SA mainit na araw ng Miyerkules, isang kaguluhan ang nagpapainit lalo sa mga iilang batang nanonood sa awayan ng limang kamag-aral sa gilid ng parking lot ng pinapasukang eskwelahan ng mga ito. Ang kaawa-awang batang si Darkien ay walang awang pinagtutulungan ng apat na kamag-aral. Ang mga ito ay kapwa’y kaniyang mga bully na laking mayayaman at spoiled.Kahit na anong gawing panlalaban ng batang si Darkien ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang apat na mas malaki pa sa kaniya.“Hindi ka nababagay rito!” sigaw ng matabang bata at dinaganan si Darkien.“Lampa! Lampa! Lampa!” sigawan ng tatlong kasamahan nito.Ang matatabang kamao ng nakadagan kay Darkien ay tumatama sa kaniyang namumulang pisngi. Imbis na humiyaw sa sakit ay pilit siyang bumabangon at makaalis sa pagkadagan nito sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay siya naman ang nasa ibabaw nito at hindi rin mabilang na beses ang pinatama niyang suntok sa matatabang pisngi ng bully.Malakas na umiyak ang matabang bata at nanghing
“Mommy! Mommy!” Masiglang tumatalong-talon ang batang si Darkien. Excited na ito sa magiging field trip nila ngayong araw. Lalo sa lahat, excited siyang makasama ang kaniyang mommy at Daddy Demon. Mararanasan na niya ang pagkakaroon ng buong pamilya. Mayroong mommy at daddy.“Oh, baby? Ang aga mong gumising, a?” wala sa sariling tanong ni Allyce sa anak habang nakapikit ang isa niyang mata.“Gising na, mommy. Field trip natin ngayon, hindi ba?” Tila ay kinikilig ang batang si Darkien bago ito tumakbo palabas.“Mag-ingat ka sa pagtakbo, baby!” sigaw ni Allyce upang paalalahanan ito.Walang magawa si Allyce kundi ay bumangon na sa kaniyang hinihigaan. Inuunat-unat niya ang kaniyang katawan at pagkatapos ay tumingin sa orasan. Bandang alas-sais pa ng umaga ngayon at ang oras ng byahe ay magsisimula ng alas-syete’y medya.“Kumain ka nang mabuti. Ito pa kainin mo ito.” Nilagyan ni Allyce ng gulay nilang ulam ang pinggan ng kaniyang anak. Inuna niyang inasikasuho ito bago pa ang kaniyang sa
SOBRA at hindi mapapatawan ang ingay ni Darkien dahil sa sayang nararamdaman niya sa mga oras ngayon. Siya ang mas pinakamaingay sa lahat ng mga batang naroon sa bus. Nasa byahe na sila ngayon. Magkatabing nakaupo ang tatlo at nasa gitna nina Allyce at Demon ang kanilang anak na kanina pa sobrang hyper.“Baby, umupo ka nang maayos. Huwag kang tatayo, okay? Madidisgrasiya ka niyan.” Kahit anong pilit na pinagsabihan ni Allyce ang kaniyang anak ay hindi ito nakikinig. Panay pa rin itong tumatalon-talon sa umupan. Napalingon si Allyce sa mga taong kasama nila at lahat sila ay nakatingin lang sa kanila na may iba’t ibang ekspresiyon sa kanilang mukha. “Darkien! Tumigil ka na at umupo nang mabuti. Huwag kang mag-ingay, magagalit ang mga tao sa’yo.”“May daddy ako! May daddy ako! Superhero ang daddy ko!” Hindi pinansin ni Darkien ang kaniyang mommy at patuloy pa rin sa pag-chant ng mga katagang iyon habang tumatalon-talon. Kinakaway-kaway rin nito ang kaniyang mga kamay.“Darkien! Tumigil k
NAPAKAPRESKO ng simoy ng hangin lalo na’t napapalibutan ang sementadong daanan ng mga naglalakihan at nagtataasang mga puno. Bagama’t masarap ito sa pakiramdam, nagbabadya naman ang malakas na ulan. Namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan at paunti-unti nitong kinakain ang kabuoan ng magandang liwanag ng araw. Ang mga pasahero sa nasabing bus ay naglalakad na papunta sa sinabing nature spot. Sa kabila ng mahanging atmospera, makikitaan pa rin sa kanila ang pawis dala sa pagod. Napaghahalataang mga mayayaman sa lipunan. “Halika rito, baby. Kakargahin kita,” tawag ni Allyce sa kaniyang anak.Umiling lang ito at ngumiti. “Kapag pagod ka na, sabihan mo si mommy, a.” “Opo!” masaya nitong tugon at patalon-talon sa paglalakad. Hahabulin na sana ito ni Allyce nang pigilan siya ni Demon. Napatingin agad si Allyce sa pagkahawak nito sa kaniya. “Hayaan mo muna ang anak natin, mahal.” Nakangiti ito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Umirap lang si Allyce rito at akmang susundan ang anak
ANG malakas na pagsabog ay nagresulta ng malakas na pagyanig ng lupa. Isang makapal na usok ang lumukob sa kinatatayuan ni Demon subalit siya’y nanatili pa ring nakadilat ang mga mata na tila ay hindi nasasaktan.Agad na kumunot ang noo ni Demon nang muli ay nakatakas si Kiefer subalit nakakasiguro siyang malalim ang mga sugat na natamo nito mula sa kanilang labanan. Siya naman ay walang makikitang ni miski maliit na galos.Siya ay tumalikod na at iniwan ang lugar na iyon. Diretso ang kaniyang paglalakad ng walang emosiyon ang kaniyang mukha. Unti-unti ring nawawala ang madilim na awra na nakapalibot sa kaniya.“M-Mister?” Isang mahinang tinig ang nagpalingon kay Demon at nakita ang babae kanina. “Kanina pa kita hinahanap—”Hindi niya pa rin ito pinansin at dumiretso siya sa kaniyang paglalakad papunta sa naturang nature spot. Narinig ni Demon ang sigaw ng babae subalit hindi siya nag-abalang huminto.Inis man ang nararamdaman ni Jenny subalit nawawala iyon kapag napapatingin siya sa
“Mahal ko, magsasampay muna ako sa labas, a!” paalam ni Allyce habang dala-dala ang isang hindi kalakihang balde na may nalabhang damit nila mag-asawa. “Ako na riyan, mahal. Alam kong pagod ka kagabi!” may halong pagngising wika ni Demon sa asawa. “Tse!” Pinandilatan niya ang kaniyang asawa habang namumula ang kaniyang pisngi sa hiya. Tumawa naman ito at hindi na niya pinansin ang nakakalokong tawa ng asawa. Lumabas siya sa kanilang bahay at nang maisampay ang nasa tatlumpong pirasong nilabhang damit kanina. Mag-iisang buwan na silang mag-asawa at kahit ngayon ay nahihiya pa rin siya rito. Hindi niya inaakalang makakasal siya sa isang napakagwapo at napakabait na lalaking nakilala niya. Napakaswerte niyang babae, ‘yan ang nararamdaman niya magpahanggang ngayon. Nagkakilala sila noong niligtas siya nito sa rumaragasang truck. Hindi man nakakapaniwala pero totoong iniligtas siya nito. Halos isang metro na lang ang layo niya at pwede na niyang maharap ang kamatayan subalit nakakapagt
MAKALIPAS ang pitong taon... “Mag-iingat ka rito, mahal na prinsipe!” paalala ng isang lalaki na nakasuot ng itim na balabal at nakalabas naman ang sungay nito. Isang demonyo ang nagbigay paalala sa kaniyang pinaglilingkurang prinsipe. “Huwag mong iparating sa lahat na rito ako nagpunta.” Ang boses nito ay mahahalintulad sa isang umuusok na yelo. Napakalamig at nakakapangilabot. “Kung iyon po ang iyong utos ay masusunod po. Maaasahan mo ako sa bagay na iyan.” Nakayuko ito bilang paggalang sa maharlikang kaharap. Pagkatapak nito sa lupa ay siya namang pagsara ng lagusan papunta sa kaharian nila. Ang Underworld. Hindi niya maiwasang mapapikit sa temperaturang inaasam-asam n’ya sa loob ng pitong taong pagkakulong sa kanilang kaharian. Agad na lumitaw ang isang mapait na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang kaniyang asawa... pati ang kaniyang pagmamahal dito. Pagkabukas ng kaniyang itim na itim na mga mata ay bumungad sa kaniyang harapan ang dati nilang bahay.
Isang kotse na may tatak na Rolls-Royce ang huminto sa tabi ng kalsada katapat ng tarangkahan na kulay puti at sa loob no’n ay isang bahay na mayroong dalawang palapag. Bumukas ang driver seat at lumabas doon si Stephan at agad na lumiko upang pagbuksan nito ang pinto ng passenger seat. “Maraming salamat sa paghatid sa amin, Stephan!” pagpapasalamat ni Allyce sa kaniya. “Maraming salamat sa lahat! Hindi ko na alam kung ano ang magiging buhay namin ng anak ko at kung saan kami pupulutin ngayon kung hindi ka dumating at—” “Shh!” Nakalagay ang hintuturo ni Stephan sa malambot na labi ni Allyce upang pahintuin ito. “Mahalaga ka sa akin—ng anak mo at tyaka… mahal kita, Allyce. Sapat na ba iyon bilang rason kung bakit patuloy pa rin kitang tinutuluyan ngayon?” Napakagat ng ibabang labi si Allyce pagkaalis nito ng hintuturo mula sa labi niya at tumango na lang siya bilang pagsang-ayon. Napakalambing ng binata at siguradong magiging maswerte ang babaeng papakasalan nito. “Hali ka na baby!