Marahuyo
Marahuyo
Author: Janebee
SIMULA

SIMULA

Halos lumabas na ang puso ni Catalina nang siya'y makababa sa sasakyan habang mahigpit ang hawak sa kamay ng batang kasama n'ya. Hindi n'ya alam ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito dahil nag hahalo-halo ang emosyon niya nang muling maka apak sa harap ng hacienda na ngayon nalang niya ulit nakita.

Apat na taon na ang nakakalipas simula nang takasan niya ang lugar na ito. Nangako siya sa sarili na kailan man, hindi na siya aapak sa lupang ito subalit kinain niya rin ang sinabi niya dahil ito siya, nakatayo mismo sa harap ng haciendang isinusumpa niya.

" Mama, ito bahay ni Papa? " Napatingin siya sa batang babaeng kasama niya. Mababakas dito ang pagkasabik na makita ang Ama.

" Ito nga, Azalea. " Yumuko siya nang bahagya para tignan nang diretso sa mata ang kaniyang anak. " Anak, h'wag mong kalilimutan ang sinabi sayo ni Mama, okay? Huwag kang maglilikot oras na makapasok tayo sa loob. Maraming monster sa loob n'yan at ayaw nila sa maiingay. Behave lang okay? "

Nakangiti itong tumango sa kaniya subalit hindi pa rin panatag ang kalooban niya. Muli niyang inangat ang tingin sa hacienda, huminga nang malalim bago pindutin ang doorbell na nasa gilid ng malaking gate sa harapan nila. Ilang saglit lang, bumukas na ito hudyat na pinapapasok na sila sa loob.

" Behave lang tayo, okay? " muling paalala ni Catalina sa kaniyang anak bago sila tuluyang naglakad papasok. Sa bawat hakbang na ginagawa n'ya, s'ya namang lakas ng pintig ng puso n'ya. Hindi niya mabilang kung naka ilang lunok na siya sa sariling laway sapagkat nilalamon na siya ng kaba at takot. Hindi niya alam kung paano haharapin at papaliwanagin ang taong pinunta niya dahil unang-una sa lahat, wala itong ideya kung bakit siya nawala nang ganoon katagal.

" Miss Catalina, kayo na ba 'yan? " Huminto siya sa paglalakad sa pasilyo nang marinig ang isang boses ng lalake mua sa gilid niya. Lumingon siya dito, pamilyar ang hitsura pero di na niya matandaan ang pangalan nito. Binaba nito ang tingin sa batang kasama niya. " May kasama kang bata. Anak mo? "

" Anak namin, " nang sabihin niya 'yon, nanlaki ang mata nito. Wala pa siyang binabanggit na pangalan pero batid na nito kung sino ang tinutukoy ni Catalina.

" T*nigna, matutuwa nito si Boss! "

" Bibig mo, " ani Catalina saka itinuro ang anak niya na nagtataka sa usapan ng dalawang matandang kasama niya.

" Ah pasensya na, na-excite lang ako. " Napakamot ito sa batok saka nginitian ang batang nakatingin sakaniya. " Hi baby girl, ako pala si Tito Baron mo. Ano pangalan mo? "

" Azalea po, " sagot nito saka may itinuro sa bandang mukha ni Baron. " Bakit po may sugat kayo sa mukha? Yung monster po ba may gawa n'yan sainyo dito? Maingay po ba kayo? "

" Monster? " natatawang wika ni Baron saka kinapa ang peklat niya sa pisngi. " Hindi ito gawa ng monster. Marka ito ng katapangan ko. "

" Katapangan? " takhang tanong ni Azalea, " Bakit po kayo may sugat kung matapang kayo? "

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila. Hindi malaman ni Baron kung dapat ba siyang matawa sa ka-inosente-han ng bata sa harap niya o masaktan dahil may punto naman ang sinabi nito.

Tumikhim si Catalina upang kuhanin muli ang atensyon ni Baron. " Nasaan s'ya? Puwede bang dalhin mo kami sakaniya? "

" Sure! Sumunod kayo saakin at dadalhin ko kayo kay Boss, " natutuwang tumalikod si Baron upang gabayan ang dalawang bisita nila. Marami itong kinu-kwento habang naglalakad sila sa pasilyo pero hindi magawang makinig ni Catalina sapagkat abala ang isip niya kung paano magsisimulang magpaliwanag sa taong pinangakuan niyang bibigyan ng anak subalit itinakas niya.

" Alam mo bang ilang private investigator na ang kinuha ni Boss para lang ipahanap ka? Mayroon din siyang pinalipad sa ibang bansa para lang ipahanap ang babaeng tumakas ng pera n'ya? "

Tumigil si Catalina sa paglalakad saka tinaasan ng kilay si Baron na panay pa rin ang salita habang dire-diretsong naglalakad sa pasilyo. Pinaikutan niya ito ng mata saka nilingon si Azalea na wala na pala sa tabi niya.

" Oh my gosh, Azalea?! " dahil sa ginawa niyang pag sigaw, napahinto si Baron sa paglalakad at daldal at takhang nilingon si Catalina.

" Bakit? Anong nangyari? " tanong nito pero di na siya nakakuha ng sagot nang magmadaling umalis ai Catalina sa kinatatayuan niya upang hanapin ang anak.

Sa kabilang banda, may tensyon namang nagaganap sa isang kwarto na kung saan, abala sa pakikipag negosasyon ang tinatawag nilang Boss sa hacienda na ito.

Prente siyang nakaupo habang pinakikinggan ang sinasabi ng ka-negosasyon niya na halos magmakaawa na para lang maibalik ang tiwala nito sakaniya.

" Mr. Lombardi, pinapangako ko sayo na hindi na mauulit ang gulo na'to. Hindi ko lang talaga inasahan na kakanta ang isa sa mga tauhan ko, " anito at lumuhod pa sa harap niya para ipakita ang sinseridad niya. " Naging tagilid ang plano at aaminado ako sa pagkakamaling iyon, pero makakaasa ka na sa pagkakataong ito, magiging matagumpay na ang negosasyon natin sa kabilang kampo. "

" How can you be sure? " tanong nito gamit ang malamig na boses. Sawa na s'ya sa naririnig niya dahil paikot-ikot na lang ang ginagawang paliwanag ng taong kaharap niya. " Palpak ka na sa una, sa tingin mo hahayaan ko pang umulit ka? "

Umalis ito sa kinauupan niya dala ang snifter na may lamang alak. Naglakad siya palapit sa taong nakaluhod pa rin at sa mga sandaling ito, batid na nito ang kahihinatan niya. Walang iba kundi sa impyerno.

" Mr. Lombardi, bigyan niyo pa ako ng isa pang pagkakataon. Pinapangako ko--" hindi nito nagawang ituloy ang sasabihin nang maramdaman ang pag-apak ng sapatos sa kaliwang balikat niyang may malaking pasa. Hindi niya magawang sumigaw kahit na sobrang sakit dahil sa totoo lang, wala pa ito sa mararanasan niya sa impyerno.

" Alam mo kung ano ang pinaka ayaw ko? " mas diniin nito ang pagkaka-apak sa balikat niya dahilan kaya't kumawala ang pinipigilang palahaw. " Iyong sinungaling at walang silbi. Kung sa una pa lang pumalpak ka na, siguradong uulit ka pati sa pangalawa. "

Sa gitna ng tensyon, biglang bumukas ang nakasaradong pinto sa kwarto nila at niluwa nito ang isang batang babae na malaki ang ngiti nang mag tama ang mata nilang mag-Ama.

" Papa! " sigaw nito habang kumikinang ang mata na nakatingin sakaniyang Ama na hindi maipinta ang hitsura.

" What the hell? " ang tanging lumabas sa bibig niya habang kinikilala ang hitsura ng batang babaeng tumatakbo palapit sakaniya. 

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status