Share

Chapter 4

Kakatapos ko lang magbihis matapos akong pasukin ni Warren sa shower kanina. Rinig ko ang paglalaro niya ng bula mula sa loob ng banyo, hanggang ngayon ay naliligo pa rin siya.

Nag explore nalang ako sa buong bahay, masyadong malaki ang bahay na ito para sa nag iisang isip batang lalaki. Hindi ko akalain na mahal n mahal pala si Warren ni tito. Wala kasi sa itsura niya ang may pake sa mga anak niya.

I gues I really shouldn't judge the book by its cover.

Habang nag-eexplore, napunta ako sa library. Napaka-laki ng library na ito, na puno ng libro s kahit saan pati sa second floor ng kwartong ito.

Habang tumitingin sa mga bagay, may napansin akong kakaiba. Nag-hanap ako ng libro o kung anong pwedeng galawin, baka sakaling magkaron ng secret room. 

Ginalaw ko ang isang libro, at biglang gumalaw ang isa sa bookcase, napangisi naman ako rito. Sinasabi ko na nga ba.

"Tsk, ano kaya ang meron dito?" tanong ko sa sarili ko at pumasok. Isang madilim na hagdan, walang tao o kwarto. 

Sinra ko ang pinto at umaba ako sa hagdanan, sa layo ng binaba ko, siguradong nasa ilalim na ako ng lupa. Makalipas ang ilang minuto, sa wakas, mayron nang isang pinto. Bubuksan ko na sana iyon nang biglang may sumigaw.

"Wifey? Nasaan ka na? Nakakatakot dito sa loob," rinig kong sigaw ni Warren kaya napatakbo ako pa-akyat.

"Na-nakakatakot," rinig kong iyak ni warren, kaya nagmadali akong tumakbo palapit sa kaniya. 

"Anong nangyari? Bakit ka nandito?" takang tanong ko. 

"Hinanap kita, tapos nakita kong bukas ang pinto ng library kaya pumasok ako, tapos may isa pang pinto. Nakakatakot dito napakadilim," paliwanag niya habang umiiyak tapos, nanginginig pa siya. Takot nga talaga siya sa dilim, pero nakakapag-takang nakaabot siya rito.

"S-sige, halika na, tumayo ka," bulong ko at inalalayan siyang lumabas sa lugar na iyon.

Nakapagtataka lang dahil ang sabi niya ay bukas ang pinto. Ang alam ko, lagi kong sinasara ang pinto sa oras na nakapasok na ako. Hindi ako nagkakamali sa bagay na iyon.

"Sabihin mo, alam mo ba ang tungkol sa secret room na iyon?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi po. Iniwan lang sa 'kin ni daddy ang bahay na ito. Ang sabi niya pag may sarili na akong pamilya, dito ko siya dadalhin at magpapalaki ng pamilya," kwento niya. Lalo lang akong nagtaka sa sinabi niya. Ganun ba talaga si tito?

Siguro nagkamali ako this time, for the first time.

"Wifey, free ka ba ngayong araw?" excited na tanong niya sa akin.

"Hindi, Warren. May trabaho ako ngayong araw," nakangiting paliwanag ko sa kaniya.

"Ano naman iyon?" dismayang tanong niya. Napangiti ako habang tinititigan ang malungkot niyang mukha. Pogi!

"Huwag kang mag-alala, dito pa rin naman ako uuwi kaya magkikita parin tayo," mahinahong paliwanag ko sa kaniya.

"Pero mapapagod ka na at hindi na tayo makakapaglaro," malungkot na sabi. 

"Huwag ka nang makulit, okay? Babawi nalang ako next time." Wala na siyang ibang nagawa kundi ang tumango.

------

Habang naglalakad sa madilim na kalsada, pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Hindi ko marinig ang yapak nito, pero ramdam ko ang presensya at titig niya. Tsk, another stalker nanaman, pero kakaiba ito.

Tumigil ako at humarap kung saan ko nararamdaman ang presensya ng sumusunod sa akin.

"Lumabas ka na diyan, kung ayaw mong tumawag ako ng police," pagbabanta ko sa kaniya. Lumabas naman ang taong iyon pero nagulat ako nang si Warren lang pala iyon.

"Warren?" Gulat na tanong ko. Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin habang nakanguso.

-----

"So, sabihin mo kung anong naisip mo at sinundan mo ako?" tanong ko sa kaniya habang naka-cross arm. Nasa loob kami ng kotse niya.

"Gusto lang kitang makita, hindi ako pwedeng lumapit sa iyo kaya sinundan nalang kita mula sa malayo," paliwanag niya. Tinignan ko siya nang maigi. Hindi kaya't tila sobra naman ata ang pagkakahumaling niy sa akin?

"Warren, mag sabi ka nga ng totoo," seryosong tanong ko habang nakatitig lamang sa mga mata niya.

"Sandali lamang tayo nagkakakilala, bakit napaka obsess mo sa akin, at nagawa mo akong sundan hanggang dito." Tila nagulat siya sa tanong ko at nag iwas ng tingin.

"Baka pagtawanan mo lang ako eh," nahihiyang sabi niya pero di ko winala ang titig sa kaniya.

"Kamukha mo po yung kapatid kong namatay na," malungkot na sabi niya. 'Di ako nag-salita at hinintay siyang muling magsalita.

"Kahit anong mangyayari, Wifey, po-protektahan kita at hindi ako papayag na magagaya ka po sa kaniya! Ayoko nang mawalan pa ulit ng importanteng tao," seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Makikita sa mata niya ang determinasyon sa mga salita niya.

Kinunutan ko siya nang noo at binatukan nang mahina. "Hindi ako mamamatay, baliw!" sigaw ko sa kaniya dahilan para maluha siya.

"Sorry na po talaga, Wifey!" iyak niya. Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kaniya. 

"Wala lang sa itsura ko pero malakas ako, noh!" may pagmamalaking sabi ko at pakita ng muscles ko kuno.

"Kahit na babae ka po?" tanong niya.

"Don't underestimate girls!"

"Sabi mo po iyan eh, hehe."

"So, uwi kana," 

"Po? Sama ka sa akin!" nakangusong sabi nito.

"Hindi pwede, may dapat pa akong asikasuhin," sabi ko habang ginugulo ang buhok niya.

"P-pero..."

"Wala nang pero pero, tandaan mo, laging tama ang wife!" Nagulat siya sa sinabi ko at napag tantong galing sa kaniya iyon.

Kaya wala siyang nagaws kun'di ang maunang umuwi, habang may mahabang nguso na paranv pato.

Cute.

-------

Someone's POV.

"I can feel it. May mga pagdududa siya sa akin," Sabi ko habang nakatingin sa kawalan. Nasa veranda ako habang, naka-tayo naman sa tabi ko ang alalay ko mula pa nung bata ako.

"Sa tingin ko boss ay dapat mo nang sabihin ang totoo," sabi niya.

"Hindi pa muna sa ngayon. Hindi pa ako handang kamuhian niya ako," mahinang sabi ko. 

"Ngunit, maaring maapektuhan nito ang relasyon ninyong dalawa," nag aalalang sumbat naman ni Rafilla. 

"Ang kailangan mong gawin ay tulungan akong mawala ang mga pagdududa niya. Matalino siyang babae kaya mag-iingat ka, Rafilla," utos ko sa kaniya.

"Sisiguraduhin kong ako lang ang papakasalan niya kahit na anong mangyari. At hindi ako papayag sa kahit anong dahilan para hindi mangyari iyon," Madiing bulong ko. 

"Kahit na kailanganin ko pang patayin lahat ng lalaking lumapit sa kaniya, gagawin ko."

"Masusunod, boss, mauuna na ako," sabi ni Rafilla at umalis na.

"Hindi pa ngayon. Hintayin mo ako mahal, balang araw malalaman mo rin ang lahat. Pagkatapos ng mga balak ko."

Rafaelia's POV.

Inayos kong muli ang make up ko at maiksing damit, na halos makita na ang kaluluwa. Sa ganda ng katawan at mukha ko, kahit sinong lalaki walang kayang tumanggi sa akin.

Lumabas na ako sa kotse at pumasok sa club. Nakakakasuka ang mga pagmumukha ng mga taong narito, pero need kong tiisin para sa misyon.

"Hey beautiful, are you alone?" tanong ng isang lalaking mukhang paa.

"I'm not, go away!" naiiritang sabi ko at tinalikuran siya nang sinubukan niya akong hawakan.

Agad kong sinalo ang kamay niya at ngumisi. "Oops, that's definitely not a good idea," nakangising bulong ko sa kaniya.

Mula sa nakangisi at manyak na pagmumukha, tila nagbago ang expression niya at napalitan ng mukhang namimilipit sa sakit. 

"You bitch, argh!  Let go of me!" sigaw niya ngunit hindi ko siya pinakinggan. Sa halip ay lalo kong hinigpitan pagkakahawak ko sa kamay niya.

His in pain, he looks funny. Walang makarinig sa boses niya dahil sa lakas ng music at dami ng tao.

"You!" Akmang sasampalin niya na sana ako nang may pumigil sa kamay niya. Agad naman akong nagpanggap na mahinang babae na minomolestya.

"Help me please, he's trying to touch me," pagpapa-awa ko sa lalaking nagligtas sa akin, at nagtago sa likod niya.

Ngumisi naman siya at hinarap ang lalaki mula sa kanina. "Get lost!" rinig kong bulong niya sa manyak, habang busy sila sa isa't isa, agad akong tumakbo palayo sa kanila pero bago pa ako makalayo, may humawak sa kamay ko.

Yung lalaking tumulong sa akin! In fairness,pogi siya.

"Wala man lang ba akong matatanggap na thank you?" nakangising tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

"Thank you! Now, let go of me," sabi ko at pilit binabawi kamay ko pero mas malakas siya sa akin. Kaasar!

"Hahahaha, I saw what you did." 

"So, what? No one cares!" inis na sabi ko sa kaniya.

"Why do you have to be so rude to your hero?" nakangising tanong niya pero inirapan ko lang siya.

"Shut the f*ck up, and let go of me!" inis na sabi ko sa kaniya. Nagulat ako nang bigla niya akong hilain at ipalibot sa bewang ko ang braso niya.

Linapit niya ang mukha niya na para bang hahalikan ako, agad kon sinipa harapan niya.

"F*ck you!" mariing bulong ko ngunit lalo lang siyang napangisi.

"Sure, when?" Aba gago 'to ah!

Sasapakin ko na sana siya nang binitawan niya ako tumakbo palayo.

"I'll see you again!" sigaw niya pero 'di ko siya pinansin at inis na umalis.

Just who the heck is that anyway. Masyado siyang feeling close.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Basas
lahat po ba ng babasahin dito lahat ay nakalock walang nd po na libre
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status