Share

Kabanata 8

Nanlaki ang mga mata ni Sammy sa tinuran ko. Hindi nga kaya niya alam o nag papanggap lang siya?

"What the fuck are you saying na may Red Bullet assassin sa loob ng imperyo ni Max?!" Pa sigaw niyang tanong.

I am not sure if she's just faking it but she sounds convincing. Tanginang trust issues to kay Sammy dahil siya ang pinakang magaling mag lihim sa aming tatlo ng pinsan niyang si Joaquin.

"Hindi mo ba talaga alam?" Sarakastiko kong tanong sa kaniya.

I am a spy of Zachi but this is a big deal! Ang kahit anong hakbang na wala sa plano ay palaging mag reresulta sa pagka bigo. And that was the last thing that I wanted, ang mabigo.

Umirap siya sa akin, saka umiling at tumalikod.

"Ewan ko sa iyo, Red. Kausapin mo iyang si Joaquin." Sambit niya saka nag tungo sa kusina sa hindi ko alam na dahilan.

Napa baling ako sa naka upong si Joaquin na tila sobrang abala sa kaniyang binabasang dyaryo.

I am having a bad feeling about this.

"You know what's happening, don't you?" Tanong ko sa kaniya na may pag aakusa.

Kung hindi niya alam ang nangyayari ay kagaya ng reaksyon niya ng malamang tumanggap ako ng deal sa Zachi ng hindi niya alam ay magagalit  ito. Ngayon na hindi siya kumikibo ay malamang na alam niya ang lahat.

Nag angat siya ng tingin sa akin saka ibinalik sa dyaryo.

"Sa tingin mo ba uupo lang ako kung hindi?" Pag kumpirma niya sa nasa isip ko.

Ginapangan ako ng inis sa kaniya. Alam kong siya ang Boss pero bakit nakikisawsaw siya sa misyon ko?!

"This is my business, Joaquin. Stay out of it. Sinisira mo ang plano na meron kami ng Zachi!" Sigaw ko sa kaniya sa inis.

Alam kong dapat niya akong turuan ng leksyon pero sana naman hintayin niya muna akong matapos ang misyong ito.

Marahas niyang ginasumot ang dyaryo saka tumayo at namulsa bago ako hinarap ng may blankong mukha.

"You're a spy from my organization, have you forgotten?" Sambit niya sa akin ng seryoso.

Hindi ako sumagot dahil tama siya. Ganon pa man ay hindi napatid ang tinginan naming dalawa.

"That fact alone makes your mission, my business." Litanya pa niya sa akin.

Napa buntong hininga ako saka nasuklay ang buhok ko patalikod. I hate it kapag may sumasawsaw sa ginagawa ko.

"Alright, but please let me succeed with this. Ito lang, then gawin mo na lahat ng gusto mong gawin sa akin." Paki usap ko sa kaniya.

Ngumiti si Joaquin sa akin saka tumango.

"That's what I'm doing. I'm helping you succeed." Turan niya ng naka ngiti.

Nakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?" Tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Mula sa isang ngiti ay naging isang blankong mukha ang expression niya.

"I told you, I will bring him down aswell. So dahil sa pakikipag ugnayan mo sa Zachi, naging kaugnay na din nila ang oraganisasyon. We joint forces. Ang buong Red Bullet ay kaakibat na ng Zachi sa misyong ito." Sambit niya saka tumalikod.

Nag lakad siya paalis matapos iyon at naiwan akong naka tayo sa sala ng bahay ni Sammy.

What did he just say? Ang buong Red Bullet organization ay kakampi na ng Zachi?

Hindi ko pa din maunawaan ang lahat.  Bakit? Paano?

I should be happy, pero dahil sa mga tanong na gumugulo sa isip ko, hindi ko magawa. Ano eksakto ang dahilan para i taya ni Joaquin ang buong organisasyon para sa isang misyong ako lang dapat ang involved?

Naguguluhan ako, at isang tao lang ang dapat kong kausapin para paliwanagin ang utak ko.

Sinundan ko siya sa labas at nakita ang pag alis ng sasakyan niya. Mabilis akong lumapit sa sasakyan ni Sammy saka nag maneho papuntang Zachi. Si Eric lang ang makaka sagot ng lahat ng ka pestehan na to.

Spy niya ako at alam ko dapat ang lahat ng detalye sa plano. Bakit ngayo'y tila hindi ako kasali sa misyong ito at ako mismo ang walang ka alam alam sa mga hakbang na ginagawa ng Zachi? Eric, ano bang plano mo?

"Miss Raimundo! Wow, what's with the sudden visit?" Bungad ni Eric sa akin nang pumasok ako sa opisina niya.

Napaka laki ng ngiti niya sa labi na animo'y ngiting tagumapay. Napa irap ako sa inis.

"What's with the sudden killing? Parte ba ako ng plano o hindi? Bakit may mga hakbang kang ginagawa na hindi ko nalalaman?" Tanong ko sa kaniya sa inis.

"Of course! You're my spy, so parte ka ng plano... Mr. Castalejo's death, hmmm. Maliit na bagay lang iyon. Huwag mong ka isipin." Sambit niya sa akin habang iginigiya ako paupo sa couch sa opisina niya.

"Exactly! Spy ako ng Zachi pero hindi ko alam ang hakbang na ginawa mong iyon!" May diin at gigil sa bawat salita ko para sana ipahalata sa kaniyang galit ako. Pero mukhang slow ang isang ito na hindi niya nahahalata o sadyang wala siyang pake alam kung galit ako.

"Spy ka, ako ang utak. Kailangan ko bang kumilos ayon sa iyo? Nakakalimutan mo bang ako pa din ang magsasabi kung anong hakbang ang dapat gawin?" Sarkastiko niyang sambit habang naka ngiti pa din.

Marahas kong nakagat ang ibabang labi ko at napa buntong hininga. Oo nga pala, spy lang ako. Bwisit!

"Edi ano eksakto ang dahilan ng pag patay kay Mr. Castalejo?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam ang dahilan niya.

Sumandal siya ay nag cross arms bago ako tinignan ng deretso at seryoso.

"Sabi mo isa siyang company owner na gustong isalba ang kumpanya niya sa paglubog kaya't gusto niyang ibenta sa Jaranilla Group ang kalahati ng shares niya sa kumpanya niya. Kapag nangyari iyon, Mas lalakas ang Jaranilla Group which is also a partial owner of the FDA, owning a share of 6%. You see, malaking tulong ka, dahil kung wala ang mga impormasyong iyan, hindi natin mabubura ang pangalan ni Mr. Castalejo sa mundong ibabaw." Paliwanag niya sa akin.

Oh yeah, now I get it. Hindi ko  talaga maikaka ilang mahina ang ulo ko sa mga ganitong bagay. Ang alam ko lang ay mag trabaho ng maayos. Bakit nga ba kasi hindi ako ipinanganak na matalino?

Tama ang sinabi niya. Hindi ko iyon naisip dahil naka tuon ako sa mga share holders at board members. If Mr. Castalejo succeed selling half of his shares in Jaranilla Group, mas lalakas ito at ganoon din ang FDA. That's the circular system.

Wala akong masabi tungkol sa paliwanag niya kaya't nag tanong na lang akong muli.

"What about the sudden colaboration with the entire Oraganization?" Sambit ko.

Bumalik ang masayahin niyang ngiti sa akin bago sumagot.

"Actually, hindi ako. Mr. Lozada is the one who made the offer of using all forces from Red Bullet organization. Sabi niya, we share one goal so we better work for it together. And that—for me—was a good proposal so I agreed." Sambit niya pa.

Iyon ang detalyeng ikinagulat ko. I know that Joaquin doesn't like Max for what he did to me before. Kahit na hindi pa sila nag kaka harap ni Joaquin at hindi kilala ni Max si Joaquin ay malinaw pa din na hindi niya gusto ito.

Joaquin doesn't like Max, yes. But what is his reason for doing this? Kagaya ng sinabi ko, hindi pa sila naglaka kilala ng harapan. Kilala lang siya ni Joaquin dahil sa isa siyang malaking tao sa underground society.

"Nasabi ba niya sa iyo kung bakit?" Tanong ko sa kaniya sa pag babaka sakaling may makuha ako.

Eric shrugged and said:

"He said Max had stolen something very precious from him." Sagot niya.

Max stole something from Joaquin? Hindi ko maintindihan. Paanong may kinuha sa kaniya si Max gayong hindi sila personal na magka kilala?

Tumayo na lang ako saka nag paalam kay Eric. Nasagot na ang mga tanong ko na dapat niyang sagutin. Kailangan ko na lang alamin kung anong dahilan ni Joaquin para makisali sa bagay na ito. Kailangan kong alamin.

***

"Cardiac Arrest."

Utas ni Max sa sarili niya habang naka upo sa sofa, kaharap ng kapatid niyang si Leo.

"I've seen the autopsy report and has checked all the details. Totoong cardiac arrest ang cause of death. I think we both have the same conclusion, bro." Sambit ng kapatid ni  Max habang inilalapag ko ang dalawang tasa ng kape sa harapan nilang dalawa.

Napansin ko ang tingin ni Leo sa akin. Minamasdan niya ako at hindi ako kumportable.

"Of course. Amphetamine drug was popular and is frequently used. I just wonder who is the fearless one." Sagot ni Max na agad na sumimsim sa kaniyang kape.

"Yeah, I am having the same question in mind." Turan ni Leo habang minamasdan pa din ako.

Hindi ko sinalubong ang tingin niya at nag kunwaring abala ako sa ginagawa ko. There's no way he's suspecting me right? Alam kong hindi biro ang pangalang Fontanilla pero alam kong hindi ganoon ka careless ang Zachi at si Joaquin.

"If you're interested you can have her bro, just think about if she's worth losing your woman before giving it a go." Sabi ni Max bago muling ipinatong ang tasa ng kape pabalik sa lamesa.

Natigilan ako sa tinuran niya. So Leo's interested in me? It doesn't make sense! Ang alam ko ay baliw siya sa fiancee niyang si Sheii o Xena na kinababaliwan din naman ni Maximus.

Napa tingin ako kay Max dahil sa tinuran niya. Seryoso lamang siyang naka tingin sa mga kamay niyang magka salikop sa may ibabaw ng hita niya bago mag angat ng tingin sa akin at kay Leo.

"I'm not a prostitute, Sir. Wala kang karapatang ibugaw ako." Kalmado pero inis kong sambit kay Max.

Mas lalong gumapang ang inis ko nang tumawa siya kaya't napa titig ako sa kaniya.

Sa puntong ito ay nag salita si Leo.

"You know more than anyone that I am only interested with Xena. Mukhang may nabubuong tensyon. I don't want to witness this. Aalis na ako dahil hindi maayos ang lagay ni kumander." Utas ni Leo saka tumayo ng natatawa dahil sa naging takbo ng kanilang usapan.

Kanina pa naman silang nag uusap kaya't marahil ay tapos na sila sa mga dapat nilang pag usapan.

Ngumisi si Leo nang ialis niya ang tingin niya sa kapatid saka lumabas ng opisina ni Max.

Ibinalik ko ang tingin ko sa magaling na si Maximus at ang sumunod niyang sinabi ang mas lalong nag pa siklab ng galit sa akin.

"It's not like you're against the idea, are you? You were desperate to be my woman before. Why not try my brother? He's more considerate than me. You just have to deal with Xena." Wika niya ng walang emosyon.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa inis sa kaniya. I hate it when he's being like this. I can take all nasty comments and descriptions from others pero kapag si Max na ang nambabastos sa akin ay tila sobrang naapektuhan ako.

"Spending a single night with you doesn't give you the right to treat me like this, Max. Sorry about that night. I regret it. But please consider that I loved you that time so I gave you myself without a second thought. Believe me, sobrang pinag sisihan ko ang gabing iyon at ang araw na nakilala kita." I did not even realize that I was already crying.

It's becauae of the irritation. The regret. The pain and the insult from him. I can't seem to take it. Hindi ko kaya.

Nag salubong ang mga mata naming dalawa. Sa puntong ito ay isang mapait na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. I have learned how to handle my emotions but right now, I find it real hard to do.

"I'm sorry. I'm sorry for being weak that time. I'm sorry for spreading my legs willingly and being just another bitch to you. Sorry... For loving you despite all the disgusting things that you have. I regret it, I swear." Dagdag ko pa saka tumalikod at umalis sa harapan niya ng hindi pinapahid ang luha ko.

I hate it! I really hate it! I am stronger now! I am better now! Pero isang insulto lang mula kay Max, gumuguho na naman ako. Nawawasak na naman ako.

Isinara ko ang pintuan sa likuran ko at napa sandal na lang doon saka hinayaang bumagsak ang mga luha ko.

It really is painful. All i ever did was to love him kahit na alam kong hindi kami pareho ng nararamdaman, pero ano bang nagawa ko sa kaniyang mali para sobra niya akong apakan?

Hindi ko matanggap na ako, na pinatibay ng lahat ng pinag daanan ko ay dinudurog lang ni Max ng walang ka hirap hirap.

"I apologize in behalf of my brother..."

Naantala ako sa pag iyak nang mag salita ang isang lalaki.

Napa lingon ako sa gawing kanan ko at nakitang nandoon naka tayo si Leo at naka sandal sa pader habang nakapamulsa. Tumingin din siya sa akin na hindi maikakailang nagulat dahil sa presensya niya.

"There must be a reason for him to behave like that." Saad niya sa akin saka ngumiti.

Napa titig lang ako sa kaniya dahil sa naiisip kong pinanood niya akong umiyak ng parang tanga dito.

Oh my gosh, was he watching me cry as he stand there all along?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status