Share

Chapter 13: Cat fight

“Maayos na ang kalagayan ng pasyente at... nakakapagtataka nga lang.”

“Huh? Anong ibig mong sabihin, dok?” Nagsalubong ang dalawang kilay ng isang lalaking nakasuot ng pormal na suit. Maayos ang pagka-ayos ng buhok nito na kulay blonde.

“Ah, wala.” Umiling nang ilang ulit ang doctor tyaka nito nginitian ang lalaki. “Hindi malalim ang mga natamo niyang sugat at pasa kaya wala ka nang ipag-aalala pa.”

“Salamat, dok.”

Tumango lang ang doktor at lumabas. Napatingin naman ang naiwang lalaki sa nakahiga sa hospital bed. Tila ay mahimbing ang pagtulog nito at nakakaawa kung tignan. Puno nang pasa ang mukha nito lalo na rin ang iba't ibang parte nitong katawan.

Hindi alam ni Justin kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kaibigan. Hindi rin nagsalita ang mga crew at manager sa hotel sa nangyari. Nakatanggap lang siya ng tawag mula rito at nagmadali siyang nagmaneho papunta sa hospital.

Lumapit siya sa hinihigaan ni Stephan at nanatiling nakatitig dito. Napapailing na lang siya at hindi a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status