Share

Chapter 6 (Part 16)

"H-Hindi..." Bumigat ang aking paghinga at nagugulat na napaatras. Malungkot lamang akong pinanood ni Solei na sapuhin ang aking noo. Napailing ako. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Kung gano'n, ilang mga eksena pa ang nasaksihan ng lalaking nanonood sa bawat galaw ko?

Pinigilan kong mapaluha at napatiim-bagang na lamang. Sinarado ko ang aking mga palad at kinuyom ang mga ito upang pigilin na mayakap ang sarili. Suminghap ako at natutulalang napailing.

"B-Bakit?" Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Pinili ko na lamang na bumuntong-hininga kahit na ang totoo ay lubha akong nasasaktan sa nangyayari.

Hindi ko magawang magalit dahil nauna na rito ang lungkot. Na bakit may mga taong gumaganito sa mga tao? H-Hindi ba nila alam ang salitang privacy?

"Shianna." Akmang dadaluhan ako ni Solei ngunit itinaas ko lamang ang aking palad upang pigilin siya.

"I am fine." Huminga ako nang malalim at inayos ang aking postura. "Don't mind me."

Lumamlam ang mga mata ni Solei at napakagat-labi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status