Chapter 4 - Azalea

Tell me

I am really worried about Maliah. I know she’s a grown woman who can decide for herself but getting pregnant is a big deal and I really think she’s not in the right mind to accept this. I am so torn between being a good friend and a good corporate slave.

“Anything else I can do for you, Sir?”

Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi kahit na sa loob-loob ko’y ‘di ako makapaniwalang binantaan ko ang lalaki. Kinakabahan ako na baka magalit siya kaya nang sinabi niyang wala na siyang ipag-uutos ay nakahinga ako ng maluwag.

Matapos ng usapan na iyon ay dumiretso ako ng uwi sa bahay para maghanda sa date na itinaon ko talaga kasabay ng date nilang dalawa. Ayaw ko kasing mapuno lang ng isipin tungkol sa kanila ang gabing ito.

I’m already fifteen minutes late but I still took my time walking out of my car going to the restaurant where I’m meeting up with the man that I found on a dating site.

Sinuyod ko ng tingin ang buong lugar, sabi niya sa text ay nakasuot siya ng pulang sweater. Inalam ko talaga ang susuotin niya dahil kahit pa nakita ko na siya sa picture ay hindi ako ako magaling makakilala sa personal.

Dalawang lalaki ang nakita kong nakapula. Ang isa ay may kasama kung kaya’t dumiretso na ko dun sa isa. Dalawang metro nalang ang layo ko sa kaniya nang napatigil ako. Umatras ako at pasimpleng lumakad palabas.

I can’t believe I’m meeting up with a kid. Goodness, I was planning to release some heat tonight, but a boy is what I got? Nothing’s going in my way.

Napapaypay nalang ako sa sarili habang nakatayo sa tapat ng aking sasakyan. I am so pissed. Tumingin-tingin na lang ako sa mga katabing establisimento, naghahanap ng maari kong tambayan.

I need a freaking drink.

Ngayon nalang ulit ako iinom mag isa, at unang beses ko din dito sa pinasukan kong nightclub. I was thinking of calling Dean for a company, but I won’t be able to explain why Maliah is not with me, so I changed my mind.

Ngumiti ako sa bartender ng makalapit ako sa pwesto niya. I ordered a cocktail drink as I sat and observed the dance floor for a moment. I sip on my glass from time to time.

Maaga pa kaya kakaunti pa ang tao. Kung sisimulan ko nang uminom ngayon palang ay paniguradong may tama na ako sa oras na bumuhos ang mga guest mamaya. Ie-enjoy ko muna ang bar na ito habang wala pa gaanong tao.

I texted Dean with my location. Tuwing umiinom kaming dalawa ni Maliah ay ipinapaalam namin palagi kay Dean kung nasaan kaming bar. In that way, he knows where to pick us up after midnight.

I ordered two shots of tequila, just enough to heat my body before I take the dance floor. The DJ is playing a nice EDM. Lumakad ako papunta sa gitna at sinimulan ng sumabay sa indayog ng kanta. Pinasadahan ko ng aking kamay ang buhok ko kaya’t saglit kong nasulyapan ang kisame na gawa sa salamin. Kitang-kita ang d****b kong tila naiipit sa suot kong simpleng fitted black dress. Nakatingin pa din ako sa repleksyon ko sa itaas nang maging mapusok ang tugtog.

Sinimulan kong gumalaw at gumiling sa saling ng musika. Nararamdaman ko na unti-unti na akong nakakatawag ng pansin ngunit wala akong balak magpaabala sa sino mang mga lalapit sa akin. Gusto ko lamang sumayaw mag-isa at malunod sa musika.

Lumapit ako sa pole na nasa entablado at doon sumayaw. Sa umpisa ay nasa gilid lamang ako habang nakakapit ang isang kamay sa pole at dahan-dahang nags-sway ang katawan.

Napatingin ako sa mga ibang sumasayaw sa may ibaba. Sa pag-ikot ng tingin ko sa kabuoan ng lugar ay may nasulyapan akong pares ng pamilyar na mga mata. Saglit na lumakas ang kabog ng d****b ko. Akala ko si Hue ang nakita ko, ngunit nang pakatitigan kong mabuti ay si Aram pala. Iniwas ko ang aking tingin at sa iba bumaling.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Dahil na rin siguro sa kaonting nainom na alak, at sa mapusok na musika ay tila nag-iinit ang katawan ko.

Nawala sa isip ko ang nakitang kakilala, namayani ang init sa katawan at ang mukha ng lalaking akala ko ay aking nakita. Naiisip ko ang puti niyang polo na humakab sa kaniyang matipunong katawan.

Nai-imagine ko kung gaano katigas ang kaniyang tiyan at braso, napahigpit tuloy ang kapit ko sa pole. Nang mas maging komportable ako sa pakiramdam ng pole sa aking kamay ay sumandal ako dito at gumiling pataas at pababa. Ang mga kamay ko ay nakakapit sa pole sa itaas ng aking ulo, iniisip na kinukulong ang mga iyon ng kamay ng lalaking naiisip. Napapikit ako, ‘di maiwasang makita ang imahe ng lalake na animoy nakikipagsayaw sa akin.

Humarap ako sa pole at halos idikit na ang katawan doon. Dumausdos pababa ang hawak ko habang mas pababa ng pababa ang giling ko. Nakatalikod ang pwesto ‘ko sa mga tao, kung kaya naman nang paahon na ako sa halos aking pagkakaupo, malamang na kitang-kita nila ang kaliwa’t kanang pag-ugoy ng aking pang-upo.

Napapadiin ang kagat ko sa aking labi dahil ‘di ko na makontrol ang mas dumuduming sayaw at kilos. Kung ‘di ko pa narinig ang hiyawan ng mga kalalakihan ay ‘di pa ko matatauhan na nananaginip ako ng gising.

Fuck. I know dirty dancing in a pole was made for me. But the though of him is making me wilder. I better stop while I can.

Bumaba ako ng entablado at bumalik sa kaninang pwesto ko sa bar. Iniinom ko ang bagong order na inumin nang lumapit si Aram.

“That was… Wow!” Aram couldn’t finish what he’s saying because of awe.

I smirked at him and raised my glass. He clinked his glass to mine and laugh like a maniac.

“I wish my brother had seen you.”

Nasamid ako sa sinabi niyang ‘yon. What the hell was that?

“Did you know that he’s decided to do that effing plan? I didn’t know he’d take that seriously. I just called him, and he said he found a girl.”

So, they’ve sealed the deal. Hindi na ako nagpaalam kay Aram at bigla nalang akong tumayo at umalis.

Why do I feel like my night has been ruined?

I just texted Dean when I got home and slept immediately.

I was awakened by Maliah’s voice singing an out of tune song.

She kissed me in the cheeks, saka hinila ako paupo.

“I have something for you. I baked you a cake, it’s in the kitchen.”

“Why? Anong meron?”

“That’s for being a perfect cupid for me.” Sabay hagikhik niya.

Napaungol ako ng maalala ang tinnutukoy niya.

“Mal, listen to me. Are you a hundred percent sure about this?” She looked at me as if I’m being ridiculous.

“You know, if you really like him, masasaktan ka lang kung itutuloy mo ‘to. Besides, if you get pregnant, that’s nine months of your life, and a lifetime of responsibility for a kid’s life.” I said to her seriously.

“Calm your tits, girl. Iniisip mo ba na ginagawa ko ‘to dahil ganon ko siya kagusto? No way,” ‘di makapaniwalang anas niya.

Ako naman ay nnagtataka. “But you said you like him.”

“Well, I did say that. I really find him hot though, and I want to know if he can make me hot in bed, too. Come on, parang ‘di mo ko kilala. Tanga lang ang papayag sa proposition niya.”

Naguguluhan akong tumitig sa kaniya.

“He asked for one night with me. One night of unprotected sex. We’re not going to do it until I get pregnant, ano ka ba? Sumusugal siya sakin, and you know how I love bets and winning. I get to bed him, and that’s it. I’ll drink an after-sex pill and will just tell him na ‘di ako nabuntis. And that’s a win for me.” Tumataas-baba ang kilay niya nang matapos siyang magpaliwanag.

All this time, I thought she’s really planning to get pregnant.

“This is my only chance para mapansin niya, kasi sabi mo nga diba, ‘di niya man lang ako naaalala. This is just a bet for me. We both know that his plan is absurd to begin with. Were you worried about me?”

Hindi ako sumagot at tinulak nalang siya sa kama at pinalo ng unan. Ayaw kong aminin sa kaniya na nag-alala nga ako dahil malamang na mang-aasar lang ang babaeng ‘to.

“Tomorrow’s the big day, so come with me to the mall. I want the perfect lingerie for him.”  

Namumula siya sa sinabi at humagikhik pa.

Pumunta nga kami sa mall pagtapos namin kumain ng umagahan. Lumiban ako sa trabaho sa unang pagkakataon. Gusto kong samahan si Maliah at siguraduhing ikasasaya niya ang kung ano mang maangyayare mamayang gabi.

Nagpa-wax pa ang baliw na babae. Lahat ng paghahanda ay ginawa niya na kaya’t parang nagdududa tuloy ako kung talaga bang sex lang ang nasa isip niya. Pero kahit na bumabagabag sa akin ito ay pinaramdam ko pa din sa kaniya ang suporta ko.

Sa lahat naman ng kalokohan at desisyon ng isa’t isa ay lagi kaming nakasuporta. Walang pinagkaiba ang bagay na ‘to kaya naman in-enjoy ko na lamang ang bonding naming dalawa.

Magdidilim na nang maisipan naming umuwi. Hinatid niya lang ako sa bahay ko at umuwi na rin siya para maligo muli at maghanda. Ganon din ang ginawa ko. Naghanda ako para sa lakad naming dalawa ni Dean.

Hindi pa rin alam ng kaibigan namin ang kung ano mang kalokohang pinasok ni Maliah. Mamaya siguro kung magtanong siya ay sasabihin ko. Mabuti na lang ay libre siya mamayang gabi upang uminom at mag bar.

Alas otso nan ang matapos akong mag-ayos ng mukha at buhok. Nagi-spray na ako ng pabango ng marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko.

Nakita kong si Hue ang tumatawag kaya dali-dali ko itong sinagot.

“Is there a problem?” Agad na bungad ko.

Ilang Segundo pa bago sumagot si Hue, kaya medyo nakaramdam ako ng kaba. Si Maliah kaya?

“What do you think about my plan?” Sa malalim na boses ay sabi niya. “Be honest with me. Do you think this is not going to work?”

Of course, it’s not going to work. Maliah will not get pregnant. And that’s when it hit me. Are we in a way taking advantage of him? Ngunit kung sa bagay, noong umpisa naman ay si Maliah ang tila naaagrabyado dito. Sa planong iyon ngayon ni Maliah ay pareho na nilang gagamitin ang isa’t isa. Patas ang laban.

Bumuntong-hininga ako bago sumagot. “Hindi ka na rin naman pwedeng umatras pa.”

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Tanging paghinga lang namin ang naririnig ng isa’t isa.

“Ibababa ko na ang ta—

“If…” Nagulat ako ng putulin niya ang sinasabi ko. Pero mas nagulat ako sa sunod na sinabi niya.

“If you tell me not to go, I won’t go.”

Pahina ng pahina ang kaniyang boses habang palakas ng palakas ang tibok ng aking d****b. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay parang iba ang epekto sa akin ng sinabi niya.

Bakit parang gusto kong lagyan ng kulay at ibigsabihin ang pangungusap na ‘yon? Bakit parang tunog pakiusap iyo at hindi paghahamon?

Nanatili akong walang imik, sinusubukang pakalmahin ang kung ano mang umiikot-ikot sa aking tyan at d****b. Nang sa wakas ay nagawa ko ng patahimikin ang kabog sa puso ay sinubukan kong ibuka ang labi ko.

Nothing came out of my mouth, so I cleared my throat. “It’s your choice, Sir.”

“Tell me. Tell me, please.” May pagsusumamo niyang sabi.

Kung kanina’y mabilis, ngayon naman ay parang nag skip ang beat ng puso ko.

“No, you should go.” Sa malinaw na boses ay sabi ko. Pinatay ko ang tawag matapos sabihin ‘yon. Natatakot na baka nga pigilan ko siya.

Nakakatakot ang epekto niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status