Share

Kabanata 6

Simula pa lang nang lumapag ang eroplano na sinasakyan namin sa paliparan ay hindi na ako makapag-isip ng matino. Binabagabag ako ng matindi na takot at maraming katanungan. Ang dami na gumugulo sa aking isipan, ang dami ng emosyon na gusto na kumawala sa akin ng sabay-sabay.

Pagbaba ng eroplano ay ilang mga kalalakihan na naka suot ng itim ang nakalinya sa daanan namin. Hindi malayo sa pinaghintuan ng eroplano ay ang ilang sasakyan na itim din na nakaparada.

Iginiya kami ng mga guards papunta sa sasakyan na nasa gitna ng pila na may bandila ng Genova. Inalalayan ako ni Nathan hangang sa makapasok ng sasakyan habang kasunod ko na pumasok si Akiro.

Kasalukuyan na kami na bumibiyahe sakay ng kotse pauwi sa palasyo. Hindi maikakaila ang labis na kaba na nararamdaman ko ngayon. Kanina pa ako hindi mapakali at alam ko na napapansin na ‘yon ni Akiro. Manaka-naka siya na sumusulyap sa akin habang ako ay pinananatili lamang ang mga mata sa bintana, tinatanaw ang amin dinaraanan.

Karamihan sa mga tao ay nakamasid sa ilang itim na sasakyan na sunod-sunod na bumabaybay sa kalsada. Alam nila na kapag ganito kahaba ang pila ng mga itim na sasakyan ay may sakay na miyembro ng royal family ang loob nito kung kaya’t lahat nang madaanan ng sasakyan ay yumuyukod bilang pagbibigay-galang.

Kahit buong buhay ko nang nakagisnan ang ganito na tanawin at ganito na pagsalubong ng mga tao ay hindi pa rin ako masanay-sanay. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kami na itaas at ilagay sa pedestal.

Ayaw ko sa ganito na buhay. Ayaw ko na itrato na mas nakakataas sa iba at higit sa lahat ayaw ko na maging sentro ang buhay ko ng usapin ng ibang tao.

Ilang minuto na lamang ay mararating na namin ang palasyo. Ang tahanan na kinagisnan at kinalakihan ko at ang lugar na nais ko sana na itakwil at kalimutan.

Habang papalapit kami sa palasyo ay nababawasan din ang mga kabahayan na madaraanan. Ang tanawin ay napapalitan ng mga mayayabong na puno at halamanan. Isa ito sa mga gusto ko na tanawin dito. 

Ibinaba ko ang bintana upang makalanghap ng sariwang hangin. Hinayaan ko na dumantay ang malamig na simoy nito sa aking mukha. Gusto ko ang ganito na pakiramdam dahil napapakalma nito ang naghuhurumentado na puso at isipan ko.

“Atasha, okay ka lang?” Halata ang pag-aalala ni Akiro nang magsalita siya.

Napalingon ako sa aking kapatid at tipid na ngumiti sa kan'ya tsaka tumango.

“Yes, Aki, sooner or later ay kailangan ko na harapin ito.” Hinawakan niya ako sa balikat at masuyo na ngumiti sa akin.

“I am here. And also the king and queen have long understood your reasons.” saad pa niya.

Bumuntong-hininga ako, simula ng lumaki at magkaisip kami ni Akiro ay lagi na lamang may dibisyon ang papel na ginagampanan ng mga magulang namin sa buhay namin dalawa. At kadalasan ang papel na ito ay bilang hari at reyna. Mas nagiging matimbang ang posisyon na ito kaysa ang pagiging ama’t ina nila sa amin.

“Sana lang, Aki, for once maramdaman ko na magulang sila at hindi lamang bilang hari at reyna sa palasyo.” sabi ko pa.

Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mga mata ni Akiro. Pilit niya na pinapagaan ang lahat para sa akin, pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at bigat ng responsibilidad na ‘yon para sa sarili niya.

“Nandito naman ang kuya, Tash, you can always depend on me.”

Napangiti ako sa tinuran niya. Mahigit dalawang taon lang ang pagitan ng edad namin ni Akiro pero pinanindigan niya ang pagiging nakatatanda na kapatid sa akin lalo na nang nagpasya ako na lumayas at mamuhay malayo sa marangya na buhay na ito. 

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakapasok na kami sa malawak na lupain ng palasyo. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking pintuan kung saan nakahilera ang ilan mga guwardiya at bantay. Pinagbukas kami ng pintuan ng isa sa kanila. Kinailangan ko pa na hintayin maka-ikot si Akiro sa aking gilid bago tuluyan na bumaba ng sasakyan. Isa ito sa mga pamantayan na sinusunod bilang bahagi ng aming pamilya.

Pagkababa ng sasakyan ay sabay-sabay na yumukod ang mga tauhan, habang tango lang ang isinagot namin ni Akiro. Inalalayan ako ng aking kapatid paakyat sa ilang baitang na hagdanan bago tuluyan na pumasok sa palasyo.

May kung ano na emosyon na lumukob sa akin sa muli na pagtapak sa lugar na ito. Nagdala ito ng samu’t sari na alaala sa akin. Mga magaganda at masasakit na alaala.

“Princess Atasha, let’s go.”

Pagpasok ng palasyo nararapat lamang na ikabit na sa pangalan ang mga titulo na mayroon kami. Hindi na maaari na sa pangalan lamang ang itatawag sa amin.

“The king and queen is expecting your presence in the study room, Prince Akiro and Princess Atasha Minette.” Magalang na sabi ng isang lalaki na nakatayo pagpasok namin. Tumango naman si Akiro sa kan'ya at hinawakan ako sa braso upang igiya sa lugar na sinabi ng lalaki.

Nakatayo ang dalawang bantay sa pintuan kung saan ako iginiya ni Akiro. Marahan na kumatok ang isa bago binuksan ang pinto at saka sila sabay na yumukod sa amin ni Aki bilang tanda ng paggalang sa amin. Nauna na pumasok si Akiro habang nakasunod ako sa kan'ya.

Milya-milya ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Halos nagsisikip ang dibdib ko sa tindi ng kaba na bumabalot sa akin. Ito na ang muli na paghaharap namin ng hari at reyna, ang aking mga magulang.

Pagpasok ko ay nakita ko ang pormal at walang emosyon na mukha nila. Nakatayo si Akiro sa gilid at sinenyasan ako na pumasok na. Huminto ako sa tapat ng lamesa at marahan na yumukod bilang paggalang. “King and queen.” bati ko pa sa kanila.

Tumayo ang reyna at lumapit sa akin. Lalo na kumabog ang dibdib ko. Alam ko na matindi ang galit nila sa nagawa ko. Bukod sa problema na dinala ko sa pamilya namin at sa pamilya ni Aldrick ay inilagay ko rin sa kahihiyan ang hari at reyna.

Yumuko ako at bigla na lumuhod sa harapan niya na ikinagulat nilang lahat, lalo na ni Akiro. “Princess Atasha!” sabi niya sa malakas na boses.

Bahagya ako na sumulyap sa aking kapatid at umiling sa kan'ya para sabihin na ‘wag nang magsalita pa.

“Patawarin po ninyo ako, mahal ko na hari at reyna. Alam ko na malaki ang pagkakamali na nagawa ko.” Ito na lamang ang mga kataga na nabanggit ko at muli na nag-uunahan na tumulo ang mga luha sa mata ko.

Marahan na haplos ang nagpataas ng ulo ko at nakita ko ang mga naluluha na mata ng reyna na nakatunghay sa akin. “Atasha, tumayo ka riyan.” utos niya sa akin.

Nagulat ako sa pagtawag niya sa akin sa pangalan lamang. “Tama na, anak. Sinasalubong ka namin ngayon bilang anak namin. Ang muli na pagbabalik ng anak namin na umalis at ngayon ay bumalik sa harapan namin. Narito kami bilang mga magulang mo, Atasha, at hindi bilang hari at reyna.”

Hindi na rin niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Itinayo niya ako at niyakap ng mahigpit. Gulat man sa mga nangyayari ay gumanti ako ng yakap pabalik.

Ang tagal ko na hinintay ang pagkakataon na ito. Ang pagkakataon na maramdaman na magulang ko sila. Ang sarap pala sa pakiramdam na maging normal kahit isang beses lamang.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at lumingon sa aking ama na hindi ko namalayan na nakatayo na rin pala sa may tabi namin. “Anak, welcome home. Thank you for coming back.” saad niya sa akin at tsaka ako niyakap din ng mahigpit.

Sobra ang saya na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na ganito na pagsalubong ang aking daratnan.

Bumitaw sa pagkakayakap sa akin ang aking ama, tiningnan niya ako sa mata at marahan na pinunasan ang mga luha ko. Malambing siya na ngumiti sa akin at muli na nagsalita, “My baby will now have a baby?” tanong niya.

Napasulyap naman ako kay Akiro, nakangiti siya sa akin at parang binibigyan ako ng suporta na sabihin sa mga magulang ko ang totoo. Tumango ako bilang pagsagot, lumapit sa akin ang aking ina at masuyo na hinagod ang likuran ko. “We’ll discuss this later. You may go to your room, anak. Kailangan mo muna na magpahinga.”

Tumango ako sa kanila at muli na yumukod tanda ng pagpapaalam. “I will take my leave, your highness.”

“Sasamahan ko na si Princess Atasha.” sagot naman ni Akiro.

Sabay kami na lumabas ni Akiro at tumuloy sa elevator paakyat sa ikatlong palapag. Wala pa rin pinagbago sa palasyo, kung paano ko ito iniwan ay gano’n pa rin ito.

Sinamahan ako ni Akiro hanggang sa loob ng kuwarto ko. Pagpasok rito ay bumungad sa akin ang parehong-pareho na ayos nito. Walang nagalaw o naiba ng puwesto at higit sa lahat nanatili ito na malinis pa rin.

“I asked the maids to clean your room everyday, Tash. I am always hoping that you will come back one day.” Nilingon ko si Akiro na dire-diretso na umupo sa may couch sa kuwarto ko. 

“Thanks, Aki, you’re the best brother.”

“Of course, ako lang naman ang kapatid mo. Not unless may anak sa ibang babae ang hari?” May pagbibiro pa na turan niya.

“Loko-loko! Marinig ka no’n lagot ka.” Natatawa na sagot ko sa kan'ya at tumabi sa kinauupuan niya. “How’s life here in the palace, Aki?”

“Same. Wala naman magbabago rito. But I’m so glad you’re back. Masaya ako na bumalik ka, princess at ako pa rin ang naisipan mo na tawagan sa oras ng pangangailangan.”

“Ako rin, Aki. Masaya rin ako. At mas masaya ako sa naging pagtanggap sa akin ng mga magulang natin. Hindi ko inaasahan na magiging gano’n ang salubong nila.” Sumandal ako at dumantay sa balikat niya.

“The time na tumawag ka at ginulat mo ako sa balita na buntis ka, wala na akong ibang nagawa kung hindi ipaalam sa kanila ang katotohanan. And I’m sorry, Tash, that I have to tell them your secret. I was left with no choice, ‘pag sinabi ko na babalik ka na, alam ko na magtataka sila at mas marami ang mga katanungan na ipupukol nila. They know you so much to know how stubborn you can be. How stubborn of you to even ran away from home. Kaya alam nila na may malalim na dahilan sa pag-uwi mo.”

Tama si Akiro. Kilalang-kilala ako ng mga magulang ko. At kung hindi lang talaga ako nabuntis hindi naman talaga ako babalik dito. At kung hindi lang talaga sala-salabat na kamalasan ang dumapo sa buhay ko malamang kahit buntis ako ay hindi pa rin ako babalik.

Nagkataon lang na konektado ang lalaki na nakabuntis sa akin sa lalaki sa nakaraan ko at kailangan ko na protektahan ang magiging anak ko.

“It’s okay, kuya, I understand. At sobra ang laki ng pasasalamat ko sa’yo sa lahat ng tulong na binibigay at ginagawa mo para sa akin.” Yumakap pa ako sa beywang niya at naramdaman ko ang masuyo na pag-ayos niya sa buhok ko.

“I will do everthing for you, Atasha. It’s my responsibility, not just as the prince but as your brother.”

Nanatili kami sa gano’n posisyon ng ilang minuto. Parehas namin na ninanamnam ang katahimikan ng paligid. Maya-maya ay muli na nagsalita si Akiro.

“Tash, I don’t want to force you on anything, but about Aldrick.”

“I know, Aki, and I intend to make things right with him. Alam ko na biktima lang din siya ng sitwasyon namin dalawa. And I really regret na nadamay siya rito.” Bahagya ako na lumayo kay Akiro, sumandal sa couch at pumikit.

Gusto ko na pagpahingahin sandali ang utak ko na gulong-gulo. Maaari na nalagpasan ko ang unang bahagi sa pagbabalik ko: ang pagharap sa mga magulang ko pero hindi pa ro'n natatapos ang lahat. Kailangan ko pa na ipaliwanag sa kanila ang mga pangyayari sa Pilipinas. At idagdag pa ro’n ang sitwasyon ko kay Aldrick.

“Tash, there’s something you need to know.” Agad ako na napadilat nang marinig ang pag-aalala sa boses ni Akiro.

Napataas ang kilay ko sa kan'ya na nagtatanong. “What is it, Aki?”

Bigla na naman ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Ano na naman ba itong sasabihin ni Akiro sa akin at parang hindi maganda ang magiging takbo ng usapan namin?

“I’m sorry na hindi ko ito sinabi sa’yo ng mas maaga.”

“What is it, Aki? Lalo mo ako na pinapakaba. Puwede ba sabihin mo na agad at ‘wag ka na magpaligoy-ligoy pa?”

“Aldrick is now part of the commitee. Ibig sabihin ay malimit mo na rin siya na makikita.”

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Gideon Sernal
nice story
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda ng twist naging presinsa si atasha na nagpanggap na isang mahirap sa Pilipinas
goodnovel comment avatar
Apriljane Dumanon
please unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status