Share

CHAPTER 5: LET'S GET MARRIED

Soheila's POV

I love being alone. Simula ng magkaisip ako ay hindi na talaga ako pala-kaibgan. Ang tanging alam ko lang ay ang magbasa at mag-training lalo na kapag hindi ko kasama ang kapatid ko. 

Minsan nagsisisi ang magulang ko kung bakit ba daw maaga nilang ipinamulat sa akin ang trabaho ng angkan kaya hindi ako natutong makipaglaro sa ibang bata. 

Pero ang totoo ay hindi naman 'yon dahil sa pagpapalaki nila sa akin, ayoko lang talaga ng naiistorbo ako at masyadong maingay. Pero dahil nga kay Silicia natutunan ko kahit papano magtimpi sa maingay na kagaya niya. Napag-aralan ko na kung paano kumalma kahit napakagulo ng tao sa harapan ko. 

Kagaya ngayon...

"Akala ko talaga hindi na magkaka-asawa si Yvo. Alam mo ba andaming babae ang sinubukang pumunta dito sa mansyon tapos magpapa-ako ng dinadala nila kay Yvo pero syempre wais sina Tita at Lola. Alam kasi nilang hindi basta-bastang gumagawa ng kalokohan 'yang pinsan kong 'yan. Ginawa na nga niyang bahay yung opisina niya eh..." Napabuntong-hininga na lang ako sa katapat ko. 

Kanina na pa siya nagsasalita simula ng makarating ako dito sa mansion nila. Pagka-alis kasi ng magulang ni Alas ay may sumundo sa aming van pinapapunta daw kami dito. Iniwan ako ni Alas sa sala dahil gusto siyang makausap ng grandparents niya. 

Hindi ko naman alam na may bigla nalang susugod dito at dadaldalin ako. 

"Tapos alam mo ba never nagpakilala iyan ng girlfriend. Pinagbibintangan na ngang bakla 'yan eh!" daldal pa niya. Kahit papano ay napangiti ako sa sinabi niya, kahit ako ay 'yon talaga ang una kong naisip. 

"Ay! oo nga pala kilala mo na ba 'ko?" She tilt her head like a child. 

"You didn't tell me yet,"sagot ko. Napatango naman siya at saka ngumiti. 

"Call me Cana short for Canada. How about you? I heard your name is umm Sohi.." nakatingin pa siya sa taas na parang inalala ang pangalan ko. 

"It's Soheila," ani ko. 

"Wala kang nickname?" she asked out of curiosity. 

"I don't have one." Tumango siya at saka sinimulan na namang magkwento. 

Kung nasa misyon ako at siya ang target ko sigurado akong mapapadali ang trabaho ko. Hindi niya alam kung paano i-filter ang bibig niya eh. She even told me how his cousin rebuild their company and who's the person behind it. 

But as much as I want to stop her from annoying me, I can't. Nakikita ko sa kaniya si Silicia, habang nagkukwento siya ay pinagmamasdan ko lang siya at tumango-tango. Sigurado akong magkakasundo sila ng maingay kong kapatid. 

Sabay kaming napatingin kami sa mga taong pababa ng hagdan. Inaalalayan ni Alas ang matandang babae habang nasa magulang niya naman yung matandang lalaki.

 Nang makita nila ako ay pumormal ang mukha nila. Yumuko ang ulo ko bilang pag-galang sa kanila at tumango naman sila. Alas seems uneasy when I looked at him. 

Maybe because his family are making rush actions to this freaking wedding. 

Inimbitahan kaming lahat sa dining area at isa-isang umupo. Katabi ko si Alas na hindi makatingin sa akin. 

"Something's wrong?" I asked him so he looked at me and sighed. 

"I don't want to drag you in my problems. I'm sorry," he said. 

I just nodded and try to focus on my plate. Wala pa akong maayos na kain simula kagabi maliban sa fastfood na binili ni Alas kaya naman talagang nagloko ang tyan ko nang makita ang pagkain. 

"May I know your name, young lady?"the old man asked. I cleared my throat before answering him. 

"I'm Soheila Justice Rustavo, Sir," nakayukong saad ko at tumango naman siya. 

Seryoso ba sila sa kasal na sinasabi ng magulang ni Alas?

"Since you two already slept in one bed. We will held a formal wedding for you," seryosong saad nito. Para siyang si Daddy kung magsalita, every word that comes from his mouth is final. 

"But Sir, nothing really happened between us. We have no relationship at all." I tried to defend my self but the old lady beside him just shook her head. 

"Nang kapanahunan namin makita mo lang ang binti ng babae ay kailangan mo ng pakasalan. Tapos ngayon natulog nang magkayakap sa iisang kama ay walang relasyon?" 

I don't want to disrespect her but what she just said is centuries ago. Hindi naman na bago sa henerasyon nagyon ang ganon hindi ba? I guess they are still stuck in their culture. Napatungo na lang ako. 

Kung kasama ko sila Mimi at Lola ay baka kampihan pa nila ang matatanda. Although they ask for my opinion first. 

Tumayo si Atlas at hinila ako palabas ng dining nang walang pasabi. Umakyat kami pataas at tumigil sa isang kwarto kaya binawi ko na ang kamay ko. 

"Tell me what's happening. Anong gagawin ko? Bakit tayo ikakasal?!"pabulong na sigaw ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot. 

Binuksan niya ang pintuan at pumasok kami doon at saka siya nag lock. I guess this is his room. 

Umupo siya sa kama at itinukod ang siko sa mga hita niya bago takpan ang mukha. Problemado niya akong tinignan pagkatapos ay sumenyas siyang umupo ako sa tabi niya. 

"Enlighten me please...as far as I remember single ako kahapon," natawa siya sa sinabi ko. He looked at me before sighing. 

"My family is forcing me to get married. Ayoko namang kung sinong babae lang ang pakasalan ko kaya tumanggi ako. But this morning, Mom and Dad came because grandma felt sick. This is also the reason why we met at the cliff, I'm trying to unwind yesterday until I saw you. "

"And they took advantage at everything when they saw us on that position earlier, am I right?" He nodded as an answer. Napatampal ako ng noo. Holy shit!

Kung alam ko lang 'di sana pagdilat ng mata ko umalis na sana ako sa higaan!

"They want us to get married as soon as possible," kunot noong sabi niya. 

"Why are you letting them control you anyway? Can't you say no?" It's kinda insensitive of me but that's the right question for this. 

You can't just get married because you family say so. 

"Just like you I'm looking for my younger sister too. My grandparents are investigating the case but I want to do it myself so their condition is I should get married first. Manipulative isn't it?" Napatitig ako sa kaniya nang humilata siya sa kama at nilingon ang isang picture frame. 

The girl looks like him. I think he's three years older than her. Binalik ko ang tingin sa kaniya bago naglakas ng loob magsalita. 

"Fine. Let's get married." 

Napabalikwas siya ng upo nang sabihin ko iyon. Nanlalaki ang mata niya bago hawakan ang kamay ko. 

"I have no time for jokes, milady. Baka seryosohin ko 'yan kaya 'wag kang magbibiro," sabi niya. Umiling naman ako. 

"I'm not joking. I'm dead serious," pinakita ko sa kaniyang seryoso ako. Huminga naman siya ng malalim.

"Why?" He asked. I smiled at him before looking at his sisters picture. 

"Your sister's misssing so as my sister. I feel like we're just investigating the same case. Mabye we can help each other to find them by getting married?"

Kahit ako ay hindi makilala ang sarili ko dahil sa lumalabas sa bibig ko. Pero mas mabuting maraming katulong hindi ba? Kanina habang nagkukwento si Cana ay nalaman kong nag-aral din si Alas ng pagiging NBI agent na hindi naman daw natuloy pero marami pa rin itong koneksyon. 

So basically, kung pareho lang naman ang kalaban namin bakit hindi kami magtulungan? 

I'm missing my sister every day. Hangga't maaari ay ayaw kong magpakasal sa kahit sino pero kung isa ito sa makakatulong para mahanap siya ay ayos lang. 

Gagawin ko ang lahat para mahanap siya.  

Nabalik ang isip ko kay Alas nang may kinuha siya sa lagayan ng mga lapis niya. Tinaktak niya iyon at may nahulog na kung ano. 

Bumalik siya sa harapan ko bago iniluhod ang isang tuhod. Itinaas niya ang kanang kany at nakita ko kung ano ang hawak niya. Kulay pink na laruang singsing, umiilaw pa nang igalaw niya. 

"At least let's make it more realistic. Iyan nalang muna wala akong singsing eh. I'll buy you one next time," pulang-pula na naman ang tenga at leeg niya. 

Nahihiya man ay sinuot niya ito sa akin at hinalikan ang daliri ko pagkatapos. 

"Be my legal possesion, milady."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status