KINABUKASAN... "What's the news?" Lumabas ako sa aking kuwarto habang kinakabit ang mga butones ng aking gray vest. Napahinto lamang ako sa aking ginagawa nang mapansin na may ibang tao rito sa condo unit ko. "Hudson." Umayos ako ng tayo at pormal siyang tiningnan. Nasa tabi ng pintuan si Cayer na binabantayan ang bawat galaw ng bisita. "Nandito ako para siguruhing ayos ka lang." Tumayo siya at namulsa. Marahan siyang ngumiti. "After all, ang laki rin ng naging issue mo, Shianna." Tumaas ang sulok ng aking mga labi at pinagmasdan siya. "To be honest, it doesn't matter to me kung masira ang pangalan ko. Ang ayaw ko lamang ay..." Natigilan ako at unti-unti ay nalusaw ang aking ngiti. "What?" Mahinang natawa si Hudson at tinitigan ako. Hinihintay na ipagpatuloy ang aking naudlot na mga salita. "Nevermind." Pinilig ko ang aking ulo at nilagpasan siya. Dumiretso ako sa center table at pinulot ang remote rito. Binuksan ko ang TV at agad na bumungad ang issue tungkol sa amin ni Solei.
Matagal na napatitig si Cayer sa akin kaya matamis ko siyang nginitian. Tumayo ako habang hatak-hatak ko siya. "You need to go. You see, hindi ako tiwala sa guards ng Kalinga House kaya kailangan mo nang bumalik doon. Huwag mo akong alalahanin dahil kaya ko na ang sarili ko." Pinulot ni Cayer ang handbag na nasa sahig at inabot ito sa akin. "I understand, Miss Shian." Nilahad niya ang kan'yang palad. "Shall we go?" Hindi na ako sumagot at inabot lamang ang kan'yang kamay. Nagsimula kaming maglakad patungo sa pintuan. Pinagbuksan ako ni Cayer ng pinto at binitiwan ang kamay ko. Nauna na akong lumabas sa unit habang siya ay agad ding sumunod. Sabay naming tinahak ang mahabang hallway at dumiretso sa elevator. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa metal door ng lift. Solei... I'd meet you soon. Bumukas ang elevator at agad kaming dumiretso sa entrance ng building. Awtomatikong may sumama sa akin na limang lalaki nang malapit na ako sa entrance. "Miss Shianna!" "Is it true that you're g
After magsalita ni Mom ay nagsimula nang pumormal ang heads. Samantala, dumiretso kami nila Ivana at Solei sa tatlong upuan na kaharap ng pabilog na mesa. "We will discuss about the hottest issue first," saad ng isang head habang inaayos ang mga papeles na kan'yang hawak. Nag-angat siya ng tingin at diretsong tumingin sa akin. "I'm sure that you're aware about it, right, Shianna? Since nandoon ka sa Kalinga School nang mangyari ang issue. You witnessed it first hand." I nodded. "I am well aware of the issue. So I am looking forward to a well and unbiased discussion about it." Tumaas ang kilay niya. "We will treat the people involved fairly. You need not to worry. Wala naman kaming hinanakit sa inyo—lalong-lalo na sa'yo." Umismid lamang ako at sumandal sa aking upuan. Pasimple kong sinulyapan si Ivana na seryoso at si Solei na tulad ng dati ay mukha pa ring anghel. I crossed my arms. "So Shianna," si Mr. Gustav na head ng Valderama family ang nagsalita naman. Hinawakan niya ang co
Nagsimulang maglakad palabas ang mga head ng bawat pamilya. Pinapanood ko lamang silang lumabas habang hindi pinapansin si Solei at Ivana na nabibiglang nakatingin sa akin. "Shianna." Tumigil sa harapan ko si Mom na akmang lalabas sa conference room. She glanced at me sidewards. "Don't make the Viacera a pathetic clan. Kapag nalaman ng Papa ang nangyayari ngayon, he'll probably get mad. At sisiguruhin niya na ang lahat ay luluhod sa harapan mo para makabawi lamang. The Viacera is a powerful clan. Don't forget na mas nakatataas ka kaysa sa mga taong nandito." Tuluyan na niya akong tiningnan. "Huwag kang papantay sa level nila. Dahil kailanman ay hindi kita pinalaki para lamang lumuhod sa harapan ng ibang tao." "Ibang tao?" Madilim akong napangiti. "Then ibig-sabihin ba niyon ay kapag lumuhod ako sa harapan ng aking angkan ay ayos lamang? Dahil hindi sila ibang tao?" I mockingly laughed. "Iyan ba ang nais mo ipahiwatig?" "Shianna—!" Napatiim-bagang si Mom at napakuyom ng kan'yang mga
"I-I still cannot believe it." Napasinghap si Cassie at sinapo ang kan'yang noo. Lumunok siya at saka bumaling sa akin. Kalmado lamang akong ngumiti habang pinapanood ang naguguluhan niyang mukha. "Ang lahat ng sinabi ko ay totoo, Cassie." Napakurap ako upang hindi muling mapaluha. "Lubhang mahirap ang naranasan ko sa loob ng ilang taon." Lumungkot ang mukha ni Cassie. Maamo ko lamang siyang tiningnan at hinayaan siyang yakapin ako. "I-I'm sorry, Shianna. Wala kami noong nahihirapan ka." Niyakap ko siya pabalik, at unti-unti ay nalusaw ang aking pekeng ngiti. I closed my eyes and smiled darkly. "Ayos lang. Kinaya ko ang lahat dahil malakas na ako." Lumayo ako sa kan'ya at muli ay ngumiti ako nang matamis. Saglit kong nilingon ang labas nang mapansing huminto na ang sasakyan. "Then shall we go?" Akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse nang biglang hinawakan ni Cassie ang braso ko. Awtomatikong napatingin ako sa kan'ya at binigyan siya ng nagtatakang tingin. "Shianna." Humigpit ang
"Solei." Naaaliw akong tumingin sa kan'ya. "You're still predictable, aren't you? As I've expected, susundan mo ako dahil hindi mo ako hahayaang gawin ang parusa na hindi para sa akin." "S-Shianna." Sinapo ni Solei ang kan'yang namumulang pisngi at nabibiglang tiningnan ako. Awtomatikong nanlaki ang kan'yang mga mata nang magsimula akong humakbang papalapit sa kan'ya. "Ngayon..." I stepped forward. "Nararamdaman mo na ba ang bigat ng bawat desisyon na ginagawa mo?" Napuno ng dilim ang aking mga mata at nilapitan siya. Dinikit ko ang aking hintuturo sa kan'yang noo at dinuro-duro siya. "I can see your soul, Solei. Alam kong may tinatago kang kulo. So now—bakit hindi mo na ipakita ang totoong kulay mo?" "Totoong kulay?" Huminto sa pag-atras si Solei at galit akong tiningnan. "Bakit, Shianna? Ano ba ang tingin mo sa akin? Isang demonyo?!" Napasigaw si Solei nang muli ko siyang malakas na sinampal. Walang awa ko siyang tiningnan na halos matumba sa lupa. Nilapitan ko siya at gamit ng i
"Narinig n'yo ba 'yon?" tanong ng isang babae habang nagpapalinga-linga sa paligid. "M-May sumabog ba?" "S-Sumabog?" wika rin ng isang may edad na babae at kinakabahang tumingin sa paligid. Napalunok siya. "I-Ibig-sabihin ay hindi nga ako nagkamali sa narinig ko." Natahimik ang buong auditorium habang ang mga bata ay nabahala rin sa nangyari. Ang iba ay nagkumpol-kumpol upang maramdaman lamang ang proteksyon na hindi nila maramdaman sa mga matatanda nilang kasama. "Si Mommy Shian." Naiiyak na tumingin sa paligid ang isang bata. "N-Nasaan siya?" "Natatakot ako," wika ng isang bata at napayakap sa kan'yang katabi. "A-Ano ang nangyayari?" "Si Miss Cassandra!" Lahat ay napatingin sa pintuan ng auditorium nang biglang bumukas ito. Bumungad ang isang lalaking nakasuot ng teacher's uniform. Pinagpapawisan ito at bakas ang kaputlaan sa kan'yang katamtamang kulay ng balat. Ang matinding takot sa kan'yang mukha ang naging dahilan upang ang lahat ay mas mabahala. "Bakit? Ano'ng nangyayari?"
"H-Hindi..." Bumigat ang aking paghinga at nagugulat na napaatras. Malungkot lamang akong pinanood ni Solei na sapuhin ang aking noo. Napailing ako. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Kung gano'n, ilang mga eksena pa ang nasaksihan ng lalaking nanonood sa bawat galaw ko? Pinigilan kong mapaluha at napatiim-bagang na lamang. Sinarado ko ang aking mga palad at kinuyom ang mga ito upang pigilin na mayakap ang sarili. Suminghap ako at natutulalang napailing. "B-Bakit?" Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Pinili ko na lamang na bumuntong-hininga kahit na ang totoo ay lubha akong nasasaktan sa nangyayari. Hindi ko magawang magalit dahil nauna na rito ang lungkot. Na bakit may mga taong gumaganito sa mga tao? H-Hindi ba nila alam ang salitang privacy? "Shianna." Akmang dadaluhan ako ni Solei ngunit itinaas ko lamang ang aking palad upang pigilin siya. "I am fine." Huminga ako nang malalim at inayos ang aking postura. "Don't mind me." Lumamlam ang mga mata ni Solei at napakagat-labi