KABANATA 7
" Hanggang saan ang narinig mo? " tanong ni Rostam kay Catalina na halos manigas na sa kinatatayuan niya. Bukod sa ito'y nagulat sa biglaang pag sulpot ni Rostam, nakaramdam din siya ng takot at nerbyos dahil sa mga sandaling ito, alam niyang walang epekto kung di siya magsasabi ng totoo." Sa part na sinabi mong di ka mag aaksaya ng oras para ligpitin ang kalat nila, " ani Catalina na pilit itinatago ang kaba. " Hindi ko sinasadya marinig ang mga 'yon. Kanina pa ako naglilibot dito sa garden niyo at bigla ka na lang nagsalita sa kung saan. Siyempre ang weird naman kung tatakpan ko magkabilang tainga ko para lang di marinig pag uusap niyo. "" Kaya nakinig ka? "
" Hindi ako nakinig. Narinig ko lang, okay? Alam mo naman siguro pagkakaiba ng dalawang 'yon? "Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya kay Catalina na hindiKABANATA 8" Hi Papa, long time no see, " nakangiting bati ni Catalina sa puntod ng kaniyang Ama. Inalis niya ang suot na sombrelo upang paypayan ang sarili dahil sa init ng panahon at tindi ng sikat ng araw sa gawi niya. Dahil apartment type ang istilo ng libingan ng Ama, walang pagpipilian si Catalina kundi ang tumayo lang sa harapan ng puntod, sindihan ang dalang kandila at makipag usap dito. Dikit-dikit halos ang mga libingan dito kaya tuwing sasapit ang undas, hindi na siya nakakadalo dahil wala siyang puwesto. Hindi rin niya gusto makita ang Ina na matagal na niyang tinalikuran kasama ang bago nitong asawa." Pa, sorry kung binigo ko na naman kayo. Wala ganoon talaga, mukhang pera ang anak niyo eh, " aniya habang inaalis ang mga tuyong dahon na nakakalat sa puntod ng Ama. " Ni isa sa mga promise ko, wala akong natupad. Magkakaroon nga ako ng bahay pero hindi naman galing saakin. Okay lang ba 'yon sa
KABANATA 9Malakas na tawanan ang sumalubong kay Catalina nang siya'y makapasok sa isang silid dala ang isang tray na may lamang inumin at pagkain. Natigilan ang mga taong nasa loob ng kwarto at dali-daling tinakpan ng sapin ang mga mahjong na kanilang nilalaro." Huwag kayong mag-alala, di ako magsusumbong sa Boss n'yo, " aniya at ibinaba ang tray sa isang mesang nasa gilid nila. Napadaan ang tingin niya sa ashtray na halos magkalaglag na yung mga upos ng sigarilyo dahil puno na ito. " Wala ba kayong kusang loob? "" Ay s'yempre, mayroon naman! " Tumayo si Esteban dala ang ashtray papunta sa basurahan sa gilid ng pintuan para itapon ang mga upos ng sigarilyo na ginamit nila." Ah matanong ko lang, bakit pala ikaw ang nagdala ng mga 'yan? Hindi mo naman kailangan tumulong sa mga gawaing bahay dito, bisita ka ni Boss. Sabihin noon, inaalila ka namin, " ano Baro
KABANATA 10Ramdam ni Catalina ang sakit ng kaniyang balakang nang siya'y bumangon sa malambot na kama na kaniyang hinihigan. Ilang beses siyang napamura sa kaniyang isipan bago mapag desisyunang tumayo at magtungo papunta sa banyo ng kwarto. Napatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin. Pinagmasdan ang bawat marka sa kaniyang leeg pababa sa katawan niya." Isa siyang halimaw, " bulong sa sarili nang maalala ang mga ginawa sakaniya ni Rostam sa bawat gabing nagdadaan. Nagkamali nga siya ng husga sa taong ito. Totoo ngang hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan pero mukhang marami naman itong karanasan.Itinali ni Catalina ang kaniyang pula at mahabang buhok upang makapag hilamos nang maayos.Ilang linggo na ang lumipas pero pare-pareho lang ang nangyayari sa bawat araw ni Catalina. Sa umaga wala siyang ginagawa pero pagsapit ng hatinggabi, doon siya nagkakaroon
KABANATA 11" Ano? Hindi nagbigay ng order si Boss? " gulat na tanong ni Baron kay Lorenzo nang pumasok ito sa basement kung saan sila naroroon ngayon. Naghahanda sila para sana hanapin si Catalina pero mukhang hindi ito matutuloy dahil sa balitang dala ni Lorenzo." Walang binigay na order saakin, " kaswal na sagot nito bago maupo sa sopa. " Mukhang kumpiyansa si Boss na uuwi rin ito bukas nang umaaga. Wala itong dalang kahit na anong gamit o pera kaya baka di rin 'yon makatiis. Babalik 'yon dito sa Hacienda. "" Sabagay may punto ka, " pagsang-ayon ni Baron saka binato ang susi ng kotse sa lalagyan upang ibalik ito. Pinatay na rin nila yung malaking monitor kung saan makikita ang mga lugar na posibleng puntahan ni Catalina." Pero diba walang bahay 'yon? " tanong ni Esteban. " Saan kaya 'yon matutulog? "" Malamang sa kalsada. Ma
KABANATA 12Isang buwan na ang nakalipas magmula noong dumating si Catalina sa probinsya at tumira sa dating bahay nina Mariah. Maganda at maayos ang naging daloy ng buhay niya sa mga nakalipas na araw na kung ikukumpara sa siyudad, mas gusto na niyang dito tumira.May ilan na rin siyang mga kapitbahay na nakakausap at tumutulong sakaniya kung paano mamuhay sa probinsya lalo na kung ito ang unang pagkakataon na maninirahan siya rito." Kailangan mo ring kausapin ang mga halaman mo na parang mga tao. Ako na nagsasabi sayo, maganda ang aanihin mo sa oras na mag bunga ang mga tinanim mo, " wika ni Nanay Cel, ang matandang babae na parang naging Ina na rin ni Catalina dahil sa pag aasikaso nito sakaniya. Halos magkatabi lang rin ang bahay na tinitirahan niya at sa lahat ng tao dito sa nayon, ito ang madalas niyang nakakasama." Talaga ho? Subok niyo na siguro ka
KABANATA 13 " Catalina? Catalina, bumangon ka na diyan, aba? Gusto mo bang mahuli tayo sa pila? " Naimulat si Catalina ang kaniyang mata sa sunod-sunod na pag yugyog sakaniya ni Nanay Cel. Napakalakas din ng boses nito kaya gising na din agad ang diwa niya. " Bumangon ka na d'yan, Cata. Gumayak ka na at marami ng tao sa barangay, " ani Nanay Cel na inabutan din siya ng isang tasa na may lamang mainit na gatas. " Ito, inumin mo muna at kumain ka ng biscuit. Siguradong tanghali na tayo matatapos doon. Mamaya wala pala silang libreng pakain doon, hindi ka pwedeng malipasan ng gutom. Apektado rin ang bata. " " S-sandali lang, Nay Cel. " Bumangon siya sa kama at naglakad papunta sa sala. Nagpalinga-linga siya na tila ba may hinahanap sa paligid niya. " Nasaan si Bobot? " Nagsalubong ang kilay ng matanda. " Aba, ang aga-aga, si Bobot ag
KABANATA 14 Pinagmasdan ni Catalina ang nilutong ulam ni Nanay Cel na inihahain sa mesa. Maganda at mukhang masarap kung titignan pero hindi ito kaaya-aya sa pang amoy niya kaya inilayo niya ito sa kaniyang harapan at tumayo. " Saan ka pupunta, Cata? Kumain ka muna ng umagahan, " tawag nito pero nagtuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay at nagtungo sa manggahan para maupo sa duyan. Umaga pa lang pero yung pagod niya, kagabi pa. Hindi na siya makakilos nang natural kapag kasama si Nanay Cel dahil batid niyang bawat kilos na ginagawa niya ay minamanmanan nito. Gustong-gusto na niya itong komprontahin pero natatakot siya sa pwede niyang malaman. Pakiramdam niya kahit saan siya magpunta, may mga matang nakatingin sakaniya. " Cata, ano ba't nariyan ka? Hindi ka pa ba kakain? " Napaangat ang tingin niya kay Nanay Cel na sinundan pala siya sa labas.
KABANATA 15Nakaharap si Catalina sa isang malaking salamin habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuoan. Malaki na ang kaniyang tiyan, ramdam na rin niya ang pagsipa ng bata sa loob nito na minsan, ayaw niyang maramdaman dahil sa nerbyos. Natatakot kasi siya na baka bigla itong lumabas gayong normal naman ito kapag malapit na ang kabuwanan ng isang buntis. Kakaiba sa pakiramdam sa tuwing itong gumagalaw sa sinapupunan niya, may takot pero mayroon ding kasamang saya at tuwa. Minsan nga nagiging emosyonal siya sa tuwing nagpaparamdam ang bata na animo'y sabik na sabilk ng lumabas. Hindi niya alam kung bakit pero nitong mga nagdaang buwan, nagiging iyakin siya sa maliliit na bagay. Ultimo ang panonood ng pelikula na may nakakaiyak na eksena, nadadala siya na hindi naman niya ugali noon." Señora, narito na ang pagkaing pina-deliver niyo. Dadalhin ko na lang ba diyan sa kwarto niyo? " tanong ni Manang Co