Share

Kabanata 5

I roamed around some parts of the house and I can see how some of Max's men gave me glances.

Edi tumingin sila.

Napako ang tingin ko sa isang malaking larawan sa pader ng living room. A picture of three people. A guy who looks like Max at some angles. He looks like he's around 21-23 in age. He look as handsome as him pero mukhang mas nakakapanlinlang ang isang ito. Kumpara kasi kay Max na pagiging seryoso at malandi ang nakakaakit, sa kaniya ay ang isang tila matamis na ngiti. I am aware of who the guy is. He is Ace Fontanilla—Max's youngest brother. Legolas Fontanilla is his other sibling.

The picture Next to that young guy was a picture of a beautiful woman in her 40's. She looks so beautiful and elegant. Nakuha ni Max ang mga mata nito. Malamlam at tila isang nakabukas na bintana. Bukas na aklat; madaling basahin.

The next picture was his father, Damian. Max inherited his lips, nose, brows, and the shape of his face. Ang alam ko lang sa pamilya niya ay sila na lang ni Leo ang natitira. His mother died because of Leukemia and Ace died after saving Xena. It's funny to think that Max, Leo, and Ace loved one girl at the same time.

Sana all na lang talaga.

His father died with suicide. Wala akong alam bukod sa pagtanim niya ng bala sa sarili niyang bungo. Hindi ko inalam ang detalye sa pamilya niya. Ang inalam ko lang ay ang pagiral ng pangalang Fontanilla sa underground society. My life's got no room for unnecessary details about this bullshit Maximus. I only need details that can help to bring him down.

Pinutol ko ang tingin ko sa mga larawang iyon dahil sa nawawalan na ako ng gana sa pagiikot at pagmamasid. Wala naman akong ibang makuhang detalye na hindi ko pa alam sa mga sulok ng bahay na ito. Walang ano mang detalyeng makakatulong sa misyon ko kaya sa palagay ko ay mas makakabuti kung hindi ako aalis sa tabi niya.

I turn around and walked towards the grand staircase that leads to a long hallway. Sa dulo noon ay ang silid kung nasaan si Max. Marahil ay kaniyang opisina. Tinahak ko ang daan patungo roon at walang kagatol-gatol na binuksan ang pintuan ng hindi kumakatok. Nasanay ako kay Sammy at Joaquin na hindi na kumakatok kapag papasok. Siguro ay kailangan ko ng baguhin dahil sa isang matalim na tingin na ibinigay sa akin ni Max nang maantala siya sa pakikipag-usap sa telepono dahil sa pagpasok ko.

"Bullshit. I'll talk to you later," sambit niya sa kausap saka pinatayan ng telepono.

"Oops, sorry," ani ko saka binanat ang labi sa isang pilit na ngiti bago sana maglalakad patungo sa sofa para umupo nang magsalita siyang muli.

"What do you think you're doing, Rhiej?" tanong niya saka ako marahas na hinawakan sa braso matapos niyang lumapit sa akin.

Automatikong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit niyang boses at matatalim na tingin. Tinangka kong sumagot pero naitikom ko lang ulit ang bibig ko ng mapansin ang panginginig ng labi ko. I can kill a person and defend myself, pero sa mga klase lang iyon ng mga holdaper! I don't have the ability of an assassin to defend myself against a furious Maximus Fontanilla. Kinakabahan man ay pinilit kong itago iyon sa isang casual na ngiti.

"Ang boring kasi sa baba, wala akong maka-usap. Dito na lang muna ako ha?" pasimple kong wika habang nakangiti na parang isa lamang siyang normal na tao. I am treating him like how I treat Joaquin as a boss. Iyon lang kasi ang alam kong gawin kapag kinagagalitan ako ni Joaquin. Baka sakaling gumana.

Mariin niya akong tinitigan sa mata na tila hindi siya natutuwa sa ginawa at inaasta ko ngayon. May bahid ng inis kong binura ang ngiti ko sa labi saka siya tinignan ng seryoso. Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko.

"I got no time for this, Rhiej. I'm warning you," mahinahon man ay bakas ko ang kaseryosohan sa kaniyang pagbabanta.

Ngumisi ako sa kaniya. Does he think I came here just to get his attention? Of course not! I came here to eavesdrop and observe about him. His name. His empire. So that I can take him down.

"You know I am not an obedient bitch right? So, sorry." utas ko sa kaniya  saka inalis ang kamay niya sa braso ko at tumalikod para sana umupo na sa sofa pero marahas niya akong hinigit sa braso palapit sa kaniya.

It all happened so fast that I did not even manage to blink. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa baywang ko at ang paghapit niya sa akin palapit at ang pagdampi ng labi niya sa mga labi ko. My eyes widened with shock. Hindi ako nakapag react bagkus ay napaawang pa ang bibig ko sa sobrang gulat. His kiss was a bit harsh, tila isang nobyo na nagpipigil ng gigil sa nobyang matagal niyang hindi nakasama. Hindi ako makapag isip ng tama kahit pa inilakad niya na ako palapit sa desk niya. Nakuha ng atensyon ko ang  mabilis niyang pagkalas sa kaniyang sinturon gamit ang isang kamay. Sobrang bilis ng mga pangyayari na hindi ko na nakuhang magreact. Itinulak niya ako paupo sa swivel chair at mabilis na kinuha ang dalawang kamay ko at saka bumitaw siya sa labi ko.

I blinked multiple times as I watched him tie my both hands on the right armrest of the swivel chair. Oh my God, what is he doing!? Napakalakas ng kabog ng d****b ko. Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko ng matapos siya sa ginagawa. And that moment, I got my sanity back. Nagsink-in ang ginawa niya nang tumayo siya at tumalikod.

"That should do it. No need to thank me for the kiss," sambit niya saka ako nilingon at ngumiti nang makalapit siya sa pintuan.

Nalaglag ang panga ko. What was that? What did just happened?

Napatingin ako sa mga kamay kong nakatali gamit ang sinturon niya sa isang armrest ng upuan.

"What the hell, Max!" Sigaw ko nang mapag tanto na iniwanan niya akong nakatali sa swivel chair niya.

Nakita ko siyang lumabas ng pintuan na hindi manlang pinansin ang pagsigaw ko.

Piniglas ko ang mga kamay ko pero mahigpit ang pagkaka yapos ng belt sa mga bisig ko at sa armrest ng upuan. Nagawa pa niyang ipulupot ng ilang beses ang belt para masigurong hindi ko magagawang alisin ang pagkakalock ng sinturon.

What the fucking fuck!?

"Maxxx!!" malakas kong tili sa inis dahil sa ginawa niya.

Anong gagawin ko dito? Anong oras niya ako balak alisin dito? Tang ina, Maximus!

Marahas na pag-hinga ang pinapakawalan ko. Nagwawala ang puso ko at hindi iyon dahil sa galit sa pagtatali niya sa akin dito. I can still feel his lips against mine. That warm, red lips... I know it's crazy, after all the things that he'd done in my life. After all the damages that he had caused, I seem to miss him. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na alisin ang mga nasa isipan ko.

No! Hindi! Hindi ko siya na mi-miss!

Pinilit kong kalmahin ang puso kong nagwawala. I'm keeping my promise to him. I will never fall in love with Maximus ever again. I will keep my promise that I won't hurt myself by loving him again. I'm keeping it.

"Rain,"

I murmured as my mind started to contradict my heart. This stupid organ needs defeat right now. I won't let this stupid heart win. Never!

"I'll keep my promise," sabi ko sa sarili ko saka isinandal ang likod ko at pumikit na lamang.

This is not the time for this. I should not think about Rain right now. I should stay focused.

***

Hindi ko namalayan ang oras dahil nakatulog ako. I tried to stay awake hanggang sa dumating si Max pero ang demonyong iyon ay hindi dumating kahit ilang oras na ang lumipas. Naramdaman ko ang pag galaw na tila nasa isa akong sasakyan kaya't agad na na alerto ang buong sistema ko sa mga posibilidad. Napabalikwas ako at mabilis na iginala ang mga mata.

I realized I was in his car. Hindi ko na namalayan na inalis niya ako sa upuang iyon at isinakay niya ako dito. Nakakainis. Hindi ko talaga alam kung paano maaalerto ang sarili kapag natutulog. Si Sammy naman ay kahit mahinang kaluskos sa mahimbing niyang tulog ay nagigising. Instincts yata talaga ng assassin.

"I did not expect that a simple kiss could be that powerful. It took you away to dreamland," litanya ni Max habang nakangising nag d-drive.

That smile. I want it gone.

Hindi ko siya tinignan bagkus ay ngumiti habang nakatingin ng mariin sa labas.

"Nah, I'm already over you. Masyado ka lang nagandahan sa akin, Max," sagot ko sa kaniya na pinapantayan ang kayabangan niya.

Nilingon ko siya at nakita ang isang ngiti sa labi niyang mapupula. Hindi ko maiwasang mapuna kaya't umiwas ako agad ng tingin.

"Pretty or not, girls for me is nothing more than just for self-satisfaction," sambit niya ng seryoso.

Ngumiti na lang ako sa kaniya. Ayoko nang makipag-usap. Nagsisimula nang dumilim. Gusto ko nang makauwi. Dahil sa ginawa niya kanina at ang naging epekto nito sa akin, mas makaka buti siguro na limitahan ko ang sarili ko sa kaniya. Mapapabagsak ko siya ng hindi nagmamadali.

I will talk to Eric tonight about my working hours every day, so I can have a few hours in a day without Max around. I need to get used to his presence. Ayoko ng kahit anong klase ng nararamdaman ko para sa kaniya na bumalik. Kailangan kong ingatan ang sarili ko. I fell for him before kahit na ganiyan siya. Hindi malabong mangyari iyon ulit kung hindi ko poprotektahan ang sarili ko.

"I'll drive you home, where do you live?" tanong ni Max na nakapagputol sa mga iniisip ko.

"Just drop me at the company," sagot ko naman sa kaniya.

Hindi na siya sumagot kaya't hinugot ko ang phone ko saka itinext si Sammy na sunduin ako.

Ayokong may malaman si Max tungkol sa akin. Ayoko ng kahit anong klase ng pagkatalo ngayon. Isang matibay na pader si Max kaya't ang malaman niya ang tungkol sa akin ay katiyakan ng kamatayan ko.

Ang Red Bullet ang gumagawa ng paraan para hindi lumabas ang pagkakakilanlan ko. Ito ang dahilan kung bakit kailangan munang aprubahan ni Joaquin ang bawat deals ko bago ako magtrabaho dahil sa maging ang taong kinakailangan ang serbisyo ko ay hindi ako nakikilala. Maliban na lang sa iba na bumuo ng kasunduan kay Boss.

Sandali din ang itinagal ng biyahe hanggang sa makarating kami sa tapat ng Company building.

"I believe my working hours for today are over, kung may ipapagawa ka ay tumawag ka na lang," malamig kong sabi bago kinalas ang seat belt.

I saw the familiar white Mercedes a few meters away. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pigura ni Joaquin na nakasandal sa gilid noon at nakatingin sa gawi ko. Napangiti ako. Hindi niya talaga ako matitiis. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa at nakangiti na yumakap sa kaniya. Gosh, akala ko talaga hindi na niya ako kakausapin for good. Ilang araw niya akong hindi kinausap at pinansin.

"I thought you're still mad," wika kohabang nakayakap sa leeg niya dahil sa sobrang tuwa. Bahagya siyang nakayuko dahil sa height difference naming dalawa.

I heard Joaquin laughed sarcastically pero alam kong hindi na siya galit dahil siya ang sumundo sa akin at hindi si Sammy.

"Who said I already forgot your stupidity?" tugon naman niya.

Kumalas ako sa kaniya saka siya hinarap. Mabilis kaming napalingon nang marinig kong sumara ang pintuan ng kotse ni Max. I almost forgot he's with me. He did not bother to look at me and walked towards the building instead with his cold and serious look. Hindi ko na siya pinansin bagkus ay binalingan si Joaquin. Nakatingin siya kay Max ng matalim kahit pa hindi siya nito nakikita. Minabuti kong kuhanin ang atensyin niya.

"Ihatid mo na ako, ipagluluto kita," ani ko habang matamis na nakangiti para putulin ang matalim niyang mga matang nakabaon kay Max na papasok na ngayon sa building.

This is how I treat him kapag humihingi ako ng sorry. Mas mabilis niya akong napapatawad. I know how mad he is when I accepted the deal with Zachi without his permission. He deserves this kind of suyo.

"I'm still against the Idea, Rheij, ..." makahulugan niyang saad.

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Mukhang hindi gagana ang ganitong panunuyo sa kaniya. Hindi sa pagkakataong ito.

"Quin, you know how much I want to destroy him right?" seryoso kong sambit sa kaniya at umiwas ng tingin.

"Yes, because of Ra--"

"Stop!! Wag mo na siyang banggitin. Please, Joaquin. Just this once. Magtiwala ka sa desisyon ko,"

Nag martsa ako papunta sa passenger's seat. Gusto ko sanang sa front umupo pero ayokong kausapin si Joaquin ngayon dahil sa sinubukan niyang banggitin ang bagay na ayokong marinig. Agad din niyang inokupa ang driver's seat saka binuhay ang makina.

"I still don't want you around him, Rhiej. I will find ways to bring him down immediately so you don't need to be around that Fontanilla anymore," saad niya ng pinal at may pagbabanta bago pinaandar ang sasakyan.

Hindi na ako umimik. Ayokong makipag talo kay Joaquin. Ayokong pasamain ang loob niya. He and Sammy were the only things that I got now. I love them both, so I will try my best to seek the easiest way to bring Max down.

I swear.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status