Share

Chapter 8: Closure

NANG makalabas ang batang si Darkien, palingon-lingon ito sa paligid ng kanilang bahay. Hinahanap-hanap ng kaniyang munting puso ang presensiya ng isang tao. Mabagal siyang naglakad papunta sa bakanting lote ng kinatatayuan ng kanilang bahay na nagsisilbing basketball court niya. Yakap-yakap ng bata ang kaniyang bola.

Nanatili siyang nakatayo ng ilang minuto at nakaramdam nang lungkot at pagkadismaya nang hindi dumating ang kaniyang hinihintay.

Naiiyak siyang yumuko sa kaniyang ulo at mabigat ang mga paang naglakad papunta sa bench. Hindi mapaliwanag ng isang batang katulad niya ang sakit na kaniyang nararamdaman ng kaniyang inosenteng puso. Pagkaupo sa bench ay napasinghot ito at ginawang pangpunas ng kaniyang luha ang suot niyang damit.

“Bakit umiyak ang pinakagwapo at pinakamabait na batang nakilala ko?”

Nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ay agad na napa-angat ng ulo ang batang si Darkien. Nagningning ang madilim nitong mga mata nang makita ang taong kaniyang hinihintay.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status