Share

CHAPTER 4: WHO'S GETTING MARRIED?

Soheila's POV

I woke up feeling something heavy at my stomach. Pagtingin ko doon ay nakita ko ang mga braso ni Alas na nakayakap sa tyan ko. Kinalma ko ang sarili ko bago alalahanin ang nangyari kagabi at kung anong ginagawa niya dito. 

Flashback

It's twelve midnight but I'm still awake, maybe because this is not my room. Tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina pero paglabas ko ay nakita ko si Alas na nakalaylay ang kamay sa sahig. 

Pawis na pawis siya kaya doon ko napansin na naka patay ang aircon, pero nang sinubukan kong buksan iyon ay hindi pa rin gumagana. Napailing na lang ako bago dumiretso nalang sa kusina at uminom ng tubig. Dinala ko na rin pati ang isang pitsel na puno ng malamig na tubig bago ako maglakad pabalik. 

Papasok na sana ako sa kwarto nang tignan ko ulit si Alas ay naawa naman ako. Nakakunot ang noo niya at nakataas na din ang t-shirt niya kaya kitang-kita ko ang mga pandesal niya. Lumapit ako sa kaniya at ibinaba muna ang hawak ko at saka tinusok-tusok ng daliri ko ang pandesal niya. It's not that I'm fantasizing his body, alright? I'm trying to wake him up so don't judge me. 

Nang maramdaman niya ang ginagawa ko ay nagmulat siya ng mata at kaagad na umupo. Pumupungay pa ang mata niya at humikab pa siya bago binalik ang tingin sa akin. I think his still half sleep. He looks so cute at some point. 

"Why? Do you need anything, milady?" Even his half sleeping he's still calling me that. His lady. What a title.

"We can both sleep inside your room. Masyadong mainit dito baka bukas sunog na iyang balat mo," ani ko. Napaisip naman siya bago tumayo at kinuha ang unan niya. 

Naglakad na siya kaya kinuha ko na ang pinatong kong pitsel at sumunod na sa kaniya. Pag-upo niya sa kama ay nakita niyang inilagay ko iyon sa side table. 

"Can you finish that in one night, milady?" takang tanong niya at tumango naman ako. 

"Kulang pa iyan kung tutuusin. Masyado akong uhawin kapag gabi kaya dinala ko na," paliwanag ko at tumabi sa kaniya. 

Naramdaman kong nanigas ang katawan niya paghiga ko kaya bumangon ulit ako at tinitigan siya. Para siyang nahihiya na kinakabahan. Kung hindi niya lang ako ninakawan ng h***k noon iisipin kong virgin ang lalaking 'to.

"Ngayon ka lang ba nagkaroon ng katabing babae sa pagtulog mo? Virgin 'yan?" biro ko ngunit nangunot ang noo ko ng makitang namumula ang tenga at leeg niya. 

"You're right, milady. It's my first time,"nakayukong sabi niya.

Is this guy serious? Paano mangyayari 'yon sa gwapong katulad niya?

"You mean? You're a virgin?" gulat na tanong ko. 

"No, of course not. But I never let the girl share a bed with me. And besides I'm single so..." he explained. 

"That's odd. You know a bachelor...handsome. Wow!" I awkwardly said and he laughed. 

"I know, it's just I know how to respect a woman. Yes I had sex but that was a year ago," paliwanag pa niya. Napailing na lang ako. 

I can't believe that a guy like him still exist. I'm sure a lot of girls want him. 

"Alright! Let's sleep," sabi ko at sabay kaming humiga. 

"How about you?" I was about to close my eyes when he asked. 

"Well, I still have my v-card. I never had boyfriend, just hook ups." 

He nodded and I noticed a gentle smile forming on his lips. I don't know how long we stayed awake until I fell asleep. 

End of Flashback

Napatango ako nang maalala ang lahat. Walang nangyari natulog lang kami and this position...dahil lang ito sa sarap ng tulog namin. I turned my head and stared at him, wala man lang kahit anong gasgas ang mukha maliban sa parang maliit na hiwa sa kaliwang kilay niya. Ito talaga ang nagiging rason kung bakit badboy ang tingin ko sa kaniya pero lavender ang pabango niya. 

I giggled while trying to brush his hair. Hindi ko pa din tinatanggal ang braso niya kaya naman mahimbing pa rin ang tulog niya. I don't like him, that's for sure dahil hindi naman ako ganon kadaling mahulog sa isang tao. It's just that I feel safe and comfortable but that doesn't mean I like him. I'm not familiar with love but I know it comes with pain, so no thanks. 

"I really don't understand your son! Aatakihin sa sama ng loob si Grandma sa ginagawa niya! Sabihin mo nga, wala ba talagang girlfriend iyang panganay mo?" Sigaw ng isang babae. 

Aalis na sana ako sa kama pero masyadong mabigat ang braso ng lalaking 'to. Sinubukan ko pa itong pwersahin pero lalo lang humigpit ang yakap niya. Sa sobrang pilit kong makaalis ay napaibabaw lang ako sa d****b niya.

"Yvo! You little- holy hell!" Napatitig nalang ako sa lalaking katapat ko at hindi na kumilos pa. Pinanood ko siyang unti-unting idilat ang mata niya na parang walang alam sa nangyayari. 

"Good morning?" ani niya bago tumingin sa pintuan at biglang umupo. Muntikan pa akong mahulog kung hindi niya lang ako niyakap ulit habang pareho kaming nakaupo. 

"Mom, what are you doing here?" takang tanong niya. 

His parents didn't answer but stared at me for minutes. Even if I want to get out of here I can't, this guy is holding me tightly! What if they think the wrong way? Natigil lang ako sa pag-iisip ng marinig kong sumigaw ang nanay niya. 

"My baby! May girlfriend ka na yieeh...why didn't you tell me huh?" atat na sabi nito habang seryoso namang nakatingin sa amin ang asawa niya. 

"And you...tell me about yourself. How did you met him? Did you two make love here?" Nanalaki ang mata ko sa mga tanong ng nanay ni Alas. Pareho kaming hindi makasunod sa dami ng sinabi niya. 

"I'm sorry to disappoint you ma'am but he's not my boyfriend," magalang na sabi ko. Nakita ko naman ang pag-iiba ng mood niya. 

"Then why are you here? Wearing son's clothes sleeping on top of him?" kunot-noong tanong niya. Alas is trying to take my hands but his mother held it tightly. 

"Your son helped me yesterday, he let me sleep here because I have nowhere to go. We didn't do anything, I promise," nagpapaliwanag kong tugon. 

Tumingin ako kay Alas para humingi ng tulong sa pagpapaliwanag pero tila hindi din siya makasabay sa trip ng nanay niya. Ano ba 'tong pinasok ko? 

"You think we will believe that? Sigurado akong may relasyon kayo pero hindi ko alam kung bakit niyo tinatago! May nangyari na sa inyo you two should be responsible! Paano kung may nabuo? Paano ang magiging apo ko?!" 

WHAT. THE. F*CK?

Sinong may tinatago?

Sinong may ginawa?

At sinong mabubuo? 

Tumayo na si Alas at nilayo ang ina niya sa akin. He dragged his mom out of the room followed by his father. Bumaba na ako ng kama at kinuha ang damit ko na nilabhan ko kahapon. I did my morning routine and wore my clothes, inayos ko rin ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. 

Naabutan kong nakaupo ang mga magulang ni Alas sa couch habang nakatayo naman siya sa harap nila. Hinihilot niya ang sintido na parang sobrang laki ng problema niya bago napatingin sa akin. Kinabahan ako dahil sa tingin niya dahil parang napasama ako sa napakalaki niyang problema. I really don't like getting involve with someone's life. 

"You two should get married. I don't tolerate irresponsible attitude here," sa unang pagkakataon ay nagsalita ang ama niya. My eyes widen because of shock, I can't even say a word! 

"For the nth time Mom, Dad... it's not what you think!" sigaw ni Alas. 

This is the first time I saw him getting mad since I just met him months ago. Siguro naramdaman niyang ayoko ng ganitong sitwasyon. 

"You will marry her Maximo that's final." Tumayo na ang ama niya pagkatapos sabihin 'yon. Nilapitan naman ako ng ina niya at hinaplos ang mukha ko bago sumunod sa paglabas ng asawa niya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status