Share

Love And Punishment (Freed Series 1)
Love And Punishment (Freed Series 1)
Author: Raisa Kamad

Prologue

Prologue

(Monique's POV)

"You plan this all along!" mariin niyang sabi sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko pa ay sinusunog na niya ang kaluluwa ko.

Napalunok ako. Ngunit hindi ako nagbaba nang tingin at tinumbasan ko ang makamadag niyang titig. Ngayon pa ba ako magpapatalo gayong nasa labas na ang mga kakampi ko.

Naririnig ko na rin ang sirena ng police car sa labas ng mansyon. Kasalukuyang nasa sala kami dahil kabababa lang namin para kumain. Tinitigan niya ako na para bang hinihiwa niya ang buo kong katawan.

"Sa tingin mo ba ay mapapatawad kita sa ginawa mo sa akin, Andrei? You're daydreaming!"

"Lahat ba nang pinakita mo sa akin ay kasinungalingan lang?" tanong niya. Lumapit pa siya sa akin. Huminto siya sa harap ko na isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa.

"Lahat ba 'yon ay plano mo lang para talunin ako?"

Nanlumo ako dahil sa boses niya. He is hurt...lost and...defeated. Tiningala ko siya.

"Akala ko ba matalino ka? Hindi ba minsan sumagi sa isip mo na pinapaikot lang kita ha? Nasaan ngayon ang utak mo? Nasaan?" nakangisi kong tanong.

His jaws clenched. Ang mga mata niya ay matalim na tumingin sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang panga ko. Nasaktan ako sa paraan nang pagkakahawak niya roon. Para niya akong dinudurog. Ramdam na ramdam ko pa ang panginginig ng kamay niya.

"Kung iniisip mo na makakawala ka sa akin. Nagkakamali ka, Monique! I will fight for you! I will fight against all of them just to be with you!" he shouted.

"Bitiwan mo 'ko! Bitiwan mo 'ko!" sigaw ko sa kaniya. Kahit nasasaktan ang panga kong hawak niya ay nagawa ko pa ring pagpapaluin ang kamay niya doon.

Nabitiwan niya ang panga ko. Hinaplos ko iyon dahil sa tindi ng sakit. "I hate you. I loathe you. You’re going to the hell!"

Hilaw siyang ngumisi sa akin. "If you're in the hell, Sonofahb*tch! I will go there to get you!" bulyaw niya sa akin.

I slapped him. Hindi siya natinag. Muli ko siyang sinampal. Sobrang lakas na para bang nagmarka roon ang kamay ko.

"F*ck you to hell!"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rain Montes
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status