Share

KABANATA VII

"Hija, hindi ka na ba namin mapipigilan?" tanong ni Tata Rico sa 'kin nang lumabas ako sa kwarto ko dala ang dalawang malaking bag.

"Sigurado na po ako, Tata. Kailangan ko na pong bumalik ng Maynila," sagot ko rito saka yumakap dahil hindi ko naman sinabi sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko.

"Ganun ba. Oh, sige. Basta mag-ingat ka d'on. Lagi mong tatandaan na kahit anong oras, pwede kang bumalik dito at sa iyo naman na itong lupa," sabi pa nito bago ito kumalas sa pagkakayakap.

"Mukhang hindi ka na namin mapipigilan, hija. Mamimiss ka namin," malungkot na sabi ni Nanay Martha. Nangingilid din ang mga luha nito.

"Mamimiss ko din po kayo, `Nay. Sa inyo ko lang naramdaman ang tunay na pamilya." Nagsimulang mamasa ang mga mata ko. "Ano ba iyan? Napuwing ako," natatawa na biro ko sabay pahid sa mga luhang naglandas sa mga pisngi ko.

"Naku. Pasensya ka na, hija. Nagkaiyakan pa tayo." Natawa rin ito at pinunasan ang mga luha niya saka niyakap ako ng mahigpit. "Mag-ingat ka doon. Salamat sa lahat ng naitulong mo sa amin," sabi pa nito saka bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin.

"Aalis na po ako," paalam ko sa kanila. 

Kinuha ko ang dalawang malaking bag at sumakay sa kotse ko.

Malungkot na ngumiti at kumaway ako sa kanila bago ko pinaandar ang sasakyan at tinahak ang daan papuntang Maynila.

"Baby, wait ka lang. Pupuntahan natin si daddy mo." Hinawakan ko ang maliit ko pang puson at hinaplos iyon nang marahan. 

Makalipas ang apat na oras ay nakarating ako sa isang napakataas at magandang gusali na puro salamin. Sa taas nito ay may malaking signboard.

"Lewis Group of Companies," basa ko sa nakaukit do'n.

Tinignan ko naman ang article sa tablet-computer ko. Nakapaloob doon ang tungkol sa video scandal na kinasangkutan ko last month. Doon ko rin nalaman na taga-Lewis Group of Companies ang lalaking kasama ko nung gabing iyon dahil sa caption nito na 'Ang matayog na Lewis Group of Companies humaharap ngayon sa isang malaking eskandalo.’ Hindi na ako nag-abala pang basahin ang mga nilalaman niyon.

Huminga ako ng malalim saka sinuot ang black cap at black na sunglasses ko bago lumabas ng kotse. Inayos ko rin ang suot kong itim na jacket. Humugot muna ako ulit ng isa pang malalim na paghinga bago pumasok sa building.

Pagpasok ko ay napasigaw ako nang biglang may mga lalaking umaligid sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Napukaw naman namin ang atensyon ng mga empleyadong naroon sa malawak na lobby.

"Sino kayo? Anong gagawin nyo sa 'kin? Saan niyo ko dadalhin?" sunud-sunod kong tanong sa mga ito. Ramdam ko rin ang paglakas ng tibok ng puso ko sa kaba.

Nakita kong sinenyasan ng isa sa apat na mga lalaking ito ang mga empleyado at bumalik na ang mga ito sa kanilang paglalakad.

"Huwag kang maingay, miss. Hindi ka namin sasaktan. Kailangan mo lang sumama sa amin ng maayos," sabi ng lalaki sa kanan ko. Tinignan ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang pamilyar na mukha nito.

Tinignan ko rin ang mga kasama nito. Mga naka-black suit ang mga ito saka earpiece na suot sa isang tainga nila at kulay black na salamin. Mas lalo akong nag-panic at kinabahan.

Hindi ako maaaring magkamali. Sila yung mga taong naghahanap at humabol sa 'kin last month sa hotel resort. Sila rin iyong mga bumugbog sa dalawang security personnel na naroon.

"Bitawan nyo ko! Tul--" Hindi ko na natuloy ang paghingi ko ng saklolo nang takpan ng lalaki sa kaliwa ang bibig ko.

Mygoodness! Ano gagawin nila sa 'kin? Baka saktan nila kami ng anak ko.

Malakas na kinagat ko ang kamay ng lalaking tumakip sa bibig ko at malakas na tinadyakan ang binti ng dalawang lalaki na nakahawak sa magkabilang braso ko.

Nang mabitiwan nila ako na umiigik at sigaw sila sa sakit ay tumakbo ako ng mabilis ngunit hindi pa ko nakakalayo nang biglang may humatak sa braso ko at binuhat ako na parang naka-fireman's carry.

Nagsisigaw at nagpupumiglas ako pero wala akong laban sa lakas at laki ng katawan nang lalaki. Ibinaba lang niya ko nang nasa loob na kami ng elevator. 

Pagbukas no'n ay bumungad sa akin ang isang magandang opisina ngunit isang lamesa na may computer at mga files lang ang nandoon saka isang babae na naka-pencil skirt at long sleeve na blouse.

Sa gilid nito ay may isang malaking pintuan at may nakalagay na 'Chief Executive Officer'.

"T-teka! A-ano ginagawa natin dito?" nauutal na tanong ko sa kanila pero hindi sila sumagot bagkus ay hinawakan nila ang magkabilang braso ko at kinaladkad na pumasok sa pintuan na iyon.

Bakit nila ko dinadala dito? Office ng CEO ito. Anong gagawin nila sa 'kin dito?

"S-san---" Naputol ang pagpupumiglas ko sa kanila nang sa pagpasok namin ay may nakita akong pamilyar na lalaki na nakatayo sa may likod ng swivel chair niya at nakatingin sa labas.

Puro salamin ang part ng iyon na tinitingnan niya. Kita mula rito ang kagandahan ng lungsod.

Tinignan ko ng mataman ang lalaki na nakasuot ng tuxedo na kulay abo. Ang malapad nitong likod na palagi kong paboritong tingnan at yakapin pati na ang matikas na tindig nito na ang lakas ng dating sa akin ay hindi ako maaaring magkamali.

"T-tyronne?" nauutal na bigkas ko.

"Caleb. I'm Caleb and not Tyronne," malamig na sabi nito saka humarap. Napanganga ako sa gulat.

Sa pagharap nito, hindi si Tyronne ang nakita ko kung di yung lalaking nakaniig ko sa hotel resort. Ang lalaking nang insulto ng pagkatao ko. 

Hindi ko maiwasang titigan ang lalaki dahil malaki ang pagkakahawig nito kay Tyronne. Sa mata, labi at sa wangis nito. Kung hindi lang siguro ito batang-bata ay papasa na itong tatay ng ex boyfriend ko.

"Tingnan mo nga naman. Nang pinapahanap kita sa mga tao ko, tinaguan mo sila at hindi nagpakita. And now, you're here," malamig na sabi nito at nakakunot ang noo. "Why? Pinapunta ka ba dito para pikutin ako o humihingi na naman ng pera ang lolo mong mukhang pera?" galit na tanong nito at nagtatagis ang mga bagang.

What? Si Lolo? Ano naman kinalaman ni Lolo Victor dito?

"So name it?" sabi pa nito at nilabas na naman ang cheque book niya.

Iyang cheque book na naman!

Kinuha ko ang doll shoes ko at binato sa kamay niya na nagsusulat. Narinig ko pa ang marahas niyang mura.

"Hindi ang pera mo ang kailangan ko!" bulyaw ko sa kanya. "Buntis ako at ikaw ang ama." sabi ko pa at nilabas ang isang puting sobre na may result ng ob-gyne at hinagis iyun sa harap niya.

"C'mon! Una, iniipit niyo ko at piniperahan sa kasalanan ng daddy ko. Pangalawa, pinipilit ng kapatid mong si Arabella ang pagpapakasal sa 'kin. Ngayon naman, ikaw. Bigla kang sumulpot dito at sasabihin mong nabuntis kita. Katulad ng ginawa mo nung gabing iyon na bigla ka lang din sumulpot sa kwarto ko. Bigla ka na lang sumusulpot sa buhay ko na parang isang kabute tapos bigla ring mawawala. Ito ang tandaan mo, hindi niyo ko mapapaikot sa palad nyo, mga Villanueva!" asik nito at hindi nag-abalang tingnan ang nilalaman ng sobre.

"Paniwalaan mo ang gusto mo. Wala akong alam at kinalaman sa mga sinasabi mo, but I'm not lying. At ikaw lang naman ang nakagalaw sa akin! Kahit samahan pa kita sa ob-gyne ngayon para malaman mo," ganting sigaw ko dito.

Magsasalita pa sana ang lalaki nang biglang may magsalita sa likod ko na pamilyar ang boses.

"Hayop ka! Hindi ako papayag na hindi mo panagutan ang apo ko. Manang-mana ka sa ama mong irresponsable."

Paglingon ko, si Lolo Victor. Kasama nito ang lawyer namin at si Arabella sa bungad ng pintuan.

"Ano na namang ginagawa niyo rito?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ng lalaki sa Lolo ko. Halata sa boses nito ang galit at pagtitimpi.

"What's happening here? Totoo ba ang narinig ko? Buntis ka, Mallory?" tanong ni Arabella.

Hindi ko pinansin ito at aalis na sana nang pigilan ako ni Lolo sa braso.

"Walang aalis, Mallory," may awtoridad na wika ni Lolo Victor. "Mas magandang nandito ka dahil kasama ka sa pag-uusapan," sabi pa nito at hinila ako kasama niya sa paglapit sa lalaki sa harap namin.

"What? Wait, Lolo. Ano naman kinalaman niya sa pag-uusapan natin dito with my fiancée?" maarteng tanong ni Arabella saka masamang tumingin sa akin.

"I'm not your fiancée, Miss Arabella. And will never be," sabat nung lalaki na may diin ang mga salita. 

"Hindi ko na ipipilit sa 'yong pakasalan si Arabella, Mr. Lewis. Pero kailangan mong panagutan ang apo kong si Mallory," seryosong sabi ni Lolo Victor sa lalaki.

"What?" Magkapanabay na tanong nung lalaki at ni Arabella.

Samantalang ako ay napalingon kay Lolo Victor at natulala.

Totoo ba ang narinig ko? Gusto ba talaga ni Lolo na panagutan ako ng hambog na ito?

"Sandali, Lolo Victor. Okay lang naman sa akin na hindi niya ako panagutan basta mag-usap na lang kami para sa bata," sabi ko at humawak pa sa kamay nito.

Alam kong gustung-gusto ni Arabella ang lalaking ito. Ayoko ng gulo. Lalo na't fiancée ang turing niya sa lalaki.

"Manahimik ka!" Nagulat ako nang bigla niya akong binigyan ng isang sampal. "Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan. Hindi ka maaaring magbuntis ng walang ama ang batang iyan," nanggagalaiti na sigaw nito sabay duro sa maliit ko pang tiyan. "At ikaw lalaki, kung ayaw mong ilabas ko ang baho mo at ng tatay mo, pakasalan mo ang apo ko!" Baling nito sa lalaki at dinuro rin ito.

"Paano naman akong makakasiguro na nabuntis ko iyang apo mo, tanda? Baka hindi ako ang ama ng dinadala ng babaeng 'yan dahil nang pinaimbestigahan ko iyan ay nalaman kong may nobyo pala ang apo mo at binigyan pa nga niya ng condominium," seryosong saad nito. 

Hawak ng lalaki ang papel na nakapaloob sa binigay ko sa kanyang puting sobre. Binabasa na pala nito ang result ng ob-gyne ko.

"Hoy lalaki. Hindi ako malanding babae na kahit kanino, nabukaka. Oo, meron nga akong naging nobyo pero naghiwalay na kami. Kaya nga ako nag-inom noon sa hotel resort pero hindi ko alam kung bakit ako napunta sa kwarto mo. Lalong hindi ko rin alam kung paano kumalat ang video ng gabing iyun," asik ko rito. Ramdam ko rin ang pangingilid ng mga luha ko.

Nakakainis naman. Bakit ang babaw ng luha ko ngayon?

Kumunot ang noo ko nang makita ko na ngumisi sa akin ang lalaki.

"No! Wait! Sandali lang. Mallory, fiancée ko na si Caleb. Kami ang ikakasal, hindi kayo. Lolo, tell her. Ako ang ipapakasal mo kay Caleb di ba?" hysterical na sabi ni Arabella.

Hindi ko ulit ito pinansin at iniwasan ko rin ng tingin.

"Mamaya na tayo mag-usap, Arabella," sabi ni Lolo at tinignan ito ng may pagbabanta.

"No! Hindi ako papayag." Sigaw ni Arabella. "Ikaw!" Nanggigigil na dinuro ako nito. "Ikaw na naman. Inaagaw mo na naman ang sa 'kin. Ang dapat sa 'yo mamatay na kasama ng anak mong nasa sinapupunan mo pa lang," sigaw nito at mabilis na sinabunutan ako kahit nasa gitna namin si Lolo Victor.

"Bitawan mo ko!" sigaw ko sa sakit sa anit at medyo nahihilo na rin ako dahil sa winawagwag nito ang ulo ko.

Rinig ko rin ang pag-awat ng lolo ko at ng mga lalaking nagdala sa 'kin dito kanina. Pero bigla ako nitong tinulak ng malakas dahilan para mapasaldak ako ng malakas sa sahig. Tinadyakan rin nito ang tiyan ko kaya namilipit ako sa sakit at sumigaw.

Dinaluhan ako nung mga lalaki at dahan-dahang tinayo.

Pumalahaw ako ng iyak nang makita kong dinudugo ako. Mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko nang makita ko iyun.

"A-ang baby ko," nanghihina na sabi ko habang hawak ang puson ko.

Nagulat ako ng biglang may bumuhat sa 'kin. Iyung lalaki pala. Ang tatay ng anak ko. 

"Hoy babae! Magpakatatag ka at hindi pwedeng mawala ang anak ko. Kung anak ko nga talaga iyan," seryosong sabi nito at nagdilim ang paligid.

Inara Syndrome

Hi. Masayang araw. Sana ay nagustuhan niyo ang pagbabasa ng aking nobela. Lubos akong nagpapasalamat sa iyong pagbibigay ng atensyon at pagsubaybay sa kwentong ito. Salamat din kung idinagdag mo ang libro ko sa iyong library at nagbigay ng boto/gems.

| Like
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lina Pandic
next episod pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status