Share

Chapter 3 - Hue

Tied

Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok nang lumabas na si Azalea ng aking opisina.  

I suddenly felt hot talking to her. Hindi ko maitatangging nasasaling ako sa kagandahan niya. Lalo na’t tingin ko’y napatitig din siya sa mga labi ko kanina. Pero mali siguro ako ng nakita, baka namamalikmata lamang ako o kaya ay umaasang titignan niya ko ng may bahid ng malisya.

Dahil sa limang taong pagtatrabaho ni Azalea sa kompanya ay ni minsan hindi ko siya nakitaan ng interes sa akin o sa kahit na sinong lalaki sa opisina.

May malinaw na pader ang humihiwalay sa kaniya at sa lahat ng mga taong nakakasalamuha niya sa kompanya. Maski kaming dalawa na matagal ng malapit na nagtatrabaho ay hindi rin maituturing na kahit pagkakaibigan ang mayroon kami dahil malinaw na komportable siya sa guhit na pumapagitna samin. Sobra siyang istrikto at seryoso sa trabaho na halos hindi ko makita ang relasyon namin lagpas sa pagiging mag-amo.

Pero sa kabila non, hindi maikakaila na isa siya sa pinakamagandang babaeng nakilala ko. She’s committed and works her very best to provide quality outcome at work. I can confidently say na isa siya sa mga empleyado ng kompanya na may malaking ambag sa narating nito.

At hindi lamang sa Helping Hand, maging sa personal kong buhay ay maasahan din siya. Because she’s truly exceptional and trustworthy, I was able to entrust to her some parts of my life.

She was even with me when I met my father for the very first time.

I did not know how to face my father when he came to meet me. Hindi rin naman ako nagtanim sa kaniya ng galit dahil sa kawalan niya ng presensya sa buhay ko. Sapat din namang pagmamahal ang naibigay sakin ng yumao kong ina kaya kahit pa nahirapan kami noon ay hindi ako nagtanim ng galit sa kaniya. Still, I didn’t know how to be a son to a father I never knew before.

That’s why I brought her with me. I made myself think that our meeting was just a regular meeting with a client. And her presence helped me deal with it respectfully.

Kung hindi ko lamang siya empleyado ay masasabi kong siya ang perfect candidate upang maging ina ng aking magiging anak. Dahil hindi lang ganda at galing sa trabaho ang meron siya, totoo rin siya sa sarili at may sapat na pang-unawa sa reyalidad. Magiging mabuti siyang ina dahil kabilib-bilib ang mga opinion niya sa maraming bagay.

May mga paniniwala man siyang salungat sa paniniwala ko, pero tuwing ganoon nga ay magalang niya pa ring pinapahayag ang saloobin. Nakikinig siya sa kung anong sinasabi ko at pinag-iisipang mabuti ang kung ano mang isasagot niya sa akin.

Ni minsan din ay ‘di ko siya nakitang mawalan ng poise at pag-aalaga sa sarili. Lagi siyang malinis at kaaya-aya, palaging maganda at presentable. Ang kahit na sinong mapapatingin sa kaniya ay hindi basta-bastang naiiwas ang titig mula sa kaniya.

May iba talagang dating ang babae na para bang may puwersang humahatak sa atensyon ng lahat. Maging ako ay hindi rin nakakaligtas sa hindi nakikitang puwersa. Kahit hindi siya nang-aakit, ang mga kalalakihan ay napapalingon sa kaniya. Kahit pa ang kasuotan niya ay hindi seksi at akma lamang naman sa opisina.

Her body can make any man hard. Oh, hell, what am I thinking?

Pumasok ako sa banyo upang maghilamos. Sinusubukan kong iwaglit ang maduming ideyang pumasok sa isipan ko.

Azalea is my executive assistant, and I shouldn’t look at her that way.

Tinutuyo ko ang mukha ko ng face towel ng marinig ko ang pagtawag sa telepeno.

Nakikita kong umiilaw ang maaliit na ilaw saa tabi ng pangalan ni Azalea hudyat na ang babae ang nais saking kumausap.

“Sir…” seryosong pagtawag niya sa akin nang sagutin ko ang tawag. Nahigit ko ang aking hininga sa boses niya. Hindi na lamang ako sumagot at hinayaan siyang magpatuloy sa pagsasalita.

“Aram is on the line. Hindi ka raw sumasagot sa tawag niya.”

Yeah, because I got busy thinking of you.” Sagot ko sa isip. Mabuti na lamang at ‘di ko malakas na nasabi ‘yon. “Transfer the call. Is that all?” I finally answered with deep voice that I wasn’t able to control.

“Yes, actually. I have already talked to Maliah. We’ll meet later to relay some information to her. Kung hindi abala sa’yo, sa tingin ko dapat magkita muna kayo kahit isang beses bago natin i-offer sa kaniya ng tuluyan ang plano. What do you think?”  

Napa-isip muna ako bago sumagot. May punto naman siya, sa larawan ko lang nakita ang kaibigan niya at hindi ko siya maalala kahit pa sinabi niyang nagkatagpo na kami noon.

“Okay. Tonight’s good with me.” Sasabihin ko sanang i-clear niya ang schedule ko mamaya nang maalala ko na wala nga pala talaga akong meeting dahil umatras na ang ilan sa mga malalaking kliyente.

May mga malalaking kompanya ang umaasa sa serbisyo namin. Bilang tulong nila sa kanilang mga empleyado, kumukuha sila sa amin ng mga regular na taga-pangalaga ng mga anak neto sa oras ng trabaho. Malaking tulong ito sa mga single parents na walang mapag-iwanan sa kanilang mga supling, lalo na kung walang budget para kumuha ng kasama sa bahay.

Pero ngayon na maraming umaatras na kliyente, nababagabag ako sa isiping itinigil nila ang ganitong libreng serbisyo sa kanilang mga empleyado. Hindi lang ang kawalan namin ng proyekto ang problema, Malaking dagok din ito sa mga magulang na misyon talaga naming serbisyuhan.

“Brother, are you there?” Nagising ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko si Aram sa linya.

“Hindi ka sumasagot sa tawag ko kanina. Yayayain nga kitang humanap ng babaeng kailangan mo, bro.” Sabay tawa niya ng malakas.

Napaupo ako ng maayos sa silya. “Saan naman? May kilala ka ba?”

“Kilala? What? No—

“Dude, I do know some hookers. But I know a place where you can get a girl. There’s this bar I found where wild girls are running wild.”

“Hold up, hey. Are you telling me to choose a woman in a bar then get her pregnant? Just some random woman that I don’t know?”

He tsked, “How else are you gonna get yourself a woman?”

“I don’t want some random woman, dude. You know what, just let me handle this. Babalitaan nalang kita, alright?”

Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at binaba ko na ang tawag. He’s really crazy. But Aram’s a good guy.

He’s adopted by my father and that makes him my brother by law. We really treat each other as brothers, he even became my best bud ever since we met.

And as best buds according to him, we should at least try to do what brothers do, which is having a fun time with girls on our side. Hanggang sa sitwasyon kong ito gusto niya pa din ipilit ang fun time na ‘yon.

Gusto ko rin naman maka-bonding ang kapatid at makapagsaya. Pero hindi lang talaga ako mapaglarong lalaki tulad niya.

Itinuloy ko na ulit ang aking trabaho. Hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras kunng hindi kumatok sa pinto ko si Azalea. Dumaan siya para ipaalala ang date namin ni Maliah mamayang ala-syete ng gabi.

Bago naman lumabas ng opisina ko si Azalea ay binantaan niya muna ako.

“Kaibigan ko si Maliah, Sir, and if you do a funny thing tonight, I swear to all the goddess, I’ll break your neck.

Napatitig ako sa kaniya sa sinabi niyang iyon, at napataas ang kilay nang ngumiti siya pagkatapos ng litanya na para bang ‘di niya ko binantaan.

“Anything else I can do for you, Sir?”

Hindi na ko umalma sa sinabi niya. I dismissed her. I still have time to prepare so that’s what I did for my remaining two hours.

Narating ko ang restaurant na kakainan namin ni Maliah labing-limang minuto bago ang usapang pagkikita. And I found her there sitting in the middle part of the place. She’s wearing a simple blue crop top and a white wide leg pants.

Her glowing fair skin is as almost as creamy as a milk.  Sumisilip din ng kaonti ang tiyan niya ng umangat ang damit pagtayo niya nang makita ako.

Nginitian niya ako na ginantihan ko din naman. Inabot ko ang aking kamay upang magpakilala. “Hue Silverio. Sorry I kept you waiting.”

“Hi. Napaaga lang ako. I’m Maliah Gallegos.” Her perfect set of teeth were showing when she spoke. May maliit na nunal siya sa ilalim ng mata na kapansin-pansin dahil sa sobrang pagkaputi ng kutis.

Naupo kaming pareho at um-order. Parehas kaming um-order ng steak. Nag-serve naman ng wine ang waiter habang nag-iintay kami. Tahimik kaming dalawa kaya binasag ko ang katahimikan.

“I know this is awkward. But I hope to get to know you before we decide if we’ll really do this.”

“I understand. Let’s just think of this as a blind date set up by Aeza para mas komportable tayo.”

“Yeah, speaking of Aeza, she said she’ll break my neck if I do anything funny.”

Mayumi siyang tumawa sa sinabi ko. At doon na nga nagsimula ang masayang gabi. Naging komportable kaming mag-usap at magkwentuhan. ‘Di naamin namalayang lumipas ang oras sa haba ng aming usapan.

She’s a fun person, a conversationalist. Marami din kaming pagkakapareho tulad na lamang ng malasakit sa kani-kaniyang negosyo.

“I’m a pastry chef. People said I’m crazy for opening two branches of my café at the same time when I was just starting. But who cares? I know baking is what I’m good at. I know it will prosper and it did. A year after, I opened two other branches, one in Manila, and one in Rizal.”

“Wow. That was great. You really just know if things are meant for you.”

Napag-usapan din namin ang plano. At pumayag siyang mag-co-parenting kami sa batang mabubuo namin. We agreed that we can already set a date for the deed.

Natapos ang gabi ng maayos at may kasunduan.

I was already at home at eleven. I checked my phone and saw Aram on my recent call logs.

I dialed his number. I want to tell him that I found the one.

“Bro, my problem’s—”

Aram cut me off. “Dude, you won’t believe what I just saw. Your executive assistant is so freaking hot.”

Tila nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Is he referring to Azalea?

“What are you talking about?” Azalea’s always hot.

“If you just came with me in here, you would have witnessed Aeza having fun like a wildflower. Now, I won’t be able to stop thinking how she danced on the pole if she calls me by my name.” His voice was shaking in excitement, and I don’t want to admit it, but he got me curious as hell.

“Stop fantasizing about her, Aram.” Hindi ko napigilang mag-tunog pagbabanta ang sinabi ko.

“Okay, I’m sorry. What I’m trying to say here is forget what I said about having a woman pregnant.” He paused like he’s waiting for me to say anything, but I did not. I let him continue.

“Dude, you’re missing out on a lot of things. You see, take Aeza for example, nasa harap mo na ang ganitong kagandang babae pero ‘di mo man lang alam how wild she is at night. And hindi lang siya, maraming babae, at yung iba pa nga a nagkakandarapa at humahabol sayo. And what? Lilingunin mo sila ngayon dahil kailangan mo ng anak? Dude, that was a dumb move. I’m telling you, you should listen to me, have fun. ‘Di mo na magagawa yan kung magkaka-anak ka. I don’t want you to miss out all the fun.”

“I don’t know, dude. I’ve already agreed to a woman. Kanina lang. And this would really help the company even if this sounds absurd.”

“It’s up to you. Basta I’m telling you; you haven’t even experienced enough women in life to be tied to one. I know you’re not getting married but having a child is even worse. I gotta go, pipila pa ‘ko kasunod ng mga lalaking gustong makisayaw kay Aeza. Bye, bro.”

Then, the line went dead.

I wasn’t able to sleep that night.

Though, I’m not sure if I’m thinking about my freedom or if I’m bothered that Aram is dancing with Azalea.

The heck with that man.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status