Share

KABANATA V

Nang makarating ako sa hotel resort ay sinalubong ako ng mga mapanghusgang mga tingin at ng mga ngiting mapang-uyam na unti-unting tumutunaw sa 'kin habang naglalakad.

Don't mind them, Mallory. 

Huminga ako ng malalim at taas-noo na dumaan sa harap nila. Nagbingi-bingihan din ako sa mga usapan nila na panghahamak sa pagkatao ko dahil sa scandal video na kumalat.

"Maganda at sexy sana kaso may scandal."

"Ang ganda p're. Coca cola."

"Paisa naman diyan. Kahit isang shot lang. Promise punla lahat sa labas."

Ilan sa mga salitang naulinigan ko at mga tawanan ng mga ipokrito at ipokrita na mga marites saka tolits.

Lakad lang, Mallory. Huwag mo silang papansinin. Wala silang ambag sa buhay mo. Wala silang alam sa nangyari at wala kang dapat ipaliwanag.

"Hi miss. Ang ganda mo sa suot mong damit ngayon. Fitted na tube dress. Kitang-kita ang maputi at makinis mo na mga balat. Bagay na bagay sa 'yo," sabi ng lalaking humarang sa daraanan ko. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa habang hinahaplos ang baba niya. "Pero mas maganda ka kapag walang saplot. Lalo na kung nasa ibabaw kita." Tumawa ito ng malakas kasabay ng mga tao sa paligid namin.

Nandiri ako sa paraan ng tingin niya sa akin na may kagat-labi pang nalalaman. Hindi ko ito pinansin at nilagpasan ito pero napasigaw ako sa gulat nang bigla niya akong hilahin at hinapit sa baywang.

"Sa'n ka pupunta? May pakipot ka pang nalalaman, pa-walk ka naman," sabi ng lalaki saka inamoy ang leeg ko.

"Bitawan mo ko!" nandidiri na sigaw ko rito at pilit na nagpupumiglas. "Tulungan niyo ko. Tulong!" sigaw ko pa ngunit imbis na tulungan ako ng mga tao sa paligid namin ay nilabas ng mga ito ang mga cellphone nila at nag-video. 

Isang marahas na sigaw pa ulit ang lumabas sa 'kin nang bigla akong hinila ng lalaki papunta sa elevator. Pero napatigil kami nang biglang may mga humarang sa harapan namin na dalawang lalaki. Parehong malaki ang katawan ng mga ito at nakasuot ng black tuxedo. May suot na earpiece sa isang tainga nila at may black na black na sunglasses din sila na suot.

"Lumayas nga kayo sa harap ko. Baka hindi niyo ko naki--" 

Hindi na natuloy ng bastos na lalaki ang mga sasabihin niya dahil hinila at binuhat siya ng isa sa mga naka-tuxedo sa kuwelyo ng polo niya.

Ginamit ko ang pagkakataong iyon para makatakas at pumunta sa security office ng hotel resort kung nasaan alam kong naroon ang kopya ng footage ng CCTV kagabi. 

Nang makarating ako roon ay napanganga ako nang makitang bugbog-sarado ang dalawang security personnel na naka-duty. Mga walang malay ang mga ito at nagkalat ang mga gamit pati na ang mga basag na monitor.

Anong nangyari dito? Sinong may gawa ng mga ito? 

Nakadapa ang isa sa kanila sa itim na swivel chair. Ang isa naman ay nakahandusay sa sahig.

Maingat na pumasok ako sa loob at pumunta sa gilid ng mga monitor. Kung nasaan nakalagay ang isang malaking metal na kabinet na siguradong pinaglalagyan ng mga tapes. 

Hinalungkat ko ang mga tapes na naroon. Naka-organize ang mga ito base sa petsa araw-araw. 

Shit! Bakit wala dito ang mga tapes ng December?

Desperadang napahawak ako sa noo ko at nilibot ang mga mata sa paligid.

Pumunta ako sa harap ng lalaking nakahandusay sa sahig kung saan may mga nagkalat din na mga tapes. Nakita ko roon ang may petsa ng December. 

Maingat na tinignan ko ang mga tape na may petsa kagabi ngunit wala.

My goodness! Nasaan na ba iyun? Ano ba nangyari dito?

Wala sa sarili na naglakad ako ng paroo 't-parito sa kwarto.

Nasaan ang tape kagabi? Bakit wala dito? Sinong kumuha no'n? 

Mayamaya ay may narinig akong mga papalapit na hakbang papunta sa kinaroroonan ko. Tumingin ako sa paligid at nagtago sa ilalim ng itim na lamesa ng mga monitor. Halos wala nang natirang flat screen sa ibabaw nito dahil puro basag na at sira.  May tabing din ito na itim at makapal na kurtina kaya siguradong malabo akong makita ng kung sino man.

"The area was clear. Wala dito yung babae sa video," sabi ng isang baritono na tinig. "Search everywhere. Hindi pwedeng hindi natin siya makita. Malilintikan tayo kay Master," sabi pa nito.

Ako ba ang hinahanap nila? My goodness! Ano ba itong kamalasang nangyayari sa 'kin? Saka sino iyong Master na tinutukoy nila? Iyung lalaki ba kagabi? Papatayin ba nila ako? Isa-salvage?

Nang masiguro kong nakaalis na sila ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. 

Lumapit ako sa nakahandusay na lalaki at ginising ito. Pati iyung lalaking nakadapa sa swivel chair. 

"S-sa-saan ba pwedeng dumaan dito na h-hindi ako m-makikita ng kung sino man?" nauutal na tanong ko sa dalawang personnel nang magising sila dahil nanginginig ako sa takot.

Nakakunot ang noo na nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki at nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin.

"Sino ka, Miss? Bakit ka narito?" tanong nung isa na mas malaki ang katawan. Nakahawak ito sa ulo niya at tiyan niya.

 "Bawal po kayo dito, Ma'am," sabi naman ng isa na nakahawak sa leeg niya at sa nagdurugong gilid ng labi.

"H-hinahanap ko kasi yung tape ng footage kahapon. Nasaan na ba iyun? Pakiusap naman ibigay niyo na sa akin," pagmamakaawa ko sa kanila at nagpalinga-linga sa paligid dahil baka makita ako ng mga lalaki kanina. Nangingilid na rin ang mga luha ko at ramdam kong nanginginig din ang mga tuhod ko sa takot.

"May mga lalaki rin kanina dito na naghahanap niyan, Ma'am. Pero hindi namin maibigay kaya binugbog nila kami. Isa pa, bawal iyun sa policy ng hotel resort at saka nawawala ang tape ng footage kahapon ng buong hotel," sagot nung malaki ang katawan saka umupo sa swivel chair.

"Paano na nawawala? Hindi pwede iyon! Kayo lang ang nandito!" naguguluhan na bulyaw ko sa kanila.

Nagulat naman ang dalawa sa pagsigaw ko. Humugot ako ng malalim na hininga at umiiling na tumungo.

"Hindi kami ang naka-duty dito buong gabi, Ma'am. Morning shift po kami. Tinawagan po namin iyung night shift kagabi pero hindi po matawagan. Hinanap din po namin kanina ang tape kahapon pero hindi namin makita," paliwanag nung isa at tumungo.

Parehog malaki ang mga katawan ng mga ito pero parang hindi man lang sila nakalaban.

Marahas na nagbuga ako ng hangin at wala sa sariling umalis sa kwartong iyun.

Paano na ito? Paano ko ipaglalaban sarili ko? Kahit isa ay wala akong maalala kung ano ang nangyari kagabi? Paano ba ko napunta sa kwarto ng estranghero na iyon?

"Ayun!" Napawi ang mga iniisip ko nang maulinigan ko ang boses ng lalaking naghahanap sa akin kanina mula sa di kalayuan. Mukhang pabalik ang mga ito sa security office. 

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko silang papalapit sa akin. Natataranta na tumakbo ako palayo sa kanila. Binilisan ko sa abot ng makakaya ko para lang makalayo agad sa kanila.

Makaraan ng ilang liko sa loob ng hotel at panlilinlang sa mga lalaki ay nakatakas ako sa mga ito. Buti na lamang at hindi ako nako-corner kung di katapusan ko na siguro.

Maingat at mabilis akong bumalik ng parking lot at ng sasakyan ko nang masiguro kong hindi ako naabutan o nasundan ng mga lalaki. Kahit hapong-hapo sa kakatakbo at tagaktak ang pawis ay napangiti ako ng bahagya nang makapasok ako sa loob ng kotse ko.

Sino ba ang mga iyun? Ano ba kailangan nila sa akin? Sino ba ang Master nila? Bakit gusto niya akong ipadakip?

Inara Syndrome

Hi. Masayang araw. Sana ay nagustuhan niyo ang pagbabasa ng aking nobela. Lubos akong nagpapasalamat sa iyong pagbibigay ng atensyon at pagsubaybay sa kwentong ito. Salamat din kung idinagdag mo ang libro ko sa iyong library at nagbigay ng boto/gems.

| 1
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
hisfinalfantasy
Jusq katakot naman. Nakabangga pa yata ng mafia si Ate Gurl.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status