Share

Kabanata II

Lucky's POV

"Kapag nakita ko lang talaga ang Roy na 'yan, mata lang ang walang latay sa kanya." Sabi ni Kuya Leo habang kumakain kami sa canteen ng hospital.

Inayos ko ang pagkakalugay ng buhok at ang shades na suot ko. Medyo may nakakahalata na kasi kung sino ako.

"Sinabi mo pa, tutulong ako sa paghahanap sa lalaking iyon at tuturuan natin ng leksyon ang gagong iyon." Dagdag pa ni Kuya Paul dahilan para mapailing ako.

"Sali din ako Kuya." Sabat naman ng kapatid kong si Harold na kanina pa nakikinig sa usapan naming magpipinsan.

Pinitik ko naman ang ilong niya, "Hindi pwede dahil bata ka pa. 'Wag kang tutulad sa mga pinsan mong basagulero." Paalala ko sa kapatid ko.

Sa pamilya nila Tatay, mas lamang ang bilang ng mga lalaki sa babae. Kakaunti lang ang mga babaeng de Legazpi kaya naman na overpower kami ng pagka-macho ng mga pinsan ko.

"Anong gusto mong gawin namin?" Tanong ni Kuya Leo sa akin. "Kausapin namin siya? Mukhang hindi naman magsasalita ang gagong iyon."

Napailing na lang ako at nilabas ang suicide note ni Tita Amanda. "Nagtataka lang ako dahil hindi lang si Tito Roy ang problema niya, may sinasabi din siyang sumpa dito. Anong sumpa ba ang sinasabi niya?" Tanong ko sa kanila pero natahimik ang bibig ni Kuya Leo at Kuya Paul.

"Pakiramdam ko takot na takot siya sa sinadabi niyang sumpa." Dagdag ko pa.

Binaba ni Kuya Theo ang hawak niyang dyaryo sa mesa. Tumingin siya sa akin, "Hindi mo alam ang tungkol sa sumpa?" Tanong nito at umiling naman ako dahil sa taka at gulat.

Palaging sumasama si Kuya Theo sa lakad naming magpipinsan pero hindi siya nagsasalita. Binabantayan niya lang kami palibhasa siya ang pinakamatanda sa amin. Kaya naman talagang nakakagulat kapag nagsasalita na siya.

"Naalala kong kinuwento noon ni Lolo na sinumpa ang pamilya natin. Walang babaeng de Legazpi ang makakahanap ng kahati ng kanilang puso." Sagot nito na kinagulo ng utak ko.

"Kahati ng puso?"

"Destiny." Paglilinaw naman ni Kuya Paul.

"Lahat? As in lahat ng babae?" Naguguluhang tanong ko habang iniisip kung totoo nga ang sumpang sinasabi nila.

Sabay sabay silang tumango.

Napataas ang kilay ko dahil sa sagot nila. Oo, maraming kalokohan ang mga pinsan ko pero paniguradong hindi sila magbibiro sa ganitong sitwasyon.

"Natatakot siyang hindi maikasal at makabuo ng pamilya dahil sa isang sumpa. Kaya inisip niyang patayin ang sarili niya." Pagpapaliwanag ni Kuya Leo.

"Pero si Tita Heidi."

"Nakalimutan mo na bang inampon lamang siya ng pamilya." Sagot ni Kuya Leo sa akin.

"Kalokohan." Tanging nasabi ko. "Hindi totoo ang mga sumpang iyan."

"Huwag kang masasalita ng ganyan." Babala sa akin ni Kuya Theo. Nakaramdam ako ng takot dahil sa tono ng boses niya. "Hindi mo ba alam na isa ka sa magiging biktima ng sumpa?"

"Theodore!" Saway ng dalawa.

"Huwag mo ngang takutin si Lucky." Sunod na sabi ni Kuya Leo.

"Hindi ko siya tinatakot. Nagsasabi lang ako ng totoo." Sagot nito tapos binalik ang tingin sa akin. "Isa pa, mukhang hindi naman siya natatakot. Tinawag pa nga niyang kalokohan ang sumpa."

"A-ako." Tanging nasabi ko at hinawakan ang d****b ko. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Lucky, huwag kang mag-alala hindi totoo ang balitang iyon. Siguro nasaktan lang si Tita Amanda kaya naman nagawa niyang mag-suicide." Pagpapakalma ni Kuya Leo sa akin.

"Hindi totoo? Paano mo maipapaliwanag ang nangyari kay Lola Juana?" Tanong nito sa amin. "Tumandang dalaga ito dahil sa paghihintay sa lalaking nangako sa kanya."

"Madami na kasing gagong lalaki kahit panahon pa ni Kupong Kupong." Paliwanag naman ni Kuya Paul.

"Si Lola Felicidad? Bakit niya piniling mag-madre?" Sunod na tanong ni Kuya Theo sa akin.

Napailing naman si Kuya Leo, "Siguro gusto niyang magsilbi sa Diyos." Sagot nito.

"O dahil natatakot siya sa kayang gawin ng sumpa?" Tanong sa amin ni Kuya Theo. "Kung gusto niyo, i-trace natin ang bawat henerasyon na nagdaan upang patunayan kong hindi co-incidence ang lahat."

"Tumahimik ka na nga lang Kuya Theo." Sabi ni Kuya Paul na halatang inis na inis na sa pinagsasabi ng pinsan namin.

Hinila na ako patayo ni Kuya Leo, "Tara na Lucky, huwag kang makinig sa pinagsasabi ng nerd na iyan." Sabi lang nito at hinila na ako papalayo sa pwesto namin.

Si Kuya Paul naman ang may hawak kay Harold at iniwan naming mag-isa si Kuya Theo sa canteen.

Kanina hindi ako naniniwala pero mukhang napakahirap paniwalang nagkataon lang ang lahat.

"Lucky muling pinarangalan bilang isa sa mga pinakamagandang babae sa buong Asya, alamin ang kwento sa aming pagbabalik."

Nanlaki ang mata ko nang mamatay ang TV at nakita ko si Mommy na hawak hawak ang remote. Nandito pa din ako sa hospital at nagbabantay kay Tita Amanda.

"Ano itong balitang naririnig ko?" Tanong niya sa akin. "May tinanggihan ka na namang projects? Ano bang pumapasok sa isip mo?"

"Yes. Tinanggihan ko ang isang offer na endorsement at isang movie dahil gusto ko munang magpahinga." Paliwanag ko sa kanya.

"Pahinga?" Natatawang tanong niya sa akin. "Alam mo ba ang nangyayari sa mga artista matapos nilang magpahinga sa show business? Hindi na sila nakakabalik, nalalaos sila."

"Mommy sa bahay na lang natin pag-usapan ito. Nandito si Tita Amanda, ayokong mag-away tayo sa harap niya." Sagot ko kay Mommy.

"So?" Tanong nito sa akin. "Comatose ang Tita Amanda mo, walang ibang makakakita at makakarinig sa atin. Ngayon, kuhanin mo ang cellphone mo at bawiin mo ang pagtanggi mo sa mga offers na iyon."

"No." Matigas kong sagot sa kanya. "Hindi ko babawiin ang desisyon ko."

"Paano kung hindi ka na nila ulit kunin?"

"Kawalan nila iyon." Sagot ko sa kanya.

"Akala mo magaling ka na? Akala mo alam mo na ang pasikot sikot sa industriyang ito?" Sunod sunod nitong tanong sa akin. "Paano kung malaman ng paparazzi ang ginawa mo? Paano kung may maisulat na naman silang masama tungkol sa iyo? Kaya mo bang i-handle ang sitwasyon? Ang hirap sayo Lucky palagi kang padalos dalos!"

"Lucky, hindi mo naiintindihan ang maaaring maging resulta ng pagiging padalos dalos mo." Dagdag ko pa sa kanya.

"Mommy, hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko." Sagot ko naman sa kanya. "Pagod na pagod na ako. Simula bata pa lang ay nagtatrabaho na ako, hindi ba pwedeng sarili ko naman ang intindihin ko? Two months, iyon lang ang panahong kailangan ko para sa sarili ko."

Pinikit niya ang kanyang mata at pilit na pinapakalma ang sarili niya. "Ano naman ang plano mong gawin sa pahinga mo?" Sunod niyang tanong sa akin.

"Noong una, plano kong magpakalayo layo sa loob ng dalawang buwan. Wala akong pakialam kung saan man ako dalhin ng kapalaran ko, ang mahalaga sa akin ay malayo ako sa camera." Sagot ko sa kanya. "Pero ngayon gusto kong magbantay kay Tita Amanda."

Hinilamos ni Mommy ang kamay niya sa kanyang mukha. "Magbabantay ka lang sa Tita mo?" Tanong nito sa akin.

"Lucky, kayang kaya mong gawin iyan kahit pa nagtatrabaho ka."

"Gusto kong malaman kung paano makakatakas sa sumpa." Sunod kong sabi sa kanya. "Para sa akin at kay Tita Amanda."

"Come again?" Tanong ni Mommy na para bang nabingi dahil sa sinabi ko.

"Gusto kong malaman kung totoo ba ang sumpa sa angkan ng mga de Legazpi." Pag-uulit ko sa kanya.

"Are you out of your mind?" Tanong nito sa akin. Kung kanina nakakapagtimpi pa siya, ngayon unti unti ng lumalabas ang galit niya. "Kanino mo nalaman ang kwentong iyan? Sa mga pinsan mo? Lucky naman, matanda ka na, huwag mong sabihing nagpapaniwala ka pa sa kalokohan ng mga pinsan mo."

"Mom, bakasyon ko ito." Sagot ko sa kanya. "Ako ang magdedesisyon kung anong gagawin ko.

Napailing na lang siya, "Two months Lucky. Two months, siguraduhin mong walang makakaalam ng iniisip mo. Hindi lang career mo ang masisira dahil sa kalokohang binabalak mo, damay din ang akin." Tanging sabi niya bago ako iniwan sa kwarto ni Tita Amanda.

Lumapit ako sa higaan ni Tita Amanda at hinawakan ang kamay niya. "Don't worry Tita Amanda, gagawin ko ang lahat para malaman kung totoo ba ang sumpa sa pamilya natin." Paninigurado ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status