Share

Chapter 7 (Part 4)

Hindi siya pinansin ng anak ko at patakbong yumakap sa akin. Tinukod ko ang isa kong tuhod sa sahig upang salubungin ang yakap niya. Nang magkalapit kami ay mahigpit ko siyang niyakap at ganoon din ang ginawa niya.

"I miss you, Mommy!" Lumayo siya at inosenteng tiningnan ako. "Ilang araw rin p-po kitang hindi n-nakita."

Sinsero akong ngumiti at ginulo ang kan'yang buhok. "I miss you, too, Ashy. Sorry kung ilang araw nawala si Mommy."

"It's fine po. I know po... na may asikaso ka!"

Marahan kong pinagmasdan si Ashy, sunod ay si Nash na naiiyak na nakatingin sa akin. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at patakbo niya akong niyakap.

"Mommy!" Umiyak siya sa dibdib ko at marahan kong hinagod ang kan'yang buhok. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan nang marinig ang bawat paghikbi niya. "Na-miss po kita. H-Hindi po ako makatulog kapag wala ka."

"Shhh... I am now here, Anak." Lumapit si Ashy sa amin kaya niyakap ko silang dalawa. "Pasensya na kung nagkulang ako sa inyo."

"Mommy, we
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status