Share

KABANATA VIII

Caleb's POV

Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaba at takot para sa bata na nasa sinapupunan ng babae. Ang babaeng biglang naglaho na parang isang bula simula nang pumutok ang maselang video namin sa social media. Tinakbuhan at pinagtaguan pa nga niya ang mga tauhan ko. Hindi rin nagpakita ng dalawang buwan.

Pinagmasdan ko ang babae at walang malay pa rin ito. Nakakaakit ang mukha nitong maamo at hindi mo maipagkakaila ang taglay nitong ganda na kay sarap titigan. Ganitong-ganito rin ang unang beses ko siyang makita na nakahiga sa kama ng inupahan kong suite room sa hotel resort sa North Luzon.

Katatapos ko lang maligo nang may maaninag akong babae na nakahiga sa kama ko mula sa ilaw na nagmumula sa banyo. 

N

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status