Share

Kabanata 1

"Boom."

I muttered as I saw the car explode from a distance.

Lulan niyon ang isang makapangyarihang businessman na pinagtatrabahuhan ko bilang isang office clerk.

Nakarinig ako ng kaluskos mula sa earpice ko kasunod ang malinaw na boses ni Sammy.

"Done. Great job, Red." Sambit niya sa akin na ikina ngiti ko.

"You too, bitch. Great job!" Sambit ko habang nag lalakad paalis sa lugar kung saan natatanaw ko ang pag liliyab ng kotseng pinasabog ni Sammy.

Cool kong sinuot ang shades na hawak ko habang nag lalakad ng tila walang nangyari paalis. Narinig ko din ang pamilyar na harurot ng isang saksakyan na kalaunay tumigil din sa may tabi ko.

Nilingon ko iyon kasabay ng pag senyas sa akin ni Joaquin na sumakay na.

Prenteng naka upo naman si Sammy sa front seat habang naka ngiti ng malapad.

Napa ngiti din ako habang sumasakay doon.

Another job well done!

Well, it's Sammy after all. She's the best assassin our organization has. Besides, siya ang head assassin at si Joaquin ang founder ng Red Bullet organization— where you can get skilled spy and assassins for hire.

Matingkad ang pangalan ng organisasyon sa underground society pati na din sa business industries at politics. Kami ang gumagawa ng lahat ng madudungis na trabaho ng mga nasa legal na lupa. Kami ang anino nila.

"Time to close the deal with that perverted old pantaloon." Sambit ko kay Sammy habang prenteng naka upo sa passenger's seat.

He looked at me through the mirror and smiled.

"I guess you rejected a really great offer, Red." Litanya niya na nang aasar.

Rolled my eyes ang bit my lower lip. This bitch...

"Should I accept it and bring you to him?" Tanong ko naman sa kaniya na ikina tikom ng bibig niya.

Ngumiti siya sa akin sa salamin.

"Sorry." Sambit niya.

This bitch never really failed to irritate me. Palagi niya akong itinutulak na tanggapin ang offer ng mga kliyente ko na malaking pera para lang sa isang gabi ng serbisyo.

"I'm a spy, Sam. I'm not a prostitute." Sambit ko pa ng iritado na hindi naman niya sineseryoso.

"Yeah right. Kahit naman hindi matanda tinatanggihan mo. You may seem fierce but you're still an open book to me, Rhiej. I can see through you. Still hasn't get over that bulls--"

"Sammy."

Nagpanting ang tainga ko sa linyang iyon ni Sammy kaya't balak ko na siyang sigawan pero naunahan ako ng mapag bantang tinig ni Joaquin sa driver's seat.

Mabilis namang tumahimik si Sammy ng tumatawa.

"Oh, sorry cous. I forgot we're with a lover boy here." Sambit nito na nagpipigil ng tawa.

"Sammy, shut up!" Saway ko na dahil sa lakas nitong mang asar.

Nakaka inis si Sammy pero she's a good friend kaya't hindi ko magawang magalit sa kaniya maliban sa mainis at mairita. Napaka daldal kasi ng isang ito.

No one dared to speak after that. Tahimik nila akong ihinatid sa opisina ni Mr. Anderson para tapusin ang deal

Sa pag assassinate sa business partner ng kalaban niyang kumpanya.

Ngayong lagas na ang pinakang importanteng galamay ay mahihirapan na ang kompanyang iyon na bumangon. Katiyakan ng mas maluwang na daanan para sa kumpanya ng matandang ito na mamayagpag.

Nang matapos ang usapan at mai close ang deal ay mabilis kong nilisan ang lugar bago ko pa matapos ang buhay ng isang iyon. Nakaka irita. Napaka manyak!

***

I was currently enjoying the vibe of staying under the sun while lying comfortably on a tube, taking small sips from my orange juice when Joaquin showed up wearing a blue floral short. He's topless—probably trying to show his body to seduce me again.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay nanatili doon sa gitna ng pool habang lumulutang ang hinihigaan ko.

Nandito ako sa bahay ni Sammy. We're planning to stay for tonight since wala naman akong kasama sa condo ko.

Lumusong sa tubig si Joaquin at lumapit sa tube na sinasakyan ko. Hinubad ko naman ang sunglasses na suot ko saka siya tinignan.

Ngumiti siya sa akin ng malapad bago niya itinaob ang sinasakyan ko dahilan para mapa sigaw ako at mahulog sa tubig.

"Damn you asshole!" Sigaw ko sa kaniya ng naka simangot.

He burst out of laughter as he looked at my irritated face.

"You're still on your period? Grabe, dalawang taon na yan Rhiej." Sambit niya sa akin na ikinasama ko lalo ng tingin. "Oh, Red." Seryoso niyang bawi sa pag tawag sa akin sa pangalan ko.

"Rhiej is dead. I'm Red, Quin. Red." Sambit ko ng seryoso sa kaniya saka siya tinitigan.

Tinignan naman niya ako ng seryoso.

"Rhiej is hiding... Behind Red." Sambit niya sa akin ng walang emosyon.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

I hate to be called Rhiej. I am not Rhiej! Rhiej is dead! 2 years ago, she died, and Red was born.

Naiinis ako dahil sa mga sinasabi ngayon ni Joaquin. Ayokong pag usapan ito. Ito ang bagay na gusto ko nang ibaon sa limot.

"Rhiej is much better than Red. I like her smiling sweetly, doing her job at the coffee shop than being a spy. Innocence suits her." Sambit niya sa akin sa kaparehong tono.

Napa buntong hininga ako sa sinabi niya saka tumalikod.

"I'm no longer your coffee shop crew. I am now one of your most talented spies. Everything has changed. I am no longer the innocent and sweet Rhiej you used to cherish. Your kindness won't be forgotten though. Thanks." Turan ko bago umahon sa pool at kinuha ang robe na suot ko kanina na ipinatong ko sa may table.

Isinuot ko iyon dahil sa lantad kong balat. Naka suot lang ako ng two piece bikini na kulay pink. Hindi pa din ako kumportable na ganito ang suot sa harapan ni Joaquin.

He used to be my Boss, hanggang ngayon pa din naman. He's my real boss. But now, in a different field. We're offering a different service. Dati kasi ay isa akong coffee shop crew at siya ang owner. Ngayon, isa akong spy at siya ang founder ng organization.

Pumasok ako sa loob ng bahay ni Sammy at naabutan siyang nanonood ng tv sa sala. Umupo ako sa tabi niya ng walang emosyon.

Hindi siya lumingon pero pinuna niya ako.

"Seems like Joaquin failed again." Saad niya habang nililipat ang channel ng TV kahit di tumitingin sa akin.

"I knew it was your idea. Stop shipping me to your cousin. Hindi dapat maglandian sa trabaho. Ikaw na mismo ang nag sasabi sa mga assassins at spy natin, hindi ba?" Turan ko sa kaniya habang naka titig lang sa screen ng TV na kanina niya pa nililipat.

"You guys are different. Kapag naging kayo na, pwede na silang mag ligawan." Wika ni Sammy.

Napa kunot ang noo ko.

What the hell. Napaka walang kwenta.

Tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko na naka patong sa center table. Iniwan ko kasi iyon dito kanina dahil pinapake alaman ng magaling kong kaibigang si Sammy.

"Who's that?" Tanong niya na abala pa din sa pag lipat ng channel.

"Ewan ko." Sagot ko saka ko sinagot ang tawag.

"Hello, sino ito?" Bungad ko sa kabilang linya.

"I need to speak with Miss Raimundo of Red Bullet organization." Sagot ng isang boses na sa hinala ko ay pag mamay ari ng isang lalaking nasa late 20's ang edad

"This is Red Raimundo." Sagot ko naman.

"Oh." Sambit niya.

Napa tingin si Sammy sa akin kaya't umiling ako. Senyas na hindi ko pa alam kung sino ang kausap ko.

"Right, I am Eric Bermudez. Director of Zachi Car Company." Pag papakilala niya sa akin.

Napa taas ang kilay ko sa tinuran niya.

"So?" M*****a kong tanong.

Narinig ko ang pag tawa niya na parang close kami bago siya sumagot.

"I called for an important business. You are one of the best spies your organization has and I would like to work with you. Pwede ba tayong mag usap? I mean, personally." Saad niya sa akin ng confident.

Napa ngisi naman ako. Okay, let's see then. Gusto kong makita yung mukha niya kapag tinanggihan.

I am the laziest among all the spies our organization has. Mapili ako sa kliyente kaya hindi ako mabilis mapa oo sa isang deal.

"Tell me kung saan. I'll be there in ten minutes." Sambit ko saka pinatay ang tawag.

Tumingin ako kay Sammy na naka tingin na din sa akin ngayon. I shrugged and stood up.

"Need to meet another client that has to be rejected. Tinatamad pa ako sa panibagong trabaho." Sambit ko lang saka nag punta sa kuwarto niya para mag bihis.

Nag palit ako ng isang black na fitted dress at inilugay lang ang buhok ko. I put a red lipstick and some make up para mag mukhang presentable. Matapos iyon ay kinuha ko ang purse ko saka bumaba.

Nakita ko pa si Joaquin na kaka pasok lang at basa pa nang maka rating ako sa sala. Naka tingin siya sa akin at sa suot ko.

"Going somewhere?" Puna niya.

"Yeah. I'll be back before dinner." Sambit ko saka ngumiti sa kaniya at nag lakad paalis.

Wala naman na akong narinig sa kanilang dalawa dahil sanay na silang umaalis ako bigla bigla.

Binasa ko ang text message ng Director ng Zachi. Natawa ako dahil sa message na iyon.

My office, 16th floor, Zachi Company building.

Grabe, mas gusto ko na talagang i reject ang offer na ito. I expect na sa isang mamahaling restaurant niya ako kakausapin. Nagugutom na ako. Peste naman o!

Umiling lang ako saka lumapit sa kotse ni Sammy. Hihiramin ko na muna. Wala pa din akong sariling sasakyan e. Bago pa lang ako natututo mag drive. I hate driving kaya lang ay kailangan kong matutunan.

Pumunta ako sa Zachi at kagaya ng sinabi niya ay pinuntahan ko ang opisina ng Director.

As far as I know, anak siya ng CEO. Ano kayang pag uusapan namin? Anong dahilan at kailangan niya ang serbisyo ko?

"We're here ma'am." Sambit ng babaeng nag hatid sa akin.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti bago siya tulamikod at umalis.

I knocked three times before a girl opened the door for me. Pumasok ako sa loob ng walang emosyon. Fierce aura suits my outfit more. Saka, ayokong ngumiti sa hindi ko kilalang kliyente.

"Miss Raimundo." Bati ng Director sa akin.

Natitigan ko ang mukha niya nang tumigil ako sa harapan niya. I know him. I already met him before. Hindi ko lang alam kung saan eksakto.

"Belinda, iwan mo muna kami." Sambit niya sa babaeng nag bukas ng pintuan na agad nitong sinunod.

Bumaling siya sa akin saka ngumiti ng malapad at iginiya ako sa couch para umupo. Sumunod naman ako sa kaniya.

"So, anong gusto mong pag usapan?" Panimula ko dahil sa ayokong patagalin ang usapan.

Ngumiti muna siya saka ipinatong sa tuhod ang dalawang siko at ipinagsalikop ang dalawamg palad.

"Your usual job. I need your service." Sambit niya.

Napa irap ako dahil pinuputol putol pa niya. Naiinip ako so tinignan ko siya saka sana siya i rereject nang mag salita siya ulit.

"I need your excellency to give me the list of major shareholders and investors of FDA Motors. I need you to do the job. Name your price." Utas nito ng seryoso sa akin na ikina tigil ko.

FDA Motors? Nag papatawa ba to? He needs me to work on that company to spy. The last thing I would ever want is to be near that damn place and its people. No way!

"And your reason?" Tanong ko para maka hanap ng magandang rason para i decline ang deal na ito.

He sigh and then looked at me again.

"What else? To destroy the company. This is purely about business. I want to destroy the owner and the company for the sake of ours." Sambit niya.

Napa titig ako sa kaniya.

"5 million Pesos." Wala sa sarili kong utas.

"I can make it 10." Naka ngisi niyang saad sa akin na tila wala siyang pake alam sa presyo basta magawa lang ang gusto niya.

"Deal." Sambit ko saka ngumiti sa kaniya.

Ngumiti din siya saka nag lahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon saka tumayo at nag paalam.

He waved with a wide smile before I left him in his office.

Marahas kong naikuyumos ang kamao ko nang maka labas ako ng opisina.

What the hell am I doing!?

FDA Motors is the last company that I would ever want to enter. Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng tungkol sa kaniya. Ayoko nang kahit anong tungkol sa kaniya! Bakit ako pumayag? What am I thinking?

Nababaliw na ako.

Nasapo ko ang noo ko dahil sa mabilis na tibok ng puso ko. Nanunubig ang mga mata ko na tila bumabalik ang mahinang ako. Nagliliyab ang galit ko.

Zachi wants to destroy FDA and it's owner. Siguro ay iyon ang dahilan ng pag payag ko.

Gusto ko na siyang kalimutan pero ang isiping mawawsak siya at babagsak ang nagpapa silab muli sa galit  ko sa kaniya.

That's right. I will bring his downfall. I will burn his newly-built empire into ashes.

This time, he'll be the loser and not me.

Panahon na para pag bayarin ka sa lahat at palayain ang sarili ko mula sa lahat ng sakit.

Panahon na para bumagsak ka, Maximus Fontanilla.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status