Share

Chapter 7 (Part 6)

"Shianna!" Bumakas ang galit sa kan'yang mukha ngunit pinili kong ignorahin ito. "Ano'ng ginagawa mo?"

"What do you think, Cassie?" Tuluyan akong lumuhod sa harapan niya at kalmado siyang tiningnan. Ngunit ang totoo ay nasasaktan ako na nakikita siya sa ganitong sitwasyon.

Nag-iwas ako ng tingin upang hindi niya makita ang mga mata kong unti-unting naluluha.

"Dahil sa akin, n-nasaktan ka, Cass. Dahil sa akin ay hindi ka na m-makalakad ngayon."

"S-Stop it!" Suminghap si Cassie at pinigilan ang sariling mapaluha. "Wala kang kasalanan, Shianna!"

"I k-know." Mapait akong ngumiti. "Pero hindi niyon matatabunan ang katotohanang isa ako sa mga dahilan kung bakit ka napahamak. Kung wala lamang ako ay paniguradong ligtas ka ngayon—"

"You're wrong!" napasigaw si Cassie kaya napatingin ako sa kan'ya. Nangangatal ang kan'yang mga kamay.

"I don't hate you, Shianna. So, please, stop doing this. H-Huwag namang ganito. I don't blame you. Alam nating lahat na walang may nagnais na mangyari ito."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status