Share

CHAPTER 5

Nakauwi na si Sabrina sa kanilang bahay habang si Matthew naman ay napakalapad ng ngiti sa mga labi nito habang kausap ang nobyo nitong si Alheia. Dahil sa pagkagiliw niya sa nobya ay hindi na sumagi pa sa kanyang isipan ang mga taong nasa paligid niya.

Ni hindi naman sumagi sa kanyang isipan na mahal na pala siya ng kanyang kaibigang si Sabrina na kasalukuyan nang umiiyak dahil sa sinabi niyang magpo-propose siya kay Alheia.

Tahimik namang nakatayo lamang ang ina ng dalagang si Sylvia. Dinig na dinig niya ang paghikbi ng kanyang anak sa loob ng kwarto nito. Bilang ina ay hindi talaga niya kaya na hanggang pakikinig na lamang ang kanyang magagawa kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto nito at nang silipin niya ang anak ay nakita niya itong nakasandal sa gilid ng kama nito habang nakaupo sa sahig.

Nakataas ang dalawang tuhod nito habang nakadikit naman sa sahig ang magkabila niyang paa. Nakapatong ang dalawa niyang magkahawak na braso sa ibabaw ng kanyang tuhod habang ang mukha naman nito ay nakasubsob sa dalawa nitong braso.

Patuloy pa rin ito sa paghahagulhol na siyang lalong nagpapadurog sa puso niya bilang ina. Masakit talaga para sa kanya ang pagmasdan ang anak na nahihirapan sa isang bagay na hindi naman niya alam kung ano. Iisang dahilan lang ang nasa isipan niya ng mga sandaling ýon, ýon ay ang puso ng anak.

Hindi mawawala sa kanyang isipan ang haka-haka na ang dahilan ng pag-iyak nito ay ang lihim nitong pagtingin sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay hindi nila alam kung nararamdaman na rin ba iyon ni Matthew. Hindi rin naman kasi nila masisisi ang binate kung naging manhid ito para sa nararamdaman ng kanilang anak dahil alam naman nilang hindi nito gusto si Sabrina. Kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanilang dalaga.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa kinauupuan ni Sabrina saka siya umupo sa gilid nito at kahit na naramdaman n ani Sabrina ang kanyang presensiya ay nanatili pa rin ito sa naging pwesto nito pero medyo hininaan na nito ang paghikbi.

“Maaari mo namang sabihin sa akin ang dahilan ng pag-iyak mo,” aniya habang pinagmamasdan niya ang kanyang anak ng may awa sa mga mata.

Dahan-dahan na nag-angat ng mukha si Sabrina at may mga luha sa mga matang napabaling ito ng tingin sa kanya, “Nagmahal lang naman ako, ma pero bakit ang sakit-sakit ng nararamdaman ko?”

Muling umagos ang mga luha nito sa magkabila nitong pisngi matapos lumabas mula sa bibig nito ang mga katagang binitiwan nito.

“Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon, saya ang mararamdaman ng taong nagmamahal kaya nga sinasabi ng iba na kapag nagmahal ka, dapat nakahanda ka ng masaktan dahil kaakibat ng pag-ibig ang sakit,” pahayag niya. Napaiwas naman ng tingin ang kanyang anak at itinuon nito ang mga mata sa unahan habang siya naman ay lihim pa ring nasasaktan para rito.

“Pinangarap ko siya magmula pa noon. Wala akong ibang lalaking hinahangad na makasama habang-buhay, siya lang talaga. Siya kasi ang nagturo sa akin kung papaano magmahal sa unang pagkakataon pero ang hindi ko lang matanggap, habang patuloy akong nangangarap na sana mapansin niya ako kahit saglit, nangangarap din pala siya ng ibang makakasama at mamahalin niya.”

Masasaganang mga luha ang patuloy na umaagos sa gilid ng mga mat ani Sabrina. Para siyang sinasaktan ng paulit-ulit sa sakit na lumulukob sa buong pagkatao niya ng mga sandaling ýon. Pinilit naman niya ang sariling huwag magpaapekto, huwag masaktan pero ang puso niya talagang hindi niya mapipigilan. Tao lang siya at normal lang sa kagaya niyang nagmahal ang masaktan pero ang masakit lang kasi ay ang isiping habang umiiyak siya dahil sa sakit na nararamdaman niya ay nagsasaya naman ang lalaking naging dahilan ng kanyang pagluha habang ka-date nito ang babaeng mahal, ang babaeng pinangarap nitong makasama habang-buhay.

“Hindi natin siya masisisi kung tumibok ang puso niya para sa iba at hindi saýo dahil puso niya ýon. Siya ang nagmamay-ari nu’n. hindi naman natin ýon pwedeng diktihan dahil kapag ginawa natin ýon, tayo at tayo pa rin ang masasaktan sa bandang huli,” pahayag ng ina.

Alam naman niyang may point ang ginang pero wala na nga ba siyang pag-asa kahit katiting lang na sana mararamdaman naman niya ang pagmamahal ng kanyang kaibigan para sa kanya? Wala na ba talaga siyang pagkakataong maipadama ng Malaya sa binate kung ano nga ba ang laman ng munti niyang puso?

Mga katanungang siya lang din ang may alam ng kasagutan. Kita naman niya sa mga mat ani Matthew kung gaano nito kamahal si Alheia kaya malabong mapapansin nito ang kanyang lihim na nararamdaman para rito.

Ang isang katanungan na talagang gumugulo sa kanyang isipan ay ang katanungan na kung bakit pinana pa ni kupido ang kanyang puso para kay Matthew kung hindi rin lang naman pala mapapasakanya ang kaibigan. Ano pa ba ang kahalagahan ng pagtibok ng kanyang puso para sa binate kung nakatadhana rin lang pala ito para sa iba at hindi para sa kanya?

“Nasaan kaya ang babaeng ýon? Bakit hindi siya pumasok ngayon?” nagtatakang tanong ni Matthew sa kanyang sarili habang naglalakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina. Lampas 5 minutes na ang late nito kumpara sa nagawian nitong pagpunta sa kanyang kompanya kaya nagtatanong na siya sa kanyang sarili kung bakit hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa niya nakikita ang dalaga. Usually kasi, mas nauuna pa ito sa kanya.

Napatingin siya sa kanyang phone nang bigla itong tumunog. Dali-dali niya itong nilapitan saka niya tiningnan kung sino ang nag-text sa kanya at nakita niya ang pangalan ng kanyang kaibigan na kanina pa niya hinihintay.

Sorry kung hindi ako makakapasok ngayon. Medyo, masama ang pakiramdam ko.

Text nito sa kanya. Walang ganang ibinaba niya ang kanyang phone at inilapag niya iyon sa ibabaw ng kanyang mesa kung saan niya ito kinuha.

Napaupo siya sa kanyang swevil chair saka niya pinag-iisipan kung bakit bigla na lang sumama ang pakiramdam ng dalaga.

Pero, imbes na ubusin niya ang kanyang oras sa kaiisip ng isang bagay na alam naman niyang hindi naman makakatulong para mababawasan ang kanyang mga gawain ng araw na ýon ay mas minabuti na lamang niyang abalahin ang sarili sa paghahalungkat ng mga folders na nasa ibabaw ng kanyang mesa na imbes si Sabrina ang gagawa ng iba.

Habang sa kabilang banda naman ay nanatiling nakatingin si Sabrina sa kanyang phone dahil naghihintay siya sa magiging reply sa kanya ni Matthew dahil alam naman niyang nabasa na nito ang ipinadala niyang message pero muli na naman siyang nabigo dahil maghapon siyang naghintay ngunit ni isang blangkong reply ay wala siyang natanggap mula sa kaibigan.

“Tama na, self. Hindi ka ipinanganak na tanga para magkakaganito ka,” paaalala niya sa kanyang sarili saka niya inilapag sa ibabaw ng kanyang side table saka siya humiga sa kanyang kama.

Hindi naman totoong masama talaga ang kanyang pakiramdam, palusot lang niya ýon dahil ayaw naman niyang pumasok dahil sa namamaga niyang mga mata. Ayaw niyang makikita iyon ng kanyang mga katrabaho lalo na ng kanyang kaibigan. Siguradong tatadtarin siya ng tanong ng mga iyon at baka kung ano na ang lalabas sa kanyang bibig kung sakali man kaya hangga’t makakaiwas pa siya ay iiwas siya.

Nakatulog siya ng mga sandaling ýon. Buong maghapon siyang nakahilata lamang sa kanilang sofa sa sala at sa kanyang kwarto. Hindi naman siya inu-obliga ng kanyang mga magulang na pumasok sa trabaho dahil naiintindihan naman siya ng mga ito. Mabuti na lang at supportive ang kanyang mga magulang sa kanya.

Kinagabihan ay nagising na lamang siya ng may nararamdaman siyang dumampi sa kanyang noo pati na sa kanyang leeg at nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Matthew ang unang tumambad sa kanyang paningin.

Mabilis siyang napabangon mula sa kanyang pagkakahiga at saka siya napaupo sa gitna ng kanyang higaan habang ang kaibigan naman niya ay nakaupo sa gilid ng kama.

“Bakit ka nandito?” nagtataka niyang tanong, “Baka kailangan ka du’n sa kompanya mo,” dagdag pa niya.

“Sa tingin  mo, anong oras na?” patanong nitong sagot sa kanya kaya inabot niya ang kanyang phone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang side table siya tiningnan ang oras.

“Mag-seven oçlock na pala?”

“Hindi mo na namalayan, no? Ang sarap kasi ng tulog mo.”

Ibinalik niya ang kanyang phone sa kung saan niya ito kinuha habang si Matthew naman ay nanatiling nakatingin sa kanya.

“Bakit ka ba nandito? May kailangan ka ba?” sunod-sunod niyang tanong.

“Namiss lang kita.” Bahagya siyang natigilan sa kanyang narinig. Totoo ba talagang namiss siya ni Matthew? Totoo ba ang kanyang narinig o baka nanaginip na naman siya?

“Namiss mo ‘ko?” paniniguro pa niya.

“Oo, wala kasing gumawa ng mga gawain kanina. Sinolo ko ang lahat dahil wala ka,” sagot nito na siyang panandaliang nagpatahimik sa kanya.

Iba kasi ang nasa isipan niya pero iba naman ang tumatakbo sa utak ng kaibigan. Nadismaya na naman siya at lihim naman niyang sinisisi ang kanyang sarili dahil umaasa na naman siya sa isang bagay na hindi naman mangyayari at alam na niya iyon.

“Akala ko ba masama ang pakiramdam mo, eh bakit mukhang okay naman, ah,” sabi nito at saka nito muling idinikit ang likod ng palad nito sa kanyang noo pero bago pa nangyari ýon ay agad na siyang umiwas.

“Masakit ang ulo ko at wala namang kinalaman ýon sa body temperature ko,” pagsisinungaling pa niya, “Bakit ka ba nandito? May iuutos ka ba? Sabihin mo na para naman makatulog na ako ulit,” pataray na saad niya kahit na ang totoo ay ayaw pa sana niya itong umalis sa kanyang tabi.

“Ba’t ba parang taray mo naman ngayon?” kunot-noong tanong nito, talagang napansin nito ang kanyang boses, “Ah! Baka red days mo ngayon kaya ka ganyan,” dagdag pa nito na siyang ikinainis niya. Bakit ba kasi ang hina ng radar ng lalaking ‘to? Bakit ba kasi ang hirap iparamdam dito kung ano nga ba talaga ang tunay niyang nararamdaman.

“Pwede bang sabihin mo na? Ano ba ýan?”

“May naisip na kasi akong concept,” sagot nito, “Gusto kong hingin ang opinion mo dahil baka may maisa-suggest kang mas maganda peo mukhang wala ka ngayon sa mood kaya sa susunod na lang,” may himig ng pagtatampong saad ng binata at dahil ayaw naman niyang magtampo ito sa kanya ay mas pinili na lamang niyang kalmahin na lamang ang sarili.

“Ano ba ýan? Makikinig ako,” aniya na siyang nagpangiti sa kaibigan.

May inilabas itong isang notebook mula sa dala-dala nitong bag saka nito ipinakita sa kanya ang mga nakalagay na ideya nito.

“Ganito sana ang concept na gagawin ko kapag magpo-propose na ako kay Alheia,” masigla nitong pahayag na siyang nagpatigil sa dalaga.

Muling kumurot ang dibdib ni Sabrina dahil sa kanyang narinig. Akala niya tungkol sa kompanya ang concept na sinasabi nito pero mali na naman pala siya.

Habang masayang nagsasalita si Matthew ay lihim naman niya itong pinagmamasdan habang ang kanyang puso ay muli na namang umiiyak ng lihim.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status