Share

Kabanata 7

Present Day

"Be with him for the shortest time possible or be with him during the entire day, I don't mind, really. As long as nagagawa mo ang mga kailangan mong gawin, I'm okay with that." Casual na turan ni Eric sa akin habang nilalaro sa pagitan ng mga daliri niya ang mga bulaklak na nasa harapan niya.

Naka arrange iyon ng maayos sa isang vase sa gitna ng lamesang namamagitan sa aming dalawa.

Eric looked at me under his lashes and flashed an evil grin. I can't help but to stare at him. It's not because he's good-looking or because I like him. He's good looking—yes—but that's not the case. He looks super familiar.

"Then...good! Iyon lang ang gusto kong sabihin." Saad ko saka tumayo at kinuha ang purse kong naka patong sa lamesa saka tumalikod.

Hindi pa ako nakaka hakbang ng pangatlo nang bumalik ako sa kaniya. "And also, please don't call me when I'm at work, unless you want this 'FDA DOWNFALL MISION' to fail." Dagdag ko bago ngumiti at umalis.

It's kinda frustrating kapag may isang taong inaapura ka sa mga dapat mong gawin.

I headed outside Zachi and go straight to Max's Company dahil paniguradong kailangan niya ako ngayon dahil kinansela niya lang naman ang mga meetings niya kahapon. I already handed Eric some details that I already obtained pero kakaunti pa lang iyon.

Mga infos about his meetings and financial report of the company pati na din ang listahan ng mga shareholders. Wala pa akong nalalaman tungkol sa mas malalalim na detalye tungkol sa mga shareholders ng kumpanya. Kailangan ko pang alamin.

I walked along the familiar hallway towards his office. I have to remind him of all the things he need to do and prepare for today. Kailangan kong magpaka secretarya para maging isang magaling na spy.

I entered his office without knocking—again. I really have to get rid of this habit.

Nakuha ko ang atensyon niyang abalang nagbabasa ng mga papeles sa ibabaw ng lamesa niya. Hindi iyon nag tagal at bumalik din sa ginagawa niya.

"Sorry, I had to do something urgent." Sambit ko kahit na alam kong hindi niya tinatanong.

"Just give me the schedule of my meetings today, do your job and go home to your husband. That's all you have to do." Sambit nito ng hindi nag aangat ng tingin.

Husband? Is he talking about Joaquin?

"You mean, Joaquin?" Tanong ko sa kaniya.

Nag angat siya ng isang blankong tingin sa akin.

"Joaquin?" Utas niya sa akin ng seryoso.

Hindi ko alam kung anong dahilan pero biglang sumama ang pakiramdam ko sa pag banggit sa pangalan ni Joaquin sa harapan ni Max.

He probably knew about the only one Joaquin and that is the Joaquin I am reffering to—The founder of Red Bullet Organization. Hindi niya dapat malaman na konektado ako sa Red Bullet.

"Yeah. Hindi ko siya asawa. And what's with his name?" Pa inosente kong tanong sa kaniya.

Bahagya niya lang tinagilid ang ulo niya saka muling nag salita.

"Nothing, I just think the name sounds familiar." Sagot niya saka binitawan ang mga papeles at tumayo.

Umirap ako sa kaniya. Good thing, mukhang hindi niya kilala si Joaquin dahil hindi ganoon ka laki ang pangalan ng Red Bullet sa underground dahil madaming mas malalakas na pangalan kesa sa organisasyon na kinabibilangan ko.

Tanging ang mga kumpanyang kagaya lang ng Zachi ang nakaka kilala sa organisasyon dahil sa kami ang pag asa ng mga sakim sa perang negosyante na umangat ang negosyo nila sa pag papabagsak sa mga kalabang kumpanya.

Hindi kami sa underground society madalas na gumagawa ng ingay. We preffer the real world more for we can be known and much more powerful here.

"Maraming mga taong may kaparehas ng pangalan, Max." Sambit ko saka lumapit sa kaniya para i-abot ang  schedule ng meetings niya ngayon.

Kinuha niya ang itim niyang pang ibabaw sa puting long sleeve saka iyon isinuot sa harapan ko ng hindi ako tinitignan.

Naka bukas ang butones niya sa may d****b at naka kalas ang neck tie. Wala talaga siyang pake alam. Mukha na sana siyang isang propesyunal pero dahil sa pananamit niya ay nag mumukha siyang isang badboy na anak mayaman kaysa isang taong nag mamayari ng isang kumpanya.

"Exactly." Saad niya saka sana ako lalagpasan nang humarang ako sa harapan niya.

Naiiling ko siyang tinignan na ginantihan naman niya ng isang blankong tingin.

Hinigit ko ang neck tie niyang naka sabit lang sa leeg niya saka inayos ang panloob niyang puting long sleeve. Sunod kong inilagay ang neck tie at ini ayos iyon.

Napa tigil ako sandali sa ginagawa ko dahil sa isang bagay na dumaan sa utak ko. Mabilis kong itinapos ang pag aayos sa pananamit ni Max bago humakbang patalikod at tumingin sa kaniya.

"You're the CEO, Max. You need to look decent." Saad ko ng walang emosyon.

Tinitigan niya ako sandali. Marahil ay dahil sa parehas kami ng iniisip—naaalala.

"I am the CEO, I can look decent and indecent whenever I like." Sambit niya sa akin ng walang emosyon bago ako nilagpasan.

Nanatili muna akong naka tayo doon hanggang sa marinig ko ang pag bukas at sara ng pintuan.

I think Max really do changed after all. He became more cold and harsh towards me. I guess he never really liked me even a bit. Napa tawa na lang ako ng pagak sa naiisip ko.

Noon at ngayon, tanggap kong wala lang ako sa kaniya. He used to be like that even before. He never really treated me more than a nobody.

Nilingon ko ang pintuan na nilabasan ni Max saka itinaboy ang mga iniisip ko. Sige lang, Max. Soon, I'll break your pride.

Nag simula na akong mag lakad para sundan si Max papunta sa meeting nito ngayong araw. I need to be there. I need to learn more. I need him to fall. Real hard.

***

"The new car model that we recently launched has been very popular here in Asia, so I suggest for it to be endorsed in the US and Europe."

Hindi ko napag tutuunan nang pansin ang nag sasalita dahil sa abala akong nag mamasid kay Max na seryosong nakikinig sa taong nag sasalita sa unahan ng mahabang pabilog na lamesa. Nandito ang lahat ng board members na isa isa ko nang kinikilala sa ngayon.

"How will it be possible? I'm sure you're thinking about paying a huge name just to Endorse our model. That won't be possible. Comparing USD and PHP, malaking pera ang kailangan nating itaya!" Tanong ng isang board member na tila hindi bibilib sa suhestiyon ng nagsasalita.

"Yes, because this is business, Sir. Kailangan nating mamuhunan. Kung makikipag kasundo tayo sa isang hollywood celebrity o isang sikat na personalidad sa US at Europe, malaki ang chance na mas mag boom ang sales. It will all be worth it." Sagot naman ng lalaki.

Tumawa ng pagak ang board member saka ibinato ang folder na nag lalaman ng mga detalye ng proposal sa lalaki.

"Estupido! Gaano kalaki ang porsyentong sinasabi mo? 50%?" Galit nitong sambit sa lalaki.

Tila nag simulang ma pressure ang lalaking nasa unahan kaya't bawas ang kumpyansa niyang sumagot.

"It's 60%, sir. Mas malaki sa posibilidad na mag flop a--"

"Kahit na, do you think that 40% is imposible to dominate? We cannot take risk for higher sales right now! Hindi dapat masunod ang katangahan mo!" Sigaw nito na galit na galit sa lalaki.

Nakita ko ang pag hilot ni Max sa kaniyang sintido.

"This is the reason why I preffer underground business more than this bullshit legal stuffs. I can't just blow someone's head off." Bulong niya sa sarili habang hinihimas ang kaniyang nose bridge.

Tumayo si Max saka dere detetsong lumabas ng silid na tila walang mga tao doon. Anong klaseng CEO ito? Basta na lang siya umalis at hindi manlang nagpa alam o tinapos ang meeting!

Napa tingin sa akin ang lahat ng board members dahil sa pag alis ni Max at kapwa sila lahat napa buntong hininga sa ginawa nito.

Napa iling na lang ako, saka sinundan si Max palabas.

Tinahak niya ang elevator kaya't sumunod ako. Tinignan niya ang kaniyang relo senyales na may susunod pa siyang meeting na kailangang puntahan.

Chineck ko ang schedule niya at nakitang may appointment siya with Mr. Castalejo within 15 minutes.

Sinabayan ko siya sa pag sakay sa elevator.

"Your appointment with Mr. Castalejo will start within 15 minutes. I already informed him to proceed to your office just like what you said." Sambit ko sa kaniya habang ini-scan ang iba pa niyang schedule ngayong araw.

"Schedule a meeting again with the board members tomorrow at 9:00 AM, and bring two cups of coffee to my office." Kalmado niyang sabi habang naka tutok sa phone niya na tila may chine-check saka iyon ulit isinilid sa bulsa.

"Okay, Sir. I'll bring your coffee." Sambit ko sa kaniya habang isinasara ang folder ng kaniyang schedule.

Nang maka rating sa top floor ay bumaba siyang mag isa dahil kailangan kong bumalik sa baba para kumuha ng kape. Napaka galing, sa top floor ang office niya pero mag titimpla ako ng kape sa ground floor.

Nang maka baba ay agad akong nag asikaso ng kape nilang dalawa ni Mr. Castalejo.

Ayon sa napag alaman ko, si Mr. Castalejo ay isang owner ng maliit na kumpanyang malapit nang lumubog. Para maisalba ang kumpanyang binuo niya ay gusto niyang ibenta ang kalahati ng shares niya doon kay Mr. Jaranilla para maging isang bahagi ng Jaranilla Group. Si Max ang isa sa mga daan na pwedeng tahakin ni Mr. Castalejo para magawa iyon dahil sa relasyon ng FDA sa Jaranilla Group.

Natapos akong mag timpla at kailangan ko na lamang i akyat sa office ni Max ang dalawang tasa ng kape nang may maka kuha ng atensyon ko.

I saw a familiar man wearing an office clerk uniform. Hindi naka ligtas sa paningin ko ang pag obserba niya sa paligid at pag sunod niya sa isang lalaking papunta sa may elevator.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapag sino ko ang lalaking iyon.

Lumapit siya sa isang lalaking nasa late 30's ang edad at saka iyon dinikitan. Kitang kita ko ang pag tusok niya ng isang bagay sa lalaki bago siya pasimpleng tumalikod at mabilis na naglakad papalabas.

Ang lalaking nilapitan niya ay si Mr. Castalejo. Hindi ko na napag masdan ang nangyari sa kaniya dahil sa automatikong pag baba ko ng hawak kong tray na may dalawang tasa ng kape saka sumunod sa lalaking nakita ko.

He's  a Red Bullet assassin! Hindi ako maaaring magka mali! Anong ginagawa niya dito? Anong pakay niya kay Mr. Castalejo?

Nakita ko siyang lumabas ng gusali ng walang ka hirap hirap saka umalis sakay ng isang motorsiklo.

Mas lumakas ang kabog ng d****b ko sa naiisip ko. Is Eric the one behind this? Anong meron bakit pati si Mr. Castalejo na wala namang kakayahan para i angat ang FDA? Lalo't Jaranilla Group ang pakay niya kay Max?

Ano eksakto ang iniisip ng isang iyon? Saka, ang alam ko ay ako lang ang tauhan niya mula sa Red Bullet. Kailangan ko munang siguraduhin.

Nakuha ang atensyon ko nang mag simulang magka gulo sa loob. Marahil ay dahil iyon kay Mr. Castalejo.

Muli akong bumalik sa loob at nakitang binubuhat na si Mr. Castalejo ng mga guards at may mga tumawag na ng ambulansya.

He got no blood. Anong klaseng pagkapahamak ang ibinigay sa kaniya?

Lumagpas sa akin ang walang malay na katawan ni Mr. Castalejo na sinundan ko ng tingin.

Naguguluhan ako. Anong nangyayari? Wala ito sa plano. Kung ang Zachi ba o hindi ang nasa likod nito, kailangan kong alamin. May malalim na dahilan siguro ang bagay na ito.

Napa lingon na lang ako saka nag tungo sa opisina ni Max.

Sinalubong niya ako ng isang kunot na noo. Marahil ay nag tataka kung bakit ang tagal ko at bakit wala ang kape na ini utos niya. Marahil ay naiinis din siya kung bakit wala pa ang taong inaantay niya.

"Mr. Castalejo was taken to the hospital. He collapsed on his way here." Sambit ko sa kaniya ng walang emosyon bilang paliwanag sa pag dating ng huli at walang dalang kape.

"What?" Sambit niya na tila hindi naniniwala sa tinuran ko.

"I saw him fell down even before he got into the elevator. Let's wait for updates. I don't know what happened." Saad ko habang naka tingin ng deretso sa kaniya.

Naihilamos niya ang palad niya sa kaniyang mukha. Sandali pa ay tumunog ang kaniyang phone na agad niyang sinagot.

"Hello." Bungad niya.

Sandali siyang natahimik at biglang dumilim ang kaniyang mga mata. Tila hindi maganda ang naging dahilan ng tawag na iyon.

I watched him as he turn his back and stared outside the glass wall of his office that offers a stunning view of the city.

I saw him smirked sarcastically as he listened intently with the person on the other line.

"He died." Sambit niya saka tumawa ng mahina at pagak. Sandali siyang tumahimik at nakinig sa kausap. "Okay." Sambit niya saka ibinaba ang phone niya.

Humarap siya sa akin saka ngumiti na tila wala lang ang lahat.

I know who just died. I know who's the person that they are reffering to and I think, I know who's behind it. But I don't know why yet.

I looked at Max and examined his expression. It seems like Mr. Castalejo's death bothers him.

There must be a reason for this. I have to know.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status