Share

Chapter 7 (Part 5)

Tumango ako at tipid siyang nginitian. Binuksan niya ang pinto ng kuwartong aming kaharap. Ramdam kong humigpit ang pagkakahawak ng mga anak ko sa aking dalawang kamay. Nagbaba ako ng tingin sa kanila at binigyan sila ng tipid na tango. Tumango rin sila sa akin at saka nagpasyang pumasok sa bukas na kuwarto. Sumunod din ako sa kanila at ang unang bumungad sa akin ay si Lily na nasa tabi ng kama ni Cassie. Kausap niya ang aking pinsan at napatingin sa amin nang napansing pumasok kami.

"Hi, Lily!" Lumapit si Ashy kay Lily at excited na kinausap ito. "Nandito ka rin pala! L-Let's play!"

"Ashy," pagtawag ko sa kan'ya. "I didn't bring you here to play. Hospital isn't also a playground."

Humarap sa akin si Ashy at napayuko. "I'm sorry, M-Mommy."

Lahat kami ay natahimik at tiningnan si Lily na lumingon kay Cassie na maamong nakatingin sa kan'ya. Sunod siyang tumingin sa amin at maya-maya ay tumango.

"I'll leave na po, Tita Cass. Magandang umaga rin po, Mommy Shianna." Saglit na yumuko si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status