Share

Kabanata 8

Naging maaliwalas at panatag ang buhay ko sa pagbabalik ko kasama ang aking pamilya. Ngayon ay narito ako sa hardin dahil nakaugalian ko na ang maglakad-lakad dito tuwing umaga.

Mag-aapat na buwan na rin ang tiyan ko kaya medyo malaki na rin ito. Naupo ako para pagmasdan ang magandang tanawin. Ngayon ko lamang masasabi na nasisiyahan ako sa pamamalagi ko rito.

Simula nang makabalik ako naging normal ang pamumuhay namin. Hindi na gaya ng dati na madami ang sinusunod na pamantayan. Ngayon ay malaya ako na nakakakilos ayon sa aking kagustuhan.

Napabalik-tanaw na naman ako sa mga nangyari sa nakaraan. Ang araw na umalis ako at sinubukan na kalimutan ang lahat ng ito. Hindi ko masabi kung tama ang mga naging desisyon na ‘yon, pero ang alam ko marami ang nagbago ng dahil sa hakbang na ginawa ko.

----

“Good Morning, Princess Atasha!” nakangiti na bati ni Aldrick sa akin.

Simula nang magkakilala kami ay madalas ang nagiging pagbisita niya rito sa palasyo.

“Good Morning, Prince Aldrick.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status