Share

Kabanata 7

Present Day

"Be with him for the shortest time possible or be with him during the entire day. I don't mind, really. As long as nagagawa mo ang mga kailangan mong gawin, I'm okay with that," kaswal na turan ni Eric habang nilalaro sa pagitan ng mga daliri niya ang mga bulaklak na nasa harapan niya. Nakaarrange iyon ng maayos sa isang vase sa gitna ng lamesang namamagitan sa aming dalawa.

Eric looked at me under his lashes and flashed an evil grin. I can't help but to stare at him. It's not because he's good-looking or because I like him. He's good looking, yes! But that's not the case. He looks super familiar...

"Then, good! Iyon lang ang gusto kong sabihin,"

Agad akong tumayo dahil iyon lang naman ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa kaniya. Dinampot ko ang purse kong nakapatong sa mesa at walang pagaabalang bigyan siya ng tingin na tumalikod para umalis. Pero, hindi pa man ako nakakahakbang ng pangatlo ay bumalik ako sa kaniya.

"By the way, please don't call me when I'm at work, unless you want this 'FDA DOWNFALL MISION' to fail," dagdag ko bago ngumiti at tuluyang umalis.

It's kinda frustrating kapag may isang taong inaapura ka sa mga dapat mong gawin, at sobrang hindi ako okay sa mga taong ganoon. I am working on thetask and Eric has to understand that I need time to accomplish it.

I headed outside Zachi to go straight to Max's Company dahil paniguradong kailangan niya ako ngayon dahil kinansela niya lang naman ang mga meetings niya kahapon. I already handed Eric some details that I already obtained pero kakaunti pa lang iyon. Mostly, informations about his meetings and the financial report of the company pati na rin ang listahan ng mga shareholders. Wala pa akong nalalaman tungkol sa mas malalalim na detalye tungkol sa mga shareholders ng kumpanya, at iyon ang bagay na kailangan ko pang alamin.

I walked along the familiar hallway towards Max's office. I have to remind him of all the things he need to do and prepare for today. Kailangan kong magpaka-secretarya para maging isang magaling na spy. At kasing laki ng pagnanasa kong magawa ng maayos ang trabaho ko ay ang pagbagsak niya at ng lahat ng meron siya.

I entered his office without knocking—again. Ugh! I really have to get rid of this habit.

Nakuha ko ang atensyon niyang abalang nagbabasa ng mga papeles sa ibabaw ng lamesa niya na hindi rin naman nagtagal at bumalik din sa ginagawa niya.

"Sorry, I had to do something urgent," sambit ko kahit na alam kong hindi niya tinatanong.

"Just give me the schedule of my meetings today. Do your job and go home to your husband. That's all you have to do," sagot nito ng hindi nagaangat ng tingin.

Husband?

Sandali akong napaisip sa tinuran niya at ang tanging pinakamalapit na detalye lang na pumasok sa isip ko ay si Boss.

"You mean, Joaquin?" nagaalangan kong tanong habang iniisip ng mabuti kung sino ang tinutukoy niyang "asawa ko".

Nagangat si Max ng isang blankong tingin sa akin na nanatili sa loob ng tatlong segundo bago siya nagkibit balikat.

"I don't know. Isn't that guy your husband?"

"Hindi pa ako kailanman ikinakasal, Max. Wala akong asawa,"

Muli lang ssiyang nagkibit balikat bago muling bumaling sa ginagawa niya. Napaismid lang ako at napairap bago nagsimulang maglakad patungo sa table niya para iabot ang schedule ng meetings niya. Pero napatigil ako nang maulinigan ang mahina niiyang saad sa sarili nang ipatong ko sa may gilid ng desk niya ang schedule.

"Hmm. Looking into it could be a waste of time. Shoul I?"

Automatikong nagharumintado ang puso ko sa naulinigan ko at napatingin sa kaniya na animo'y wala siyang ibinulong sa hangin at inosente lang na nagbabasa. Inilipat niya ang isang page at seryosong tinignan ang laman noon habang nilalato sa pagitan ng mga daliri niya ang ballpen.

"Look into what?" wala sa sarili ko namang naitanong na nagpabaling ng tingin ni Max sa akin.

"Huh?" inosente niyang tanong  habang nakatingin ng diretso sa mukha ko.

"You talked about looking into something. Are you planning on to digging about my life?" may bahid ng iritasyon kong tanong na siya namang nakapagpalabas ng kaniyang mapangasar at nakakalokong ngiti. Ilang sandali niya akong tyinitigan habang suot ang ngiting iyon bago sinabing,

"I'm talking about this proposal from CXZ Tours," tapos ay iniangat niya ang kamay niyang mayhawak ng binabasa niya at tumawa. "Iniisip mo bang interesado ako sa buhay mo?"

Hindi ako agad nakaimik agad. Kahit na walang nakarinig o nakakita ay pakiramdam ko'y sobrang napahiya ako sa kaniya. Hilaw akong ngumiti at tumawa sabay hakbang patalikod at sabing,

"A-ah. G-ganun ba. Pasensya na,"

Napakamot ako sa ulo ko at napakagat sa labi ko. Ano ba namang katangahan 'to, Rhiej?

Bumalik ang blankong mukha ni Max saka walang pagiingat na ibinagsak sa desk niya ang hawak na proposal at ngumisi sa akin. Tumayo siya at kinuha ang suit jacket niyang nakasabit sa may gilid. Tumigil siya sandali sa harapan ko.

"Kung ano man ang nangyari sa atin sa nakaraan, mas makabubuti kung itatapon mo na dahil kung aalalahaninn mo ang mga pangyayaring hindi ko na halos matandaan ang detalye, makakasama lang iyon sa trabaho mo,"

Sinnuot niya sa harapan ko ang suit jacket bago siya nagsimulang maglakad paalis pero kinapitan ko ang maggas ng suot niyang suit para pigilan siyang umalis. Buntong hininga ko siyang hinarap dahil sa kahihiyan pero minabuti kong kalimutan na lang iyon kaagad bago siya hinarap.

"Bakit?" tanong niya habang nakatingin sa akin na kunot ang noo.

Sandali kong tinitigan ang hitsura ni Max at napatungo ako bago siya binitawan at hinarap ng maayoos. Humakbang ako palapit sa kaniya na alam kong ipinagtaka niya kaya napairap na lang ako bago inayos ang butones niyang nakabukas at ang neckti niyang hindi nakaayos.

"Ikaw ang CEO ng FDA. Kailangan mong magmukhang presentable sa lahat ng oras," sabi ko bago humakbang patalikod nang matapos kong ayusin ang suot niya.

Nagiwas siya ng tingin at umismid. Ang kanina'y nakakaloko niyang ngiti ay napalitan ng isang tiila inis na ngisi bago ako tinignan ng malamig.

"Mali. Ako ang CEO. Magmumukha akong disente at hindi kahit kailan ko gustuhin," turan niya bago tumalikod at umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin.

I was wrong. Max changed. He became colder, and more dinstant. Ano pa abang ipagtataka ko kung hindi naman ako kahit kailan naging parte ng buhay niya? Sino ba naman si Rhiej na isa lang hamak na coffee shop crew n anagkagusto sa prinsipe ng underground society?

Gayun pa man, nakahinga ako ng maluwag na hindi ako ang tinutukoy niya kanina. Kung sususugin niya ang buhay ko at si Joaquin, malalaman niya ang pagkatao ko at kung anoang dahailan kung bakit ko pinasok ang kumpanya niya. Masuwerte ako na hindi niya ganoon ka kilala si Joaquin at ang organisasyon dahil sa hindi kami sa malalaking pangalan sa underground society popular.

Mukhang kailangan kong magdoble ingat kay Max. Hindi niya rin dapat maklaman ang tungkol kay Boss at kay Sammy dahil panigurado ay gagamitin niya sila laban sa akin pagdating ng panahon.

Nagbuntong hininga ako bago siya sinundan sa paglabas ng opisina.

***

"The new car model that we recently launched has been very popular here in Asia, so I suggest for it to be endorsed in the US and Europe,"

Hindi ko napagtutuunan ng pansin ang nagsasalita dahil sa abala akong nagmamasid kay Max na seryosong nakikinig sa taong nagsasalita sa unahan ng mahabang pabilog na lamesa. Nandito ang lahat ng boardmembers na isa-isa ko nang kinikilala sa ngayon.

"How will it be possible? I'm sure you're thinking about paying a huge name just to endorse our model. That won't be possible. Comparing USD and PHP, malaking pera ang kailangan nating itaya!" sigaw ng isang boardmember na tila hindi bilib sa suhestiyon ng nagsasalita.

"Yes, because this is business, Sir. Kailangan nating mamuhunan. Kung makikipagkasundo tayo sa isang hollywood celebrity o isang sikat na personalidad sa US at Europe, malaki ang chance na mas magboom ang sales. It will all be worth it," sagot naman ng lalaki.

Tumawa ng pagak ang boardmember saka ibinato ang folder na naglalaman ng mga detalye ng proposal sa lalaki. Nagkalat ang mga papel sa sahig at nagsimulang kabahan ang presentor nang sumigaw ang boardmember.

"Estupido! Gaano kalaki ang porsyentong sinasabi mo? 50%?" galit nitong tanong.

mas lalong napressure ang lalaking nasa unahan kaya't bawas ang kumpyansa niyang sumagot na hindi magawang tignan ng diretso ang mga nasa silid.

"It's 60%, sir. Mas malaki sa posibilidad na mag flop a--"

"Kahit na! Do you think that 40% is imposible to dominate? We cannot take risk for higher sales right now! Hindi dapat masunod ang katangahan mo!"

The idea is not that bad, pero I had to agree na hindi isang matalinongdesisyon ang pagsugal sa ideya na iyon s angayon, lalo't ang pag flop ay pwedeng pumilay sa FDA ng sobra. Napalingon ako kay Max at nakita ko ang paghilot niya sa kaniyang sintido.

"This is the reason why I preffer underground business more than these bullshit legal stuff. I can't just blow someone's head off," bulong niya sa sarili habang hinihimas ang kaniyang nose bridge. Tumayo si Max saka dere-detetsong lumabas ng silid na tila walang mga tao roon. Anong klaseng CEO ito? Basta na lang siya umalis at hindi manlang nagpaalam o tinapos ang meeting!

Napatingin sa akin ang lahat ng board members dahil sa pagalis ni Max at kapwa sila lahat napabuntong hininga sa ginawa nito. Napailing na lang ako, saka sinundan si Max palabas. Tinahak niya ang elevator kaya't sumunod ako. Tinignan niya ang kaniyang relo, senyales na may susunod pa siyang meeting na kailangang puntahan. Chineck ko ang schedule niya at nakitang may appointment siya with Mr. Castalejo within 15 minutes.

Sinabayan ko siya sa pagsakay sa elevator.

"Your appointment with Mr. Castalejo will start within 15 minutes. I already informed him to proceed to your office just like what you said," ulatko sa kaniya habang ini-scan ang iba pa niyang schedule ngayong araw.

"Schedule a meeting again with the board members tomorrow at 9:00 AM, and bring two cups of coffee to my office," kalmado niyang sabi habang nakatutok sa phone niya na tila may chine-check saka iyon ulit isinilid sa bulsa.

"Okay, Sir," tugon ko habang isinasara ang folder ng kaniyang schedule.

Nang makarating sa top floor ay bumaba siyang magisa dahil kailangan kong bumalik sa baba para kumuha ng kape. Napakagaling! Sa top floor ang office niya pero magtitimpla ako ng kape sa ground floor dahil ayaw niya na may mga anek anek sa opisina niya kagaya ng coffee maker at water dispenser. Napakaarte.

Nang makababa ay agad akong nagasikaso ng kape nilang dalawa ni Mr. Castalejo. Ayon sa napagalaman ko, si Mr. Castalejo ay isang owner ng maliit na kumpanyang malapit nang lumubog. Para maisalba ang kumpanyang binuo niya ay gusto niyang ibenta ang kalahati ng shares niya doon kay Mr. Jaranilla para maging isang bahagi ng Jaranilla Group. Si Max ang isa sa mga daan na pwedeng tahakin ni Mr. Castalejo para magawa iyon dahil sa relasyon ng FDA sa Jaranilla Group. Bukod doon ay interesado si Max sa kumpanya niya at pinagiisipan nitong mag-invest kung maganda ang magiging takbo ng usapan nila ni Mr. Castalejo.

Natapos akong magtimpla at kailangan ko na lamang iakyat sa office ni Max ang dalawang tasa ng kape nang may makakuha ng atensyon ko. I saw a familiar man wearing an office clerk uniform. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagobserba niya sa paligid at pagsunod niya sa isang lalaking papunta sa may elevator at bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagsino ko ang lalaking iyon.

Lumapit siya sa isang lalaking nasa late 30's ang edad at saka iyon dinikitan. Kitang-kita ko ang pagtusok niya ng isang bagay sa lalaki bago siya pasimpleng tumalikod at mabilis na naglakad papalabas. Ang lalaking nilapitan niya ay si Mr. Castalejo. Hindi ko na napagmasdan ang nangyari sa kaniya dahil sa automatikong pagbaba ko ng hawak kong tray na may dalawang tasa ng kape saka sumunod sa lalaking nakita ko.

He's  a Red Bullet assassin! Hindi ako maaaring magkamali! Anong ginagawa niya rito? Anong pakay niya kay Mr. Castalejo?

Nakita ko siyang lumabas ng gusali ng walang kahirap-hirap saka umalis sakay ng isang motorsiklo. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko sa naiisip ko. Is Eric the one behind this? Anong meron at bakit pati si Mr. Castalejo na wala namang kakayahan para iangat ang FDA lalo't Jaranilla Group ang pakay niya kay Max? Ano eksakto ang iniisip ng isang iyon? Saka, ang alam ko ay ako lang ang tauhan niya mula sa Red Bullet?

Nakuha ang atensyon ko nang magsimulang magka gulo sa loob. Marahil ay dahil iyon kay Mr. Castalejo. Muli akong bumalik sa loob at nakitang binubuhat na si Mr. Castalejo ng mga guards at may mga tumawag na ng ambulansya. He got no blood. Anong klaseng pagkapahamak ang ibinigay sa kaniya?

Lumagpas sa akin ang walang malay na katawan ni Mr. Castalejo na sinundan ko ng tingin. Naguguluhan ako. Anong nangyayari? Wala ito sa plano. Kung ang Zachi ba o hindi ang nasa likod nito, kailangan kong alamin. May malalim na dahilan siguro ang bagay na ito.

Napalingon na lang ako saka nagtungo sa opisina ni Max. Sinalubong niya ako ng isang kunot na noo. Marahil ay nagtataka kung bakit ang tagal ko at bakit wala ang kape na ini utos niya. Marahil ay naiinis din siya kung bakit wala pa ang taong inaantay niya.

"Isinugod si Mr. Castalejo sa ospital. Nawalan siya ng malay," sambit ko nna hinihingal bilang paliwanag sa pagdating ng huli at walang dalang kape.

"What?" bulalas niyang kunot ang noo na tila hindi naniniwala sa tinuran ko.

"I saw him fell down even before he got into the elevator. I don't know what happened,"

Naihilamos niya ang palad niya sa kaniyang mukha. Sandali pa ay tumunog ang kaniyang phone na agad niyang sinagot.

"Hello," bungad ni Max.

Sandali siyang natahimik at biglang dumilim ang kaniyang mga mata. Tila hindi maganda ang naging dahilan ng tawag na iyon. I watched him as he turn his back and stared outside the glass wall of his office that offers a stunning view of the city. I saw him smirked sarcastically as he listened intently with the person on the other line.

"He died," sambit niya saka tumawa ng mahina at pagak. Sandali siyang tumahimik at nakinig sa kausap. "Okay," sabi niya lang saka ibinaba ang phone niya.

Humarap siya sa akin saka ngumiti na tila wala lang ang lahat.

I know who just died. I know who's the person that they are reffering to, and I think, I know who's behind it. But I don't know why yet.

I looked at Max and examined his expression. It seems like Mr. Castalejo's death bothers him. There must be a reason for this. I have to know.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status