Chapter 4 (Part 2)

Third Person's POV

"Ang buong bansa ay nagulantang matapos magpakita ni Shianna Viacera ng Viacera Clan. Matapos ng apat na taon ay bigla na lamang siyang nagpakita sa grand opening ng Kalinga Charity, ang proyekto na binuo ng mga mayayamang tao. Ngunit habang nangyayari ang party ay isang pag-atake ang naganap—"

Gamit ang remote ay pinatay ng isang misteryosong lalaki ang television na kan'yang kaharap. Bahagyang madilim ang paligid dahilan upang hindi makita ang kan'yang mukha. Hawak niya ang isang shot glass na naglalaman ng isang mamahaling alak.

"Boss, nandito na si Ms. Ybañez."

"Papasukin n'yo siya." Nilapag ng lalaki ang baso sa center table na kan'yang kaharap. Agaw-pansin ang city lights na kitang-kita dahil sa floor to ceiling window ng kan'yang condo unit. Pag-aari niya ang buong gusali na may limampu at limang palapag. At kasalukuyan ay siya lamang ang nakatira rito kasama ang kan'yang mga tauhan na nag-iikot sa buong lugar.

Pumihit pabukas ang pinto ng kan'yang condo unit at bumungad dito si Ms. Ybañez na nakasuot pa rin ng spy suit. Naglakad siya papalapit sa lalaki at yumuko upang magbigay galang.

"You failed," saad ng lalaki.

"Forgive me, sir. But no one expected na ngayon magbabalik si Shianna Viacera."

"Forgiven." Madilim na ngumiti ang lalaki. "You see... I am so happy after finding out that she's back. After all, ilang taon ko ring hinintay ang kan'yang pagbabalik."

Hindi nagsalita si Ms. Ybañez at seryoso lamang na tumingin sa lalaki.

"Ahh. Na-miss ko talaga siya." Mahinang natawa ang lalaki. "Ready yourself. Dahil simula sa mga oras na ito, magiging lubhang nakakatuwa na ang mga mangyayari." Dinampot muli ng lalaki ang shot glass at sumimsim dito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa isang mamahaling couch at nagtungo sa floor to ceiling window. Tinanaw niya ang city lights at maya-maya ay mahina siyang natawa.

"I can't really wait. Gusto ko na talaga siyang makita. That woman... siya lamang ang babaeng nakaagaw ng aking atensyon."

"Do you want me to bring her to you?"

"No." Umiling ang lalaki at uminom ng alak. "Hayaan mo siya. Dahil alam ko na darating ang panahon na magkikita kami. Dahil tadhana na mismo ang maglalapit sa amin."

Ngumiti ang lalaki at bumuntong-hininga.

"Let's see each other soon... Miss Viacera."

Shianna's POV

"Her health is fine. The results of the observation are negative. She's not injured. But she's been in a state of shock that's why she collapsed last night," saad ng doctor habang hawak ang isang clipboard. Nakahalukipkip ako habang seryosong nakatingin kay Lily na siyang kinarga ko kagabi. Tulad ng aking mga anak ay tatlong taon pa lamang din si Lily.

"Thanks, Doc." Binalingan ko siya at ngumiti. "Kailan siya puwedeng ma-discharge?"

"Tomorrow will be fine." Tiningnan niya ang kan'yang clipboard at saka tumikhim. "Well then. I need to go now."

"Thanks, Doc." Tumango lamang siya at lumabas na sa private room. Ilang segundo pa lamang matapos makaalis ng doctor ay pumasok na si Cayer sa kuwarto. Bumuntong-hininga ako at nilingon siya.

"What's the news?" Tumaas ang kilay ko.

"Lahat ay nabigla sa nangyari kagabi, Miss Shian. Sa iba ay masama ang naging epekto nito, ngunit sa iyo ay naging mabuti."

"Ano ang ibig sabihin mo?"

"Ang kuwalipikasyon mo bilang isang kalahok sa kompetisyon ng Kalinga Charity ay tumaas."

Napangiti ako nang marinig ang sinabi niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mahinang natawa.

"That's good." Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok na tumabing sa aking mukha. Unti-unting nalusaw ang aking ngiti nang may maalala. "How about the incident last night? May nahanap ka bang trace ni Ms. Ybañez?"

"I am still working with that. Lahat ay pulidong nalinis, Miss Shian. Kahit ang CCTV footages ay na-delete at hindi na maaaring ma-retrieve."

"Ganoon ba?" Bumuntong-hininga ako at sumulyap sa aking wristwatch. It's already ten in the morning. Muli kong binalingan ang batang payapang natutulog. Mabuti na lamang at hindi siya napahamak.

"Hindi pa rin kita pinapatawad, Cayer." Nagtiim-bagang ako. "Sana lamang ay hindi na muling maulit na mapapahamak ang aking mga anak."

"Alam mong imposible iyan, Miss Shian." Bigla kong nilingon si Cayer at nagkatinginan kami. Kinuyom ko ang aking mga kamao at maya-maya ay napahinga na lamang ako nang malalim.

Tama siya. Ako ang nagdala sa mga anak ko rito sa Pilipinas kahit alam kong delikado. At parehas naming alam na kahit hindi ko sila dalhin dito—mapapahamak pa rin sila kahit ano'ng mangyari.

Dahil anak ko sila.

"The families involve in the party last night want to see you, Miss Shian. Nagpadala rin si Vincent ng email na nagsasabing nais ka niyang makausap.

"Oh?" Kumunot ang noo ko. "Paniguradong ginagawa nila ito dahil kalat na ang balita na hindi magkaayos ang mga mayayamang pamilya. For sure, gagamitin nila ako upang patayin ang balita. Tutal ay nasa akin ngayon ang atensyon ng lahat."

Kinuha ko ang aking bag na nasa sofa ng private room at binalikan si Cayer. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto at bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko ang bata. Tila ay saglit na tumakas ang kaluluwa ko mula sa aking katawan nang makitang nakadilat siya.

"Miss Shian?"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at nang dumilat ako ay nakapikit na muli si Lily. Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang naglakad palayo.

Na-i-stress na ba ako? Kung ano-ano na ang nakikita ko.

"Ang mga maleta ko?" tanong ko kay Cayer matapos naming makalabas sa hospital. Sumalubong sa amin ang flashes ng mga camera at ang mga tanong ng mga reporter. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil may iba ring mga tao ang nakaagaw ng aking atensyon.

"What the—" Nilingon ko ang mga iilang tao na um-attend sa party kagabi. Akmang lalapitan nila ako ngunit dumiretso na ako sa aking kotse. Sumakay agad si Cayer sa sasakyan at nag-drive siya palayo.

"Ang mga maleta mo ay nauna na sa Kalinga House," tugon ni Cayer sa aking tanong kanina. Sinapo ko ang aking noo at tumanaw sa side window ng kotse.

"Gusto ba talaga akong makita ng mga pamilyang kasali sa charity?"

"Yes." Napangiwi ako sa naging sagot niya.

Matapos ng ilang minuto ay pinarada ni Cayer ang sasakyan sa harapan ng isang engrandeng mansyon. Nauna siyang lumabas sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Miss Shianna! Can we interview you?"

"Miss Viacera!"

Nalukot ang aking mukha at dumiretso sa loob ng mansion. My goodness! Sino ba ang nagpapasok ng mga reporter dito sa mansyon?

"Miss Viacera!"

"Please, say something!"

"Is it true that the families aren't in good terms?"

"Shit!" Napahinto ako sa paglalakad nang tumama ang aking noo sa isang matigas na bagay. Nag-angat ako ng tingin at pinigilan kong manlaki ang aking mga mata nang makilala ang lalaking nabangga ko. Nagtama ang aming paningin at halos manghina ako nang makita ang kan'yang madilim na mga mata.

"Mukha kang nagmamadali, Miss Viacera. Kaya ba hindi mo sinagot ang mensahe na ipinadala ko? I was inviting you to attend a conference with me."

Paano ko sasagutin kung hindi ko naman binasa! At isa pa, kay Cayer ko pinapahawak ang aking emails. Wala rin naman akong pakialam kung mag-message sa akin si Vincent.

"You." Madilim ko siyang tiningnan at tinulak. "Umalis ka sa daanan ko."

Napatitig sa akin si Vincent at maya-maya ay nabalot ng dilim ang kan'yang mukha. Umigting ang kan'yang panga na pinagsawalang-bahala ko. Nilagpasan ko siya ngunit marahas niyang hinawakan ang aking braso. Napasinghap ako at akmang sisigawan siya nang biglang may humablot sa kuwelyo ni Vincent.

"You really love to irritate her, Vincent. Too bad, hindi ko hahayaang basta-basta mo lamang siyang lapitan."

Napalunok ako at habang pinapanood si Cayer na hawakan ang kuwelyo ni Vincent. Naglalabasan ang kan'yang mga ugat at kahit may suot siyang salamin ay kitang-kita ang galit sa kan'yang mukha.

"Oh?" Ngumisi si Vincent. "So you're her knight in shining armor, huh?"

"I am her secretary."

Dinig ko ang bulungan ng mga staff na nakikiusyoso sa nangyayari. Mabuti na lamang at wala sa area na ito ang mga bata. Ang mga reporter din ay nasa labas ng mansion.

At sana ay walang pumasok.

Sinapo ko ang aking noo. My goodness! Anong drama na naman ba ito?

"You see... you keep on bothering Miss Shian. Hindi pa ba sapat ang nangyari noon?"

"And what if I tell you that it's not enough? Are you going to punch me, Cayer?"

"Cayer!" awat ko nang makitang namula na ang mukha ng secretary ko. Hindi nila ako pinansin kaya madramang bumuntong-hininga ako.

Wow! Hangin na pala ako.

"I know that you'd mastered martial arts. Pero tingin mo ba ay sapat na iyon upang katakutan kita?"

"I am not bragging that fact, Vincent." Lumamig ang mga mata ni Cayer. "But without a question, I know that I can beat you."

"Are you sure? I am the best, Cayer."

Napaatras ako at unti-unting humakbang palayo. Napaigtad ako nang sabay silang lumingon sa akin.

Oh, tingnan mo! Kung kailan ako aalis ay saka naman nila ako papansinin.

Gusto ko lang na makita ang mga anak ko. Bahala sila riyan. Ayoko nang makisali sa usapan nila. Tutal ay hindi naman ako nag-aral ng martial arts. At saka bakit pa ako mag-aaral niyon kung mayaman naman ako?

Puwede akong kumuha ng maraming bodyguards!

"Miss Shian, between Vincent and I, who do you think is the best?"

Humalukipkip ako at nagpasyang lapitan muli sila. Huminto ako sa mismong harapan nila.

"Tingnan n'yo ako," utos ko. Sabay nila akong tiningnan.

"Ano ang nakikita n'yo?" Tumaas ang kilay ko at tiningnan sila sa kanilang mga mata. "Si Shianna ang nakikita n'yo, 'di ba?"

Tipid silang tumango.

"That's right. At ngayon ay nakikita n'yo ang the best na tao na kaharap n'yo ngayon. Kaya don't fight, parehas kayong wala pa sa kalingkingan ko." Mapang-asar akong ngumiti at tinalikuran sila. I flipped my hair at natatawang naglakad palayo. Saglit kong nilingon si Vincent at lihim akong nabigla nang makita ang isang tipid na ngiti sa kan'yang mga labi. Ngunit kahit ganoon, lubhang madilim ang kan'yang mga mata na tila ay isang lawin. Binawi ko ang aking tingin at pasimpleng sumipol.

Ang ngiting 'yon? Ano ang ibig-sabihin nito? At bakit siya nakangiti?

Nanggigigil na ba siya sa akin? O na-realize niyang nakakaaliw ang ginawa ko?

I mentally slapped myself. Itigil mo na ang pag-iisip sa kan'ya, Shianna. Dahil alam mo, na matagal nang nagtapos ang kung anong mayroon kayo—kung mayroon nga ba talaga. Bumalik ako rito sa Pilipinas upang itama ang aking landas na namali ng direksyon. At noong mga oras na iyon, tanggap ko nang kalaban ko si Vincent.

At kung haharang siya sa mga plano ko...

Handa akong pabagsakin siya—kahit na siya pa ang ama ng mga anak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status