Lucky's POV
"Totoo ba ang balitang mamahinga ka sa show business?" Tanong ng reporter sa akin.
Nandito ako ngayon sa premiere night ng movie ni Rita, isa sa mga alaga ni Ms. Martha. Obligado akong pumunta dahil na din sa utos ng manager ko at isa ito sa mga kondisyon niya bago ako mag-bakasyon.
Ayoko sanang magpa-interview dahil ayokong maagaw ang atensyon kay Rita. Gabi niya ito, dapat nasa kanya ang atensyon ng mga tao.
Ngunit wala na akong magawa, na-corner na ako ng mga reporter.
"Gaano ka katagal magpapahinga?"
"Saan mo binabalak na magbakasyon?"
"Hey guys!" Bati ng lalaking sumulpot sa likuran ko at umakbay sa akin.
Natigil lang ang sunod sunod na tanong ng mga reporter nang sumulpot si Kian, ang ka-love team ko. Matagal na akong napipikon sa lalaking ito, masyadong mayabang at ayaw niyang nakukuha ko ang atensyon ng mga tao.
I don't know but I think he sees me like a threat in his career.
Yes, we're sweet when in public pero kapag kaming dalawa na lang ang magkasama, hindi kami nag-uusap or tinginan man lang.
Nang nabaling na sa kanya ang atensyon ng mga tao, pa-simple akong umalis para makapasok na sa sinehan.
"Lucky!" Masiglang bati ni Rita at niyakap ako. Sa lahat ng mga alaga ni Ms. Martha, siya ang pinakaclose ko.
Why?
Maybe because she's a real person. Kung anong pinapakita niya sa camera, iyon din siya sa totoong buhay. At isa pa, she doesn't see me as a threat or may competition sa aming dalawa.
"Buti naman nakapunta ka." Dagdag pa nito bago humiwalay ng yakap. "Magiging maganda ang kita namin lalo na't alam ng mga taong nanuod ka ng movie."
"Hey! I told you believe in yourself. Kikita itong movie mo but not because of me. Kikita ito dahil you're a good actress and maganda ang flow ng story." Sagot ko sa kanya.
Ngumiti naman siya na para bang nag-aalinlangan at dinala ako sa assigned seats ko. "Enjoy the movie and tell me kung may kailangan pa akong improve sa acting ko ahh. Alam mo namang sa iyo lang ako naniniwala." Sabi nito bago ako iniwan.
"Wait. What?" Tanong ko kay Ms. Martha habang nasa restaurant kaming dalawa. Kakatapod lang ng movie at napagdesisyunan naming kumain muna bago bisitahin si Tita Amanda.
"Si Agatha na ang magiging bagong ka-love team ni Kian." Natatarantang sagot nito sa akin. "Lucky, hindi ka pa nga nagbabakasyon, iniisa isa ng sulutin ni Agatha ang mga projects at tao mo."
"So?" Simpleng tanong ko sa kanya. Ang totoo, hindi naman ako bothered na iiniwan na ako ni Kian. Mas maganda nga 'yun, hindi na ako obligadong maging sweet sa lalaking iyon.
"I think mas maganda kung i-postpone mo muna ang vacation mo. Mayroong bagong offer sa'yo, historical drama. Hindi ba gusto mong ma-challenge sa susunod mong role? Nabasa ko na ang script, maganda ang pagkakasulat pati na flow ng story. Isa pa, kakaunti lang ang historical drama sa bansa natin, paniguradong mas pag-uusapan ka kesa sa dalawa."
"No." Mabilis kong sagot sa kanya at binaba ang hawak kong tinidor bago sinalubong ang tingin niya.
"Pero paano kung pagbalik mo, naagaw na sa'yo ni Agatha ang title mo?" Tanong nito sa akin. "Alam mo namang naghihintay lang iyon ng magandang pagkakataon."
"Hindi mangyayari iyon."
"Paano ka naman nakakasigurado?" Tanong nito sa akin.
"Ngayong si Kian na ang magiging partner niya, I'm sure maghihilaan lang sila pababa. Parehas silang gahaman sa kasikatan kaya naman, hindi sila papayag na maungusan nila ang bawat isa." Sagot ko sa kanya.
"Pero alam mo namang may common goal sila, iyon ay ang mapabagsak ka." Sagot nito sa akin. "Paano kung unahin ka nilang pabagsakin tapos saka sila mag-uunahan sa kasikatan."
Hinawakan ko ang kamay niya, "Don't you trust me?" Tanong ko sa kanya.
"I trust you."
"Good. Hindi nila ako mauungusan sa loob ng two months, kaya wag ka ng mag-alala." Sagot ko at unti unting nawala ang aalinlangan ng manager ko. "At kung para sa akin talaga ang project na iyon, I think they'll have to wait until I come back."
Ang totoo, handa naman ako kung may ilabas mang balita ang kabilang kampo tungkol sa akin. Si Yanna na ang bahala doon.
Tahimik ang buong bahay nang makauwi ako, tulog na siguro ang mga tao dahil malalim na ang gabi. Bumalik ako sa bahay para magpahinga dahil bukas na magsisimula ang bakasyon ko.
Si Kuya Leo ang naging kapalit ko sa pagbabantay kay Tita Amanda.
Naupo na lang ako sa sofa, hindi pa ako inaatok dahil hindi maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Kuya Theo. Possible kayang nagkataon lang ang lahat? O talagang may sumpang nakakabit sa pamilya namin?
Agad akong tumayo at pumunta papuntang library ni Tatay. Sana nandito ang sagot sa mga katanungan ko.
Kilala na ang pamilyang de Legazpi mula pa panahon ng mga Español. Naalala ko na isa sa mga kwento ni Tatay sa akin noong bata ako na may ninuno kaming naging gobernadorcillo. Isa sa mga mataas na katungkulan noong unang panahon. Malawak din ang lupain na pag-aari ng mga de Legazpi na minana ng ama ko sa ninuno niya.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong library, hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap. Mali, hindi ko alam kung ano ba talaga ang hinahanap ko.
Puno ng mga novel at business books ang library ni Tatay. Hands on kasi siya sa business ng pamilya pero kahit na ganun ay hindi niya kami kinakalimutan ni Harold. Ang mga novel naman na nandito ay puro first edition classic literature, minana pa namin sa mga naunang henerasyon ng de Legazpi.
"Wala man lang bang diary na natatago dito o family biography man lang?" Tanong ko sa sarili ko.
Halos mapatalon ako nang may kumalabog mula sa likuran ko. Hinahanap ko ang bagay na bumagsak pero wala akong nakita. Ngunit napako ang tingin ko sa isang maliit na cabinet sa sulok ng library.
Dahan dahan akong lumapit papunta dito at nanlaki ang mata ko nang makita ang laman nito. Tinutulungan ba ako ng mga ninuno kong mahanap ang mga sagot sa tanong ko.
Umupo ako sa sahig at isa isang nilabas ang mga gamit na nasa loob nito. Punong puno ng alikabok ang cabinet kaya hindi ko mapigilan ang mapabahing.
Inisa isa ko ang mga photo album na nandoon. Ang kabataan ni Lolo Hernando, ang lolo ni Tatay, kasama ang kapatid nitong si Lola Juana at iba pang mga kababata nila.
Kilala ko ang itsura ni Lolo Hernando at Lola Juana dahil nakita ko ang portrait nilang magkapatid sa ancestral house.
Mula pagkabata ay detalyado ang kanilang paglaki sa pamamagitan ng mga litrato. Masasabi mong may kaya ang pamilya namin noon palang dahil kaya nilang kumuha ng madaming litrato.
Sa huling page ng photo album ay may isang papel na nakaipit dito. Dahan dahan ko iyong kinuha, maaaring agad itong masira dahil na rin sa tanda ng papel.
"Mahal kong Eduardo."
Unang basa ko pa lang sa header ay nanlaki na ang mata ko. Nilapit ko pa sa mukha ko ang papel dahil sa takot na mali ang nababasa ko. Ngunit kahit anong lapit o layo ng papel sa mukha ko ay parehas pa din ang nababasa ko.
Siguro hindi nga ako namamalik mata.
Mahal kong Eduardo,
Sanay maintindihan mo ang aking dahilan sa oras na matapos mong basahin ang aking liham. Hindi kailanman mahahanap ng babae sa bawat henerasyon ng mga de Legazpi ang kahati ng kanilang puso. Iyon ang sumpang bumabalot sa aking pamilya. Una'y hindi ako naniniwala sa sumpa dahil nahanap kita, ang nawawalang kahati ng aking puso. Ngunitiunti unting nagbabago ang pananaw ko, totoo ang sumpa. Madaming humahadlang sa ating dalawa at kahit na anong gawin natin ay may dadating na problema upang hindi matuloy ang pagmamahalan natin.
Huwag mo ng subukang putulin ang sumpa dahil tanging ang tinakda lamang ang makakaputol nito. Kaya naman pinapalaya na kita, malaya ka na muling magmahal.
Ngunit ito ang tandaan mo, pinili kong maging madre upang malaman mong wala akong ibang lalaking mamahaln kundi ang Diyos at ikaw.
Nagmamahal,
Felicilda
Felicilda!
Iyon ang dahilan kung bakit siya nag-madre.
Twenty one years old pa lang ako at hindi ko pa nararanasan ang magmahal pero matapos kong mabasa ang sulat ni Lola Felicilda ay naramdaman ko ang sakit. Sakit na kasalukuyang nararamdaman ni Tita Amanda.
Gusto ko kong malaman kung sino ba ang h*******k na nag-sumpa sa angkan namin. Madami daming buhay ang nasira niya dahil sa sumpang binigay niya.
Maliban sa mga litrato ng mga angkan namin ay wala na akong iba pang nakita mula sa cabinet. Kaya naman muli kong binalik ang laman nito upang hindi mapagalitan ni Tatay.
Naglakad lakad ako papuntang table ni Tatay. Napangiti ako nang makita ang family picture namin at isang picture na magkasama kami ni Harold. Mayroon ding picture ni Tatay kasama ang kapatid niyang si Tito Simoun at Tita Amanda.
Umupo ako sa swivel chair niya at pinaglaruan ang mga lapis na nasa mesa niya. "Shoot!" Tanging sabi ko nang mahulog ang isa sa mga lapis na pinaglalaruan ko.
Agad akong sumuot sa ilalim ng mesa upang kuhanin ang lapis. Aabutin ko na sana ang lapis nang makuha ang pansin ko ng isang papel.
Maria
Isabella
Consuelo
Paz
Trinidad
Constancia
Ramona
Rosa
Felicilda
Juana
Amanda
Lucky
"Anong mayroon sa mga pangalang ito?"
Lucky's POVHindi maalis ang tingin ko sa papel na hawak ko.Sila kaya ang mga babaeng nabiktima ng sumpa sa pamilya namin? Kasama ang pangalan ko! Hindi ko alam kung totoo ba ang sumpa dahil hindi ko pa nararanasang magmahal.Mabilis kong kinuha ang phone ko, "Hello." Sabi ko ng sagutin niya ang tawag."I swear to god Lucky kung hindi ito emergency makakatikim ka ng sermon sa akin." Bungad ni Gio sa akin, ang nag-iisa kong bestfriend."Sorry kung nagising kita.""Really? Are you?" Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa naging sagot niya sa akin. Kilala talaga ako ng lalaking ito. "Ano bang kailangan mo ngayong dis oras ng gabi?""Gio, pwede mo ba akong samahan sa sementeryo?""Sementeryo? Lucky, ano namang gagawin mo doon?" Gulat na tanong nito sa akin. Pakiramdam ko nawala pa ang antok sa boses ni
Lucky's POV"Ayoko."Sigaw ko at pilit na hinahawakan ang kamay niya. Ayokong bumitaw, ayoko siyang iwan dito. Hindi ko alam kung paano itutuloy ang buhay nang wala siya sa tabi ko. "Sabihin mong ayaw mo akong mawala sa tabi mo. Ikaw ang pipiliin ko.""Lucky." Sabi niya at binitawan ang kamay ko. Hinaplos niya ang pisngi ko dahilan para mapapikit ako at namnamin ang huling pagkakataong mahahawakan niya ang mukha ko. "Gustuhin ko mang manatili ka sa tabi ko, bumuo ng pamilya kasama ka ngunit hindi ito ang tamang panahon.""Paano mo naman nasabi?" Inis na tanong ko sa kanya. "Hindi ka naman manghuhula ahh. Nakausap mo ba si Papa Jesus? Hindi naman di ba? Kung sinabi man niyang oo, pwede naman natin siyang kausapin. Mabait 'yun, promise!""May mga taong naghihintay sa pagbabalik mo. Maraming masasaktan kung mas pipiliin mong manatili sa panahong ito."Tinanggal ko ang k
Lucky's POVBinabantayan ko ang lalaking naaksidente dahil sa pagiging paranoid ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung napatay ko ang lalaking ito.Teka! Nasa langit na ako, paano ko magagawang makapatay? Baka nakatulog lang siya sa ginawa ko.Hindi ko mapigilang mapapikit. Baka ipatapon na ako sa baba dahil sa kakagawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mapupunta ako sa impyerno.Mabuti nalang at sugat lang ang natamo niya.Muli akong napadasal dahil sa takot, "Lord, mabait ka naman di ba? Hindi mo naman ako basta bastang ipapatapon sa baba di ba? Sorry na! Hindi na mauulit, promise!" Bulong ko habang nakatingin sa langit.Agad ko nilinis ang sugat gamit ang tubig mula sa anyong tubig na katabi namin at tinalian ang sugat niya para hindi na muling magdugo. Pasalamat na din ako dahil tinuruan ako noon ng kasambahay namin kung paano gum
Lucky's POV"S-salamat." Tanging nasabi ko habang buhat buhat niya ako. As usual, hindi na naman niya ako pinansin, nakatuon lang ang attention niya sa nilalakaran. Mabuti na iyon, mamaya kapag binuka na naman niya ang bibig niya, mauwi na naman kami sa away."Señorito Magnus, saan ka ba naglagi?" Tanong ng isang babaeng sumalubong sa amin. "Kanina ka pa hinahanap ng iyong ama."Hindi rin pinansin ng lalaki este ni Magnus ang babae. Ugali niya ba talagang mag-snob ng babae, gwapo ahh! "Nakipagkita ka na naman ba kay Juana? Tiyak na magagalit iyon kapag nalamang sinuway mo ang utos niya." Sabi nito na napapadyak pa sa sobrang stress."Hindi magagalit si ama sa akin."
Lucky's POVHindi ko mapigilang mapaubo dahil sa pagpapausok nila sa akin. "O masamang espiritu, lubayan mo ang katawan ng babaeng ito." Sabi ng mananambal na dumating.Oo, mali ang dinig ko. Hindi manananggal ang tinawag nila, kundi mananambal. Kaya naman ngayon hawak hawak ako ng dalawang babae para hindi ako makatakas sa pag-orasyon sa akin.Tuloy tuloy lang ang pag-ubo ko at kita ko ang pag-aalala sa mukha ng pamilya ni Lucia lalo na ng babaeng feeling ko nanay niya. "Mang Tasyo, bakit hindi tumitigil sa pag-ubo ang anak ko?" Tanong nito."Nilalabas niya ang mga masasamang espiritung bumabalot sa kanya." Sabi nito na nagpa-init ng ulo ko. Kung magpalit kaya namin ng pwesto at siya ang pausukan ko, tignan ko lang kung hindi siya ubuhin.Nakaupo si Magnus sa tabi ng tatay ni Lucia at pinapanuod ang pagpapahirap sa akin. For sure, tuwang tuwa siyang nahihirapan ako ngayon.
Lucia's POVPaano ko ba ma-contact itong si Lucia?Alam kong konektado siya sa sumpa. Hindi naman siguro ako ipapadala sa panahong ito na walang dahilan.Buong gabi kong kinakausap ang sarili ko baka sakaling magsalita itong si Lucia pero nagmukha lang akong tanga. "Hoy babaeng talandi. Alam kong nandito ka lang sa loob ng katawan na ito, kaya naman lumabas ka na at kausapin mo ako." Sabi ko sa harap ng salamin.Naghintay akong ilang segundo pero wala akong narinig mula sa kanya."Sasaktan ko itong katawan mo?" Panghahamon ko pero wala akong narinig mukha sa kanya.Kaya naman kinuha ang isang suklay at sinaksak ang sikmura ko. Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig, bukod sa sobrang sakit ay muntikan na akong masuka sa kalokohan ko.Sandali akong natigilan nang may kumatok sa kwarto. "Señorita Lucia, ma
"Señorita, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Perlita nang makita akong nakadungaw sa bintana sa kalaliman ng gabi.Hindi ko siya pinansin. Feeling ko ang habang oras sa panahong ito, bawat segundo parang oras ang katumbas. Ganun yata kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo or sa case ko napuntahan kong panahon.Lucia. Lucia. Lucia. Bakit mo naman kasi sinumpa ang angkan mo? Para sa lalaking hindi ka mahal. Dagukan nalang kaya kita baka sakaling matauhan ka.Paksht ka! Ang dami mong sinirang buhay dahil sa pagiging bitter mo. Bwisit ka."Perlita." Sabi ko nang tumabi siya sa akin. "Anong klaseng babae ako noon?"Ngumiti si Perlita. "Masunurin kang anak, mapagmahal at malambing kaya naman paborito kang anak ni Señor at Señora. Sinubukan mong magsanay kung paano maging isang maybahay ngunit nahirapan ka dahil hindi ka naman sanay sa gawaing bahay.
"Señorita, gumising na po kayo." Pangbubulabog ni Perlita sa mahimbing kong tulog. Kinuha ko ang unan at tinakip sa ulo para hindi marinig ang boses niya. Sandaling nagkaroon ng katahimikan pero ilang minuto ang lumipas ay niyugyog niya ako. "Señorita, kailangan mo na bumangon dahil magsisimba pa kayo ni Señora Rosario.”“Siya na lang. Antok na antok pa ako.” Sagot ko habang inaalis ang kamay niya sa braso ko. “I need my beauty sleep.”“Paumanhin Señorita ngunit hindi ko maintindihan ang iyong tinuran.” Rinig kong sabi ni Perlita kaya naman bumangon na lang ako dahil wala ako sa mood mag-explain.Hindi ko napigilang taasan ng kilay si Perlita nang bumangon ako. Mayroong tipid na ngiti sa kanyang mga labi na para bang masaya siyang hindi nahirapan sa paggising sa akin. Wala akong nagawa, pumunta lumabas na ako ng kwarto para pumuntang banyo at mal