tapos kayo kilala ninyo?” pagtatanong ko sa dalawa.

“Well, we’ve seen him once sa isang conference. Related ang industriya na ginagalawan natin, Atasha. Kaya nakita namin siya ro’n, pero tama ka, ayaw niya sa limelight. Masyado siya na pribado.” paliwanag ni Icel.

Sila Icel ay nasa linya ng mga hotel habang si Sam ay nagtatrabaho sa construction company ng boyfriend ni Icel.

“Tama na ang paligoy-ligoy, magkuwento ka na.” Pagmamadali pa ni Samantha.

“Fine! I made that biggest mistake of my life just because I followed your nonsense idea, Sam. I just had a rebound sex. And to top it off, I did have a rebound sex with my CEO, Colton Mijares.” Panimula na kuwento ko sa dalawa.

Tahimik naman sila na nakikinig sa akin habang panaka-naka na tumutungga sa alak na hawak nila.

“The next day I told him that it was a mistake at dapat namin na kalimutan ‘yon pareho. Sinabi ko sa kan’ya na it was just a rebound sex for me.”

“What?! No, you didn’t? Tell me hindi mo ‘yan sinabi kay Colton Mijares?” Naiiling na tanong ni Icel.

Wala naman rason para magsinungaling ako dahil  ‘yon naman talaga ang sinabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko sabay tumango sa kan’ya.

“Are you insane, Tasha?! Colton Mijares? Si Colton Mijares na ‘yon tatanggihan mo pa? He never do one-night stands by the way.”

Ako naman ang nagulantang sa sinabi na ‘yon ni Sam. Kaya napatingin ako sa kanilang dalawa at nakita ko ang pagtango ni Icel bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. “A lot have tried but they all failed.”

“He doesn’t do those things, Tash. He’s taking everything so seriously. He wants to prove himself, alam ko may family issues din ‘yan, specially after his father remarried. Well, ‘yan ay mga bali-balita lang sa business circle dahil masyado nga siya na private. Wala talaga na makapag-prove ng mga speculations na ‘yan.”

Sa sinabi na ‘yon ni Icel bigla na kumabog ang puso ko. Kaya ba gano’n na lang ang reaksyon niya nang sabihin ko na walang ibig sabihin ang nangyari? Kaya ba galit siya sa akin? Virgin pa rin kaya siya kagaya ko?! Ako rin ba ang nakauna sa kan’ya? What the hell again, Atasha?!

“Kinausap niya ako at sinabi niya na he can’t forget and he can’t stay away. He intends to start over and make me his.” Naalala ko na naman muli ang mga sinabi ni Colton at muli ako na pinamulahanan ng mukha.

Hindi ako makapaniwala na si Colton Mijares ay interesado na makilala pa ako.

“Maybe he really likes you, Tash,” Nagulat ako sa muli na pagsasalita ni Icel. Napatingin ako sa kan'ya sa nagtatanong na mga mata ko. “What’s not there to like about you? You’re beautiful, Tash. Don’t make yourself feel inferior to others just because of your background. Money doesn’t define how good of a person you are and maybe that’s what Colton saw in you."

----

“Atasha! You think maiiwasan mo ako? You’re wrong, babe! You just made me want you more. The more you resist, the more I want to fucking get you back.” Ito ang gigil na gigil na sinabi ni Yulence sa akin.

Hindi ko inaasahan na magkikita kami ngayon dito sa bar. Nagpaalam ako na magre-restroom lang pero ito nga at nagkita kami ni Yulence.

“Let me go, Yul.” mariin na pagkakasabi ko.

Hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit kung kaya’t pinipilit ko na magpumiglas. Dapat talaga ay nagpasama ako sa mga kaibigan ko.

“In your dreams, babe! You know I can’t let you go.”

Hinatak niya ako papunta sa labasan ng bar. Sinubukan ko na magpumiglas, kung kaya’t napatingin sa amin ang ilan sa mga tao ro’n.

“Don’t make a scene here, Atasha. Mas lalo na hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko kung mag-eeskandalo ka.” bulong pa niya sa may tainga ko.

Bigla ako na kinabahan sa banta na ‘yon. Saan ba kami pupunta? Ano ang gagawin niya sa akin? “Now that’s better. Buti naman at marunong ka pa sumunod sa utos ng boyfriend mo.” Nakangisi na sabi pa rin niya habang madiin na nakahawak sa braso ko at pilit na inilalabas ako ng bar.  

“Wh-where are we going?” Pilit ko na pinatatatag ang loob ko. Hindi pwede na makita ni Yul na natatakot at naaapektuhan ako sa ginagawa niya dahil lalo lamang niya ako na tatakutin.

“Don’t worry, babe, you know I won’t hurt you, right?” Lumabas kami sa parking area at huminto kami sa tapat ng kotse niya, “Get in, babe.”

“No!”

“No?!”

“No, I won’t leave with you. I’m here with my friends and I’m staying with them.” Pagmamatigas ko pa sa kan'ya.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at ang matalim na titig na ipinukol niya sa akin. Muli niya ako na hinawakan ng mahigpit sa braso, “What did I tell you about making a scene, Atasha?”

“Yul, stop it, you’re hurting me. Please, let go. Please.”

Pilit ko na pinapatatag ang boses ko pero sobra na ako na natatakot.  Ano ba ang nangyayari sa kan’ya? Hindi na siya ang Yulence na kilala ko.

“Hindi kita sasaktan, Tash. You know I can’t hurt you. In fact, papaligayahin pa kita. At ‘yan pagmamakaawa mo na ‘yan, ibang pagmamakaawa ang lalabas diyan sa bibig mo once I fuck you.”

Ito ang mga kataga na lumabas sa mga nakangisi na labi niya. Nakakatakot ang itsura ni Yulence, para siyang isang demonyo ngayon sa harap ko. At takot na takot ako, hindi ko magawa na sumigaw dahil hawak-hawak pa rin niya ako ng mahigpit.

“Yulence, please stop. You’re crazy.” muli ko na sagot sa kan'ya.

Pilit ako na humahanap ng paraan kung paano makakataas sa kan’ya. Medyo malayo kami sa pasukan sa bar pero may mga sasakyan pa naman na nakaparada at 'pag sumigaw ako may tsansa na may makarinig sa akin. Mabuti na ‘yon kaysa ang makuha niya ang gusto niya.

“Yes, I’m crazy about you, Tash. I told you, I won’t let you go. Do you think I can easily give you up? Nagkakamali ka, kaya I’ll make a move that will force you not to leave me. I will fuck you, Atasha. Fuck you hard! Ipapatikim ko sa’yo ang kaligayahan na hahanap-hanapin mo para hindi ka na magmalaki sa akin. I will take your virginity! But don’t worry, babe, I’ll make sure you’ll like it and you’ll ask for more.”

Nakakadiri ang mga salita na lumalabas sa bibig niya.  He will rape me! Ito ang mas lalo na nagbigay ng takot sa akin. Oo, hindi na ako virgin dahil nauna na si Colton pero hindi ‘yon alam ni Yul at kahit hindi na ako virgin ay wala akong plano na makipag-sex sa isang demonyo na kagaya niya.

“You’re drunk, Yul.” matigas na sabi ko.

Parang lalo naman siya na nagka-ideya at bigla na inilapit ang mukha sa akin. “Yulence!” Napasigaw ako at pilit siya na itinutulak palayo.

Inilapit niya ang labi niya sa leeg ko at diring-diri ako sa ginagawa niya. Gusto nang tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko. Pilit ko pa rin siya na itinutulak at hinahampas para lumayo.

“Yulence!” Kahit anong sigaw ko at tulak ko sa kan’ya ay parang wala siya na naririnig.

Hinahalikan niya ako sa leeg pababa sa may bandang dibdib ko, “Yulence, stop, please!”

Kahit ayaw ko ay kusa nang naglandasan ang mga luha ko. Ngunit para siyang wala na naririnig at natatakot ako kay Yulence. Hindi ko inakala na may ganito siya na pagkatao. Pilit ako na nagpupumiglas pero wala akong laban sa lakas na mayro'n siya.

“Tang-ina! Gago ka talaga!” Isang malakas na sigaw na ‘yon ang nagbigay ng pag-asa sa akin.

Maya-maya ay naramdaman ko na lang na wala na ang mahigpit na pagkakahawak at pagkakaipit sa akin ng katawan ni Yulence.

Isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi niya kasabay ng mga nagsisigawan sa paligid ko. Wala akong maintindihan sa nangyayari. Sobrang takot na takot ako at parang umiikot ang paningin ko.

“Atasha, Atasha!” May sumisigaw ng pangalan ko pero hindi ko na malaman kung sino.

Sa nanlalambot na mga binti ay napasandal ako sa kotse ni Yulence at dumausdos paupo, hinang-hina na ako.

“Colton, stop! Si Atasha!” Malakas na sigaw ng lalaki na hindi ko alam kung sino.

Panay ang lagaslas ng luha sa mga mata ko. Hindi ko na maaninag kung sino ang mga tumulong sa akin. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ng isang tao at marahan na pagyakap niya sa akin. Pilit ako na nagpupumiglas habang patuloy ang malakas na pag-iyak ko.

“Shh, Atasha, it’s me, Colton. Your safe now, I’m here.” masuyo na bulong niya sa akin.

Hindi ko maintindihan ngunit nang marinig ko ang boses na ‘yon at ang mga salita na sinabi niya kahit paano ay nakaramdam ako ng pagkakalma. Nabawasan ang takot ko at ang tangi na nagawa ko ay ang yumakap sa tao na nagligtas sa akin.

Mahigpit ako na yumakap sa kan'ya habang patuloy ang paglandas ng mga luha ko. Takot na takot ako at hindi ko inakala na magagawa ako na pagtangkaan ni Yulence.

“Ple-please, ‘wag mo kong iwan. 'Wag mo kong iwanan kasama niya. Natatakot ako, tulungan mo ko, iligtas mo ako.”

“Shh, baby, stop. Atasha, nandito lang ako. I will never let Yulence touch you again. Stay calm, love. Hindi kita iiwanan.”

Ang mga kataga na ‘yon ang nagbigay sa akin ng kakalmahan at kapanatagan, hanggang sa unti-unti ko na lamang na naramdaman ang panghihina at pagod kasabay ang pagdilim ng buong paligid ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow ang ganda talaga ng story na to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status