Share

Chapter 3.

"Pag nag-tagal na magkaka-anak tayo?" biglang tanong niya. 

"Oo, siguro?" Nag-aalangang sagot ko. Wala naman kasing alam 'yan sa pag-aanak eh, 'wag nalang sirain mood niya.

"Yeheyyy, may makakalaro na ako!" masayang sigaw niya.

"Pfft," pagpipigil ko ng tawa. Makakalaro daw? I knew it, he's clueless about having a child.

"Anong nakakatawa?" takang tanong niya.

"W-wala lang hahahaha, natatawa lang ako," sagot ko.

"Napakaganda mo pag tumatawa ka," natigilan ako nang marinig ko nanaman ang boses niya.

Bigla nalang nagbabago boses niya, at nawawala pagiging magalang niya.

"Sige na, ihahatid na lang kita sa bahay mo, tapos uuwi na ako," sabi ko nang marating na namin ang motor ko.

"Uuwi tayo," sabi niya. Napakunot ako ng noo at liningon siya.

"huh?" 

"Sabi ni dad, sa iisang bahay na lang tayo titira. At naisip ko na sa bahay ko nalang tayo umuwi. Walang ibang tao doon," paliwanag niya pero naguguluhan pa rin ako, hindi ba't masyado naman atang mabilis iyon? Noong nakaraan lang kaming napagdesisyonang ikasal.

These old men is getting in my nerves.

Ngunit,

"Wait, let me talk to my dad," sabi ko at tinawagan si dad.

"I"m sorry if this is sudden, Rafa-" 'Di ko na siya pinatapos at nagsalita.

"Maraming salamat!" masiglang sabi ko at binabaan siya. Sa wakas makaka alis na rin ako sa bahay na iyon.

Ang bahay na iyon ay puro masasamang ala-ala lang. After my mom died, my sisters hated me and blamed me for her death. Pero hindi ko maalala ano ng totoong nanguyari sa akin at bakit namatay mom ko.

I only know one thing. Her death swas cused by a Mafia organization. I hate them so much. They ruined my life and childhood.

-----

Nang makarating ako sa bahay, sinalubong ako ng mga kapatid kong bruha.

"Buti na lang at aalis ka na sa bahay," salubong sa akin ni Tifanie habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Yeah ate, masaya ako na hindi na natin makikita pang muli ang pagmumukha niya," sabi naman ni Xianna. These two!

Sila ang mga kapatid ko na walang kwenta at walang ginawa kun'di ang pagtawanan ako, imbis na kausapin ako ng masinsinan. Kumukulo dugo ko pag nakikita ko sila, gustong gusto ko silang patayin, pero kadugo ko pa rin sila.

"Huwag niyong awayin wifey ko!" sigaw ni warren at iniharang ang sarili niya sa akin. Nagulat ang magkapatid lalo na si Xianna nakatulala kay warren.

"H-hi!" malanding sabi ni Xianna at hinawi pa ang buhok niya dahilan para matamaan si Tifanie. "Anong pangalan mo?" malanding tanong niya.

"Hindi ko sasabihin ang pangalan ko sa isang bruha!" sabi niya dahilan para matawa ako ng mahina, lalo na sa naging reaksyon ni Xianna. Pero pinilit niyang kumalma.

"Ikaw naman, makikipagkaibigan lang naman ako," naka-pout na sabi niya. Pfft, mukha siyang pato.

"Ayoko sa mga pato." Sabi ni warren at umiling iling na parang bata. Hahaha, parehong pareho kami mag isip ah!

"Omg, sis, don't! 'Wag mong subukang landiin ang isip batang iyan, siya ang fiancé ni Rafa!" inis na sabi ni Tifanie.

"Halika na," bulong ko kay warren at hinila siya. Bago mapalayo ay humabol pa si warren.

"Bleh!" Dinilaan niya sila na hindi maipinta ang mukha.

"You f*cking weirdo, you're disgusting!" inis na sabi ni Tifanie dahilan para kumulo dugo ko sa inis.

Hinarap ko siya at malutong na sinampal. Pinanlisikan ko siya nang mata saka nagsalita.

"Don't talk to him like that, or else, I'll f*cking really kill you!" madiing banta ko sa kaniya dahilan para manigas siya sa takot. 

Hinila ko na si Warren papuntang kwarto ko.

"Mag-iimpake lang ako," sabi ko at pinaupo s'ya sa kama ko. Normally, walang ibang nakakapasok sa kwarto ko, but uhh, i can't resist him, kaya pinapasok ko nalang. Pero, ayos lang dahil last day ko na man dito at hindi na ako babalik pa.

"Ang bango ng room mo, wifey. Amoy wifey, hehe," masayang sabi niya. Nagpatuloy lang ako sa pagiimpake at hindi pinansin ang pangengealam niya sa mga gamit ko.

"Excited na akong makasama ka sa iisang bahay, wifey. Manonood tayo ng mga cartoons, kakain ng ice creams, at maglalaro. Ayos lang ba iyon wifey?" natigilan ako sa pagiimpake. Teka, kung iisipin sa kakulitan ni warren, siguradong mahihirapan ako dahil para lang siyang bata.

Uhh, in the end, naging babysitter lang talaga ang labas ko, pero mukha naman siyang madaling pagsabihan.

"I-ikaw bahala," sagot ko na lang at nagpatuloy.

"Yeheyy!" Sabi niya at nagtatalon-talon sa kama ko.

After kong mag-impake, bumaba na kami at ipinabuhat na lang sa driver ang mga gamit ko. Nakita na naman namin sila Xianna at Tifanie na nag-aaway na naman sa isang bagay.

"Warren!" Sigaw ni Xianna at lumapit nanaman kay Warren, tsk. 

"Talaga bang si Rafa ang gusto mo? Ano ba ang maganda sa kaniya? Mas maganda pa nga ako sa kaniya eh," maarteng sabi niya.

"Mas maganda ang wifey ko, kaysa sa iyo! Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sino lalo na sa mga bruha!" parang batang sigaw niya kay Xianna at niyakap ako.

"Tsk. Child abuse iyan Rafa!" Inis na sigaw ni Xianna sa akin.

Natawa na lang tuloy ako.

"Wag kang magpatawa, Xianna," sabi ko sa kaniya at hinila si Warren palayo sa kaniya.

Liningon ko si daddy. Hindi ko alam ang dahilan pero, mula nang ipadala niya ako sa australia, napalayo na ang loob ko sa kaniya. Wala naman siyang ginawang masama pero parang kinamumuhian ko siya.

He's not good father but not that bad. He just don't care about me.

"Mauuna na ako dad," paalam ko. Sinenyasan niya lang ako na, 'Oo na, umalis ka na,' habang hindi nakatingin sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at hinila si warren palabas.

-------

Nakarating kami sa bahay ni warren at napaka-laki nito. Wala ngang tao sa bahay kahit na mga maid ay wala. Pero, mabuti na rin iyon dahil ayokong may nang-iistorbo sa akin.

"Ano sa tingin mo, wifey? Maganda ba?" tanong ni warren at tinignan niya ko na may kumikislap na mga mata.

"Oo, mabuti ito dahil walang ibang tao," sagot ko.

"Mabuti at nagustuhan mo, dahil dito na tayo titira habang buhay," sabi niya at ngumiti. Ngumiti na lang ako pabalik.

"Dito ang kwarto natin," sabi niya sabay bukas sa dalawang pintong kwarto. Ang laki naman ng kwartong ito. 

"Tadaaa!" Sabi niya at binuksan ang pinto. Namangha ako sa ganda ng nasa loob pero pagod ako para mag-saya.

"Matulog na tayo, pagod ako," sabi ko at humiga sa kama.

"Maligo ka muna, Wifey!" rinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan. 

"Saka na lang, inaantok na talaga ako," mahinang sabi ko. Tumango nalang siya at humiga sa tabi ko.

"Wifey, gawa tayo ng baby!" Napadilat ako ng mata sa sinabi niya. Tila nawala lahat ng antok ko sa sinabi niya.

"A-ano?" gulat na tanong ko sa kaniya. Bigla niya akong nilapitan kaya kinabahan ako ng sobra. Mula sa taas ko, niyakap niya ako. Hinintay ko kung ano ang susunod niyang gawin pero natulog siya. Humihilik pa nga eh. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko talaga, hindi na siya inosente gaya ng inaakala ko.

Hindi ako komportableng nakayakap siya sa akin kaya sinubukan ko siyang itulak pero, sobrang bigat niya. 

Ack, bakit hindi ko siya maitulak? Aminado akong malakas ako, pero nyeta ang lakas niyang yumakap!

Wala akong nagawa kun'di hayaan nalang siya at natulog nang ganun ang posisyon namin.

-----

Nagising ako nang marinig kong tumutunog ang phone ko. Agad ko iyong kinapa at sinagot kung sino man 'tong punyetang sumisira ng tulog ko.

"Hello?" inis na bungad ko.

"Rafaelia! Sorry sa pasira sa unang gabi mong pagkakaron ng asawa, pero emergency ito!" agad akong bumangon nng marinig ko ang nagpapanic na boses ni Yuhan, pero mas nagulat akong alam niya ang nangyayari sa akin.

"The heck, paano mo nalaman?" gulat na tanong ko.

"'Ya know, alam ko lahat nang nangyayari sa iyo, my beloved Yiesha, wala kang maitatago sa akin," pagmamayabang niya pa.

Tinignan ko ang tulog na si Warren, gago ang pogi niya kahit tulog, pero dahil tulog siya, hindi na ako lumayo pa para kausapin si Yuhan.

"You, freaking stalker! Mamatay ka na!" inis na sabi ko sa kaniya pero tumawa lang siya.

"I will die if you kill me, baby," nairita naman agad ako sa boses niya.

"I will definitely kill you, one day. Nab-bwisit ang bawat umaga ko nang dahil sa iyo," inis na sabi ko, ngunit lumakas lang lalo ang tawa niya.

"Ang sama mo naman sa akin, akala mo naman hindi tayo sabay na lumaki!" pagmamaktol niya. He's just like Warren, isip bata pero nakakairita siya.

Siya ang childhood bestfriend ko, siya lang nakaka alam sa lahat ng sekreto ko, wala akong maitago sa bwisit na 'yan. Kung mamamatay siya masasama sa libing niya mga sekreto ko, that's why I'll kill him someday.

"Anyways, may new mission ka." Agad namang naging seryoso mukha ko nang marinig ko ang sinabi niya.

Matagal na rin mula nung magkaron ako ng mission. 

"What kind of mission?" nakangising tanong ko.

"Assasination."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status