Hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkamangha. Ginala ko ang mga mata habang hindi pa kami nakakababa ng sasakyan.
I saw four pair of ladies standing at the front door. May isang may kaedaran na babae. At ang tatlo naman ay mga bata pa. Pagkalabas pa lang namin sa sasakyan ay sinalubong na kami n'ong may edad na babae. Nakangiti ito sa amin.
"Welcome home Senyorito," magiliw niyang sabi sa amo. Sa tingin ko ay mayordoma ito. Bumaling siya sa akin nang tingin na nag-aalangan pa kung magtatanong.
"She's my girlfriend, Auntie Luisa. She is Monique Alessandro," pakilala niya sa akin sa matanda. Bumaling siya sa akin at ipinakilala naman sa akin ang matanda. "She's Auntie Luisa, who raised me since I was a child," dagdag pa niya.
Namangha ako. Ang taas pala nang respeto niya. Para siyang hindi ang Andrei na nakilala ko no'ng nasa Pilipinas pa kami. Ngumiti ako sa matanda. She smiled back, too.
"Welcome, hija. Teka, marunong ka bang mag-Tagalog?" nahihiya niyang tanong. Tumango ako sa kan'ya
"Opo," walang alangan kong sagot. Napangiti naman siya.
"Sigurado akong matutuwa sa’yo si Dolce kapag nakilala ka niya," nakangiti pa rin niyang sabi sa akin. Inisip ko kung sinong Dolce ang tinutukoy niya.
Nginitian ko na lang siya dahil hindi pa ako nakakasabay sa mga usapan. Baguhan pa ako rito at walang kaalam-alam.
"While I was away, was everything okay here, Auntie?" agaw pansin ni Andrei sa matanda.
"Yes, Senyorito. Tara na sa loob at handa na ang dinner ninyo." Nakangiti pa rin nitong pagyaya. Hinawakan pa ako sa kamay kaya medyo nabawasan ang pangamba ko.
Pinakilala niya rin ako sa pito pa nilang kasambahay. Grabi. Ang lawak ng bahay nila. Parang sa pelikula ko lang yata napapanonood itong klasi ng bahay.
Tahimik lang kaming kumain. At hindi ko na rin nakita sina Arthur at Ronald. Hindi ko na rin sinubukan ang magtanong. Pero ang curiosity ko sa mansyon na ito ay baka natabunan na ako sa taas nito.
Nang matapos kaming kumain ay sinamahan niya ako sa magiging kuwarto ko. Pero nagulat pa ako dahil sa iisang kuwarto lang kami matutulog. I will sleep with him. Halos hindi mabilang ang daming bakanteng kuwarto at kailangan ko pang maki-share ng room sa kan'ya. F*ck! Hindi ito puwedeng mangyari.
"Bakit kailangan kong matulog sa kuwarto mo? Madami naman kuwarto dito ah,"pabulong kong sabi dahil nakasunod sa amin ang dalawa pang kasambahay na may dala-dalang mga gamit ni Andrei.
"Hindi kita kinidnap para i-preso lang dito," diretso niyang sagot.
"Then what?" pagalit kong tanong. Nakakairita kasi ang lalaking ito.
"You'll be my woman from now on," he said and evily smirked.
"Andrei!" Napalakas ang pagsambit ko sa pangalan niya kaya napatingin sa amin ang mga kasambahay. I smiled at them. Ayaw naman magmukhang tanga kaya at walang pinag-aralan sa harapan nila kaya naman ngumiti na lang ako nang matamis sa kanila.
"You may go," utos ni Andrei sa dalawa. Agad-agad naman na lumabas ang dalawa at naiwan kami sa malawak niyang kuwarto.
Ginala ko ang paningin. Nakakamangha pa rin ang kuwarto niya. Kahit mag-cat walk pa ako dito or maglaro ng football ay puwede kong gawin sa lawak ng kuwarto niya. May sariling living room at ang bawat paligid ay kumikinang. Tinuro niya sa akin ang isang pinto.
"That was the closest." Tinuro naman ang isa pang pinto. "And, bathroom," he added.Hindi ko siya sinagot sa halip ay pumasok ako sa kabilang pinto, sa may closet. Nakasunod naman siya sa akin. Pero napahinto ako nang maalalang wala akong mga gamit na dala.
Ano kaya ang susuotin ko ngayon Napapailing akong lumingon sa kaniya.
" I don't have any clothes. Anong susuotin ko ngayon?" may kasamang inis na tanong ko sa kan'ya.
"Open it.” Sabay turo niya sa kulay silver na cabinet. Kumunot ang noo kong napatingin sa kaniya. Tumango siya sa akin sabay nguso sa cabinet na tinutukoy niya. Sinunod ko ang utos niya na buksan ang tinuro niyang cabinet.
Namangha ang mga mata ko. Halos hindi ako makapagsalita o maikurap man lang ang mga mata. It was full of dresses and clothes, iba-ibang disenyo. Na sa tingin ko ay puro mamahalin ang mga ito. May mga iba't-ibang bags at sapatos, from high heels to plat. I scan all of it. Hindi ako makapaniwala. Paano kaya siya nagkaroon ng ganito? Does he bring a lot of women here? Whatever, it’s none of my business. Lumingon ako sa kan'ya. Nahuli ko pang nakatingin ito sa akin.
"That's all for you," mahina niyang sabi sa akin na hindi bumibitiw ng titig.
Ngumisi ako. "For me? How long will you keep me here?" matapang kong tanong.Mas lumapit pa siya sa akin. Kinakabahan ako na napaatras sa cabinet.
"As long as I want.” Seryoso pa rin ito na palapit nang palapit sa akin.
"You can't do this to me? I have a family waiting for me… worried of me."
"Abandon them and live with me."
"Have you heard what you've said?" matapang kong sabi. Tinumbasan ko ang paninitig niya sa akin. I don't mind.
"Of course. You are mine now." Nilagay niya ang hintuturo sa baba ko. Ginapangan ako ng kaba at takot.
Malakas kong tinabig ang kamay niya, na siya namang kinagulat niya.
"Do you think na mapapasunod mo ako?" Sabay ngisi ko. Kung kanina ay kinakabahan ako at natakot ngayon ay hindi na.
I need to fight him. Hindi ako puwedeng matakot sa kan'ya. Hinding-hinding. Hindi!
"We’ll see." Sabay baba niya sa mukha niya at siniil ako ng h***k.
Hindi ako makagalaw. Para akong pinako sa krus sa mga oras na ito. It was my first kiss. And he was my first kiss. The man I hated the most was my first kiss. Oh, No! I cursed to myself. I can't believe this.
Why does my fate become horrible? What sin did I commit? At bakit ako nagkakaganito?
Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya, na para bang gustong pasukin ang loob ng bibig ko.
Hindi ako tumugon sa h***k niya. Not because I don't want? But because I don't know how?
Naramdaman ko ang isang kamay niya na hinapit ang baywang ko habang hindi tumitigil sa kakahalik sa akin.
At ang isang kamay naman ay tumaas sa likod ng ulo ko para mas idiin pa ako sa kan'ya.
I heard him groans. Begging to open my mouth and kiss him back. But suddenly, tears fell out my eyes. Wala akong emosyon. Hanggang sa naramdaman niyang basa na din ang pisngi niyang nakadikit sa akin.
He stopped and cursed. Tinitigan niya ako. Madilim ang mukhang nakatitig sa akin. Samantalang ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pag-agos sa magkabila kong pisngi.
I am silently crying when I heard him let out a deep sigh. He cursed multiple times. "F*ck! F*ck! F*ck!" Tanging narinig ko.
Then he walked out the closet. Nasundan ko na lang ang pintong nilabasan niya.
Dahan-dahan akong umupo sa sahig at pinulupot ko ang mga kamay sa binti ko. I silently cried. Masakit sa loob ko ang nagyayari sa akin ngayon. Ni hindi alam ng papa ko kung nasaan ako. I was kidnapped by this heartless man, this ambitious man. I hate him for doing this to me.