Share

KABANATA II

"Bakit ka nandito?” Asik sa akin ni Tyrone nang mapagbuksan niya ako ng pinto.

“What do you mean?” Nagtataka ko namang tanong sa kanya na humakbang pasulong para sana pumasok na sa condominium unit pero hinarangan niya ako. “Babe?”

 “Don’t call me babe.” Matalim ang tingin na sabi ng lalaki at pakiramdam ko ay sinaksak ako ng napakaraming patalim. “Hindi na kita mahal. Umalis ka na!"

Kasabay ng pagbalibag ng pinto ay ang nag-uunahang paglandas ng mga luha ko.

Paanong hindi mo na ako mahal? Hindi ko maintindihan. I deserve an explanation. Ano ba ang nangyayari?

Kinatok ko nang kinatok ang pinto ng unit. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko maiwasang mapanganga at mapahawak ng mahigpit sa sling bag ko nang ang magbukas ng pintuan ay ang itinuturing kong matalik na kaibigan ng mahigit pitong taon.

Si Hailey Monteverde.

Nakatapis lang ito ng puting tuwalya. Ramdam ko ang milyon-milyong karayom na tumutusok ngayon sa puso ko nang sumilay ang mapang-asar nitong mga ngiti. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit at galit. Napatiim-bagang din ako sa paraan ng pagkakatingin nito sa akin. 

"A-anong g-ginagawa m-mo d-dito?" nauutal at painosenteng tanong ko kahit may umiilaw ng hinala sa isipan ko. Kahit alam ko na ang sagot.

"Seriously! Isn't it obvious?" mataray niyang sagot sabay irap sa akin.

"P-pe-pero b-baki--"

Alam kong sadyang malandi at mang-aagaw ang bestfriend ko na ito dahil hindi lang naman isang beses niya akong inagawan ng mahal sa buhay. High School pa lang kami ay ganito na ito. Nagtagal lang naman ang pagkakaibigan namin dahil pinaniwala ako nito na hindi niya lang mapigilan ang gawain niyang iyon, na blessing in disguise ang nangyari dahil kung nagawa nitong agawin ang mga naging boyfriend ko, ibig sabihiin lang noon ay hindi nila ako deserve. Naniwala naman ako dahil hindi lang naman ako ang inaagawan nito, marami kami. Pero nagulat pa rin ako at hindi makapaniwala dahil ang akala ko ay iba si Tyronne. Akala ko ay hinding hindi siya masisilo ng pang-aakit ni Hipon Girl.

Siya? Siya ba ang pinalit mo sa akin? Bakit siya pa? Masarap ba talaga ang putahing hipon? O sadyang wala talagang laban ang diyosa sa malandi?

"Dahil kaya kong ibigay 'to..." Naiirita na putol niya sa pagtatanong ko saka tinanggal ang pagkakatapis ng tuwalya niya na ako pa ang bumili at pinaburdahan pa iyon ng initials ng boyfriend ko. Lumantad sa akin ang walang saplot niyang katawan. "Na hindi mo kayang ibigay sa kaniya."

"H-hindi! Hindi totoo 'yan. Ako ang mahal niya!" sigaw ko sa kaniya at marahas na umiling. "Hindi ka niya mahal. Katawan lang ang gusto niya sa iyo! Ako ang mahal niya at hindi ang katulad mong malanding hipon!" pagtatanggol ko pa sa sarili ko.

Alam kong katawan lang ang habol niya sa 'yong hipon ka!

"Huwag mo na ngang lokohin sarili mo, Mallory. Sa tingin mo, bakit hindi ka pa rin niya inaalok ng kasal gayong tatlong taon na kayo? Samantalang ako isang taon pa lang ang pagsasama namin pero inalok na niya agad ako ng kasal," mahabang litanya nito na may pang-uuyam kasabay ng pagpapakita sa akin ng singsing na nakasuot sa kaliwang kamay niya.

"Isang taon? Isang taon niyo na akong niloloko? Mga walang hiya!" nanginginig sa galit na sigaw ko.

"P'wede bang tigilan mo na kami! Stop acting nonsense here. Naiiskandalo mo lang kami. Hindi na siya babalik sa 'yo, okay? Dahil ginamit ka lang naman niya. Pera lang ang kailangan niya sa 'yo." dugtong niya pa na ikinapantig ng tainga ko.

"Stop acting nonsense ka pang nalalaman diyan, hipon ka! Stop acting nonsense your face!" nanggigigil na sigaw ko saka sinampal siya ng malakas. "Katawan lang ang nagustuhan niya sa 'yo pero ako ang mahal niya!" Sabay sampal sa kabilang pisngi niya. 

Gaganti sana siya ngunit pumagitna ang lalaking mahal na mahal ko at naging mundo ko sa loob ng tatlong taon.

"Tama na nga. Tumigil na kayong dalawa," sigaw niya sa amin.

"Tyronne, sabihin mo. Sabihin mo sa harap ng hipon na babaeng iyan na ako ang mahal mo. Ako ang mahal mo `di ba babe?" Nagsusumamong sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Nagsalubong ang mga kilay at tumalim ang mga mata ko nang biglang lumingkis ang hipon na babae sa kanya. Kinuyom ko ang mga kamao.

Hindi ka lang talaga hipon, ahas ka pang malandi ka.

"Totoo ang sinabi niya, Mallory,” seryosong sabi niya na ikinaawang ng bibig ko. Wala akong nagawa kung ‘di ang mapahagulgol ng iyak. “Huwag ka nang magpakatanga pa. Sawang-sawa na ko sa 'yo lalo na sa pagiging clingy mo. Para ka kasing nanay ko kung umakto. Ayoko rin kasi ng mga pa-virgin effect pang mga babae. Nakaka-boring ka. Ang boring mong babae. Saka hindi naman talaga kita minahal. Niligawan lang kita at ang rason kung bakit umabot tayo ng tatlong taon dahil kailangan lang kita. Kailangan ko ang pera mo. Pera mo lang dahil sinuspinde ng tito ko ang lahat ng cards ko at pinalayas sa mansion namin. Anyway, salamat nga pala dito sa condo na binigay mo sa 'kin. I really love it." 

Hindi totoo iyan! Ako ang mahal mo. Ano ba nangyayari sa 'yo?

Magsasalita pa sana ulit ako nang m********n silang dalawa sa harapan ko. Natutop ko na lang ang bibig sa sobrang pagkabigla. Mas lalo akong napahagulgol ng iyak sa sobrang sakit na nararamdaman dahil sa nasasaksihan ko. Parang binibiyak ang puso ko at halos hindi na ako makahinga.

Mayamaya ay tumigil sila sa paghahalikan at lumapit sa akin ang taong mahal ko, akala ko ay aaluin niya ako saka hihingi ng tawad at sasabihin na prank lang ang lahat pero itinulak niya ako ng malakas palabas sa unit niya. Dahilan para mapasaldak ako sa sahig.

Ang condominium unit na ito ay binigay ko sa kaniya nung ikalawang anibersaryo namin. Ito ang niregalo ko sa kanya nang sabihin niya sa akin na pinalayas siya ng tito niya na kapatid ng papa niya.

"I don't wanna see your fucking face anymore. Istorbo ka, bullshit!" galit na sigaw niya sa akin kasabay ng pagbalibag ng pintuan.

Huminga ako ng malalim habang umiiyak saka dahan-dahang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

Bakit mo ginawa sa akin ito? Mahal na mahal kita.

Makaraan ang ilang segundo ay inayos ko ang sarili ko at nagpasyang umalis na sa lugar na iyon.

Binigay ko naman lahat ng gusto mo. Ginawa ko naman lahat para maibigay lahat ng mga pangangailangan mo. Pero bakit mo ko iniwan? Dahil lang ba sa bagay na iyon?

Pinindot ko ang pababang pindutan ng elevator saka pumasok sa loob nang bumukas ito at pinindot ang letrang P para makababa sa parking lot.

Dahil lang ba sa sex kaya mo ko iniwan?

Lumuluhang sumandal ako sa dingding ng elevator.

Pero hindi pa tayo kasal kaya hindi ko maibigay sa 'yo iyon.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi at huminga ng malalim bago lumabas nang bumukas ang elevator.

Pera lang din ba ang habol mo?

Huminga ulit ako ng malalim para lumuwag ang paghinga ko dahil naninikip pa rin ang d****b ko sa sakit at kaiiyak.

Tumagal lang ba tayo dahil kailangan mo lang ako?

Nang makalabas na ako ng parking lot ay sandaling inihinto ko ang sasakyan sa harap ng building at tumingin banda sa terrace ng condo na binili ko. Ang akala kong magiging bubong ng pagmamahalan namin kapag kinasal na kami, magiging pugad pala ng ahas na aagaw sa minamahal ko.

"Bakit, Tyronne? Mahal mo ko di ba? Hindi ba, baby? Alam kong minahal mo ako,"  bulong ko sa sarili ko saka pinaandar ang kotse para pumunta sa lugar kung saan ako makakalimot at mapapawi ang nararamdaman ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status