Share

KABANATA IV

Wala sa sariling bumalik ako ng Manila at umuwi sa mansion. But to my surprise, I saw my family gathered in the living room. Bihira lang itong mangyari.

"Ma'am Mallory,  kanina pa po nila kayo inaantay." Salubong sa akin ng isang katulong. Tumango naman ako rito bilang sagot.

Nag-alala kaya sila na hindi ako umuwi buong gabi?

Kapapasok ko pa lang ng salas at hindi pa nakakaupo nang sugurin ako ng sampal ni daddy na nanginginig ngayon sa galit.

"Walang hiya kang babae ka! Napakalandi mo. Anak ka na nga ng nanay mo sa pagiging disgrasyada, magpapa-disgrasya ka rin?" Sabay isang sampal ulit sa kabila. "Lalandi ka na lang, iiskandaluhin mo pa ang pamilya ko at puputikan ang pangalan ko!" Sinampal niya ulit ako ng sobrang lakas dahilan para mapasubsob ako sa sahig at pumutok ang gilid ng labi ko. Wala akong ibang magawa kung `di ang humagulgol ng iyak pero napatigil ako nang mapagtanto na parang may mali sa mga sinabi ni Dad.

"A-anak ako sa pagiging disgrasyada ni Mommy?” pag-uulit ko sa sinabi niya. “W-what do you mean, Dad?"

"Oo. Ikaw ang bunga nang ginahasa ang mommy mo kaya kahit kailan hinding hindi kita matatanggap! Lalo na ngayon na sangkot ka sa malaking eskandalo. Pinagsisisihan kong pinalaki pa kita para itago ang kahihiyan ng mommy mo. Kung alam ko lang, sana pinalaglag ka na lang namin kahit bata ka na sa sinapupunan niya," mahabang litanya ni daddy habang dinuduro ako. Mga salitang unti-unting dumudurog sa pagkatao ko.

Kaya pala ganito nila ako ituring. Bunga pala ako sa panggagahasa kay mommy. Pero ano bang eskandalo ang sinasabi nila?

"Wala akong alam sa sinasabi niyong eskandalo!" matapang na sigaw ko. "Iyong nangyari sa office, napatunayan ko namang may nilagay si Ate sa ininom ko nu’ng party niya `di ba?" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Ah wala ba? `Ayan! Panoorin mo! Hindi ang nangyari sa office ang tinutukoy namin." Ibinato ni Mommy ang tablet sa mukha ko. Buti na lamang at nasalo ko bago tumama sa 'kin. "Kalat na kalat na ngayon sa social media ang video scandal ninyo ng lalaki mo. Kitang kita pa ang mga mukha niyo at mga kababuyan ninyo kagabi. Kaya pala hindi ka umuwi, malanding babae ka! Maglalandi ka na lang, do'n pa sa lalaking iyon," nanggigigil na sabi niya at pinagsasabunutan ako saka pinagsasampal.

Tanging pag-iyak at pagmamakaawa lang ang nagawa ko pero parang bingi ito sa sobrang galit sa akin. Huminto lang ito nang mapagod at isang sampal ulit ang binigay niya sa akin bago pa ko bitiwan at layuan. Napatingin ako kay lolo para sana humingi ng tulong pero hindi ako tinitingnan nito at blangko lang ang ekspresyon niya.

"Lolo, let me explain what hap--"

"Lumayas ka na rito, Mallory," malamig na wika niya saka umalis sa salas.

Napayuko na lang ako sa kawalan ng pag-asa at sa tripleng sakit na nararamdaman ko ngayon. Una ang pagtataksil sa akin ni Tyronne at Hailey. Pangalawa ang nangyari kagabi. Pangatlo ay ang sinabi ni daddy at wala man lang gustong kausapin ako ng maayos kung ano ba ang nangyayari. Napatingin ako sa tablet computer at nanginginig ang mga kamay na pinindot ang play button ng video na naroon.

Napatutop ako sa bibig nang mapanood ko ang video na hindi ko magawang tapusin dahil detalyado masyado ang nilalaman nito. Ayoko nang maalala pa ulit ang gabing iyon. Kung paanong madaling nakuha ng isang estranghero ang puri at dangal ko na pinaka iniingatan ko. Base sa anggulo ng video, mukhang kuha iyon galing mismo sa CCTV ng kwarto ng estranghero na lalaki. Parang gusto ko na lamang matunaw at maglaho na parang isang bula sa kinalugmukan ko.

Sino ang may gawa nito?

"Dad, mom, let me explain. " Pagsusumamo ko at pinunasan ang mga luha ko.

Hindi sila kumibo at magkasabay na tinalikuran ako. Lalo akong napahagulgol ng iyak.

"You slut! Ikaw pala ang nakakuha ng key card ko kagabi." Lumapit sa akin si Arabella. "Ikaw pala iyung tatanga-tangang nakabanggaan ko sa hotel. Boba ka!" Sinampal ako nito ng malakas. "Kung inaakala mong maagaw mo siya sa 'kin dahil lang sa may nangyari sa inyo, nagkakamali ka! What is mine, is only mine. Nakakadiri ka talagang maging kapatid. Ang landi-landi mo. Pati fiancée ko nilalandi mo." May diing sabi sa akin ng kapatid ko.

Tumawa ako ng pagak dahilan para mangunot ang noo niya.

"Fiancée?  Sa pagkakaalam ko, wala pang lalaking nagkakamali na maging boyfriend mo. Maging fiancée pa kaya?" tahasang sabi ko sa mukha niya. 

Akmang sasampalin niya ko nang unahan ko siyang bigyan ng isang malakas na sampal. 

"Wala kang karapatan na husgahan ako dahil `di mo alam kung ano ang totoong nangyari kagabi," sabi ko sa kanya na may diin.

Patakbo na umakyat ako sa kwarto ko at nagsimulang mag-impake ng mga gamit.

Magpapakalayu-layo ako sa pamilya kong ito na hindi kapamilya ang turing sa akin. Lalo na sa mga taong alam kong manghuhusga at manghahamak sa akin ngayon dahil kalat na kalat na ang video scandal namin ng lalaki. 

Sandaling napatigil ako sa ginagawa para pagnilayan ang mga nangyari. Mula sa pagdating ko sa bar ng hotel resort, sa paglalasing ko hanggang sa kung paano ako napunta sa kwarto ng lalaking iyon.

"Paano ba ko napunta sa kwarto ng walang modong lalaking iyun? Akala yata n'on mabibili niya ang puri ko. Kung sa lalaking mahal na mahal ko nga, hindi ko maibigay ang sarili ko kahit tatlong taon na ang relasyon namin. Sa kanya pa kaya na estranghero?" kausap ko sa sarili ko. 

Nagsimula na namang mangilid at pumatak ang mga luha ko nang maalala ko ang mga nangyari. Lalo na ang ginawang pang loloko at pang gagamit ng ex-boyfriend ko pati na ng itinuturing kong matalik na kaibigan.

"Walang hiya naman! Bakit hindi ko maalala?" Naiinis na napasabunot ako sa sarili ko.

Malabong tamaan ako ng sobra sa martini dahil mataas na ang tolerance ko sa alak na iyon.

Hindi kaya dahil sa pulang cocktail na iyon? Pero bakit naman ako tatamaan ng ganon sa isang glass lang? O baka sa scotch?  Pero hindi rin. Katulad ng martini ay madalas ko ring inumin iyon.

Sino ba ang lalaking iyun? Ano ba ang nangyari kagabi? Bakit wala akong maalala? Paanong may nakakuha ng video sa CCTV ng sikat na hotel resort na iyun? At kumalat pa sa social media. 

Nang maayos ko ang mga gamit ko sa malaking bag ay nagmamadaling umalis ako sa mansion para pumunta ulit sa hotel resort na pinuntahan ko kahapon sa North Luzon. Aalamin ko doon kung ano ba ang nangyari kagabi at baka may makuha rin akong lead kung sino man ang may kagagawan ng malaking eskandalo na ito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bebs Mv
Yan KC subrang bobo mo putragis na kwento Ng kabubuhan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status