Share

Kabanata 5

“Hi, Atasha, I miss you. Kamusta ka? Sabi ni Miguel nag-file ka raw ng sick leave. May sakit ka ba?” Ito ang nag-aalala na bungad ni Colton sa akin sa video call isang araw matapos ang pag-alis niya. Halata na hindi siya mapakali sa nalaman na masama ang pakiramdam ko.

“Ayos lang ako, Colton. Medyo nahilo lang ako kanina baka dahil sa puyat.” Bigla talaga na sumama ang pakiramdam ko kanina na paggising ko, malamang dahil sa pagod at puyat nitong mga nakaraan na araw dahil sa malaking proyekto na hinahabol namin nila Vincent.

“Are you sure? Nag-aalala ako sa’yo. Alam ko na mag-isa ka lang diyan sa apartment mo kaya sinabihan ko si Kane na puntahan ka at samahan ka sa doktor para makapagpatingin. May miting kasi si Miguel kaya hindi ka mapupuntahan ngayon.”

Si Kane ay ang isa pa na matalik na kaibigan ni Colton bukod kay Miguel. Nakilala ko na rin siya sa minsan na pagyaya sa akin ni Colton na mag-dinner kasama ang mga malalapit na kaibigan niya.

“I’m okay, Colton. Sige na at magpapahinga muna ako.” pagpapaalam ko sa kan'ya.

“Okay, Tash. Take care and I miss you.” Huling pagpapaalam pa niya tsaka pinutol ang tawag.

Nais ko na talaga na iwasan si Colton lalo na at nalaman ko na konektado siya kina Yulence at Ofelia Villagomeza. Nag-iisip na rin ako ng paraan upang unti-unti na magawa ito dahil ayaw ko na mas lalo na gawin komplikado ang buhay ko.

“Uhmp.” Napatakbo ako papunta sa banyo nang maramdaman na masusuka ako. Ano ba ang nangyayari sa akin? Baka dapat ay magpatingin na nga ako sa doktor talaga. Ano ba itong pakiramdam na ito na hilong-hilo at nasusuka ako na hindi ko maintindihan?

Pagkalabas ko ng banyo ay hinang-hina ako na lumakad papunta sa kama nang madaanan ng paningin ko ang aking kalendaryo sa lamesa. Mayroon itong mga marka ng aking mga huling buwanan na dalaw.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na wala pa ako na namarkahan sa buwan na ito. Teka, parang matagal na ang huling beses ko na magkaroon ah, 'wag mong sabihin-

Hindi ko magawa na ituloy ang naiisip ko na ‘yon. Dali-dali ko na tiningnan ang kalendaryo at tsinek ang mga marka na ginawa ko ro’n. At tama nga ako, mahigit isang buwan na ako na delayed.

Bigla ang naging pagdagundong ng puso ko. Sobra ang lakas ng tibok nito na halos mauubusan ako ng hininga. Nanlamig lalo ang buong katawan ko sa posibilidad na maaari na nagbunga ang gabi na may namagitan sa amin ni Colton.

Dali-dali ako na nagbihis at nagpasya na pumunta sa botika upang makabili ng pregnancy test. Kailangan ko na alamin ang katotohanan na ito. Kaya’t kahit hilong-hilo ay pinaglabanan ko ang aking nararamdaman.

Pagbalik ko sa apartment ay hindi ako mapakali. Samu’t-sari na emosyon ang mayroon ako ngayon. Sa nanginginig na mga kamay, sinunod ko ang instruksyon sa pakete. Habang naghihintay sa resulta ay palakad-lakad ako sa kuwarto. Ang dami ng gumugulo sa isipan ko.

Matapos ang ilang minuto, dahan-dahan ko na inabot ang test. At nang tingnan ko ang resulta ay halos panawan ako ng ulirat, dalawang guhit. Positibo. Buntis ako. Buntis ako kay Colton Mijares!

Naestatwa ako ng ilang minuto habang hawak ang resulta ng pregnancy test. Ano ang gagawin ko? Hindi dapat nagbunga ang gabi na ‘yon. Kaya ko ba ito? Paano? Sarili ko nga ay hindi ko alam paano bubuhayin, idagdag mo pa ang isa pa na buhay na nabubuo ngayon sa sinapupunan ko.

Bigla ako na napahawak sa tiyan ko. Ang isipin na may buhay sa loob nito ay nakapagbigay sa akin ng iba’t-ibang emosyon. Pero isa lang ang alam ko na nararapat na gawin, hindi dapat madamay ang magiging anak ko sa kaguluhan namin ng pamilya ni Yulence.

Naputol ang pag-iisip ko sa muli na pagtunog ng cellphone ko. Napatingin ako rito at nang makita na si Colton ang tumatawag ay lalo ako na kinabahan. Hindi maaari na malaman ni Colton na buntis ako dahil lalo lang na magkakagulo. At 'pag nangyari ‘yon maaari na madamay ang magiging anak ko.

Isa lamang ang naiisip ko na paraan sa ngayon, ang lumayo at muli na harapin ang buhay na tinakasan ko. Ito na marahil ang panahon na kailangan ko nang tanggapin kung sino ako. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa bagong buhay na bubuuin ko. Sa bagong buhay na aayusin ko malayo sa magulo na pamilya ni Colton.

Isang pagpapasya ang nabuo sa aking isipan. Dali-dali ko na inayos ang mga damit at konting gamit na dadalahin ko. Hindi ako maaari na abutan ni Kane rito kung hindi ay hindi na ako makakatakas. Ngayon ang tamang oras at panahon upang lumayo kay Colton Mijares.

--------

Pagkaalis ng apartment ay nag-check-in ako sa isang mumurahin na hotel. Hindi dapat malaman ni Colton kung nasaan ako. Hindi ko rin sinabihan sina Samantha at Icel dahil alam ko na sa kanila ako unang hahanapin ni Colton. Ayaw ko sana na magsikreto sa kanila dahil sila lamang ang naging tangi na pamilya ko rito pero wala akong magagawa, ito lamang ang paraan.

Gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam kung paano haharapin ito na mag-isa. Ang magbuntis ng malayo kay Colton.  Aaminin ko na lalo ako na naguluhan sa nararamdaman ko para sa kan’ya.

Oo, tama na sabihin na mayroon ako na namumuo na espesyal na pagtingin sa kan’ya. Gustuhin ko man iwasan ay hindi ko magawa lalo na at siya lamang ang nag-iisa na lalaki na nagbigay sa akin ng totoo na pagpapahalaga, maliban kay Akiro.

Ngunit ang lahat ng ito ay napalitan ng takot at pangamba dahil sa nalaman ko na stepmother niya si Ofelia Villagomeza. Ang babae na kinamumuhian ko dahil sa labis-labis na pagpapahirap at panghahamak sa akin.

Kung naiba lang sana ang sitwasyon namin, baka maaari pa na mabigyan kami ng pagkakataon ni Colton. Kung hindi lamang sana siya konektado sa mga Villagomeza baka puwede pa. Ngunit sa ngayon ay mas matimbang sa akin ang kagustuhan na ilayo ang anak ko sa gulo na pinasok ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at mataman na tinitigan ang pangalan na naka-save rito. Ang nag-iisa na pangalan buhat sa aking nakaraan na tangi na tinatawagan ko kapag hindi ko na kaya.

Si Aki, ang tao na lubos na nakakakilala at nakakaintindi sa pinagdaraanan ko. Ang tao na kayang itaya ang lahat para sa akin. At alam ko na gaya ng dati siya lamang ang makakatulong sa akin.

Dinial ko ang numero niya, sa unang pag-ring pa lamang nito ay dumagundong na ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kan’ya ang sitwasyon ko. Sa ikalimang ring ay hindi pa rin niya ako sinasagot kaya pipindutin ko na sana ito para putulin ang tawag ng bigla naman na siya na sumagot.

“Atasha?” aniya sa kabilang linya.

“Aki?” mahina ko na tanong.

“What’s wrong?” Nag-aalala na balik tanong niya sa akin. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay halos hindi ko na marinig ang boses ni Aki. “Atasha, what’s happening?”

“Akiro, please help me.” sagot ko sa kan'ya sa garalgal na boses. Pilit ko na pinaglalabanan ang takot ko upang hindi niya mahalata ang mga emosyon ko.

“What happened?” Halata ang pag-aalala sa tono ng boses niya.

“Aki, I’m pregnant.” Ito ang mga huling salita na nabigkas ko sa kan’ya bago tuluyan na lumandas ang mga luha sa mata ko.

“What?!” pasigaw na sagot naman niya sa akin.

-------

Isang araw matapos ang pag-uusap namin ni Akiro ay narito ako ngayon sa airport. Pinapunta niya ako rito at sinabi na kailangan ko nang umuwi. At alam ko na wala ng iba pa na paraan.

Ito na talaga ang nararapat. Ang iwan ko ang magulo na mundo na sinimulan ko rito. Pilit ko man inayos ang buhay ko, sa huli ay talunan pa rin ako. Hindi ko na nga ito nagawa na ayusin ay dinagdagan ko pa ang problema at komplikado na sitwasyon na mayroon ako.

“Princess Atasha Minette!” Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang ilang lalaki na mga nakasuot ng itim at may mga nakasukbit na earpiece, yumukod pa sila sa akin harapan bilang tanda ng paggalang. “Princess, nariyan na ang private plane. Halika na.”

“Kamusta, Nathan?” nakangiti na bati ko sa kan'ya.

Si Nathan and head of security ng royal guards sa ngayon. Kinuha niya ang isang maleta at isang bag na naglalaman ng kaunting gamit ko, pagkakuha ay inabot niya iyon sa mga tauhan niya.

Pinalibutan ako ng apat na bodyguards nang tumayo ako at naglakad. “Nathan, tell your men to back-off. Ilang taon na ako na nakakapaglakad mag-isa rito, hindi ninyo na ako kailangan pa na palibutan na parang may mananakit sa akin.” naiinis na sabi ko sa kan'ya.

“Sorry, princess, royal protocol. Hindi magugustuhan ng prinsipe kapag nalaman na lumabag kami sa itinakda na protocol lalo na at ikaw ang kasama.” pag-eesplika naman niya.

Lumagpas kami sa pila ng mga tao sa departure area at pinadaan sa ibang gate. Napabuntong-hininga na lamang ako, “Nathan, sa susunod, puwede ba sundin natin ang polisiya nila? Hindi tayo dapat maging espesyal dito.”

“Sorry, princess, it is how it is.”

“Nathan, wala tayo sa atin at puwede ba ‘wag mo akong tawagin na princess? Hindi pa man ako nakakabalik ay pinapainit mo na ang ulo ko.” Nangiti naman siya sa tinuran ko.

Halos kababata ko si Nathan kung kaya’t alam na niya ang ugali ko. Bago ako umalis ay ang ama pa niya ang head of security. Nakakatuwa na malaman na siya na ngayon ang namumuno sa mga tauhan namin dahil matagal na niya ito na pangarap.

“Princess, sumusunod lang sa protocols.”

“Hindi mo kailangan na sumunod sa protocol dahil wala tayo sa atin.”

“Magagalit ang prinsipe kaya pasensya na, princess.” muli na pagpapaliwanag niya.

“Wala ang prince rito, kaya puwede ba?” Naiirita na sabi ko tsaka nagmamadali na lumapit sa pribadong eroplano na nakaparada na may bandila ng Genova.

Genova. Ang bansa na pinanggalingan ko. Ang lugar na pilit ko na tinatalikuran ngunit ayaw ng tadhana at muli ako na binabalik sa lugar na nais ko na takasan.

“Princess Atasha Minette!” Pagtawag sa akin ng isang lalaki na pababa ng eroplano.

Kasunod niya ang ilang security detail din sa palasyo. Napangiti ako nang makita siya. Hindi ko inaasahan na darating siya.

“Aki! Akiro!” masaya na bati ko.

Tumakbo ako papalapit sa kan’ya kaya nagsitakbuhan rin ang mga royal guards na nakasunod sa akin. Paglapit ko ay bigla ako na yumakap sa kan'ya.

Natawa naman siya sa ikinilos ko at yumakap din sa akin, “How’s my princess?”

“I miss you, Aki. Bakit sumama ka pa rito?”

“Of course, ako mismo ang dapat sumundo sa prinsesa. And you have a lot of explaining to do.” Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at mataman ako na tiningnan. “You looked like a mess.”

“Hmp, halika na nga. Ang dami pa na sinasabi.” Hinatak ko siya sa braso at dali-dali na naglakad paakyat sa eroplano.

“Careful, Princess Minette, baka madapa ka sa hagdan. You have to be careful now lalo na at dalawa na kayo-“

“Stop, Aki, ‘wag kang OA.” Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Napailing na lamang siya at sumunod sa akin paakyat sa eroplano.

Pagpasok ko ay agad na yumukod ang mga stewardess bilang pagbati. “Good afternoon, Princess Minette.”

Tumango lamang ako tsaka dire-diretso na naupo. Sumandal ako at pumikit, pilit ko na pinapakalma ang sarili ko bago pa kami lumipad.

Ito na talaga, wala ng atrasan pa. Babalik na ako sa buhay na iniwan ko at kailangan ko na maging handa na harapin ang hari at reyna. Kailangan ko na maging handa na muli na harapin ang aking mga magulang.

“Atasha.” Nakita ko si Aki na nag-aalala na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya para sabihin na ayos lang ako. Umupo siya sa may tabi ko at bahagya na ginulo ang buhok ko. “Are you ready?”

Tumango naman ako bilang sagot. “Thank you, Aki. Salamat for always having my back. Ikaw lang talaga ang maaasahan ko.”

“Of course, Tash, I will always have your back. You’re my sister after all at kahit gaano ka pa katigas ang ulo, naiintindihan ko ang lahat. And I promise you, they won’t force you again.” Yumakap pa siya sa akin at sumandal naman ako sa dibdib niya.

“I don’t want to be a princess anymore, Aki.”

“But you have to, not for yourself but for the little being inside you. Are you ready to tell me who the father is?” Agad ako na umiling bilang sagot.

Hindi pa ako handa na ipaalam ang mga katangahan na ginawa ko sa Pilipinas. Ito rin ang unang tinanong sa akin ni Akiro nang mag-usap kami sa telepono. Gusto niya na malaman kung sino ang nakabuntis sa akin, pero gaya nang sabi ko, hindi pa ako handa.

Bumuntong-hininga naman siya at tumango, “I understand, but you have to tell me someday, Atasha. I cannot protect you kung hindi mo aaminin sa akin ang lahat.”

“Yes, Akiro, I just need some time.”

Gulong-gulo pa rin ako. Iyon ang totoo. May bahagi ng isip ko na lubos na nakokonsensya sa ginawa ko na pagtakas kay Colton. Alam ko na karapatan niya na malaman ang ipinagbubuntis ko pero naunahan na ako ng takot at pangamba.

Takot kina Yulence at Ofelia sa maaari nila na gawin lalo na at si Colton ang ama. Ang tangi na iniisip ko na lamang ngayon ay ang tuluyan na kami na hindi magkita pa muli ni Colton Mijares dahil hindi ko alam kung mapapatawad niya ako 'pag nalaman niya itong bagay na itinago ko sa kan’ya.

“Atasha, I know I said that they won’t force you to marry anymore. But are you ready to face him? I think you owe him that. You owe him an explanation after what he went through when you left.”

Bigla ako na natigilan sa sinabi ni Akiro. Tama siya, malaki rin ang pagkakasala ko sa lalaki na tinakasan ko at iniwan. Wala siyang kasalanan pero nadamay lamang siya. Biktima lang din siya ng sitwasyon at kailangan ko na siya na harapin sa muli na pagbabalik ko.

Si Prince Aldrick Laureus. Ang prinsipe na nakatakda ko sana na pakasalan dahil sa isang arranged marriage between the royals. Ang prinsipe na iniwanan at tinakbuhan ko. Ang tangi na rason kung bakit ako napunta sa Pilipinas.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow prensisa pala si atasha king laitin ng ina ni yulence ganun na lang kung sabagay walang nakakaalam ng totoong pagkatao ni atasha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status