Share

My Childish Husband is a Mafia Boss
My Childish Husband is a Mafia Boss
Author: Laykachannn

Prologue.

"Good morning, Wifey!" Mabilis kong linubog ang katawan ko sa tub nang biglang pumasok ng banyo si Warren, habang naliligo ako.

"Ano ba iyon?" gulat na tanong ko sa kaniya. Ngunit mas nagulat ako nang makitang h**o't h***d siya!

"Sasamahan kitang maligo, Wifey." Ngumiti siya sa akin nang malapad na tila walang ginagawang kabulastugan.

"A-ano ka ba? Mamaya na, pagkatapos ko!" sigaw ko sa kaniya at sinenyasan siya na lumabas, pero mas lalo lang siyang lumapit. 

Tumayo siya sa harap ko kaya't lalong lumapit sa mukha ko ang hinaharap niya, dahilan upang mamula ako.

"Sabi ni yaya, pwedeng maligo nang sabay ang mag-asawa!" buong galak na sabi niya,  napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

P*****a bakit ang ganda ng katawan niya? Sarap! I mean, no. Bata siya, child abuse 'yan self, manahimik ka!

"P-pero hindi pa tayo kasal," bulong ko habang pinipilit ang sariling huwag muling lumingon.

"Dapat siguro ay hilingin ko kay Tito na bilisan ang kasal natin, tapos naman na natin ang honeymoon." Nagtaka ako sa sinabi niya. Anong nalalaman ng isip batang 'to?

"Ano?" Napalingon ako sa kaniya ngunit agad ring umiwas. Gosh! Hot. 

"A-alam mo ba kung ano ang heneymoon?" tanong ko habang namumula.

"Sabi ni yaya noon, ang honeymoon ay pag pumatong ang lalaki sa asawa niyang babae, mabubuntis yung babae, kaya pumatong ako kagabi sa iyo bago natulog. Sa tingin mo, kailan ka pa kaya mabubuntis?" Inosenteng paliwanag niya habang ako ay namumula. Sino ba ang yaya ng lalaking ito? 

Papatayin ko siya!

"Kahit na! Lumabas ka na!" sigaw ko pero nagulat ako nang bigla siyang sumali sa akin sa bath tub kaya, agad akong tumayo at hinila towel ko bago nagmadaling tumakbo palabas ng banyo.

Bumagsak ako sa sahig habang hinahabol ang hininga. Ang bilis ng tibok ng puso ko, at ang init ng pisngi ko. 

Hindi tuloy ako natapos maligo, may mga bula pa sa katawan ko. Nakakahiya pag may makakakita sa akin dito.

'Ano ba'ng problema ng lalaking iyon? Warren Christ Yiffer... anong klaseng tao ka ba talaga?'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status