Share

KABANATA 6

KABANATA 6

Diretso ang mga mata ni Catalina sa lalakeng nasa kaniyang harapan, prenteng nakaupo habang nagsasalin ng alak sa dalawang wine glass na nasa mesa. Bawat kilos nito, sinusundan niya at pilit kinikilala ang galaw para kahit man lang isa, mayroon siyang alam sa estrangherong nasa harap niya.

" Wala ka man lang ba gagalawin sa mga pagkain? Masasayang 'yan, " anito habang pinaiikot sa wine glass ang alak na laman nito. " Kung iniisip mong may lason ang mga 'yan, sana kanina pa bumula ang bibig ko. "

" Hindi naman ako nandito para kainin ang mga 'yan, " aniya, " Halos thirty minutes na tayong naka tanga pero wala ka pang binabanggit tungkol sa offer mo. Sabihin mo lang kung hindi na pwede para aware naman ako kung may pupuntahan ba ang usapan na 'to. "

Hindi maiwasan ni Rostam ang bahagyang matawa dahil sa ikli ng pasensya ng dalagang kasama niya." Noong nakaraan lang, galit na galit ka dahil sa inalok ko sayo. Nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon? "

" Kung ayaw mo, edi 'wag na. Dami pang sinasabi. " Tumayo na si Catalina mula sa pagkakaupo niya at handa na sanang lumabas pero hindi man lang siya pinigilan ni Rostam. Nakatiningin lang ito sa kaniya at inaabangan ang sunod na gagawin niya.

Napabuga sa hangin si Catalina bago bumalik sa pagkakaupo sa supa. Inayos ang sarili saka kinuha ang wine glass. " Magkano ba ang io-offer mo saaking pera? "

" Kung magkano ang gusto mo, " anito.

" Kahit umabot ng ten digits ang number? "

" Sure. Basta tutupad ka sa deal na pagkakasunduan natin, " ani Rostam at ibinaba ang wine glass sa mesa. " Sa katunayan, may mas maganda akong offer sayo. Tatanggapin mo ba? "

" Iparinig mo muna. " Diretsong ininom ni Catalina ang alak bago ito ibinaba sa mesa. " Hayaan mo munang tignan ko kung maganda nga 'yang offer mo. "

Muling sumilay ang ngiti sa labi ni Rostam. Umalis siya sa pagkakasandal sa supa dahil lalo siyang ginaganahan sa nangyayari.

" Hindi ba't marami kang tinatakbuhang utang? Hayaan mong ako ang mag bayad no'n, " anito, " Hiwalay ang perang ibibigay ko sayo sa perang pambayad utang mo. Walang kang matitirhan, hayaan mo akong bigyan kita ng bahay at lupa--"

" Sandali, sandali! Nalulula ako sa mga sinasabi mo, " pigil ni Catalina dahil hindi niya kinakaya ang sinasabi ng kausap niya. " Seryoso ka ba d'yan? Grabe ka naman kung mag bigay. Hindi ka naman siguro nag j-joke? "

Imbis na sumagot si Rostam, may inilabas siyang papel mula sa loob ng suit niya. Isang tseke. Inilapag niya ito sa ibabaw ng mesa upang ipakita ito kay Catalina na hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala sa mga naririnig niya. Pakiramdam niya, isa lang itong panaginip.

" Name your price. "

" Teka, hindi pa ako nakakapag desisyon, " wika ni Catalina habang pinagmamasdan ang tseke sa ibabaw ng mesa. Binalik niya ang tingin kay Rostam na naghihintay. " Hindi ba't isang gabi lang naman ang hinihingi mo? "

" May sinabi ba ako? Sa pagkaka alala ko, hindi ko pa binabanggit ang kondsiyon ko, " anito na kinakabog ng d****b niya. " Pero para malinawan ka, hindi lang naman isang gabi ang hinihingi ko sayo. "

" Kung gano'n ano? "

" Anak. "

Tila nabingi ang tainga ni Catalina. Saglit na tumigil ang tibok ng puso niya at nakaramdam ng pagtaas ng balahibo sa katawan.

" A-anong sinabi mo? Anak? " sa wakas, may lumabas na ring salita sa kaniyang bibig matapos ang ilang segundong katahimikan. " Gusto mong bigyan kita ng anak? "

" Gano'n na nga. Hindi lang naman isang gabi ginagawa ang bagay na 'yon para makabuo, hindi ba? " katwiran ni Rostam.

" Oo tama ka naman pero anak talaga? Seryoso ka? Kung gano'n hindi lang pakikipag sex ang habol mo saakin, kundi pati egg cell ko? " sunod-sunod niyang tanong. " Bakit? A-anong dahilan? Bakit ako? "

" Bakit hindi? " tanong nito pabalik.

Naiwang naka-awang ang bibig ni Catalina. Hindi alam ang sasabihin niya dahil buong akala niya, isang gabi lang ang ibibigay niya pero hindi pala.

" Excuse me, " ani Rostam nang mag ring ang cellphone niya. Umalis siya sa kaniyang kainuupan at naglakad papunta sa isang gilid para sagutin ang tawag.

" Anak... " bulong ni Catalina sabay sulyap sa lalakeng kasama niya. Ni pangalan nito hindi niya alam pero nakuha niyang makipag usap at makipag kasundo sa estrangherong ito. Para sakaniya, isang malaking desisyon ang gagawin niya sapagkat ang halaga ng perang ibibigay sakaniya ay buhay ng isang bata. Gusto nito ng isang anak habang siya, pera at matitirhan ang kailangan niya. Wala sa isip niya ang bumuo ng isang pamilya at ni minsan hindi rin niya pinangarap mag magkaroon ng isang anak. Sa sitwasyong ito, ano nga ba dapat ang gawin niya? Dapat nga ba siyang pumayag sa kasunduang ito kung sa huli, pareho naman silang makikinabang?

" Hey--"

" Kung papayag ako, paano ko masisiguradong tutupad ka sa pinangako mo? " tanong ni Catalina saka tumayo upang makita nang maayos ang kausap niya.

" Ibibigay ko agad sayo yung perang kailangan mo at yung bahay na titirhan mo, " anito, " Bukas na bukas, mapapasayo agad ang mga 'yon kung makikipag deal ka na saakin ngayon. "

Ilang segundo ang tinagal bago siya makasagot.

" Sige, payag na 'ko, " at sa pagkakatong ito, dito magsisimulang gumulo pa lalo ang buhay niya sa kamay ng isang taong hindi naman niya lubos na kilala.

***

" Mami-miss ka namin, beb! " ani Mariah habang nakayakap kay Catalina na hindi mapigilan ang mapa-ngiwi dahil sa pag d-drama ng mga kasama niya. Maski si Janice, nagpupunas ng kunwari niyang luha sa pisngi.

" Hindi pa ako mamamatay para magpaalam kayo ng ganiyan, " aniya sa mga kasama.

" Pero mag aasawa ka na! " ani Mariah, " I'm so proud of you, beb! Wala ka pang isang buwan dito, may nabingwit ka na. Gwapo na, mayaman pa. Sana maging masaya ka sa piling niya at huwag mo kaming kalilimutan ah? Bisita ka rin dito minsan. "

Pilit ang ngiting tumango si Catalina at hinayaan na lang niyang isipin ang gustong isipin ng mga kasama niya. Wala siyang balak sabihin sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit siya aalis ngayon sa club. Ang tanging alam lang nila ay sasama na siya sa lalakeng nakilala niya kagabi. Nabigla ang lahat sa naging desisyon niya pero suportado naman ang mga ito sa kaniya.

" Catalina, nasa labas na yata ang sundo mo, " wika ng isa sa mga kasamahan niya na galing sa labas. " Ang gara ng kotse, ang sarap sakyan pati yung nagmamaneho."

Nang sandaling marinig nila 'yon, agad silang nagmadali patungo sa labas ng bahay para makita ang taong tinutukoy ng kasama nila. Naiwan si Catalina sa sala na iiling-iling sumunod palabas.

" Oh my gosh, gwapo nga mga beb! Ilang taon na kaya 'to? " komento ni Mariah nang makita ang isang lalakeng nag aabang sa labas ng sasakyan. Ngumiti ito sakanila kaya mas lalong nagkagulo ang mga kababaihan. Agaw atensyon sila sa mga tao sa kalsada pero di nila ito pinansin dahil ang tanging atensyon nila ay nasa binata.

" Miss Catalina, ready na ba kayong umalis? " tanong nito nang makita ang taong pakay niya. Naglakad ito palapit sa kaniya na mas lalong kina-ingay ng mga babae na animo'y mga high school student na nakakita ng gwapo sa eskwelahan. " Wala kang dalang gamit? Ilalagay ko na sana sa compartment ng sasakyan. "

" Ah wala akong dala. Sarili ko lang, " ani Catalina sabay lingon sa mga kasamahan niya. " So uhm, pano ba 'yan? Mauna na 'ko sainyo. Kita na lang siguro tayo kung may time kayo. Thank you ulit sa experience. "

" Hoy beb, balik ka dito minsan ah! Pero hindi na bilang stripper, customer na namin. Invite mo rin kami sa wedding if ever, " wika ni Mariah at ganoon rin ang sinabi ng ilang mga nakasama niya. Puro ngiti at tango na lang ang tinutugon niya sapagkat batid niyang malayo mangyari ang mga ito sakaniya.

Sa buong byahe, hindi masyadong umiimik si Catalina dahil iniisip pa rin niya ang desiyong ginawa niya kagabi. Wala namang pagsisisi subalit di niya maiwasang tanungin ang sarili kung tama nga ba itong gagawin niya.

" Kailangan mo ng salbabida? " tanong ng lalakeng sumundo sakaniya kaya naputol ang kaniyang pag iisip. " Baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo. "

" Edi wow, " ani Catalina saka niya binalik ang tingin sa bintana. " Malay ko ba kasi kung tama nga ba ang naging desiyon ko. Feeling ko, masyado akong nag padalos-dalos kagabi at hindi ko na inisip kung ano ba kahihinatnan ko sa deal na 'to. "

" Ngayon mo pa 'yan inisip kung kailan nasa sasakyan ka na, " natatawang wika nito. " Huwag kang mag alala, na sa tamang lugar ka. May isang salita si Boss, lahat ng pinangako niya sayo mangyayari 'yon sa isang sabi pitik lang ng daliri niya. "

" Mukha nga, " pagsang-ayon naman niya sabay lingon sa driver seat. " Ano pala pangalan mo? "

" Lorenzo. Puwede mo akong tawaging Enzo or gwapo, kung saan ka komportable," hindi malaman ni Catalina kung seryoso o nagbibiro ba ito sakaniya kaya tumango na lang siya at namahimik na pero itong si Lorenzo, panay ang kausap sakaniya kaya nawalan na siya ng oras para mag isip-isip. Namalayan na lang niya na nasa labas na sila ng isang Hacienda kung saan nanggaling siya noon.

" Tara na sa loob, " ani Lorenzo nang pagbuksan siya ng pinto mula sa passenger seat. Agad naman siyang bumaba at ngayon lang siya nagkaroon ng interes upang tignan ang kabuuan ng lugar na kinatatayuan nila. Sobrang lawak, maraming mga punong nakatayo sa paligid na nagbibigay ng sariwang hangin sa kanila. Mayroon ding malaking water fountain sa gitna na mas lalong nagpaganda sa labas ng Hacienda. Sa sobrang lawak ng lupain, puwede ka pang mapatayo ng isa pang bahay.

" Oh, nandito na pala ang bisita natin, " bigla silang sinalubong ng tatlong lalake nang sila'y makapasok sa loob. " Hi Miss Catalina, long time no see! "

Isang tipid na ngiti lang ang sinukli ni Catalina sa mga ito dahil isa pa rin estranghero sa kaniya ang mga tao dito. Dumiretso sila sa kusina upang kumain ng tanghalian at kagaya noong unang kain niya dito, ganoon pa rin karami ang putaheng nakahain sa mesa. Mukhang araw-araw, laging may pyesta dahil sa dami ng ulam na pagpipiliin niya.

" Mauna na raw tayong kumain sabi ni Boss. Busy pa sa taas, " anunsyo ni Lorenzo saka nilingon si Catalina na sakto ring nakatingin sa kaniya. " Mamaya ka na raw niya kakausapin. Medyo hindi maganda mood ngayon. "

Imbis na mag usisa pa, tango na lang ulit ang binigay niya bago ituon ang buong atensyon sa pagkain ng tanghalian. Wala naman siyang pakialam kung bakit wala ito sa mood ngayon sapagkat ang tanging dahilan kung bakit siya narito ay ang pinagkasunduan nilang dalawa.

Matapos ng tanghalian, inihatid muna siya ni Lorenzo sa kaniyang magiging kwarto na nagamit na niya noong unang punta niya rito. Halos lumuwa nga ang kaniyang mata nang makita ang malaking pagbabago ng silid kung nasaan siya. Marami ng gamit sa loob, mga damit, sapatos at kung anu-ano pang mga bagay na tiyak magagamit niya sa tamang oras. Nilibot niya ang buong kwarto at pati na rin ang banyo na kung saan, nandoon na rin lahat ng kailangan niyang gamit. Kompleto na lahat, wala na siyang kailangang hanapin pa.

" Grabe, bigatin nga talaga siya, " hindi niya maiwasang i-komento matapos niyang makita ang lahat ng gamit dito sa loob. Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na kama at napatitig sa kisameng nasa harap niya.

Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon, dati pinangarap lang niya mahiga sa malambot na kama, magkaroon ng sariling kwarto, at magpatayo ng sariling bahay sa sariling lupa. Akala niya imposible nang mangyari pa 'yon dahil nga sa sitwasyon niya pero ito siya ngayon, isang araw lang natupad na lahat ng inaasam n'ya noon. Subalit bakit di niya magawang sumaya? Bakit walang tuwa sa puso niya gayong nasa kamay na niya ang lahat ng kailangan at gusto niya.

" Pa, sorry pero mukhang hanggang dito na lang talaga ako, " bulong niya saka ipinikit ang mga mata at hinayaang dalawin ng antok ang sarili.

Nagising na lamang siya nang maalimpungatan at natatarantang bumangon dahil sa paninibago sa kwarto. Ilang segundo siyang natulala bago mapagtanto ang sitwasyong kinalalagyan niya. Napasapo na lang siya sa noo at napatingin sa bintanang nasa gilid niya. Kulay kahel na ang kalangitan. Nakabawi na rin siya ng tulog kaya puwede na siyang maligo upang maging presko naman ang kaniyang katawan at kung maaari, pati na rin ang kaniyang isipan.

Halos kalahating oras siyang nagtagal sa banyo dahil sa tuwa at pagkamangha sa bathtub na pinagbabaran niya. Kung di lang siya nakarinig ng katok sa pinto, hindi pa aiya aahon kaya minadali na niya ang pagbibihis bago ito labasin.

" Uhm sorry po kung natagalan, naliligo kasi ako, " ani Catalina sa babaeng sumalubong sakaniya nang buksan ang pinto.

" Pinabababa kayo ni SeƱor, kailangan niyo na raw kumain ng hapunan, " anito.

" Oh, sige pakisabi na lang ho na susunod na ako. Magsusuklay lang ako saglit ng buhok tapos bababa na ako. Salamat ho, " aniya saka isinara ang pinto. Inalis niya ang tuwalyang nakapulupot sa buhok niya upang mabigyan ng hair blower para mabilis ang pagkaka tuyo nito.

" Oh, nandiyan na si Miss, Catalina. Puwede na tayong kumain! " wika ng kulot na si Baron nang dumating siya sa kusina. Naupo siya sa dati niyang puwesto at iginala ang tingin sa buong mesa nang mapansin na kulang na naman sila. Halos lahat ng kasama niya kanina sa tanghalian, nandito pwera sa dalawang tao.

" Nasaan yung Boss niyo? Hindi ba ulit siya sasabay? " takhang tanong niya.

" Hindi, umalis siya kanina kasama si Lorenzo, " sagot ni Dario sakaniya. " Alam mo sobrang busy kasi ni Boss. Madalang lang siya kumain kasabay namin at di na bago 'yon saamin. Isang beses sa isang buwan nga lang 'yon maupo sa puwesto niya kaya masanay ka na simula ngayon. "

Napatingin si Catalina sa isang bakanteng upuan na nasa pinaka harapan at duluhan. Hindi na siya nagtangka pang magtanong kahit sa loob-loob niya, marami pa siyang gustong malaman sa taong ito.

Lumipas ang mga araw, walang Rostam Lombardi ang nagpapakita sa kaniya. Hindi niya alam kung pabor ba 'yon sapagkat ang dahilan kung bakit siya narito ay yung kasunduan pero ilang araw na ang nagdaan, ni anino nito ay di niya mamataan. Madalas lang siyang nasa kwarto at babad sa bago niyang kinahihiligan na pagbabasa ng libro. Kapag tinamaan ng pagka inip, lalabas siya ng silid at lilibutin ang buong Hacienda. Malawak nga talaga ang tinutuluyan niya subalit hindi mo naman madama yung sigla at kulay sa buong bahay. Masyadong tahimik at nakakaburyo. Wala rin naman siyang balak makipag usap o kwentuhan sa mga lalakeng kasama niya dito dahil wala pa rin siyang tiwala sa mga ito. Kilala na niya sa pangalan pero hanggang doon nga lang.

Sa kalagitnaan ng kaniyang paglilibot sa hardin, nakakita siya ng isang pahingahan kaya naglakad siya patungo doon upang maupo at pagmasdan ang ilang mga bulaklak na nakapalibot dito. Hindi niya maiwasan ang mamangha sapagkat sa nakikita niya, mukhang hindi napapabayaan ang mga halaman at bulaklak dito. Maganda ang mga tubo.

" Hindi ako magsasayang ng oras para kolektahin ang mga kalat nila. Wala na silang kinalaman saakin dahil sila na mismo ang pumutol ng koneksyon nila sa pamilya."

Sa pag mumuni-muni ni Catalina, nakarinig siya ng pamilyar na boses malapit sa gawi niya. Sinubukan niyang hanapin 'yon pero di niya makita kung saan ito naka pwesto.

" Wala akong pakialam kung sumabog man ang ulo niya sa harap ko. Bakit ako tutulong sa taong tinalikuran ako? " rinig pa niya, " Hindi ako gumagamit ng emosyon sa pag d-desisyon. Business is business. Matagal na siyang tumiwalag kaya kung maubos man ang miyembro ng pamilya niya, hindi ko na 'yon problema. "

Natigil siya sa paglalakad dahil sa huling sinabi ng taong 'yon. Alam niyang wala siya sa posisyon para marinig ang bagay na 'yon kaya bago pa man siya mahuli, umatras na siya at nakahada nang umalis nang maramdamang may nakaharang mula sa likuran niya.

" Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam at sa pagkakataong ito, muli na namang papasok si Catalina sa panibagong gulo.

---

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Leziel CQ Palma
kagabi po binasa ko ito, libre naman siya.. bakit ngayon ang mahal
goodnovel comment avatar
Dolores Rogelio Sanchez
next maganda eh...
goodnovel comment avatar
Jyn Sah Marso
Exciting to ahh
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status