“What?” gulat na tanong ko. Alam niya at kilala niya si Yulence? “Yulence Villagomeza, your ex-boyfriend and the bastard who tried to rape you. If not for Colton Mijares baka naisahan ka na ng animal na ‘yon.” galit na sabi ni Akiro. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang mga bagay na ito, pero ipagtataka ko pa ba ‘yon? Malawak ang koneksyon ni Aki at mabilis siya na makakakuha ng impormasyon lalo na at alam ko na may tauhan siya sa Pilipinas. Kaya niya nga rin naisipan na ro’n ako papuntahin nang tumakas ako. “Akiro.” bulong ko. Nakikita ko ang galit sa mata ni Akiro at ayaw ko na masira ang gabi na ito para sa pamilya namin. “I’m waiting for you to call me, Atasha. Nag-aantay ako na aminin mo sa akin ang kamuntikan mo na pagkapahamak pero hindi ‘yon nangyari. Kulang na lang ay lumipad ako papunta ng Pilipinas para ako mismo ang magsigurado na hindi ka malalapitan ng Villagomeza na ‘yon.” Nabawasan na ang galit sa boses niya at napalitan na ng pagtatampo. Naiintindihan ko ang
Naging maaliwalas at panatag ang buhay ko sa pagbabalik ko kasama ang aking pamilya. Ngayon ay narito ako sa hardin dahil nakaugalian ko na ang maglakad-lakad dito tuwing umaga. Mag-aapat na buwan na rin ang tiyan ko kaya medyo malaki na rin ito. Naupo ako para pagmasdan ang magandang tanawin. Ngayon ko lamang masasabi na nasisiyahan ako sa pamamalagi ko rito. Simula nang makabalik ako naging normal ang pamumuhay namin. Hindi na gaya ng dati na madami ang sinusunod na pamantayan. Ngayon ay malaya ako na nakakakilos ayon sa aking kagustuhan. Napabalik-tanaw na naman ako sa mga nangyari sa nakaraan. Ang araw na umalis ako at sinubukan na kalimutan ang lahat ng ito. Hindi ko masabi kung tama ang mga naging desisyon na ‘yon, pero ang alam ko marami ang nagbago ng dahil sa hakbang na ginawa ko. ---- “Good Morning, Princess Atasha!” nakangiti na bati ni Aldrick sa akin. Simula nang magkakilala kami ay madalas ang nagiging pagbisita niya rito sa palasyo. “Good Morning, Prince Aldrick.
“Aldrick!” Halata ang excitement sa boses ko kaya bigla siya na napatawa. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa may noo, “What are you doing?” “Nothing, nag-iisip lang. Nagmumuni-muni, nagbabalik-tanaw sa nakaraan.” Pagkibit-balikat na sagot ko sa kan’ya. “I told you to stop thinking about the past, Tash. Don’t stress yourself with things that doesn’t matter anymore. The present is more important, lalo ka na and the babies. So bawal ka mai-stress okay?” Malapad na ngiti ang sinukli ko sa kan'ya. Sa muli na pagbabalik ko rito ay naging malapit kami ni Aldrick. Parati niya ako na pinupuntahan dito sa palasyo at minsan ay magkakasama kami nila Akiro na mamasyal lalo na at hindi sila abala sa komite. Dahil sa pagbubuntis ko hindi na muna ako pinayagan na maging bahagi ng komite at inaalala ng mga magulang ko na baka masyado ako na mapagod. “You brought the cake!” Masayang sabi ko pa sa kan'ya habang inabot ang cake na dala-dala niya. “Of course, request mo ‘yan, princess. But jus
“Fuck it, Kane! Ano ang ginagawa ng mga kontak mo? Bakit hanggang ngayon wala pa na balita kung nasa’n si Atasha? This is insane! Hindi puwede na basta na lang siya na maglaho.” Ito ang nanggagalaiti na sigaw ni Colton sa kan’yang opisina isang umaga. Kaharap niya ang dalawang matalik na kaibigan na wala siyang ginagawa kung hindi ang bungangaan araw-araw. Simula nang mawala si Atasha halos walong buwan na ang nakakaraan ay lalo na siya na naging bugnutin at masungit. “Ginawa na lahat ng private investigators ko ang lahat ng kaya nila, but up to this point ay wala talaga na makuha na trace. Lahat ng possible na kinaroroonan niya ay nauuwi sa dead-end. Parang may humaharang at ayaw talaga na ipaalam sa atin kung nasa’n siya.” sagot naman ni Kane. Ilang buwan na rin sila na naghahanap at ilang imbestigador na rin ang nakuha niya para hanapin si Atasha pero wala talaga makakita sa babae. “Baka naman ayaw magpahanap ni Atasha talaga? Maybe it’s best if you let go, Colt. Mahirap hanapin
Tanggap ko na nga ba si Aldrick sa buhay ko? Natigilan ako sa tanong na ‘yon ni Aki. Alam ko na espesyal sa akin si Aldrick ngayon pero ang nararamdaman ko ba sa kan’ya ay sapat na para makalimutan ko si Colton? Hindi ba isa na naman na pag-rebound ang gagawin ko kung sakali? “Atasha, don’t overthink things and don’t make everything too complicated. Sundin mo kung ano ang sinasabi niyan.” Sabay turo ni Aki sa bahagi ng puso ko. “I think so, Aki. I think I do.” “You think what?” Pareho kami na napalingon ni Akiro sa boses na ‘yon ni Aldrick. Bigla na naman ang pamumula ng pisngi ko dahil hindi ko alam kung saan parte ng pag-uusap namin ni Akiro ang narinig niya. “Sabi ni Tash ay tingin niya nagsinungaling ka na naman sa kan’ya kanina. Sorry, bro, ‘di mo sinabi na ang sabihin ko ay hapon pa ang meeting.” Napabuga ako ng hangin ng mabilis ako na saluhin ni Aki. “Ah, eh, Tash, I didn’t mean to, gusto ko lang talaga sumama sa –“ “I know. You don’t have to explain.” Masuyo ko siya na
“Cole and Ashi! Nandito na ang tito ninong.” Ito ang bungad ni Akiro pagpasok sa kuwarto ng kambal. Kasunod niya ang ilan sa mga katulong na may mga bitbit na mga supot ng iba’t-ibang klase ng laruan. “Aki! Ano na naman ‘yan?” Naiinis na tanong ko sa kan'ya habang nakasimangot. “Toys!” “Yes, toys! Pero puwede na sila na magtayo ng sarili nila na toy store sa ginagawa mo.” “Ashi, Cole! tito daddy is here!” Sumunod na pumasok si Aldrick kasunod ang ilan sa mga bodyguards na mayro’n din bitbit na mga supot ng laruan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “What is this?!” sigaw ko sa dalawa. Sabay na napalingon sa akin sina Akiro at Aldrick. Bakas ang kaba sa mga mukha nila. “T-toys?!” kabado na sagot ni Aldrick. Pinanlakihan ko siya ng mata at ipinagkrus ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko. “Alam ko na mga laruan ‘yan! Ang tinatanong ko ay ano ang ibig sabihin ng ganyan karami na mga laruan? Bakit halos binili ninyo na ang buong tindahan?” “Babe, ‘wag ka na magalit. Napadaan ka
“Hon, let’s go out for lunch.” Bungad ng babae na kakapasok lamang sa opisina ni Colton Mijares. Kasalukuyan siya na nasa pagpupulong kasama ang mga kaibigan nang dumating ang babae kaya napasimangot ang bilyonaryo. “Lia, why are you here? I told Lawrence no visitors allowed as we are in a meeting.” Inis na inis na turan naman ng masungit na CEO habang madilim ang pagkakatingin sa babae na pumasok. “Quit it, hon, I am not a visitor. I work here, remember? And most importantly, I am your girlfriend! And besides, sina Migs at Kane naman ang kausap mo. Kaya come on, let’s have lunch first. What is so important na hindi ka man lang makapag-lunch kasama ang girlfriend mo?” Lumapit si Lia sa kan’ya at dire-diretso na h*****k sa labi niya sa harap ng mga kaibigan. Kitang-kita ang pagkadismaya sa mga mukha ng dalawa sa ginawa ng babae. “Lia, it’s not even lunch break yet. And this is an important matter. Let’s just have dinner later okay?” Halata ang pigil na inis ni Colton sa babae. “Hm
Papunta na kami ngayon sa cathedral upang pormal na ipakilala ang kambal sa taong-bayan. At tulad ng ipinangako sa akin ni Akiro, triple ang seguridad na inihanda ni Nathan para sa amin na mag-iina. Dumagdag pa rito ang karagdagang palace guards mula sa Royal Laureus nila Aldrick. Kinakabahan pa rin ako dahil makalipas ang ilang taon ay muli ako na haharap sa maraming tao. Bukod pa roon ay ang pagpapakilala sa mga anak ko. Napukaw ang atensyon ko nang hawakan ni Aldrick ang mga kamay ko at malambing na ngumiti. “Everything okay, princess?” Tumango ako at nginitian din siya. Nasa kabilang sasakyan ang kambal kasabay si Akiro. Ang sabi ng security detail ay ihiwalay muna sa akin ang mga bata upang hind maging sa isang sasakyan lamang ang sentro kung sakali man na may magtatangka na gumawa ng hindi maganda sa amin. Pagdating sa cathedral ay marami na ang mga tao na nag-aabang. Pagkababa ni Aldrick ay sumunod ako na bumaba. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsalubong sa amin. Inalalay