Shianna's POV"Sure..." Hinarap ko nang maayos si Vincent at seryoso siyang tiningnan. Madilim akong ngumiti. "Puwede tayong mag-usap, Vincent.""Then shall we get away from here?" Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko nang tinabig ko ang palad niya. Mas dumilim ang mukha ni Vincent dahilan upang mas mapangiti ako. Nag-angat ako ng tingin at inabot ang pisngi niya. Naramdaman ko ang matigas niyang panga na umigting."Pero ang usapan bang iyon ay maaaring dito na pag-usapan? We could talk nang hindi iniiwanan ang mga bata rito." Lumayo ako kay Vincent at akmang bibitiwan ang pisngi niya nang hinawakan niya ang aking kamay. Saglit akong napataas ng kilay at seryoso siyang tiningnan. Diretsong tumitig sa akin si Vincent at batid kong hindi niya alintana ang takang tingin sa kan'ya ng mga bata. Nag-iwas ako ng tingin dahil mahirap salubungin ang intensidad ng kan'yang titig.Parang hinihigop ng kan'yang mga mata ang kaluluwa ko."I'm glad, Shianna." Saglit na nabahiran ng
"Shianna!" Halos mapasinghap ako nang marahas nang hinawakan ni Vincent ang magkabilang braso ko at malakas na isinandal ako sa isang puno. Mahina akong napadaing at matapang na tiningnan si Vincent."That's right..." Nang-aasar akong ngumiti. "Ipakita mo kung gaano ka kademonyo, Vincent. Make me hate you more. Because now..." Napakagat-labi ako at tiim-bagang na nag-iwas ng tingin. "Napakaimposible na para sa ating dalawa na magkaayos. Dahil Vincent, sa una pa lang ay hindi na tayo naging magkakampi. Pinanganak tayong dalawa upang labanan ang isa't isa."Hindi ko inaasahang may isang luha ang tatakas sa aking mata. Huli na upang itago ito dahil napansin ito ni Vincent. Bahagya siyang natigilan at nabibiglang napatitig sa akin. Tila ay saglit kong nakitaan ng hesitasyon at pagkataranta ang kan'yang mukha. Hindi ko alam kung totoo ba ang aking nakita o guni-guni lamang ito dahil imposibleng maging ganito si Vincent.Sa huli ay inisip kong guni-guni lamang ang aking nakita dahil mabilis
Mabagal akong pumikit matapos marinig ang tinanong ni Vincent. Sinapo ko ang aking dibdib at humingang malalim.Mga anak... ang ama n'yo ngayon ay nahihirapan.Bilang isang ina n'yo—ano nga ba ang dapat kong gawin?Mabagal akong dumilat at nilapitan si Vincent. Kinapa ko ang kan'yang balikat at unti-unting dumausdos ang kamay ko patungo sa kan'yang braso. Ramdam ko ang maskulaso niyang braso na batid kong nagdadala ng kakaibang lakas."Vincent..." usal ko at niyakap siya. Madilim akong ngumiti at sinandal ang aking ulo sa ibabaw ng kan'yang balikat. "Ikaw lamang ang makakasagot sa tanong na iyan. You are yourself."Tumigil sa pagluha ang ama ng mga anak ko at natahimik. Samantala, nanatili akong nakangiti nang madilim habang patuloy siyang niyayakap.Vincent... nasasaktan akong nakikita kitang ganito. Pero nakakapagtaka... bakit parang natutuwa rin ako?A man so strong just had a breakdown... at sa harapan ko pa.Maaaring seryoso nga talaga si Vincent na makipag-ayos sa akin.Lumayo a
Muli ay parang pinipiga ang aking puso dahil sa mga nangyayari ngayon. Napabuntong-hininga ako at saglit na pumikit.Si Vincent... siya lamang ang kalaban ko na makakayang pasukin ang puso ko. Na k-kahit paulit-ulit niya pa akong masaktan, pagbubuksan ko pa rin siya ng pinto. Na kahit gaano kataas ang harang na binuo ko ay magigiba pa rin ito sa oras na naisin niya.Maaaring... tanga ako. Pero tulad nga ng sabi ni Vincent... ngayong gabi lamang ito.Kung ganoon ay hahayaan ko ang sarili kong magpakatanga sa loob ng isang sandali."You said that it's an order, Vincent. But I am the boss." Dumilat ako at ngumiti. "Pero yes, pumapayag akong kalimutan na magkalaban tayo ngayon ngayong gabi..."Alam kong nakangiti na ngayon si Vincent kahit hindi ko siya magawang makita. Tila ay tumalon ang puso ko sa saya at kapayaan na nararamdaman ngayon.Just for once, gusto kong maranasan muli ito.Ang kapayaan na matagal nang nawala sa akin.Kahit ngayon lang... nais kong kalimutan ang magulong buhay
"What?" Hindi makapaniwala akong tiningnan ni Vincent. Kumunot ang kan'yang noo at binitiwan ang aking pisngi. Humakbang siya palayo na nagbigay kirot sa sugatan kong puso. Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang araw—bahagya na lamang ngayon akong nasasaktan.I smiled bitterly. Oh God... Ano'ng maling desisyon ba itong napasok ko?"What do you think of me now?" Binahiran ko ng tamis ang aking ngiti upang hindi mailantad na nasasaktan ako ngayon. Gusto kong maiyak ngunit pinili kong maging malakas.Tama... hindi ako puwedeng bumigay dahil sa buhay na pinasok ko."Vincent?" pagtawag ko sa lalaking kaharap ko na madilim na nakatitig sa akin. Umigting ang kan'yang panga at biglang hinawakan ang aking braso. Hinila niya ako papalapit sa kan'ya dahilan upang magkalapit ang aming mga mukha. Pasimple kong sinulyapan ang dalawang tent at nang masigurong walang nakakakita sa nangyayari ngayon ay binalik ko ang aking atensyon kay Vincent."Vincent..." usal ko. "Do you think I'm a wicked woman? I am
"You're a devil," usal ko at ngumiti. Hinawakan ko ang buhok ni Vincent at bumuntong-hininga. "Nahihibang ka na kung susubukan mong kalabanin ang pamilya Fascis. Vincent..." Inabot ko ang pisngi ni Vincent at dinala ang kan'yang mukha paharap sa akin. "Ang pamilyang iyon ay mas malakas na kaysa sa iyo. Mas makapangyarihan sila kaysa sa inaasahan mo.""Ah..." Malakas na bumuntong-hininga si Vincent at umakyat ang kan'yang kamay patungo sa balikat ko. Hinila niya ako papalapit dahilan upang halos magtama ang aming mga labi. Ramdam ko ang kan'yang ngiting naaaliw."I feel sad. Ang baba ng tingin mo sa kapangyarihan at impluwensya ko, Shianna.""A-huh?" Nang-aasar akong ngumiti at muling dinala ang aking palad sa kan'yang buhok. "I am just stating the obvious. Perhaps, nasasaktan ang ego mo ngayon?""So you're testing my power, woman?" Umigting ang panga ni Vincent at unti-unting nilapit ang kan'yang mga labi sa akin. Nanatili pa rin akong nakatitig sa kan'yang mga mata na kahit halos hin
"But you don't love him, Shianna..." Kahit madilim ay batid kong nakatiim-bagang ang lalaking kaharap ko. "That's right," saad ko at ngumiti. Sinapo ko ang aking noo at tumingala sa madilim na kalangitan. "Pero ito ang desisyon ko. Pinili ko si Sullian kahit alam kong hindi ko siya mahal. Kung darating ang araw na pagsisisihan ko ang aking ginagawa ngayon-ay tatanggapin ko ang lahat ng kaparusahan na matatanggap ko." Lumapit ako kay Vincent at pinatakan siya ng isang marahang halik sa kan'yang pisngi. "I am now in my unstable mind, Vincent. But I have changed. Kung ako ang dating Shianna na nakilala mo noon-paniguradong bumigay na ako sa mga kamay mo. Paniguradong..." Dinala ko ang aking palad sa kan'yang matipunong dibdib. Unti-unti kong pinadausdos ang aking mga daliri pababa sa kan'yang katawan. Naaaliw akong ngumiti nang mabilis niyang hinuli ang kamay ko na mas bumababa. "Shianna... what are you doing?" Unti-unting humigpit ang pagkakahawak ni Vincent sa aking kamay. Patuloy lam
Malamig na lumingon si Sullian sa babaeng katabi niya. Kung noon na bago pa lamang sila na nagkakilala ay paniguradong mangingilabot ang babae sa titig na ginagawad sa kan'ya ni Sullian. Pero nasanay na siya, siya ang babaeng nakasaksi sa kung anong klaseng tao ba talaga ang fiance ni Shianna.Sa harapan ng maliwanag na mga building ay itinaas ng babae ang hawak niyang babasaging baso. "Cheers." Pinagtama niya ang kan'yang baso sa basong hawak ni Sullian at sumimsim sa kan'yang alak. At habang ang bibig ng baso ay nasa kan'yang mga labi ay pasimple niyang sinulyapan si Sullian na malamig ang tingin sa tanawing kanilang kaharap.Hindi rin nagtagal ay nagsalita ito dahilan upang maibaba ng babae ang kan'yang baso. Tanging ang pahapyaw lamang ng kan'yang mukha ang makikita dahil sa bawat oras na magkasama sila ni Sullian ay laging nakasarado ang mga ilaw. Gayunpaman, kilala na nila ang isa't isa.Sadyang nagkikita lamang sila sa madilim na lugar upang kung sakaling may makakita sa kanila