Isang kotse na may tatak na Rolls-Royce ang huminto sa tabi ng kalsada katapat ng tarangkahan na kulay puti at sa loob no’n ay isang bahay na mayroong dalawang palapag. Bumukas ang driver seat at lumabas doon si Stephan at agad na lumiko upang pagbuksan nito ang pinto ng passenger seat.
“Maraming salamat sa paghatid sa amin, Stephan!” pagpapasalamat ni Allyce sa kaniya. “Maraming salamat sa lahat! Hindi ko na alam kung ano ang magiging buhay namin ng anak ko at kung saan kami pupulutin ngayon kung hindi ka dumating at—”
“Shh!” Nakalagay ang hintuturo ni Stephan sa malambot na labi ni Allyce upang pahintuin ito. “Mahalaga ka sa akin—ng anak mo at tyaka… mahal kita, Allyce. Sapat na ba iyon bilang rason kung bakit patuloy pa rin kitang tinutuluyan ngayon?”
Napakagat ng ibabang labi si Allyce pagkaalis nito ng hintuturo mula sa labi niya at tumango na lang siya bilang pagsang-ayon. Napakalambing ng binata at siguradong magiging maswerte ang babaeng papakasalan nito.
“Hali ka na baby! Ayan… dahan-dahan. Mag-iingat ka.” Inalalayan ni Allyce ang kaniyang anak na si Darkien na ngayon ay pababa mula sa loob ng kotse.
“Allyce,” mahinang pagtawag ni Stephan sa kaniya na ikinalingon niya rito.
“May sasabihin ka pa?” Makikita sa mukha ni Allyce ang kuryosidad at hinihintay niya ang sasabihin ng binata.
“Mahal kita.” Napatigil si Allyce pagkarinig niya no’n at halata sa boses ng binata ang pagka-seryoso nito. “Hindi ako magsasawang sabihin iyon sa iyo.”
Agad na naglaro ang isip ni Allyce at naalala na naman niya ang asawa niyang demonyo, si Demon. Naalala niya pang sinabihan din siya nito nang ganiyang linya. Tila ay ume-echo sa kaniyang isipan ang boses nito at talaga namang naririnig niya pa ang boses ng asawa.
“Matagal na ang anim na taon subalit makakaya ko pa ring maghintay… na hintayin ka habambuhay… ganiyan kita kamahal, Allyce. Lahat gagawin ko.” Nakatitig lang ito sa kaniyang mga mata. “Wala akong hinihinging kapalit kahit bagay man. Nais ko lang ay mahalin mo rin ako—na magawa mo akong mahalin. Ako na ang maswerteng lalaki sa buong imp—mundo kung gano’n!”
Hindi makasalita si Allyce. Tila naputulan siya ng kaniyang dila at hindi gumagana ang kaniyang utak. Kahit na tumatawa ang binata, makikita pa rin sa mga mata nito ang lungkot. Isa rin si Stephan sa dahilan kung bakit hindi niya makakalimutan ang alaala ng kaniyang asawa, si Demon. Ang kulay ng mga mata ng dalawa ay tunay ngang may pagkakatulad. Napakaitim na tulad ng gabing walang tanglaw.
“Stephan…” tanging naisambit ni Allyce nang mahina.
‘Mahalaga ka sa akin… pero…’ napabuntong hininga na lang siya nang mahina. Paano nga ba niya sasabihin sa binata na hindi niya kayang mahalin ito kahit na alam niya sa sarili na napakadali lang na mahalin ang binata. Baka siguro hindi pa sapat ang anim na taong panliligaw nito? Nakakapagtataka naman kung gano’n. Ito lang ang nasa isip ni Allyce… baka hindi lang talaga sila ang itinadhana para sa isa’t isa.
Huminto si Stephan sa kaniyang pagtawa at tinignan niya ang nakakabighaning mukha ng pinakamamahal niyang si Allyce. Hindi siya magsasawang titignan ito maghapon man o magdamag. Siya ang nag-iisang babae na kayang patibokin ang kaniyang patay na puso. Ang babaeng tanging hinihiling niyang makasama sa pagtanda at sa kabilang buhay.
Napababa ang kaniyang paningin sa nakakaakit na mapupulang labi ni Allyce. Tila ay may force na nagmamagnet sa kaniya na halikan ito. Papalapit na nang papalapit ang kaniyang labi kay Allyce nang…
“Mommy? Gutom na ako.”
Kapwa’y napabalik sa wisyo ang dalawa nang marinig ang boses ni Darkien. Napatingin si Allyce sa kaniyang anak na ngayo’y nakanguso at nagpapa-kyut sa kaniya. Nakayakap ito sa kaniyang hita.
“Papatayin mo ba ako sa ka-kyutan mo anak, huh!” Masayang binuhat ni Allyce ang anak sa kaniyang mga bisig at hinalikan niya ito sa mabibilog nitong pisngi.
“Waah!” agad namang umiyak si Darkien nang marinig ang sinabi ng kaniyang mommy.
“O? Bakit ka umiiyak, baby? May masakit ba?” agad namang nag-aalalang tanong ni Allyce sa anak.
“D-Dito.” Tinuro ng kaniyang anak ang bandang dibdib nito.
“Ha? Nahihirapan ka bang huminga? Ano? Sabihin mo, baby!” Natataranta na ngayon si Allyce nang makitang itinuro ng anak ang dibdib nito.
Umiling ang bata.
“Sabihin mo, Darkien. Pasok kayo sa loob ng kotse at dadalhin natin siya sa ospit—”
“Sabi mo, mommy, mamamatay ka sa ka-kyutan ko! A-Ayokong mawala ka!” malakas itong pumalahaw ng iyak.
Agad namang napatawa si Allyce at si Stephan nang malaman ang dahilan ng pag-iyak nito. Akala nila kung ano.
Hindi maiwasan ni Allyce na mapangiti. Talaga nga namang mahalaga siya sa buhay ng bata. Mahal siya nito.
“Biro lang ’yon ng mommy, baby!” natatawang paliwanag ni Stephan sa bata na ikinanguso at ikinasimangot nito. “Anong problema? Anong mukha ’yan?”
“Away n’yo ko! Hindi tayo bati!” pagmamaktol nito at pinag-krus pa nito ang kaniyang dalawang kamay.
“Lulutuan kita ng favorite mong hotdog, okay na ba iyon, baby? Peace offering namin ng tito mo,” nakangiting suhestiyon ni Allyce sa bata.
Agad namang nangningning ang maitim na mga mata nito. “Yehey! Gusto ko hotdog! Bati na tayo!”
Napakasaya nilang tignan na wari isang buong pamilya. Ngunit, sa kabilang banda ay mayroong nagngingit-ngit at halatang matindi ang pagkaselos nito sa kaniyang pinapanood.
“Pinagpalit mo na nga ako!” Nagkas-kasan ang mga ngipin ni Demon sa matinding nararamdamang inis at pagkagalit.
Halata sa mukha nito na hindi siya nasisiyahan sa kaniyang nakikita. Hindi niya matanggap ang katotohanang hiwalay na sila ng asawa—na wala na siyang puwang sa puso ni Allyce.
Napakuyom ang kaniyang mga kamay at sinundan ng tingin ang papalayong Rolls-Royce. Nakita niya namang papasok na sa loob si Allyce habang karga niya pa rin ang anak nito.
Pagkapasok na pagkapasok nila ay agad namang lumabas si Demon sa kaniyang pinagtataguan at napagdesisiyonan nitong lumapit sa bahay ng asawa. Miski makita niya lang ito sa malapitan kahit hindi nito alam.
“Mommy?”
“Yes, baby? May gusto ka bang sabihin?” Nilingonan ni Allyce ang kaniyang anak ng ilang segundo lang at bumalik sa kaniyang pagluluto.
“Hmm…” Tumatango-tango ang bata kahit hindi siya nito nakikita ng kaniyang mommy. “Mahal mo ba ako?”
Agad namang napangiti si Allyce nang marinig iyon. “Oo naman. Higit pa sa buhay ko, baby. Ako ba, mahal mo ba ako?”
“Opo! Higit din sa buhay ko.”
Hindi mapigilan ni Allyce na h****n ang pisngi ng kaniyang anak at bumalik sa kaniyang pagluluto.
“Mommy?”
“Ano ’yon baby?”
“Mahal mo ba sa tito Stephan?”
“Aray!” Napadaing si Allyce nang hindi niya sinasadyang lumapat ang kaniyang pulupulsuhan sa mainit na gilid ng kawali.
“Anong nangyari, mommy?” Nataranta naman ang kaniyang anak nang makitang nasasaktan siya. “Patingin! Patingin!”
“Okay lang si mommy, baby.” Pilit siyang ngumiti sa kaniyang anak. “Maglaro ka muna doon sa sala. Huwag lalabas ng bahay, a.”
“Opo!” Bago pa ito umalis ay sinipat niya muna ang kamay ng kaniyang mommy at tumakbo.
Napabuntong-hininga si Allyce. Napapaisip kung may nararamdaman ba siyang pagmamahal kay Stephan kahit katiting man lang. Kahit anong tanong niya sa sarili ay alam niya ang totoong sagot. Wala. Gusto n’yong paniwalaing mahal niya ito pero sarili lang ang dinadaya niya.
Malaki ang naitulong ni Stephan sa kanila kaya naging ganito siya ngayon. Nahihirapan sa sariling puso—laban sa kaniyang isip. Ang sinasabi ng puso niya ay hindi niya ito mahal at isa lang ang tinitibok nito maliban sa kaniyang anak na si Darkien. Ang isip niya naman ay napaka-kontrabida at palagi niyang nakukuhang sagot ay kailangan niyang mahalin ang binata bilang kapalit ng kaniyang utang na loob dito. Palaging nag-aaway ang dalawang ito subalit lahat naman ay tama—lahat ay may punto. Isa lang ang magiging bunga ng lahat—sakit.
Sa kabilang banda, nakatayo lang si Demon sa labas ng tarangkahan ng bahay ni Allyce. Nagdadalawang-isip kung papasok ba siya sa loob nang walang paalam, o magpapakita siya sa asawa.
Para siyang uod sa labas na pabalik-lakad ang ginagawa. Hindi rin mapigilan ng mga iilang dumadaan na mapapatingin sa kaniya. Ang ilan pa ay nasasayangan dahil napaka-gwapo niya sana kaso… baliw lang.
“Ay! Ang bola ko!” sigaw ni Darkien nang tumalbog ang kaniyang bola papunta sa direksiyon ni Demon.
Mabilis na nasalo niya ito at napatingin sa batang papunta sa kaniyang direksiyon. Nakangiti itong nakatitig sa kaniya.
Hindi niya maiwasang magulat nang makita ito. Hindi siya tanga upang ipagkakailang hindi niya ito kamukha. Hindi siya tanga na hindi agad malamang anak niya ito. Tanga nga lang siya sa pag-ibig niya kay Allyce.
“Hello po! Anong hanap n’yo?” magiliw na tanong ng batang Darkien pagkalapit niya rito.
Kahit na sinabihan na siya ng kaniyang ina na huwag makipag-usap sa isang istranghero subalit siya pa ang naunang nakipag-usap sa isang malaking mama na nasa harapan niya.
“W-Wala… ito.” Binigay ni Demon ang bola sa bata at makikita sa mukha niya ang sobrang saya.
Tila napawi agad ang inis, galit, at lahat ng sakit, at paghihirap niya nang makita ito. Napakunot naman ang noo ni Darkien at nakanguso ang labi nito na tinanggap niya ang kaniyang bola.
Pasulyap-sulyap pa ito kay Demon habang papasok sa kanilang bahay.
“Mommy?” agad na tawag ni Darkien kay Allyce pagkapasok niya sa loob.
“Halika rito baby. Luto na ang hotdog. Huhugasan muna natin ang kamay mo, a!”
“Opo!”
•••
Ang paligid ay hindi gaanong madilim, sapat lang na makita ang loob ng silid kung saan nakatayo si Demon. Pinapanood nito ang mahimbing na pagtulog ng asawa.
Ang maitim nitong mga mata ay tila nagniningning dahil sa refleksiyon ng desinyong ilaw sa loob ng silid ni Allyce. Makikitang kalma lang siyang nanonood dito kahit ang kaloob-loban niya ay nagdidiwang na.
Akala niya ay may iba na ang asawa. Inaakala niyang wala na siyang puwang sa puso nito. Ang pagluwal at pagpapalaki ni Allyce sa kanilang anak ay masasabing pinapahalagahan pa ni Allyce ang kanilang pagmamahalan. Umaasa pa rin siyang maibabalik sa dati ang nasira nilang relasiyon.
“Mahal ko.” Inihakbang ni Demon ang kaniyang mga paa papalapit sa asawa niya. “Matindi ang pananabik kong makita at makasama kitang muli.”
“Hmm…”
Napatingin siya rito na ngayon ay nakatihaya na. Napatawa siya nang makita ang mukha nito sa pagtulog. Pitong taon na ang lumipas nang huli niya itong nakitang ganiyan. Buhaghag ang buhok, humihilik, at napakaganda pa rin sa kaniyang paningin.
Yumuko siya at akmang hahagkan niya sana ang noo ni Allyce nang may isang pwersang nagpatalsik sa kaniya palayo. Hindi man gaanong kalakas subalit sapat na para masaktan siya—masaktan ang kaniyang puso.
“A-Anong…” Nagtagis ang kaniyang bagang habang nakakunot ang kaniyang noo.
Hindi niya maisip kung anong pwersa iyon. Naguguluhan siya. Isang ordinaryong tao lang asawa kaya lubos siyang nagtataka kung saan nanggaling ang pwersang nagpatalsik sa kaniya papalayo.
Isang tunog ng alarm clock ang nagpabalik kay Allyce sa reyalidad. Agad namang lumukso ang kaniyang puso pagkarinig no’n. Dali-dali niyang iniligpit ang kaniyang mga gamit at nilabas ang isang maliit na salamin. Tiningnan niya ang kaniyang sarili at nag-retouch. “Janna, pakisuyo ako.” Dumungaw siya sa opisina ng isa sa kilalang katrabaho niya. Huminto ang dalagang si Janna sa pagtitipa ng keyboard ng kompyuter at tinanggal nito ang suot na headphone bago nito binalingan ng tingin si Allyce. “Ano ’yon, Allyce?” “Mauuna na ako. Pakisabi na lang kay sir Stephan. Salamat!” nakangiti niyang wika habang nakatitig lang sa katrabaho. “Sure! Walang problema. Susunduin mo na ang anak mo?” Tumango siya, “O, sige. Salamat ulit!” Ngumiti ito sa kaniya at sinimulan na ni Allyce na humakbang papatalikod na siyang ikina-irap naman ng huli. Inikot nito ang kaniyang paningin bago sinuot muli ang headphone at iniunat ang sariling kamay at braso. Pagkalabas ni Allyce sa elevator ng kompanya ay nasa
“D-Demon!” tanging naisambit na lang ni Allyce at napa-atras siya nang ilang hakbang. Nanatiling nakatuon ang kaniyang mga mata sa dating asawa, sa demoniyong nasa harapan niya ngayon. Hindi maipagkakaila ni Allyce na mas lalo itong gumwapo at sino man ang makakita sa lalaking nasa harapan ng kanilang pinto ay mahuhulog dito. Katulad niya noon. Napadako ang tingin ni Demon sa batang lalaki na nasa edad na anim na taong gulang. Nakatitig din ito sa kaniya na may maliit na ngiti sa labi. Naramdaman ni Demon ang lukso ng dugo na tila sumasayaw ang kaniyang mga ugat kasabay ng pagtibok ng kaniyang puso. Ang kaninang may pagkamadilim na paligid na kaniyang nakikita ay nagsiputukan ng iba’t ibang kulay at nagmukhang maaliwalas at maliwanag ang kaniyang mundo. Napaka-cliché man kung sasabihin subalit iyan ang kaniyang nararamdaman at naranasan sa puntong ito. “Hershey!” sigaw ni Darkien nang nagkakawag-kawag sa kaniyang bisig ang dalang pusa at nakalmutan siya nito sa kaniyang braso at pis
HABANG nakatanaw sa malayo si Demon, makikita sa mga mata nito ang pananabik na mayakap at makapiling ang anak lalo na rin ang kaniyang asawa. Mayroong ngiti sa labi nito habang pinapanood ang anak na naglalaro ng basketball mag-isa. Ilang sandali lang ay hindi na siya nakuntento pa at sinimulang ihakbang ang kaniyang mga paa papunta sa direksiyon ng kaniyang anak. Napahinto ang batang si Darkien nang maramdamang may ibang presensiya malapit sa kinaroroonan niya. Hindi nito itinuloy ang pagshoot ng bola at lumingon sa kaniyang likuran. Sa hindi malamang dahilan, napangiti siya at lumapit sa lalaking hindi niya kilala. Isang metro ang pagitan ng dalawa at nanatiling nakatitig sa isa’t isa na may ngiti sa kanilang labi. Tila masasabing younger version ito ni Demon. Inangat ng batang si Darkien ang kaniyang dalawang kamay na may dalang bola at pinasa niyo ang bola sa estranghero. Mabilis namang nasalo ni Demon ito at napngiti nang mas malawak pa. Alam niya ang ibig sabihin ng kaniyang
PUMARADA ang Audi na minamaneho ni Stephan sa harapan ng isang sikat na 6-star Hotel. Kilalang-kilala siya ng mga tao hindi lang sa angking kagwapuhan nito kundi na rin sa pagiging mayaman at makapangyarihan sa lipunan. Isa siyang CEO ng Stephan Corporation at kilala rin siya sa pagiging sikat na modelo. Pagkababa pa lang niya mula sa kotse ay napalingon na ang lahat sa kaniya. Napatili ang mga kababaihan nang makita siya ng mga ito. Dumiretso si Stephan sa loob ng hotel at naglakad papunta sa lobby. Isang nakangiting receptionist ang bumungad sa kaniya. Masasabing maganda ito at mapang-akit sa suot nitong uniporme. “Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo, Mr. Stephan?” “Magpapa-book ako ng isang kwarto, miss ganda!” Kinindatan niya ang dalaga na siyang nagpapula ng pisngi nito. “Oh! Walang problema!” Kinontrol ngayon ng receptionist ang kaniyang sarili na hindi mahimatay sa pagka-starstruck at pagpuri nito sa kaniya. “Kung gano’n ihahanda ng hotel ang pinakamaganda naming kwarto. Mukh
NANG makalabas ang batang si Darkien, palingon-lingon ito sa paligid ng kanilang bahay. Hinahanap-hanap ng kaniyang munting puso ang presensiya ng isang tao. Mabagal siyang naglakad papunta sa bakanting lote ng kinatatayuan ng kanilang bahay na nagsisilbing basketball court niya. Yakap-yakap ng bata ang kaniyang bola. Nanatili siyang nakatayo ng ilang minuto at nakaramdam nang lungkot at pagkadismaya nang hindi dumating ang kaniyang hinihintay. Naiiyak siyang yumuko sa kaniyang ulo at mabigat ang mga paang naglakad papunta sa bench. Hindi mapaliwanag ng isang batang katulad niya ang sakit na kaniyang nararamdaman ng kaniyang inosenteng puso. Pagkaupo sa bench ay napasinghot ito at ginawang pangpunas ng kaniyang luha ang suot niyang damit. “Bakit umiyak ang pinakagwapo at pinakamabait na batang nakilala ko?” Nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ay agad na napa-angat ng ulo ang batang si Darkien. Nagningning ang madilim nitong mga mata nang makita ang taong kaniyang hinihintay.
“Aray!” d***g ni Allyce nang tumama ang kaniyang pwet sa malamig na sahig. “Mommy!” Mabilis na tumakbo ang batang si Darkien sa kaniyang mommy nang makita nitong nasaktan ito. “Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Stephan pagkalapit niya kay Allyce at tinulungan itong tumayo. Tumango lang si Allyce at ngumiti nang tipid. Malakas pa rin ang kabog ng kaniyang dibdib. Akala niya ay mahuhuli sila ng kaniyang anak at ni Stephan sa ganoong pwesto. Hindi niya maisip kung ano ang magiging reaksiyon nito at kung ano ang kaniyang irarason. Sa kabila ng lahat, nagngingit ang kaniyang kalooban kung bakit hinayaan niya ang sariling maging marupok at mahina kapag nasa tabi-tabi lang ang asawa at talaga namang nanghihina siya kanina nang maramdaman ang pamilyar na mga bisig at titig nito. Gusto niyang sumigaw dahil sa pagka-inis sa sarili. Gusto niyang pukpokin ang sariling ulo dahil sa hiya. Nagsisisi siya ngunit mayroong isang parte ng kaniyang puso na nasiyahan siya sa nangyari kahit na aga
ISANG busina ang umalingawngaw sa labas ng bahay ni Allyce. Nakakasiguro na siya kung sino iyon. Mabilis niyang h******n ang anak. “Be a good boy, okay? Don’t go outside or magpapasok ng ibang tao. Lock mo lang ang pinto, baby.” “Opo, mommy!” Nakanguso ang batang si Darkien. Ayaw niyang umalis ang kaniyang mommy ngayon at hindi niya alam kung bakit at ano ang dahilan. Panay habilin ang ginawa ni Allyce. Hindi niya kayang iwan ang anak subalit naisip niya naman si Stephan. Malaki ang naitulong nito sa kanilang mag-ina at nag-aalangan siyang tanggihan ito lalo na’t nakaready na ang lahat. “Hi?” bungad niya kay Stephan pagkabukas ng pinto. Tinignan ni Stephan si Allyce mula ulo hanggang paa at makikita sa mga mata nito ang pagkamangha. “Wow! Y-You look dazzling!” Tila na-speechless siya at hindi alam kung anong isaktong salita ang mahahalintulad sa magandang binibining nasa kaniyang harapan ngayon. Makikita ang maputi at makinis na balikat ni Allyce sa suot niyang cardinal red Bonnie
“Ang sama mo!” Nagpupumiglas si Allyce sa malakas na pagkahawak ni Stephan sa magkabilaan niyang kamay. “Pinagsisihan kong nakilala ka! Demonyo!” Hindi na inalintana ni Allyce ang tumatalsik niyang mga laway. Galit na galit siya ngayon sa tinuturi niyang mabuting tao. “Napakasama mong hayop ka!” “Hindi ako ang masama, Allyce! Ang asawa mo ang masama rito!” pagtatanggi ni Stephan. “Bakit? Iniwan ka niya! Kayong dalawa! Ako pa ba ang masama rito!?” “Oo! Ikaw ang masama rito! Ni kailanman ay hindi niya magagawang gawin ito sa akin! Hindi niya ako pipiliting gawin—” “Dahil mahal mo siya, Allyce! Mahal mo!” Lumayo nang kaunti si Stephan at napasabunot sa kaniyang sariling buhok. “Hindi ka mapipilitan dahil mahal mo siya!” Pumiyok ang kaniyang boses sa huling salita. Halata sa kaniya ang sobrang sakit. “Paano naman ako? Mahal kita, Allyce! Mahal na mahal! Hindi naman kita iiwan, e. Papanagutan kita! Aakuin ko rin si—” Malakas na sampal ang natanggap ni Stephan mula kay Allyce. “Dahil sa